Pag dating namin sa malaking cottage sa labas ng villa ay nag sisimula na silang kumain.
"Oh my gosh! is that you Jea?! I can't believe na may ganda ka palang tinatago!"
sigaw ni Mico habang ipinag hihila pa ako ng bangko sa tabi nya.
"Hoy Mico! anong sinasabi mo? na talagang hindi maganda ang best friend ko?"
pang aaway ni Nicole kay Mico.
"Maganda naman na talaga siya, hindi nga lang marunong mag ayos!"
bwelta ni Mico. Iling na lang ang naisagot ni Nicole.
"Anong maganda sa kanya?"
biglang sabat ng ex-girlfiend ni Boss. Habang nag hihiwa ng steak nya.
"Whatever, I never need your opinion anyway."
sagot ko at nag simula na akong kumain. Kitang-kita ko naman ang paniningkit ng mata niya sa akin. Nginisian ko lamang sya, ngunit bago pa man ako maka balik sa pag subo ay hindi ko alam kung namamalikmata ba ako, pero na kita ko si Boss na ngumisi. Impossible.
"Pag pasensyahan nyo na sya Ma'am, ganyan lang po talaga sya mag salita."
sabat ni Jasper. Isa sa mga Engineers namin.
"Whatever."
sambit lang ng babae at saka muling kumain.
"Nicole, ano bang plano nating gawin after kumain?”
tanong naman ni Aisa. Secretary ni Jasper.
"Ano pa nga ba? eh di mag lilibot muna tayo. Sayang naman ang punta natin dito kung magkukulong lang tayo dito."
sagot ni Nicole sa pagitan ng pag subo nya. Nag agree naman ang lahat kaya nag madali na ang lahat sa pag kain at saka plano na rin nilang mag swimming agad pag balik mula sa pamamasyal. Sa gabi naman ay mag bebeach party naman kami. Halos one hundred employee ang kasama kaya sabi nila ay masaya daw. Pero kung ako ang tatanungin, mas maigi pang matulog, kumain at mag trabaho nalang.
"Tara doon sa souvenir shop! I heard magaganda daw ang mga souvenirs doon."
excited na hila sa akin ni Nicole ng makatungtong kami sa isa sa mga souvenir shop.
"Ano naman ang gagawin ko dyan? Wala naman akong pag reregaluhan. Dito nalang muna ako sa labas."
sagot ko at hindi na ito nag pumilit pa dahil sa sobrang excited nito. Naupo nalang ako sa isang bench at pinanood ang ibat-ibang mga tourists na nag pipicture taking habang itinitirintas ang light brown kong buhok.
"Wala ka bang balak samahan si Nicole?"
gulat na gulat ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses kaya naman agad akong napa lingon.
"Wala naman po akong pasasalubungan, sasabihan lang nila ako na ang cheap ng binili ko. Sayang lang ang pera."
sagot ko kay Boss. Umiling iling naman ito na para bang sobrang dismayado.
"Why don't you buy for yourself? as a remembrance? Base on your personality, minsan ka lang makapag enjoy at maka alis, why don't you make it worthy?"
Sabi nito at saka ako biglang tinalikuran. How did he know that? ganoon na ba talaga ako sa paningin ng lahat? Well, may point naman sya. Maybe I will buy three. For myself, for my future husband and for my future first born. Napangiti ako sa ideyang yun. Malay ko, soon, mag bago ang lahat, Malay ko Mahal namin ng mapapapangasawa ko ang isa't-isa, Malay ko, magustuhan din yun ng magiging anak ko.
"Oh Jea! Nakaka gulat ka naman! what makes you change your mind? akala ko wala kang pasasalubungan?"
takang tanong ni Nicole ng bigla akong sumulpot sa likuran nya para mag bayad sa counter.
"Wala Naman! may naisip lang akong magandang ideya. "
sagot ko at binigyan sya ng tipid na ngiti. If she knows, pagtatawanan nya lang ako.
I can't believe na naka tatlong oras kami sa pag lilibot, he's right. Minsan lang to at nag enjoy naman ako ng sobra. Pag dating namin sa resort ay nag sisimula na silang magready.
"Ganito ang gagawin natin, dahil marami naman tayo at marami rin ang gagawin at lulutuin, assigning tayo!"
sigaw ni Mico at saka kinuha ang listahan nya. "Engineering Team, kayo ang naka assign sa pagluluto ng barbecue"
Ang Engineering team ay ang grupo ni Jasper at Aisa. "Designing Team, kayo naman ang bahala sa pag luluto ng kanin."
ang designing team naman ay ang pinamumunuan ni Nicole. "Multi-media team, kayo naman ang bahala sa table setting."
ito naman ang grupo ni Kim Vincent isa sa mga IT genius namin. "Maintenance Team, kayo naman ang bahala sa mga uulamin. May mga available naman na ingredients dyan."
ito naman ang team ni Vernard. Kahit pa sabihin na maintenance Team lang sila, isinaman din daw sila dito dahil parte din naman sila ng company. "Accounting and Finance Team, kayo naman ang bahala sa pag lilinis and Marketing Team , you'll do the dishes! now let's move!"
excited na sigaw ni Mico. Si Mico is under ni Jasper. While ako naman ay nasa marketing team. Dahil sa wala pa naman kaming gagawin ay nag desisyon akong kumuha muna ng snacks at saka nag lakad-lakad sa dalampasigan. Medyo na punta ako sa madamong lugar kaya napatigil ako. Maya-maya pa ay may narinig akong mga kaluskos kaya naman agad kong sinundan ang ingay.
What I saw is priceless! it's the b***h and the boss. Sinubukang halikan ng babae si boss at agad naman itong itinulak ni boss bago pa man ito maka lapat ang labi sa kanya ng babae dahilan ng pag katumba nito. I decided to record it for fun purposes only.
"Why? dati naman ikaw ang nag pupumilit ah! bakit? dahil type mo yung babaeng naka braid? oh come on! ganyan na ba kalabo ang mata mo?"
reklamo nito. Napakunot naman ang noo ko at napa isip kung sino bang naka braid sa amin.....wait....ako lang!
"Matagal na tayong tapos at alam mo ang dahilan kung bakit! Hindi ko nga alam kung bakit ba nandito ka eh! Malabo nga siguro ang mata ko, dahil kung hindi, hindi sana kita pinatulan."
he harshly said. Nag madali akong tumakbo pa layo sa lugar na yun at naupo sa buhangin ng maramdaman kong pa alis na si boss sa lugar na yun.
Nang natanaw kong naka balik na sila parehas sa cottage ay saka ako nag desisyon na bumalik na rin. Nag hahain na sila ng dumating ako. Masayang nag kainan ang lahat at hindi ko naman maiwasan na mapa tingin sa gawi nila boss.Tsk. Parang walang nangyari ah.
"Jea, Marunong ka bang mag laro ng volleyball?"
tanong ni Kim Vincent habang kumakain kami. Agad naman akong umiling. I'm not into sports.
"Ganoon ba? beach volleyball sana tayo eh."
he replied. Then he turn to Nicole.
"ikaw Nicole? game ka ba?"
"Oo naman! ako pa talaga ang hinamon mo, si Ma'am Alexa baka gustong sumali?"
panghahamon ni Nicole na may kasama pang pag ngisi.
"Sorry, pero hindi ako nakikipag laro kung kani-kanino lang."
maarteng sagot nito habang pinag kukrus ang mga braso nya sa tapat ng dibdib nya habang ang mata naman ni Nicole ay umiikot na halatang naaartehan na sa mga pinag sasasabi ni Alexa.
"Oh baka naman takot ka lang na matalo at mapahiya ng kung Sino lang? Boss! hindi ba mas masaya kung sasali si Ma'am sa amin?"
pang aasar ni Nicole. Nagulat ang lahat sa lakas ng loob nyang kausapin ang CEO namin ng ganoon nalang. Pero mas nagulat ang lahat ng biglang tumango si boss.
"Masaya nga yun. Hindi ba sabi mo bored ka kaya ka sumama sa amin, then here's your chance to have some fun. Alam ko naman na hindi mo ako ipapahiya."
he said sarcastically, wala nang nagawa pa si Alexa kung hindi ang ngumiso at tumango. Hindi ko tuloy maiwasan na mapa iling.
Matapos namin mag hugas ng pinggan at nang matunawan ang lahat ng kanilang kinain ay nag simula na silang mag prepare para sa beach volleyball. Agad akong naghanap ng punong matatambayan na malayo sa mga tao habang pinapanood silang mag prepare. Unti-unting nag sigawan ang lahat lalo na ang mga lalaki ng mag labasan na ang mga naka bikini na players. Si Nicole ang captain ng Team A, habang si Alexa naman ang sa Team B. Kung ikukumpara ang dalawang babae, laking ganda talaga ni Nicole, pwede na nga itong sumali sa Victoria's secret angel habang si Alexa naman ay katamtaman lang ang taas at kung irerate mo ang katawan ay papasa na sa standard class. I'm not being biased here, pero iyon ang totoo. Naka Red bikini si Alexa habang black naman ang kay Nicole.
"Mag sisimula na tayo sa ating game, ang Team Captain ng Team A, Nicole! Team Captain ng Team B, Ma'am Alexa!"
pag papakilala ni Mico. Kelan pa si Mico Ang naging host ng outing na ito?
"Okay, let's start with a toss coin, who will be serving?"
excited na tanong ni Mico at nag sigawan na ulit ang mga tao.
"Walang pag asa si Nicole na manalo sa kanya."
sambit ng isang pamilyar na boses sa likuran ko. What is he doing here? Alam ba nya na Alam ko?
"I don't think so. Beach volleyball is very different from ordinary volleyball, since elementary, player na si Nicole ng beach volleyball, laking lamang ni Nicole sa stamina at strength. Kawawa naman girlfriend mo boss."
sagot ko na pilit na tinatago ang kaba.Bigla naman itong naupo sa tabi ko.
"I know you know that she's not my girlfriend, I know you heard us, you saw us."
he said directly, looking at me intently. Agad naman akong napa lunok at mas lalong kinabahan.
"I'm sorry Boss! I'm just walking by, when I saw you through the tall grasses. I didn't mean it."
I said with my voice shaking. Kapag sinisante nya ako, mapipilitan akong mag trabaho sa company nila mommy at ayaw ko munang mangyari yun.
"May pinag sabihan ka ba?"
tanong nito.
"Wala naman po akong pakialam sa buhay ng ibang tao at wala naman akong ibang pagsasabihan nyan dahil hindi naman ako mahilig sa tsismis, kaya don't worry."
it is safe in my phone. Gusto ko sanang idugsong ngunit baka mawalan na ako ng trabaho.
"That's good then."
he said and we never speak again. Panay Ang hiyawan ng mga tao, ilang beses na na sampal si Alexa ng bola sa mukha at kitang-kita na hinahanap nito si Boss para aluhin sya ngunit Hindi nya kami tanaw sa pwesto namin. Natapos ang game na panalo si Nicole ng ten points habang si Alexa naman ay tinutulungan ng halos lahat na bumangon.
"I can say na magiging tahimik ang buong hapon at Gabi mo at pati na rin bukas dahil wala na Yung girlfriend mo na sunod ng sunod sayo. I don't think makaka bangon pa sya once na mag pahinga sya."
Sabi ko, saka ako nagtatakbo palapit kay Nicole at halatang masayang masaya sya sa ginawa nya Kay Alexa.