Kung pwede lang sanang bumalik sa oras, Kung pwede lang sanang piliin yung mga bagay at pagkakataon na pinalampas ko, ginawa ko na sana. Kaya naman heto ako ngayon, Ang daming mga bagay na pinag sisisihan, career, love life, friendship at mga bagay na gusto kong gawin at mga lugar na gusto kong puntahan.
They said that it's never too late. Ngayon pa ba? ngayong malapit nang umalis ang edad ko sa kalendaryo. Kahit gustuhin ko man, para namang may choice talaga ako. They decided this path for me, they said that this is for the best. If it is the best, why do I feel so lonely? so incomplete? bakit sobrang sakit? Sinong niloko ko? Everybody knows that I am just like a robot. Palagi nilang sinasabi na try to get out of my shell, or even try to renew my life. Nabibingi ako sa mga payo nila na against naman sa gusto kong gawin dati. Siguro nga nababago ang ihip ng hangin, pero bakit ngayon pa na tanggap ko na na hanggang dito nalang talaga ako?
"Jea, mag Ba-batangas kami this weekend, gusto mo bang sumama?"
yaya ng best friend kong si Nicole. Nag liligpit na sya ng mga gamit nya pero heto pa rin ako at nag rerevise ng mga files. Mag aalas otso na ng Gabi.
"No thanks, Ang dami ko pa talagang tatapusin, Kita mo naman itong tambak na to oh!"
reklamo ko at agad naman ako nitong sinimangutan.
"Alam mo Jea! Bakit kaya kahit minsan lang ay subukan mo na mag reklamo! Hindi ka robot na di napapagod no! nakaka ilang revision na yan ah! Ilan na pati ang tumulong sayo dyan! imposibleng mali pa rin yan! mahalin mo naman yang sarili mo!"
sermon nito. Love myself? Paano ba yun? all I do all my life is to follow. Kaya ko na ba maging independent? all I know is that I'm scared.
"Alam mo naman na wala lang akong choice."
pangangatwiran ko.
"Nawalan ka ng choice dahil umpisa pa lang duwag ka. Bahala ka. If you change your mind, tawagan mo agad ako. Uuna na ako. Umuwi ka na din! baka mahirapan ka nang maka hanap ng masasakyan."
Sabi nito na wala na talagang nagawa. Yumakap ito sa akin bago ako iniwan.
Nawalan ka ng choice dahil umpisa pa lang ay duwag ka!
Tama naman lahat Ng sinabi nya, siguro nga, sawang-sawa na din syang makinig sa mga problema ko. Kung maibabalik ko lang, I will try harder. It's too late. I'm stuck in this zone!
"Jea! why are you still here? I'm closing the office now! you're still working on that? Ewan ko ba sayo! Wala akong sinabing tapusin mo yan ngayon. Sa pinag gagagawa mo sa sarili mo, nag mumukha akong masama sa paningin ng mga co-employee mo! grab your things! I'm closing in five minutes."
my boss said before he turn his back on me. I almost jump out of my surprise. Am I really pushing myself too hard? Is it really all my fault? am I really the one to blame?
After five minutes he comes out of his office with his brief case and folders. I grab my things and walk quickly into the elevator. Dahil mabilis syang mag lakad, naabutan pa nya ang elevator. Being stock with him in this small space makes me feel suffocated. Thinking that he is actually right. It's kinda awkward. So when the elevator started to open I quickly run out of it. I swipe my card in the door and wait for a cab outside. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit wala pa ring nadaan.
"Hop on.Wala nang dadating dyan, walang bumabyahe ng ganitong oras."
my boss said riding his ranger. Ayaw ko Sana pero tama sya, aabutin ako Ng madaling araw bago makahanap ng masasakyan dito.
Tahimik akong sumakay sa passenger seat at buong byahe walang nag salita sa amin hanggang sa itanong nya ang eksaktong address ko. Matapos ko sabihin ay hindi na ulit kami nag usap hanggang sa makarating kami.
"Jea, please, at least try to live."
he said before he maneuver his car.
Try to live.
pag alis nya ay sakto ring pagpatak ng luha ko.