Nalinis ko na lahat parte Ng bahay except sa kwarto ni mayor.
" Ahmm, sir pwede na Po ba ako pumasok" katok ko. Ngunit walang sumasagot. Naghintay ako Ng ilang minuto ngunit walang sumasagot kaya naisipan kung pumasok. Tinignan ko Ang paligid , Ang magulong higaan at mga nakakalat na damit Ang nandito.
Umalis na kaya Siya. Walang tao sa kwarto at sa walking closet niya.
Nag simula na akong ayusin Ang kama niya, inayus Ang mga gamit na magulo at mag wawalis na rin.
Busy ako sa pagwawalis Ng biglang bumukas Ang pinto sa comfort room.
Nakita kung nakatapis lang Ng twalya si sir Sebastian. Pinunasan niya Ang kanyang mukha papalabas,ilang saglit lang ay napatingin ito sa akin. Gulat itong nakatingin habang tulala sa akin.
Hindi ako makagalaw sa nakikita, Ang sarap hawakan Ng kanyang six pack na pandesal na mabasa basa pa ito. Napansin kung pupunta Siya sa akin kaya tinakpan ko Ng dalawang kamay Ang aking Mata.
"Maglilinis lang Po ako Ng kwarto niyo,sir" mabilis kung paliwanag.
Tinaas ko Ang aking ulo habang nakapikit ako.
" Sir Wala Po akong Nakita, I swear" dugtong kung paliwanag. Bumibilis nanaman Ang t***k Ng puso ko.
Mariin niyang nilalapit Ang kanyang mukha sa akin habang akoy nakapikit.
" Talaga lang ha" bulong niya. Hindi ko maipaliwanag Ang nararamdaman ko sa kanyang nakakapangakit na bulong.
Dinilat ko aking Mga Mata, 2 inch na lang Ang pagitan Ng aming mga labi.
Tumaas Ang kanyang kilay sa akin. Napaurong ako Ng kaunti at palapit Naman Siya sa akin.
Ano ba tong ginagawa niya pumasok kung gulo. Pailing iling ako habang kinakausap Ang aking Sarili.
"Yes, Po sir" pag sisinungaling ko.
Tumalikod ito papunta sa kanyang walking closet. Hindi pa Siya nakakapasok, Ng akoy napo buntong hininga Ng malakas. Nagpahinto ito malapit sa pinto at tumingin. Nagkunwari akong nakangiti ngunit Sa totoo lang kabang kaba, hiyang hiya na din ko, alam kung ano ba talaga Ang nararamdaman ko. Ang bilis din Ng t***k Ng aking puso. Hayyyst.
" Wag Muna akong tawaging sir, Sebastian na lang, okay o kaya sa Charles, depende sayo" ngiting sabi niya. Nag thumbs up din ako bago pumasok sa loob.
" Hehehe okay" patawang sabi ko.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Winalang bahala ko na lang Ang nang yari. Coincidence ko lang Naman Nakita Ang curva niyang walang saplot na katawan.
Ang sexy. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako, sa di ko makamove on na pangyayari. Charles na lang kaya Ang itawag sa kanya.
Nagising ako sa paulit ulit na ring sa aking cellphone.
" Ma, bakit" unang Tanong ko pagkasagot Ng tawag.
" Anak NASA hospital kami, mataas Kasi Ang lagnat ni Calix baka pwede Kang umuwi Muna" tarantang salita ni mama.
Napataranta na rin ako kaya madali akong pumunta sa kwarto ni sir Charles.
" Sir pwede ba akong umuwi Muna". Pataray niya akong tinignan.
" Bakit? May problema ba" Tanong niya kita ko sa kanyang mukha Ang pag aalala.
" NASA hospital kasi-----"
" Okay baka kailangan ka Ngayon Ng parents mo" Hindi pa ako tapos magsalita Ng tumango ito.
"Saan hospital?"Tanong niya habang nagneneck tie sa harap Ng salamin.
" Sa Saint Pablo hospital Po" sagot ko.
" Sakto dadaan di Naman ako Doon eh, ibaba na lang kita" sambit niya tyaka kumuha Ng sapatos sa shoe cabinet.
"Ano pang hinihintay mo? Gayak na!" Pagmamadali niya sa akin.
Ang bait Naman talaga Ng amo. Hindi nagkamali Ang taong bayan na iboto Siya. Patagbo akong pumunta sa guest house at nagpalit Ng damit.
POV NI SEBASTIAN
Ilang minuto na akong nakaupo sa loob Ng passenger kakaantay Kay Camil. Pagtingin tingin ako sa aking pulsuhan kung anong Oras na. Maaga pa Naman, excited lang ako pumunta sa bukirin upang kamustahin Ang mga magsasaka at Ganon na rin Ang aking kababayan na nakatira Doon bago mag simula Ang programa.
Nakita ko SiyaNg tumatakbo na palapit sa sasakyan. Inayos ko Ang aking necktie tyaka ako umupo Ng maayos.
Binuksan Siya Ng mabilis Ang pintuan.
" Pasensya na Po sa paghintay" sambit niya habang hingal na hingal.
Mabilis itong umupo sa tabi ko.Nakakabighani talaga Ang kanyang charisma, kahit nakacasual lang Siya.
Kumportable na ito sa kanyang pagkakaupo Ng mapansin ko na di niya sinuot Ang seatbelt.
Lumapit ako sa kanyang at kinuha Ang seatbealt malapit sa kanyang ulo at mahinahon ko itong nilagay ito malapit sa kabilang bewang kung saan ilalagay ito.
Nakita ko sa peripheral vision ko Ang kanyang pagkakagulat habang nakatingin sa akin. Pansin ko rin Ang hinto Ng kanyang paghinga." Lagi Kang magseseatbelt kahit may problema" tinignan ko SiyaNg maigi. Kita ko sa Ang mapungay niyang Mata Puno ito nag paalala.
Hindi Siya nakasagot.
" Pinalalahanan lang kita, para na rin sa safety mo" paalala kung sagot.
Nakapakong nakatingin lang kami sa dinaraanan. Tahimik Ang buong paligid. Walang gustong magsalita.
Kring....kring tunog Ng cellphone.
Napatingin ako sa cellphone ko, hawak ko ito sa kaliwang kamay. Akala ko ay Ang secretary ko na pero kahit Isa ay walang tumatawag. Kinalabit ko Siya sa kanyang balikat. Nakatingin lang ito sa labas Ng bintana at biglang nagulat Nung kinalabit ko . Umiba Ang kanyang itsura Nung ituro ko Ang kanyang phone.
" Malapit na ako ma" she hung up.
Ganon ba kalala Ang kundisyon Ng kanyang Ina. Ano kayang sakit niya? Pag aalala ko para Kay Camil. Magsasalita pa lang ako Ng hininto Ng assistant ko Ang sasakyan.
" Nandito na Po tayo sa hospital" tugon Ng assistant.
Tinignan ko lang ito palabas sa sasakyan. Humarap ito sa akin at nagpasalamat. Hindi ko alam Ang sasabihin ko, pakiramdam ko ay nabara na sa aking lalamunan Ang mga salita. Hindi ko masambit Ang lahat Ng gusto kung sabihin para sa kanya.
Umusad na Ang sasakyan pero Ang dalawang Mata ko ay nakatuon parin Kay Camil, medyo malayo na kami at kitang kita ko Ang mabilis niyang pagtakbo papasok sa hospital.
" Sir malapit na tayo sa destination" napatingin ako sa mirror at tumango. Umupo ako Ng pakumportable at huminga Ng malalim bilang paghahanda Ng aking Sarili.