CAMIL'S POV
Gabi na, siguro Naman tulog na Ang may Ari Ng bahay. Pumunta ako sa guest house kung saan ako natutulog. Napaupo ako sa kama. Hinawakan ko Ang akong dib dib ramdam ko Ang bilis Ng t***k sa aking puso tyaka hinawakan ko Ang magkabilang pisngi ko. Mabilis akong pumunta sa salamin malapit sa higaan habang hawak Ang aking mukha. Namumula ito.
Para akong nakakain Ng sili. Kiniklig ako. Sino nga Naman Ang Hindi kikiligin,sobrang gwapo Ng amo ko. Parang NASA fairytale lang Ang peg.
Wala Naman Silang uniform na kailangan suotin kaya kahit mag dress ako okay lang. Napag isipan kung mag maliit na short tyaka maluwag na t shirt pagtulog. Napatingin ako sa cellphone ko alas 9 na Pala Ng Gabi.
Napatingin ako sa photos kung saan karamihan ay photos Ng anak ko na si calix.
Sa sobrang miss ko sa kanya ay napatawag ako Kay mama.
Kinamusta ko lang Naman si baby ehh, kung okay lang ba Siya at ano na Ang kinakain niya. Hinarap ni mama Ang camera sa tulog Kong malambing na cute na anak.
Lagi daw akong hinahanap Ng anak ko. Bigla akong nalungkot at gusto- gusto ko na SiyaNg mayakap ulit.
" Ohh Siya ma natutulog na din ako Maaga pa akong gigising bukas at maghahanda Ng pagkain para sa amo ko. Dumating Siya kaninang tanghali eh" pilit kung ngiti kahit naluluha na ako
"Sige na, pagod na din Ang mama mo. Matutulog na rin ako" Tumango ako Ng kaunti at pinatay. Maya Maya nilagay ko sa dib dib Ang aking cellphone dahil nararamdaman kung sumasakit na aking dibdib sa sobrang kalungkutan.
Tok...tok...katok Ng pinto. Pumunta ako sa pinto at binuksan Ng kaunti.
" Miss Leones ito Ang sahod mo" inabot Ng secretarya Ang nakaenvelope na Pera.
" Siya nga pala dinadagan iyan Ng bonus dahil sa extra effort mong pag aalaga Kay bimbi at sa bahay." Dugtong niya.
Ganon Pala ka importante Ang bahay na ito kahit weekends lang siya umuwi.
Tumango na pang ako at ngumiti. Tinignan ko Ang laman Ng Pera,sobra pa ito sa inaasahan kung sahod. Tumingin ulit ako kung saan nakatayo Ang secretary pero Wala na Siya roon. Sinirado ko Ang pinto tyaka pumunta sa higaan at binilang Ang kabuuan Kong sinahod.
"Sa wakas may pang bigay na rin ako sa mama ko" sabi ko, mapapatalon ako sa tuwa sa unang sahod ko Dito, mas Malaki pa sa mga raket at sinasahod ko sa canteen.
Kinuha ko Ang cellphone tyaka Ng text Kay mama.
Ma, padala ako bukas.
Maagang maingay Ang bahay, Ang tugtugan Na puro love music at worship song sa mansion. May naririnig na rin akong magandang boses na sumasabay sa melody nito. Bumangon ako at naparoon kung nasaan Ang musika. Nakita Kong nagluluto sa kusina Ang amo ko habang hawak Ang sandok, ginagawang niya itong mic. May kaunting giling din akong Nakita. Ngumingiti Ang aking mga labi sa kanya.
Di Pala Siya masungit :?
Nagising ako sa katinuan Nung natapos na Ang kanta at Ang susunod Naman. Lumingon Siya sa kanyang niluluto at lumiko pa harap ko.
Dahan dahan akong naglalakad patungong banyo ng Nakita niya ako Bigla.
" Good morning...." Pakanta niyang sambit.
Lumingon ako sa kinaroroonan niya, Nakita kung nakatingin Siya sa akin habang tinitikman Ang sabaw Ng kanyang niluto.
Pa awkward akong ngumiti sa kanya at tumakbo papuntang banyo.
Haysst Ano ba to? Buti Hindi nagalit Ang amo ko dahil nauna SiyaNg nagising at magluto pa. Para sa akin kaya yun? Haysst napaka assuming ko talaga. Coincidence lang baka talagang mahilig Siya magluto.
Lumabas na ako sa banyo ng Makita kung kumakain na Sila sa lamesa Kasama Ang secretary.Inaya ako Ng secretary na Kumain kasalo nila. Gusto ko sanang tumanggi ngunit ngumunguso na ito at baka daw Magalit.
*/ Nakatulala ako
Ang awkward Kasi Ng paligid at nakakahiya sa kanila.
Tumingin sa akin Ang may Ari habang sinusubo niya Ang pagkain. Tinaas nito Ng kaunti Ang kanyang kilay na parang sinasabi Hindi ka ba kakain. Pumunta ako sa kinaroroonan nila. Ang sarap Ng ulam, tinolang manok, favorite ko. Kumuha ako Ng pinggan at sumalo sa kanila. Nakakahiya dahil Kasama ko Ang amo ko at tyaka Ang secretary parang sailing bulinggit lang ako sa gidli. Kumuha ako Ng kaunting kanin at sinabawan ko ito. Kumuha na rin ako Ng Isang gayat Ng manok.
Nagkukwentuhan ito tungkol sa kanilang trabaho at napag alaman ko na mayor Pala Ang may Ari Ng bahay. Sa pagkakatanda ko Kasi si Sebastian Ang nanalo.
Tinignan ko ito Ng mabuti. Yung tingin na tingin, pinagkumpara ko Ang mukha ni Sebastian Nung una ko Siyang Nakita at Ngayon NASA harapan ko.
Hanep magka mukhang magkamukha. Napausad ako Ng kaunti sa kinauupuan ko at biglang nasamid sa aking kinain. Natarantang kumuha Ng baso ito at binigay sa akin. Napatawag Naman sa akin si sir Vern sa likuran ko para di ako mahulog sa pagkakaupo.
" Okay ka lang ba" Tanong ni sir Vern
Tumango lang ako habang nainom Ng tubig.
" Pasensya na Po".Tinignan ko ulit Ang may Ari at confirmed Siya nga.
Kinaway kaway ni sir Vern Ang kanyang kamay sa harapan Ng aking mukha. Nakatulala ako.
" Gumising ka kanina ka pa nakatulala" sambit niya.
Inangat ko Ang aking kamay paturo sa kanya habang nakatingin pa rin at naguguluhan.
" Ikaw so mayor?. Ayy I- mean Ikaw si sir Charles Sebastian na kasalukuyang mayor Ngayon?" Mabilis kung naitanong. Baka magkamukha lang. Meron Naman magkamukha sa Mundo Ng kapogian eh. Yung parang twin pero di magkadugo.
Nakatingin Siya Kay sir Vern at bumaling sa akin. Tumango Siya. Napatayo ako sa kinatatayuan ko at patakbong pumunta sa kwarto.
It's a fantasy right? Tanong ko sa Sarili. Sinampal ko Ng dalawang beses Ang aking mukha. Ang sakit, namumula sa sakit.
" Totoo nga" di ako makapaniwalang sambit.
Napaupo ako sa sahig.Di parin makapaniwala.
" Hindi mo ba sinasabi sa kanya?" naririnig ko sa kinaroroonan nila.
" Hindi! Malay ko ba? Akala ko nga sinabi mo na" sarkastikong tugon ni Charles.
" Di ba Ikaw nag tour sa bahay bakit di mo sinabi kung sino ako?" Dugtong niya.
" Nakalimutan ko eh!" Pilosopong sagot ni sir Vern
" Eh Ikaw pano ka niya nakilala?"
" Syempre,nagpakilala ako habang nag toutour sa bahay" pang iinis niya.
" Wow Ang galing" may palakpak pa. " Hindi mo Man lang pinakilala Ang may Ari Ng bahay" sarkastikong pang iinis din ni sebastian.
Pero nag titimpi na talaga sa galit. Patago nga lang.
Lumabas ako sa kwarto. Naglalaro Sila Ng games sa sala kaya naparoon ako. Tumayo ako sa gilid ng mayor. Nakayuko. Patapos na din Sila maglaro kaya hinintay ko na.
" Ahhm sir sorry Po sa inasal ko kanina" pakamot kung sabi. Tumingin lang Siya sa akin at tumawa malakas,tumayo, at tinapik niya ako sa balikat.Tyaka umalis.
" Naku Wala yun, karamihan talaga Ng naging katulong Dito ganyan Ang reaksyon." Sabi Ng secretary na nakaupo sa sofa.
" Nagugulat Sila na anak Pala Ang congressman Ang may Ari nito"dugtong niya.
*/ Hindi ako makaimik habang nakatingin sa kanya.
" Kaso pinapaalis Sila Kasi nawawalan Ng gamit dito.kung Hindi Naman ay may palihim na nagpaparty Ang dating tagapagbantay Dito. Nahuli, ayon pinaalis. Hanggang sa ako na Ang nangalaga. Ngayon Ikaw na" paliwanag niya.
Sa kada weekends lang panaman Ang uwi niya kaya siguro nagawa Ng mga tagabantay sa bahay. Ngunit Wala pa din modo.
" Kaya Ikaw" paturo akong nilapitan
" Kung ano Ang makikita mo sa kanya Ngayon, o kahit kahapon. Chinachallege ka lang ni Charles kung katulad ka din nila"
Nakakatakot Naman. Anong Akala mo sa akin magnanakaw. Wala sa vision ko Ang maging Ganon. Trabaho Ang hanap ko Dito kaya sa trabaho lang ako nakafocus Wala Ng iba pa