POV NI CAMIL
Buti na lang ay bumaba na Ang init Ng katawan Ni Calix.
Napag alaman kung normal lang Pala Ang magkalagnat kapag nagngingipin Ang bata dahil sobrang init na,nag alala na daw Ang Ina ko Kay baby calix.Sabi pa Ng doctor pwede na daw kaming umuwi mamaya. Sobra talaga akong nag aalala.
" Dahan dahan" habang pababa kami sa tricycle. Nandito na kami sa apartment Ng mama ko. Sa di kalayuan Napansin kung may nagtutumpukan na mga tao papalapit sa Amin . Winalang bahala ko ito, mas priority ko Kasi Ang anak ko at Kay mama. Napag alaman kung di pa Pala ito nakakain dahil sa pagbantay niya Kay baby. Mayroong Silang pangalan na binabangit ngunit Hindi ko maintindihan kung sino ba. Pumasok na kami at hiniga ko sa kama si calix, nilagay ko na rin sa tabi nito Ang bag na Dala ni mama kanina papuntang hospital. Walang nagbago sa bahay niya, Ganon parin tulad Ng huling punta ko rito. Umikot ako sa bahay sa pagkamiss kong bumalik.
" Pumupunta Naman kami Minsan sa bahay niyo para maglinis at magbonding Doon Ng apo ko, nag aaya kasing umuwi Doon" patawang niyang sinabi habang maglilinis Ng bigas para Isaing. Magkalapit lang Ang kusina at sala kaya rinig pa rin namin Ang isat Isa kahit magbulungan lang kami. Napaupo ako sa may sofa. Kalapit sa traditional na tv.
" Alam mo ba mas Malaki Ang tv Ng amo ko kaysa rito" pasimulang kwento ko.
Napatingin lang si mama sa akin. Kita ko Ang pag aalala niya sa akin.
" Hindi Naman ba masungit Ang amo mo roon" pagpapanibagong topic niya.
" Hindi Naman ma, sobrang bait Ng amo ko" napatango lang Siya sa akin.
" Wala Naman pa la dapat akong alalahani." Pahalakhak nitong sabi.
Doon ko na kinwento Ang di ko makakalimutang moments na naranasan ko sa mansion noong ako lang mag Isa at noong umuwi na Ang may Ari. Nagsabi ko na rin kung sino Ang nagmamay Ari Ng mansion. Hindi nagbago Ang kanyang mukha, alam niya na si Sebastian Ang may Ari Ng bahay.
" Naikwento na Ng regular mong suki dati sa isawan kung sino Ang amo mo, nainggit pa Siya dahil makikita at makakasama mo sa personal si mayor" kwento pa niya.
Biglang lumakas Ang ulan, sobrang lakas na din Ng hangin. Kanina lang ay mainit na dumadampi sa balat ko Ang Araw Ngayon Naman ay malamig at nakakatakot na lakas ulan.
Nataranta ako sa gulat Ng biglang may nagcrush sa harapan namin.
Lumabas si mama para tignan habang ako ay humiga sa kwarto at niyakap si calix.
" Pasok kayo" naalimpungatan ako sa pagkakaidlip Nung narinig kong may pinapapasok si mama na mga lalaki.
Tumingin ako sa maliit na butas sa pintuan ngunit di ko makita Ang kanyang mukha. Inintertain ni Naman Ang mga ito kung saan Sila galing at bakit Sila napadpad Dito. Sa pagkakarinig ko ay naflattan Sila Ng gulong at tumama sa puno Ang kanilang sasakyan dahil Hindi makontrol Ang preno dahil sa sobrang dulas Ng kalsada.
Hinintay kung pumasok si mama sa kwarto dahil nag alala ako baka ito ay mga magnanakaw lang at palabas lang nila Ang lahat dahil gusto talaga nila kami nakawan.
" Ma, bakit mo Naman pinapasok Ang mga Yan Dito, pano kung nakawan kayo" pag alalang bulong ko.
" May nakukuha ba Sila sa akin kung sakali" patawang sarkastikong sagot niya. Kinuha niya Ang nakatuping twalya sa cabinet tyaka lumabas.
Ramdam ko Ang taranta sa buong katawan na baka may mangyaring masama kaya lumabas ako sa kwarto upang obserbahan Sila. Dahan dahang akong naglakad at gumilid sa Isang pader para pakiramdaman. Sumilip aoo at tinignan Ang kanilang kasuotan.
Familiar Ang damit Ng Isang lalaki. Formal Ang kanilang suot na parang galing sa mataas na pamilya, mayaman for short. Binigyan ni mama Ng tasang maiinom Ang dalawa at umupo ito sa harap Ng mga lalaki. Kunwari akong lumabas sa gilid at napatingin Ang dalawang lalaki sa akin.
" Sir Sebastian!" Paturong gulat ko sa aking Nakita. Tumingin Siya sa buong paligid Ng bahay tyaka tumingin sa akin.
" Ito Pala Ang bahay niyo" sabi niya.
" Bahay ko" sagot ni mama.
Napatingin Silang lahat sa akin. Napangiting awkward na lang ako sa kanila.
POV NI SEBASTIAN
Na nabanga kami sa puno dahil sa nasira ata Ang preno Ng sasakyan. Lumabas Ang assistan ko at tinignan Ang harap kaya lumabas na rin ako. Napansin ko Ang flat na gulong tyaka napatingin sa harapan Ng sasakyan. Nayupi ito. Gabi na, walang malapit na pagawaan Ng sasakyan. Kung Meron man siguradong sirado na. Wala din malapit na hotel Dito sa Lugar upang pansamantala namin Ng assistant ko magpahinga. Sa di kalayuan Nakita ko Ang Isang babaeng matanda papunta sa kinatatayuan namin.
" Anong mangyari? " Tanong niya. Nagpaliwanag Ang assistant ko sa aming sitwasyon.
Inaya niya kaming Doon Muna sa kanila mag istay habang malakas pa Ang ulan. Gusto sanang tumanggi ngunit tulad Ng sabi niya walang ibang mapagpapahingaan sa Lugar nila, malayo pa sira din Ang sasakyan namin at madulas Ang kalsada kaya tinangap ko Ang offer niya.
Malamig Ang panahon basang basa din kami dahil sa lakas Ng ulan.
Binigyan kami Ng twalya ni manang pansamantala daw namin na pang alis ginaw. Puro pang babae lang Ang kanyang damit at kahit Isa walang kasya sa aming dalawa.
Nilagay ko Ang twalya sa aking balikat at Ganon din Ang Kasama ko.
Kinausap ako ni manang kung saan daw kami galing at bakit kami naparito. No kahit Isang salita Wala akong sinambit dahil Ang assistant ko Ang sumasagot sa lahat Ng katanungan. Napatingin ako sa paligid. Maliit at masikip Ang bahay puno Ng mga makukulay na mga gamit din Ang nakikita ko. Habang napapatingin ako sa buong paligid may napansin akong larawang Ng Isang baby sa gilid Ng lamesa at yakap nito Ang magandang babae.
" Anak niyo?" Tanong ko
" Ahhh oo" sambit ni manang magiliw Ang kanyang mukha. Ngunit Ang babae sa larawang ay kamukha ni Camil. Ng biglang may lumabas na babae sa Isang silid.
Laking gulat ko na si Camil ito. Tinignan ko Ang mumunting tirahan nila. Ang mga makukulay na kagamitan. Dito Pala Sila nakatira. Puno Ng mga di ko maintindihan na gamit sa paligid.
"Ito Pala Ang bahay niyo" sambit ko
"Bahay ko" sambit ni manang. Pagtataka akong napatingin Kay Camil sa sinabi ni manang ngunit ngumiti lang ito. Kita ko sa kanya mga Mata Ang pagkagulat at awkward niyang tingin sa akin