(Kinabukasan)
*Drooling*
Napapunas ako nang laway ko na tumulo ng kaunti.. Gahd! Bakit?!!
Sa baba lang pala ng bintana ko ang swimming pool ng bahay ni Yoongi at ... Si yoongi na naka short lang sabay nag dive sya sa pool at nag swimming
Whaaa!!! Ang ganda talaga ng katawan ni yoongi!! Mamamatay na ako sa kilig! Ang gwapo ng likod nya..
Nang umahon sya parang biglang nag slow motion.. GHAAAAD!!!
(Slow motion)
Yung tubig na tumutulo galing sa kanyang buhok.. Yung tubig na gumagapang sa mukha ni yoongi.. Tapos yung... Nakapikit nyang mata habang hinawi ang buhok patalikod
Bigla namang may mga paru paro na lumilipad---- napailing ako at nag balik sa realidad.. Josko! Ano ba tong nangyayari sakin?
Lumusong ulit si yoongi pero ngayon ay nakaupo na lang sya sa hagdan ng pool at pumikit ... Matutulog ata to ..
Nag palumbaba ako habang nakatingin sakanya nang bigla syang dumilat at di ko akalaing nakatingin sya saakin kaya agad akong napatago
Ooooooooooh my god!
Nakayuko ako habang papunta sa kama para di makita at nag ngingisay dahil sa kilig... Anong nanyayari sakin? Nakita ko lang ulit ang tABS nya eh nagiging ganito na ako whaaa
Nag pagulong gulong ako sa kama ko dahil sa kilig nang biglang may kumatok
"S-sino yan?"
"Mam pinapatawag po kayo ni Sir suga.. Punta daw po kayo sa swimming pool at may ipapagawa daw po sya sainyo"
"Ahh o-okay" nakuuuuu! Nahuli nya ba talaga akong nakatingin sakanya?! Wag na nga akong OA baka mamaya malagay pa sa panganib buhay ko sa kakakilig eh .. Nakakalurky! (Nakakaloka)
Nag elevator na ako pababa at pumunta sa likod kung saan ang swimming pool
At nakita ko syang nakatayo sa gilid ng hawakan ng swimming pool at nakatingin saakin
"B-bakit mo ako pinapatawag?"
Tumingin sya saakin at binaling nya ang tingin sa swimming pool at binaling ulit saakin ang tingin nya
"Linisin mo yung isang swimming pool" sabay turo dun sa maliit na swimming pool (jakussi pool) marumi at maraming dahon
"Bakit ako? Ang dami mong yaya---"
"Susundin mo ako o ibabagsak kita sa mga grade mo?" aiish! Langyang kulangot to!
"A-alam mo naman na ang sagot ko dyan"
"Oo... Ibabagsak kita.. Yan yung alam ko eh"
"Ano!!? Hindiiii... susundin kita, yun ang pinili ko" sabay ngumuso ako .. Ngumisi naman sya
"Balamdung-i!!!" nagulat naman ako nang sumigaw sya
"Ano po ang uutos nyo sir?" srysly?? Balamdung-i ang pangalan nya?
"Bigyan mo nga ng panlinis ng pool itong..." tumingin naman sya mula sa paa ko hanggang sa ulo "itong babaeng nakanguso, na medyo Cream ang kulay na nakakulay Pink na tshirt at kindergarten ang pag uugali" eh! Kindergarten daw!
Tumingin naman saakin yung yaya at tinarayan ako .. Aba! Nananaray!! Tinarayan ko rin .. Akala mo uurungan kita .. Hmm
"Yung babaeng pangit po ba sir?" sabay tinuro ako .. Aba! Ako ba ang pangit? Langya to ah
Lumapit naman si yoongi kay balamdung-i at binaling nito kay balamdung-i ang nakaturo saakin
"Wala naman akong kasamang babae na pangit.. Sarili mo ata pinaparinggan mo" muntik na akong matawa nang sabihin iyon ni yoongi sa yaya nya .. Ano ka ha!! Ipag tatanggol ako ng president ko ha!
"S-sorry po sir"
"Bilisan mong kunin yung panlinis at ibigay mo sakanya.. Go na!" agad na umalis si balamdung-i
"Balamdung-i?"
"Malandi in Korean" habang nakatingin sya saakin ng seryoso
"Ahh" ahhhh sabay tango tango..
Tumingin ako kay yoongi pero nananatili pa rin syang nakatingin saakin nang seryoso kaya nailang ako ...
Ikaw ba naman titigan diba ..
"Ito na po sir"
"Bigay mo sakanya" paglapit saakin ni balamdung-i ay tinarayan nya ako pero nginisian ko lang sya .. Matatalo lang sya pag tinarayan ko sya noh
Hinintay naming makaalis si balamdung-i tsaka ako nag linis ng jakussi pool
Langya! Bakit parang pinaparusahan naman ata ako nito?
****
(After 1 hour)
"Whoo!" at pinunasan ko ang pawis na tumulo sa noo ko
Nag inat inat ako dahil nangalay ang likod ko sa kakayuko yuko. Huminga ako nang malalim at ngumiti .. Natapos ko ring linisin whoooo!! Nagulat ako nang may bimpong lumipad sa mukha ko. Inis kong tinanggal iyon at masamang tiningnan si Yoongi na nakangisi sa akin
Bat nga ba di ko masigaw sigawan itong lalakeng to? Dahil lang ba nirerespeto ko sya para di ako bumagsak?
Aish!
Pasalamat sya maganda katawan nya dahil kung hindi puro peklat na yan.
"Mag bihis ka at lalabas tayo" natigil ako sa pag pupunas ng pawis .. Lalabas? Kami?? Weh
Bumalik ako ng kwarto ko ..
Nag suot na lang ako ng simpleng white tshirt na medyo malaki laki at nag black short ako ng medyo maikli tapos nag black converse na high cut
Pagkatapos ng lahat at bumaba na ako mula sa Third Floor at naabutan ko si Yoongi na nakaupo sa Sofa habang nakapikit
Tulog?
Tiningnan ko naman ang suot nya.. Naka White rin sya at black na pantalon!! Naka converse rin!! Gaahd ano to? Perfect Match?! Lol wag assuming .. Baka naman yan lang din ang sinuot nya
Lumapit ako sakanya at kinalabit
Dahan dahan naman syang dumilat
Ako--> (●︿●)!
Siya--> ( ̄ˍ ̄)
Nakatingin na agad sya sa akin ..
"(Smirk) may gusto ka talaga sakin nuh.. Pati pananamit ko ginaya mo na"
"Oy hindi ah.. Baka ikaw.. Tara na nga" at nauna akong lumabas
"Dito ka lang kununin ko lang ang sasakyan" at naiwan naman ako dito sa Pintuan ng bahay nya
Sino kaya yung babaeng nagustuhan ni Yoongi? Nuuuh?
"Aalis kayo?"
"Ay palaka!" at agad akong tumingin sa nag salita .. "Kai! Aatakihin ako sa puso nito"
"Haha! Sorry.. San kayo pupunta?" nakangiti nyang sabi sabay tabi saakin
"Di ko alam"
Di ko pa pala nasasabi sainyo na Tatlong araw nang nakaraan nang tumira muna ako dito kila yoongi .. At sabado ngayon kaya wala silang pasok .. Ako lang ata ang may pasok..
Dahil kay yoongi
-_-#
Bigla namang may isang magarang sport car ang pumarada sa harap namin ni Kai .. Teka .. Ito ang bagong labas na Sport Car ng Ferrari ah.. Wow! Yayamanin talaga si Yoongi..
Bumaba naman ang tao sa loob at ang niluwa nito ang yoongi na sobrang gwapo ... Naka shade pa ah! Dagdag pogi whaa!!
"Kayo ngang dalawa.. Wag kayong masyadong matulala sa kagwapuhan ko.. Sakay na Clyzelle" nakangiti nyang sabi
"Teka.. Si ate clyzelle lang? Pano ako?"
"Bukod sa maiiwan ka dito.. Ano pa ba?" napasimangot naman si kai..
"Tara na clyzelle! Tutunga tunganga ka pa dyan" at pumasok sya sa loob .. -_-
"Yaan mo si kuya yoongi... Ganyan talaga ugali nyan. Masungit"
Pumasok na ako sa loob
Katabi ko naman si Yoongi dahil sya ang nag dridrive
***
(After 2 hours)
Tahimik lang kami habang nasa byahe at ang tanging tumutunog lang ay ang Radio
Hhhaaaay ang boring
Nasan na ba kami? Kelan pa matatapos ang pag lalakbay?
Nag palumbaba na lang ako at tumingin sa bintana habang tinatanaw ang----
"Teka yoongi.. Wala na tayo sa Quezon City ah!" gulat kong sabi .. Nakakita kasi ako ng KALABAW na kumakain!!
Tapos may mga taong nakayuko na nag tatanim.. Malamang.. Alangan namang nakatingala at nag tatanim edi nabulag na sila tsk
"Pupunta tayo kila Grandma and Grandpa" sabi nya habang seryosong nag dridrive ...
"H-ha?"
"Tss Linisin mo nga yang tenga mo minsan.." napanguso naman ako.. Ang sunget talaga nito
"Bat di mo agad sinabi na sa iba tayo pupunta---"
"Kelangan pa ba yun?.. Gusto ko kasing masurpresa ka .. At ayun nga.. Nasurpresa ka sa mga kalabaw dyan sa labas" sabay medyo tumawa sya ng mahina... Napangiti naman ako .. Teka nga ...tatanungin ko nga sarili ko ... Inlove na ba ako kay yoongi? Eh lagi nya akong sinusungitan eh pero natutuwa ako pag naririnig ko ang tawa nya... Ahh! Baka naman baliw na ako? "Iniisip mo? Nababaliw ka na talaga.. Nakangiti kang mag isa dyan"
Umiling lang ako "nga pala ano ugali ng grandma and grandpa mo?" tanong ko habang masayang tinitingnan ang mga kalabaw, kambing at baka na nadadaanan ng sasakyan namin
"They so strict" ahh!!
"Ah ok"
"Anong 'ah ok' .. Di mo ba naiisip? Na ang mga matatanda gusto nila laging nasusunod.. Mom's said.. If Grandma feed you, you must eat it.. And if you don't, you can't go out in the table.. They was so strict so be carefull for them huh" bigla naman akong natakot kaya medyo napahiga na ako sa inuupuan ko
"O-okay"
"But of course.. You don't need to worry about your food or whatever, im here remember?" bigla naman akong kinilig .. Ehhh! Napapangiti ako eh kaenes nemen teh "kinilig ka naman?hahahaha!"
"Yoongiiii.. Wag ka ngang tumawa!" at sinamaan ko sya ng tingin pero kaloob looban ko gusto kong pakinggan ang tawa nya .. Kinikilig kasi ako .. Baka mamaya di ko mapigilan ano pang gawin ko eh
"Correction, president" pag tatama nya habang nakatingin sa daan
"Dami mong alam"
"Syempre, di naman ako gaya mo..." sinamaan ko lalo sya ng tingin .. Nabwebweset nako dito ah
"Gigil mo si ako ah" at niyukom ko ang kamao ko...pag di talaga ako nakatiis hmp!
"But.. Don't call me president pag nasa harap na tayo nila Grandma and grandpa ha"
"At bakit naman!?" sigaw ko
"Sinisigawan mo ba ako!" eh.. Napanguso na lang ulit ako "Basta!. Tigil tigilan mo nga yang kakanguso mo!... Halikan kita dyan eh" teka.. Ano yung sinabi nya??
"Ansabe mo?"
"Wala! Ang sabi ko linisin mo tenga mo! Ang bingi mo na!!"
"Wag ka ngang sumigaw!! Naririnindi ako sa boses mo--" nagulat ako nang ihinto nya sa gilid ang kotse at bigla nya akong hinalikan sa labi ..
≧﹏≦
Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman kong ginagalaw nya ang labi nya ... Para bang inaakit ako..g-gaganti ba ako?
Gaganti na sana ako ng halik pero humiwalay sya at ngumisi "... Halik lang pala ang nag papatahimik sayo" napatulala ako habang sya ay pinaandar na ang kotse
Ilang beses ko nang natikman ang labi ni yoongi... May sakit na ata ako sa puso!! .. Ang bilis ng t***k! Baka di ko makayanan at tuluyan na akong ma-heart attack
Huminto kami sa isang napakagandang bahay.. (Kasing laki ng bahay nina pepito manaloto) ... Probinsya ba talaga dito? Nakakaloka .. Dinaig pa ang QC sa ganda at linis ng Lugar ... Sabagay.. Magkaiba naman pala ang ugali ng taga probinsya sa Taga Maynila eh..
Err di ko alam kung tama .. Baka mamaya sinasabi nyo na 'hindi rin' .. Ohhhh diba! Nabasa ko isip nyo hmp
Di ko napansing lumabas na pala si Yoongi at pinag buksan ako ng pinto
"Labas na dyan" sabi nya kaya lumabas na ako bigla dahil baka mamaya hilahin ako nito palabas .. Alam nyo namamg ganun ang ugali nya debaaa
"Good morning Sir yoongi" bati ng mga maid at nag siyukuan pero di ito pinansin ni yoongi
"Where's grandma and grandpa?"
"They're in the garden sir" nag nod naman si Yoongi at lumapit saakin
"Clyzelle.. I want to tell you something... Pag nasa harap na tayo nina Lola at lolo.. Dapat sweet tayo huh.. Nakakadiri man maging sweet dahil ayokong langgamin ikaw at ako syempre.. Pero keylangan.. But of course.. The most important, respect them and follow what they want" tumango tango na lang ako .. Sinamahan na muna kami ng mga maid papasok sa loob ng bahay dahil dadaan muna kami sa loob bago makapunta sa Garden
Paglabas namin galing loob papunta sa graden ay nakita namin ang dalawang mag asawang Matanda na nag uusap at nakaupo
"Ma'am emma and Sir Lance.. Sir Suga and his Girlfriend are here na po" huwaat!!!
Tiningnan ko si yoongi pero sya seryoso lang habang inaantay ang pag lingon ng dalawang matanda ..seriously? Di nya ba narinig yung sinabi ng maid?
"Apo!" masayang sabi ni Maam emma at lumapit naman si Yoongi para yakapin si Lola Emma at Lolo lance
"Buti naisipan mong dumalaw dito apo ha hahaha" (Lolo lance) ahhh... Okay.. Op ba ako?
"Opo..." kinilig na naman ako nang makita si yoongi na ngumiti.. Yung ngiting totoo.. Aba oo naman nuh.. Alangan pag plastikan nya yung lolo at lola nya
Bigla namang tumingin saakin ang lola nya "sya ba yung sinasabi ni Kai na girlfriend mo?"
Nagulat kaming pareho ni Yoongi sa sinabi ng lola nya
"H-ho? H-hin--" biglang pinutol ni yoongi ang sasabihin ko
"Opo lola" ⊙﹏⊙
Nag tataka kong tiningnan si yoongi pero mabilis nya akong inakbayan at pinalapit sa kanya .. Geeeez! Yung tagiliran ko nararamdaman ang abs nya kaya yumuko ako at saka ko lamang naramdaman ang pag iinit ng mukha ko
"Ija wag ka ngang yumuko... Suga naman kasi pinapakilig mo eh" (lolo lance) Whaaa!
Naramdaman kong tumingin saakin si Yoongi "kinilig ka na nyan? Hahahaha! Lolo yaan mo sya... Kahit tingin ko lang kikiligin na yan ... Diba babe" eh... Tumango tango na lang ako
"Suga bitawan mo nga muna girlfriend mo at gusto kong makausap or makabonding na rin syempre" at lumapit saakin si Lola Emma
Inpernes ah! Ang ganda pa ni lola... Masigla pa!
"Sige po" binitawan na ako ni Yoongi para si Lola emma naman ang kumapit saakin "lola wag nyong ilayo si Clyzelle ah... Di pa matured utak nyan Hahahaha!" at nag tawanan silang dalawa ni lolo ...
Ako?!! Di pa matured ... Aba!.. Matured na kaya utak ko . Baka naman sya hindi pa
"Wag mo ngang ginaganyan Girlfriend mo, both of you stop laughing.. Sige kayo baka gusto nyong kumain ng Maraming sili mamaya" natahimik naman silang dalawa ni lolo ..whaaa ang cute nila hahaha!
Nakakapagtaka naman ... Kanina pa tawa ng tawa at ngiti ng ngiti si Yoongi ah, eh sakaling pag nasa Quezon city ay laging nakasibangot
"Tara na ija.. May ipapakita pa ako sayo" nilingon ko muna si Yoongi.. Ngumiti lang sya at nag salita sya ng walang boses pero di ko naintindihan
"It's okay... I love you"
To be continue