"Its okay... I love you"
Nag bigay ako ng reaksyon na ibig iparating ay 'ano?' pero umiling lang sya at tumabi na sya kay lolo lance
Pumasok kaming dalawa ni Lola Emma sa loob at sinusundan ko lang si lola emma
"Clyzelle ija, alagaan mo si suga ha.. Wag mo syang sasaktan gaya ng ginawa ng ex nya" napatigil naman ako sa sinabi ni Lola emma habang nililibot ang kanyang tingin
"Opo.. Di ko po sya sasaktan lola" nakangiti kong sabi.. Tumango namang nakangiti si Lola at lumakad "lola san po ba tayo pupunta?"
"Gusto ko lang ilibot dito sa bahay ang girlfriend ng Apo ko .. Dahil pag nawala na kami, alam mo na ang pasikot sikot dito.. Yang boyfriend mo kasi tamad yan.. Lahat kinatatamaran tss" medyo natawa ako sa sinabi ni lola .. Wahahaha! Totoo namang tamad si Yoongi eh... Mukhang pag dilat nga rin ng mata kinakatamaran nya
"Lola tuwing kelan po ba dumadalaw sainyo si Yoongi?"
"Buwan buwan..." ahh.. Ang cute naman ni Yoongi nuh "kahit naman ganyan katamad yang boyfriend mo di nya kami nakakalimutang dalawin.. Swerte ka sakanya clyzelle" eh di ko naman talaga boyfriend si Yoongi eh
"L-lola ... D-di naman po talaga kami ni Yoongi e---"
"Alam ko namang di kayo.. Pero naniniwala akong magiging kayo balang araw.. Di mo ba naintindihan sinabi ni suga kanina? He said 'its okay.. I love you' " napatulala ako sa sinabi ni lola.. Weh!! Totoo?? "Ay bago ko pala makalimutan ... Tara sa kusina, luto tayo ng pagkain"
"Sige po lola"
*****
Nakaupo kaming dalawa ni Yoongi sa isang Lamesang puno ng pagkain ... Kasama sina Lolo at lola
May nakahaing pagkain na Sinigang na baboy, Adobong manok, at kung ano ano pa .. And yup.. Kaming dalawa ni Lola ang nag luto nito ha
Mag katabi kami ni Yoongi at si Lola at lolo naman mag katabi sa harap namin
"Kain na" sabi ni Lolo kaya kumuha na si Yoongi at nilagay nya sa sariling plato nya.. Di ako makaimik dahil bigla syang sumubo ng malaki
Napanganga na lang ako dahil kukuha pa sana sya ng sinigang na baboy nang paluin ni lola ang kamay nya
"Aray naman la"
"Di mo ba sasandukan manlang ang Girlfriend mo?" napaiwas ako ng tingin at napayuko .. Namumula ako eh.. Whaaa!!
"Eh lola.. Matanda na yan eh, mas matanda nga ata sya sayo--"
"Sasandukan mo o ipapasandukan kita sakanya ng sabaw na sili... Ano mamili ka? " at tinaasan ni lola ng kilay si Yoongi
"Ito na po sasandukan ko na nga po sya eh (pout)" halaaa ang CUTE! .. Sinandukan nya ako ng kanin at ulam "ano Clyzelle? Susubuan pa ba kita?"
Mag sasalita na sana ako nang sumingit si Lola
"Aba! Malamang!" kaya naman walang nagawa si Yoongi at sinubuan ako... Aaw! Ang sweet hahaha! Cute cute cute ni yoongi whahahaha! Kung si Lola Emma lang pala ang nakakapag utos sakanya ay kung pwede lang araw araw dito kami hahahah!
"Wag ka ngang ngumiti dyan.. Nganga na .. Ahhhhh" at sinubuan na nya ako kaya namula na naman ang pisngi ko .. Nag iinit ang mukha ko!! Baka di ko makontrol at sumabog na tong mukha ko aa init!
Naunang matapos kumain sina Lola at lolo kaya naiwan kaming dalawa ni Yoongi dito habang di pa kami tapos kumain.. Wala namang sinabi sina Lola at lolo kung pwede na bang umalis hanggat di nauubos tong pangkain namin
Nandidito pa kami sa table dahil di ko maubos ubos ang dalawang talong na ito.., nakakadiri
"Clyzelle... Kainin mo nga yang inihaw mong Talong"
"Eh ayoko.. Di ako kumakain nito" at nilagay ko ito sa gilid ng plato gamit ang tinidor.. Nilagay kasi kanina ni yoongi sa plato ko eh.. Di manlang tinanong kung kumakain ako nito o hindi tss
"Masarap yan nuh, kaya nga..." napatingin din sya sa talong na nasa plato ko at .... Plato nya "kaya nga nag lagay din ako ng akin eh" at ngumiti sya... Hmmm.. Alam kong pilit lang ang ngiti na yan.. Hahaha! Isang Yoongi the SSG President ?? Kakain ng inihaw na Talong!
"Weeh? Tikman mo nga yang inihaw na talong.. At pag kinain mo kakainin ko rin ang akin" nakangiti kong sabi kaya naman napatingin sya sa nag iisa nyang inihaw na talong
"S-sige ba" Napangisi ako .. Whahaha!... Nakita ko naman ang panginginig ng kamay nya habang kinukuha ang inihaw na talong gamit ang tinidor
Napatingin pa sya saakin at lumunok... Hahaha!
Ilang minuto na pero di pa rin kinakain ni Yoongi ang inigaw na talong hahaha!
"Arghh.. Oo na, di rin ako kumakain nito" at nilapag nya na ito sa plato na "eh ikaw ba? Hindi ka rin naman kumakain nyan ah"
"Hmmm.. Try ko" matapang kong hiniwa ang inihaw na talong sabay sinubo habang nakapikit... Nilalasahan ang. "Whaaaa! Ang sarap yoongeeee. Hmmmm!" at sumubo pa ako ... Nakita ko naman sa side ng mata ko na napangiwi si yoongi na halatang nandidiri
First time kong makakain nito whaha!!! Ang sarap pala!
"Yuck!" sabi nya at iniwas ang tingin nyang nandidiri.. Grabe sya! "Alam mo clyzelle.. Sa buong buhay ko ikaw lang ang baliw na babaeng nakilala ko... Pati ba naman talong kinababaliwan mo na.. Nakatikim lang parang ano na--" naputol ang iba pa nyang sasabihin nang isubo ko ang hiniwa kong talong sakanya at napaluwa naman nya ito sa plato nyan ng di oras kaya natawa ako
"Hahahahah!" halos di na ako makahinga sa katatawa at sumasakit na rin ang tyan ko whahaha! SAVAGE FACE! ahahahaha!
"Clyzelle! Yari ka saakin mamaya pag uwi sa baha---"
"Bakit gagawa na ba agad kayo ng baby apo?" napatingin kaming dalawa kay Lola
"L-lola" sabay naming banggit
"Hon! Tong si Suga may pagka p*****t din eh noh.. Mana sayo.."
"L-lola di naman po eh" (yoongi)
"Kahit naman di kayo sa bahay ni yoongi .. Pwede naman dito eh... Aalis naman kami ngayon ng Lolo nyo.. Bibisitahin lang namin mga Malls namin ha"
"L-lola di naman po yun ang ibig kong sabihi---" (yoongi)
"Haaay nako dami mong palusot!.. Sige na gawa na kayo dun" at hinila ni Lola si Yoongi paakyat kaya napasunod na lang din ako "wag kayong aalis dito nang di nakakagawa ha!"
"Lola"
"Joke lang.. To naman di mabiro... Oh sige na may aasikasuhin pa kami ha.. Byee" at bumaba na sina lola at lolo dito sa Loob ng kwarto.. Ito ata ang Room ni Yoongi dito .. Walang pinag kaiba sa Kwarto nya sa QC
Nag katinginan lang kami ni Yoongi at nag iwas ng tingin...
Umupo naman sya sa higaan nya habang ako ay nililibot ang tingin ... Maganda, malinis... Lagi siguro nila itong pinapalinisan noh
"Clyzelle maupo ka nga dito, ako nahihilo sa kakatingala tingala mo"
"Edi wag mo kong tingnan .. Dami mong Dama" at tinarayan ko sya .. Hmp! Kung nahihilo sya edi wag nya akong tingnan! Ang daming reklamo
Habang nakatayo ako at tinitingnan ang picture nya ay naramdaman kong parang may nakatayong tao sa likod ko kaya napatingin ako dun
Nagulat ako nang mabilis nya akong halikat sabay ngisi at lumabas
(●0●)
Napahawak ako sa labi ko habang nakatulala
Y-y-y-yung ... A-ano ba?
Mababaliw na ako!! Whaaa!!
Napatakbo ako sa kama at nag pagulong gulong .. Nag iinit na naman ang mukha ko!! Huhu! Ang bilis ng t***k ng puso ko... Bakit mo ba ginagawa to saakin yoongi!!!!
****
(Makalipas ang Isang linggo)
(Mall)
Nandito ako sa mall ... At katabi ko naman ang lalakeng Seryoso lang ang mukha
May bibilhin kasi ako e
Malapit nang mag November... Bukas kasi OCTOBER na.. Umpisa pala ng November babalik na ako ng amerika... Pero aaminin ko ...mamimiss ko sina Kai, yung dalawang kambal na saglit ko lang nakasama na sina Baekhyun at Taehyung, kahit yung isang linggo ko lang nakasama Lolo at lola ni Yoongi..
At... Syempre.. Si Yoongi
"Bat biglang naging ganyan mukha mo?" napatingin ako kay yoongi na nakatingin din pala saakin
"W-wala ah"
Hindi na sya nag tanong pero nagulat ako nang akbayan nya ako at nilapit sakanya ... Hindi na lang ako nag reklamo dahil susulitin ko na ngayon at ang buong OCTOBER na kasama si Yoongi ... Dahil bago mag Nov. 1 ay babalik na ako ng amerika
Kalahati ng October ay sa bahay muna ako ni yoongi... Natatandaan nyo pa ba? Diba nga may parusa pa sya saakin.. At ang kalahati naman ay makakapasok na ako sa school..
Habang nag lalakad ang daming mata na nakatingin saamin .. Saamin o sakanya o saakin? Grr wag assuming .. Mga lalake sila .. Parang mga kasing edad lang namin
"Ang ganda nung babae pre"
"Agawin ko kaya dun sa lalake.. Tutal mukhang di naman sweet.. Eh ako? Sweet ako"
"Pre ... Ang ganda"
"Tsk" napatingin ako kay yoongi dahil nag 'tsk' sya
"Yoongi? Problema mo?" natatawa kong tanong ... Mag sasalita na sana sya nang lumapit sa amin yung Anim na kalalakihan .. Lahat sila may sari sariling kulay na buhok.. Ano to? Rainbow group?
"Wow Pre... Paano ka nakahanap ng babaeng kagaya nya?" at tinuro ako nung isang lalake na kulay dark blue ang buhok
"Pwede ba namin syang Mahiram kahit saglit lang?" (Pink haired guy)
"For what?" taka kong tanong
"Para makapag bonding.. Tutal nandito naman na tayong lahat sa mall" (Yellow haired guy)
Maya maya itinago ako ni Yoongi sa likuran nya
"Sorry for You guys.. Di ko pinapahiram ang Girlfriend ko" huaaat!!
"Haha oo alam naman naming di mo sya pinapahiram" (Black haired guy) humigpit ang hawak sakin ni yoongi...
"Madali naman kaming kausap... Kung di mo sya papahiramin ... Kami ang kukuha sakanya!" (Violet haired guy) nagulat ako nang tulak nila si yoongi at Hinablot ang kamay ko pero nakahawak pa rin sya saakin
Lumapit sila kay yoongi at nilayo sya saakin kaya nabitawan nya ako
Nag titinginan na ang mga tao saamin
"Bitawan mo ko!!" at pinag papalo ko ang kamay nitong red haired guy na nakahawak saakin
"Wag nyo syang sasaktan!!!" sigaw ko pero nagulat ako nang suntukin ni Dark Blue haired guy si Yoongi at napahiga ito sa sahig "sabi nang wag!!" sigaw ko at sinikmuraan ko itong bwisit na red haired guy at lumapit ako kina yoongi sabay pinag sisipa sa mukha ang limang humawak at sumuntok sakanya
Mabilis kong tinayo si Yoongi
"Ang lakas mo naman pala.. Wag kang padadala sa mga chamba mo miss" (Pink haired guy) mabilis syang lumapit saakin at sumuntok pero naiwasan ko yun...wag kayong ano ha! Remember!! Nag aral ako ng TAEKWONDO sa amerika with some Koreans kaya ayun ... Napa bagsak ko silang lahat
"Tsk... Wala kang pinag bago , hanggang ngayon at hanggang dito ba naman takaw g**o ka" sambit ni yoongi
Lumapit ako sakanya at tinulungan ko syang tumayo
"Ang hina mo naman yoongi.. Bakla ka ba?"
"Di ako bakla... Sadyang wala lang talaga akong alam sa pakikipag laban gaya mo.. Tsaka di naman ang mahilig dun sa ganun noh... Tamad kasi ako"
"Haha grabe ka... Paano kaya turuan kita nuh"
"Wag na .. Baka mamaya lalo pang sumakit ulo ko sayo" at hinilot nya ang gilid ng noo nya
Iniwan namin ang mall na nag kakagulo dahil sa anim na lalakeng nakasalampag sa sahig
Hah! Bagay lang sa kanila yun
Pupunta na lang kami ng ibang mall
"Yoongi punta na lang tayo sa ibang mall.. Nakakabwisit kasi yung anim na yun" tumango na lang sya at sumakay na kami ng Kotse nya papunta sa ibang mall
****
"Wag yan clyzelle.. Ang pangit, parang naka panty ka na lang" napasibangot ako sa sinabi ni yoongi at tiningnan ang hawak kong short na above the knee... Mahaba haba naman ah! May muta ata tong si yoongi.. Di makita kung gano kahaba
"Anong naka panty ka dyan?! Ang haba haba na nga nito eh"
Tinalikuran naman nya ako at nag tingin tingin sabay alis dun sa mga pinag titinginan nya at lilipat ng iba ... Tingnan mo nga naman tong kulangot na to .. Kinakausap ko tapos tatalikuran ako
Hay jusko... Kelan ba ako papahirapan nito ni yoongi nuh
Inis kong binalik sa pinag kuhanan ko ang Short ko ... Puro pantalon kasi nadala ko sa bahay ni Yoongi kaya naman nag balak akong bumili ng short pag uwi namin galing kila lolo at lola
Nag tingin tingin na lang ako ... Wala akong mapili eh, baka mamaya kung ano pa masabi ni Yoongi sa mga pinipili ko .. Aba! Mas marunong pa ata syang mamili sakin ah! Edi sya na! Psh
"Eto oh" at binigay nya saakin ang short na hanggang tuhod ang haba
"Eh... Baka mamaya di naman ako maging maganda---"
"Kahit naman mag manang ka ng damit, maganda ka pa rin naman.. Kaya pwede ba ito na lang ang bilhin mo.. Ayokong pinag titinginan ka ng mga tao dahil sa ikli ng susuotin mo" napataas ako nang kilay sa narinig ... Ibig sabihin ayaw nya nang nag susuot ako ng maikli? Ganun?
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang hawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa Dressing room .. Naabutan naman namin duon ang dalawang sales lady na nag uusap pero nang mapansin na may tao ay tumahimik at binuksan ang isang pinto ng dressing room
"Pasok na sa loob" pumasok na ako agad dahil baka mamaya itulak nya pa ako ng di oras .. Alam nyo namang ganun yun si yoongi, ayaw nang babagal bagal
Lumabas ako para maipakita kay yoongi na ayos lang yung suot kong short "okay na yan... Dito ka nga lang muna may titingnan lang ako" at umalis sya... Nubayan
(After 10 minutes)
Bumalik sya na may isang dalang dress.. Hanggang tuhod ang palda ... Kulay puti, lah baka mamaya mag mukha naman akong patay nito, idagdag mo pa itong kulay ng balat ko,
"Suotin mo tapos wag mo nang hubarin"
"H-ha! B-bakit naman? Baka magalit sila---"
"Maam wag kayong mag alala... Binili na po nya yan" kinikilig na sambit nung
"Pasok na... Pag nahubad mo na yang short mo ibigay mo agad sakin at babayaran ko na" nanatili pa rin akong nakatayo kaya naman nakatanggap ako ng tulak papasok sa loob ng dressing room .. Aish! To namang kulangot na to nakakaenes!
Itinaas ko sa ere yung damit... Maganda naman, may design na bulaklak sa dulo ng palda... Aba! Ang galing mamili ni yoongi ng damit ha... Bakla ata sya hahaha!
Binigay ko na muna sakanya yung short bago ko suotin tong white dress
Sinuot ko na nga at lumabas ako .. Nung una parang napatulala pa si Yoongi pero nang mapansin nyang nakatingin ako sakanya ay umiwas sya ng tingin
"Tara na" sabi nya... Napatingin ako sa kamah nyang biglang humawak sa kamay ko , parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay nya dahil biglang tumaas mga balahibo ko .. Whaaa!
A-ano bang pwedeng gawin? Y-yung---- ANO BA!! Mababaliw na talaga ako kunting tiis na lang mababaliw na ako
"San mo gustong kumain?" tanong nya
"Hmmm.. Sa jollibee na lang or mcdo...sige mcdo na lang" tumango naman sya... Ay! Nakakapangibago tong lalakeng to.. Napaka ikli na ng mga sinasagot... Bakit? Mamamatay na ba sya kaya nag papakabait na? Lol ..wag naman
At yun nga nag mcdo kami .. Nag order kami ng French Fries, Ice cream Chocolates, at burger
Wala syang binili para sakanya... Wala daw syang balak kumain dahil di pa sya nagugutom... Daming alam
"Hmmmm.. Sarap" masaya kong sabi habang nakapikit at sinusubo ang french fries na may ice creaaaaaam
Naubos ko ng maaga ang fries ko kaya inubos ko na rin ang ice creem .. At ang natira na lang ay ang burger na kinakain ko na ngayon
Tiningnan ko naman si Yoongi na nakatingin saakin
Mag sasalita na sana sya ng unahan ko sya "ano ba yan clyzelle, ang takaw takaw mo--" nagulat ako nang bigla nyang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki
Ngumisi naman sya "pati ba naman pagkain ng burger tsk" at umiling iling sya
(Dug dug. Dug dug. Dug dug)
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng t***k ...
"Uy ayos ka lang clyzelle" natatawa nyang tanong kaya naman pinalo ko sya "aray aray aray, masakiiiit"
"Heh! Bwisit ka!" tinarayan ko sya sabay kagat ng burger
"Ganyan ka ba kiligin? Pffft, wag kang mag alala .. Okay lang na kiligin ka pero dapat saakin lang" at umiwas sya ng tingin ...nakita ko namang namula yung tenga nya
Di ko naman sya piningot ah "Yoongi bat namula yang tenga mo?"
"H-ha? A-ano--Hindi ano kasi-uhmm.. W-wala yan.. Makati lang yan " at tinakpan nya ang dalawa nyang tenga .. There's something ... Hmmm (*^﹏^*)
"Weh... Ang sabi nila pag namumula daw ang tenga ng isang lalake.. Ay kinikilig" at lumapit ako sakanya ng kaunti kaya medyo namumula na sya .. Hala!! Ngayon ko lang nakitang namumula si Yoongi.. Whahahaha! Ang CUUUUTE
"Hindi rin.. S-sabi dun sa Science pag namumula ang isang tenga ng lalake ay natatae! Tabi nga!" at tumayo sya sabay takbo papunta kung saan ang CR nitong mcdo
Pfft! ... Wala akong natatandaang may tinurong ganun sa buong buhay ko sa School kahit nung nasa amerika ako .. Pffft! Palusot para makatakas hahahaha
Maya maya bumalik sya at balik normal na ulit ang kulay ng tenga at mukha nya.. Pfft! Hahahahaha!
"Haha! Ang bilis mo naman mag CR" natatawa kong sabi .. Kung pag tripan ko kaya si Yoongi nuh "siguro namiss mo ko kaya minabilis mo noh" at lumapit ako sakanya
"Hindi ah!"
"Weh, wala namang nag CCR na wala pang isang minuto tapos na agad, hmmm nag sisinungaling ka .. Minabilis mo lang talaga kaya nakalabas ka agad ng CR nang wala pang isang minuto kasi miss mo na ako at ayaw mong pinag hihintay mo ako.. Diba~" at pumikit pikit ako
"Ano ba clyzelle! Oo na! Totoo nang kinilig ako... Bakit masama bang kiligin?!" napatingin lahat ng Tao dito sa mcdo .. Whaaaa!! Kinikilig talaga sya kanina?!!!
"Oooh? Talaga ba?"
"Nag tatanong ka di ka naniniwala... Tara na nga" nagulat ako nang buhatin nya ako nang parang ikakasal
"Yoongi ibaba mo ko! Nakakahiya" at yumuko ako
"Yaan mo sila... May sarili tayong mundo kaya wag mo silang pansinin.. Imagine na tayong dalawa lang ang nag lalakad" pinalo ko naman ang dibdib nya pero ako pa ata ang nasaktan dahil ang tigas .. Huhu
Nakapunta kami ng parking lot habang buhat pa rin ako
Binaba nya ako sa loob ng sasakyan at umikot naman sya para pumasok
Leche!! Bakit ako kinikilig!
Tumingin ako kay Yoongi at naabutan ko syang nakatingin din saakin ... Di ko inalis ang tingin ko at ngayon ko lang napansin ang maganda nyang mata
"Clyzelle... Wag mo nga akong tingnan pangit mo"
"Aba aba aba! Sabi mo kanina maganda ako--"
"Joke lang naman na pangit ka nuh.. Tss.... Uwi na nga tayo baka mamaya sumakit pa lalo ulo ko sayo"
Nag pokerface na lang ako ... Bwisit tu
To be continue