Make it worth “AHH!” napasigaw na lamang si Collen nang maramdaman ng kanyang katawan ang malambot na higaan matapos niyang ibinagsak ang sarili sa kama. It’s been a tough but fun day to her. Parang ayaw pa niyang umuwi bukas pero naghihintay na ang trabaho sa kanilang dalawa ni Jayce. “Ayaw ko pa umuwi…” she groaned. “Nope. We have to go home tomorrow. Kung puwede nga ngayon na rin, e,” ang sabi naman ni Jayce habang may kinakalikot sa kanyang cellphone na mukhang tungkol sa trabaho. Ramdam na ramdam ni Collen ang pagiging workaholic ni Jayce. Sino’ng mag-aakala na ang isang gaya niyang walang ibang gustong gawin kundi ang maglaro ng basketball ay magpapakasubsob na sa trabaho ngayon. At first, Collen found it hard to believe that he’s taken over his family’s business and left hi

