I wipe my tears before I enter our house. Nakita ko si papa na nanonood ng soccer game sa tv sa sala habang si mama naman at gumagawa ng tsaa sa kusina. Dahan-dahan akong nag lakad sa may hagdan ngunit natanaw pa rin ako ni mama.
"Oh? Bakit parang magnanakaw ka dyan na dahan-dahan pumasok? kumain ka na ba? may pag kain dito sa ref."
Sabi ni mama, gutom na rin ako kaya naman napilitan akong pumunta sa kusina.
"Oo nga pala, may date ka sa sabado, isa sya sa mga anak ng investor ng papa mo. Kaya umayos kang bata ka! wag mo na kaming ipapahiya gaya ng ginawa mo noong huli!"
sermon ni mama nang makabalik ako sa dining table. They are always doing it. At hangga't kaya kong mag sungit ay nag susungit ako para hindi nila ako magustuhan. I remember.....
"Hindi ako pwede ma, may importanteng lakad ang buong company this weekend. Kapag ginawa ko yang gusto nyo, ako naman ang mapapahiya sa buong company, dahil ako lang ang nag iisang hindi makakasama. Kapag nalaman nila ang dahilan Kung bakit, sasabihin na naman nilang napaka manipulative masyado ng parents ko. Bukod sa mapapahiya ako, damay kayo dahil kilala din naman kayo sa business world."
pang bablack mail ko and I'm hoping na effective. It's true, my parents are business tycoons. Everyone knew them as loving, supportive parents. Iyon ang akala ng lahat. Tinitigan nya muna ako ng matagal bago muling nag salita.
"Irere-schedule ko nalang kung ganoon. Anyway, keep up the good work. So next year pwede ka nang mag work sa company natin."
she said before leaving. Oo nga pala, marahil ay nagtataka kayo Kung bakit hindi ako nag tatrabaho sa company namin, dahil yun sa sabi ng parents ko ay
Earn our trust first
Prove yourself, dahil walang mahina sa company natin.
ayaw namin na ikaw mismo ang sumira ng reputation namin.
I know, and I don't care. Kaya nga hangga't kaya kong mag low profile yun ang ginagawa ko. Kaya naman mag tatatlong taon na ako ngayon sa company na pinapasukan ko. Sinasadya kong pabagalin ang lahat pero kahit pabagalin ko, sila naman ang gumagawa Ng paraan para mahawakan at makontrol nila ako.
kung Wala ka talagang talent sa business, mag Asawa ka nalang Ng businessman para naman maiahon mo kami sa kahihiyan na walang silbi ang anak namin.
Oo, ganyan nila ako kamahal. Nang natapos akong kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis ng pang tulog,
"Nicole, yes, sasama na ako, maybe may idea ka na Kung bakit."
tinawagan ko agad si Nicole bago ko pa makalimutan.
''Let me guess, another blind date? Yun lang naman ang nakaka pigil sayo pag tatrabaho eh. Kauuwi mo lang ba?"
nag aalalang tanong nito.
"Kani-kanina pa. Kumain lang ako at naligo."
sagot ko at saka nahiga.
"I'm worried about you! Wala ng nadaan na sasakyan doon ng ganoong oras, buti may nasakyan ka?"
takang tanong nito. Siguradong naka kunot na naman ang noo nito at salubong ang mga kilay.
"Nadatnan ako ni Boss na nag rerevise, isinabay na ako pag uwi."
pagkasabi ko ay agad naman itong tumili. na para bang kilig na kilig. Seriously?
"Oh my gosh! napaka swerte mo? Alam mo bang bibihira ang kausapin at palapitin nyan sa kanya? everyone is dying to be alone with him. Never nga yan nakipag usap o nag sermon sa mga employee nya dahil ang secretary nya ang gumagawa noon para sa kanya! nakaka inggit ka girl!"
tili ni nicole kaya naman nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko.
"Kase sermon nya lang sa akin. Pinapa sama ko daw image nya sa inyo. Besides, anong nakaka kilig dun? ibig sabihin lang na pinandidirihan nya tayo kaya ayaw nyang mapalapit sa atin. Saks, no choice lang namin kami parehas kanina, ako, uwing uwi na habang sya naman ay pag may nangyari sakin eh pananagutan nya. Kaya nga nya ako sinermonan eh. Ngayon lang ako naka encounter ng tao na gustong gusto na pagalitan sya. You're weird."
reklamo ko ngunit patuloy lang ito sa pag tili na para bang walang narinig.
"Nakakainggit ka! tapos isinakay ka pa nya sa mamahalin nyang kotse!”
tili ulit nito. Bakit ba wala syang naiintindihan?
"Ano bang nakaka inggit dun? anyway, ikaw na bahala sa ticket ko. Mag eemapake na ako. Baka mag bago pa isip ni mama."
bago pa ito muling sumagot at tumili ay pinatay ko na ang cellphone ko. It's already Friday na nga pala. Lakas nila maka this weekend, kala mo ang layo pa. Agad akong nag empake at maagang natulog, kailangan Kong umalis dito sa bahay ng maagap para hindi na ako madatnan pa ni mama para sa another sermon. Muling nag ring ang cellphone ko, isinend na ni nicole kung saan ang meeting place. As usual.
Kinabukasan, ako yata ang pinakang unang tao na dumating. Nandito ako ngayon sa 7 eleven umorder muna ako ng kape at saka matiyagang nag hintay sa labas. May thirty minutes pa kaya naman matagal tagal pa akong maghihintay.
Lumipas ang mga minute ay isa isa na silang dumating. Halos buong staff nga ang nandito at Alam kong imposible na maakit nila si boss sa ganitong trip. May mga sasakyan naman sila pero mas adventure daw kapag sama-sama kami sa iisang sasakyan. How I hate traveling.
"Anong balita Kay boss? sasama daw ba?"
tanong ni Miko, isa sa mga interior designer.
"Tumawag kagabi Yung secretary nya, tinanong kung sino-sino ang mga kasama, Sabi ko lahat. Sabi nya lang ay mag ingat daw tayo."
paliwanag ni Nicole. Ang dami ng nadismaya sa balita nya. Nakakapag taka pa ba yun?
Maya-maya pa ay pa alis na ang bus na inarkila namin nang bigla itong tumigil. Maya-maya ay kinukuhit na ako ni Nicole na ani mo ay kinikilig. Sa sobrang ingay ng paligid ay hindi na talaga ako nakapag concentrate sa pag tulog.
"Ano ba? gusto kong matulog! ilang oras pa ang byahe oh."
reklamo ko pero hindi ito tumigil kaya naman napilitan akong lumingon sa harap. Tama ba itong nakikita ko o namamalikmata lang ako? Si boss at ang secretary nya. Guess what? may kasama pa silang babae na grabe maka lingkis Kay boss. Naunang lumakad ang secretary nya, sumunod naman ang babae para mag hanap ng vacant seat, which is ang natitirang vacant seat nalang ay ang katapat namin. Nahuli naman si boss sa pag pasok na ani mo ay aligaga at para bang may hinahanap. Problema nya? Bago sila umupo ay lumingon muna ito sa pwesto namin. He's not looking at Nicole, he's looking at me. Maybe it's just coincidence. Kaya naman muli ko nalang ipinikit ang aking mga mata. Maybe I'm just too tired.
"Hoy! gumising ka! grabe ka talaga! natulog ka lang buong byahe? malapit na tayo oh!"
pang bubulabog nya sa pag tulog ko. Pag mulat ko ay tirik na tirik na ang araw at matatanaw mo na ang tahimik na dagat. Damn. I am so mesmerized on how this sea glimmers. Maya-maya pa ay narinig ko na ang sigawan ng mga kasamahan ko ng tumigil kami sa isang private beach. kinuha ni nicole ang entrance ticket namin sa bag nya bago kinuha ang mga gamit nya.
"Paunahin na muna natin sila Nicole, masyadong masikip at magulo."
kaya naman padabog itong umupo ulit. Naunang bumaba ay ang grupo nila boss.
"I can't believe na nakipag balikan talaga si boss sa higad na yun!"
maktol ni nicole habang tinatanaw ang mga itong bumaba.
"Bakit? ano bang meron sa babaeng yun?”
tanong ko at taka naman itong tumingin sa akin na para bang hindi maka paniwala.
"seriously? three years ka na sa company, ni minsan hindi mo nabalitaan? sabagay, Hindi na nakakapagtaka. Unang-una, five years na sila ni Boss noong mag hiwalay sila, parang lumandi ata itong babae sa best friend ni boss, nahuli ni boss kaya yun. Noong una, gustong gusto yan ng family ni boss, but once she cheat, wag na wag silang magkakasalubong ng mommy ni boss at talagang gyera! tapos ngayong.....may ghad! here she is!"
inis na inis na kwento ni Nicole na para bang sya yung niloko.
"Hay naku! hayaan mo nga sila sa buhay nila! tara na."
yaya ko dito upang matigil ang pag mamaktol nito.
Naging masaya naman ang umaga namn, lalo na nang makita namin ang mga kwarto namin. Super ganda! tanaw na tanaw ang mapayapang dagat. Matapos naming makita ang mga kwarto ay agad kaming bumaba para kumain ng agahan. Grabe! the best talaga kapag si Nicole ang nag organize. Sobrang yaman din nitong si Nicole halos parehas lang kami ng pinag dadaanan sa buhay, kinokontrol din sya ng magulang nya pero ang pagkakaiba namin, matapang sya.
"Alam mo bes, mas maganda ka pa nga sa higad na iyan!"
maktol nito habang papunta kami sa mga kwarto namin. Mag palit daw muna kami. Alam naman daw nyang Kung ano ano lang ang dala Kong damit kaya naman, nagdala sya ng mga extra. Kaya pala sobrang dami nyang dala.
"Isuot mo na tong swimsuit. Tapos ipatong mo nalang tong summer dress, para mamaya ay hindi na tayo magpa uli-uli dito."
Sabi nito nang makarating kami sa kwarto nya.
"Ano ba yan. Hindi naman ako nag susuot ng ganyan. T-shirt nalang at shorts."
Sabi ko at agad naman itong umiling at itinulak ako sa bathroom.
"Ayaw kong magmukha kang outsider. Lahat naka outfit tapos ikaw?"
Wala na akong nagawa kaya naman napilitan akong suotin ang mga binigay nya.
"Ang ganda mo lalo! "
sigaw nito nang maka labas ako. Nakakahiya ito!