Motherly NAPABALIKWAS ng bangon kaagad si Ace nang masilaw siya sa matirik na araw na sumilip sa kanyang kurtina. He forgot the last time someone did that for him because he always prefers his room dark. Ito rin ang dahilan bakit madalas ay tanghali na siya nagigising. Nang kinusot niya ang kanyang mga mata ay naaninag niya ang imahe ni Collen doon na nagbubukas ng kurtina niya. And because they are in the north, the sun here is brighter. “Breakfast na,” bungad ni Collen nang maramdaman niyang bumangon na si Ace. “I don’t usually eat breakfast,” humiga naman ulit si Ace at nagtalukbong ng kumot. Pipikit na sana si Ace nang biglang nagpatugtog si Collen sa speaker nang pagkalakas-lakas. Ang masaklap pa ay KPOP ang pinatugtog nito, bagay na ayaw na ayaw niyang naririnig. “Stop it!

