Nagdadalawang isip pa din ako.
Tinaype ko sa selpon ko Ang Numero ngunit Nung tatawagn na ay di ko mapindot Ang dial.
Anong mangyayari kapag ginarab ko to. Pano kung iscam lang to? Ayy bahala na.
[Hello] sa kabilang linya
" Ahmmm...hello po... " Nahihiya kung sabi.
" Ahmmm... Available pa Po ba Ang pagiging Yaya. Ang sabi Po Kasi sa akin ay stay in daw"
[ Ahm..yes Po ma'am available pa... Ano Po ba pangalan niyo?]
" Camil Leones Po" sagot ko
[ Pumunta kana lang Dito. Itetext ko Ang address para alam mo. Kailangan na Kasi bukas kung gusto mo bukas ka na din pumunta]
" Ahmm Sige Po"
Sa Laguna pa din Naman Ang address ngunit sa malabundukin Na Lugar. Walang madaming tao,walang mga factory na malapit kundi mga puno at magagandang malalaking bahay pero layu-layo ito sa isat Isa.
Nakatayo ako sa harap Ng gate. Dala ko Ang kaunting pangangailangan sa pang Araw Araw. Mala mansyon Ang bahay. Pinindot ko Ang doorbell at naghintay Ng tao sa loob.
" Sino Yan?" Lalaki Ang boses.
Napatingin ako sa gilid ko pero Wala Naman tao at Ganon din sa gate. Hindi ko alam kung saan nanggagaling Ang boses.
" Humarap ka sa doorbell, Hindi kita Makita" sabi pa Ng boses.
Sumunod Naman ako sa sinabi Ng lalaki. Ngumiti ako Ng kaunti sa may doorbell Ng biglang nagopen Ang maliit at masikip na pintuan. Nakakagulat, muntik na akong nerbyusin.
" Ikaw Ang na hire na Yaya di ba? Pumasok ka na sa loob at hintayin mo na lang ako sa sala" utos Ng boses.
Ang layo Ng bahay mula sa gate parang kalsada na.
Ang creepy nito. Hindi Naman halata na may multo dahil Ang aesthetic Ng pagkakaayos Ng bahay Ganon din Ang kulay.Woody brown Ang style na may magagandang halaman sa bawat ibat ibang lalagyan.
Naupo ako sa may sofa kaharap Ang malaking 12 inch na tv. May lumabas sa isang silid. Lalaking naka formal attire Ang atake. May hawak itong folder sa kaliwang kamay habang nakasabit Naman Ang mamahaling relo sa kanyang kanan.
Ang serious Ng atmosphere. Umupo Siya sa single na upuan at napag usapan namin kung ano Ang mga gagawin ko sa bahay pati na Ang pagdalaw ng amo ko Dito. Sa bahay panuluyan.
Sa pagkakatanda ko Ng sinabi niya. Isa lang daw SiyaNg secretary at tagapangalaga Ng bahay dahil busy Ang may Ari pati na din daw Siya ay napag isipan nito na kumuha na lang Ng Yaya para sa tagapangalaga Ng bahay.
Ako lang mag Isa?Wala akong Kasama?
Meron Naman daw ngunit isang robot at alagang aso nga lang. Ang pangalan ng robot ay Siri at bimbi Naman Ang aso.
Uuwi daw parati Dito Ang may Ari kada sabado at linggo dahil nga stay in ako, dapat kung pagsilbihan Ang may Ari Ng bahay.
Depende na lang daw sa magiging amo ko kung kailan ako pwedeng umuwi.
Depende sa mood niya? Wala pa nga sa Isang Araw pero miss ko na Ang anak ko. Sana Pala dinala ko na lang si calix eh para nababantayan ko pa din.
" Gusto mo bang I tour kita sa buong bahay?" Tanong niya
*/ Tumango lang ako.
Nahihiya ako sa kanya pero kailangan kung maging mabait dahil baka di magustuhan Ang performance ko bilang tagapangalaga Ng bahay.
Tanghaling tapat na Ng biglang bumukas Ang gate. Tatlong maitim na sasakyan Ang pumasok. Halatang mahal Ang sasakyan, kumikintab sa kalinisan.Binuksan Ng driver Ang NASA pangalawang kotse at ibang nakaitim na naka formal attire ay pumunta sa gilid Ng pinto papasok sa bahay.
Nakita ko si Siri na papunta sa kinaroroonan nila. Nagmadali Naman akong paliguan si bimbi para tignan kung sino Ang dumating.
" Magandang tanghali, boss" sabi ni Siri.Yumuko ito na parang tao.
Hinawakan lang Ang balikat ni Siri tyaka nagpatuloy sa lakad papuntang kwarto.
Hindi ko alam Ang gagawin ko.
Hinanap ko si bimbi kung nasaan na ito.Napansin kung bukas Ang Isang silid. Baka Doon pumasok si bimbi. Dali Dali akong pumunta roon.
" Bimbi... Treats ohh" sabi ko.
Hindi pa din Siya lumalabas, sa wari ko ay di ko nasarado Ang kwarto. Dali Dali akong lumabas para hanapin Ang aso baka mawala ito.
Tapos na din akong magluto Ng pagkain. Nakita ko Ang secretary na lumabas sa silid na kanina ay bukas.
" Ikaw lang po Pala ang nandoon,Akala ko Naman multo" pabiro kung sabi.
" May pagkain na? " Tanong niya.
*/Tumango lang ako habang hinahalo mainit na sabay.
Pahingi ako Ng ulam at tyaka kaunting kanin. Sinunod ko Naman Ang utos niya.
Pagkatapos bumalik Siya sa kwarto.
Nandito na kaya Ang may Ari Ng bahay.
Tinignan ko Ang pintuan sa labas, madaming tayong naka formal attire at karamihan Doon ay NASA harap Ng pintuan lang.
Siguro nga nandito na Ang may Ari Ng bahay.
Tapos Naman na akong maglinis Ng bahay at Kumain...tanumgin ko kaya Sila kung Kumain na.
Subalit Nung papalapit na ako sa kanila ay biglang may narinig ako mula sa likod ko Ang familiar na boses.
" Who are you?"
POV NI SEBASTIAN
Kakatapos ko lang maligo Nung napansin kung mayroong ulam sa mangkok at kanin sa gilid Ng higaan ko. Hindi ko yun pinansin at dumiretso ako sa walking closet para magbihis. Binuksan ko Ang lagayan Ng mga t-shirt at Ang closet Naman kung saan nakalagay Ang mga short. NASA bahay lang Naman ako kaya di ko na kailangan Ang magpaporma pa.
Narinig kung tumatahol sa likuran ko si bimbi.Ang Pomeranian dog ko. Mabango ito at basa pa Ang kanyang balahibo. Hindi ako sanay na makita at maamoy na mabango si bimbi. Dahil nakagawian ko Ng paliguan Siya pagdating ko. Inaalagaan lang at pinapakain ni Vern Ang alaga kung aso habang Wala ako sa bahay.
" Siguro narito na Ang bagong Yaya" napagtanto ko.
Kinuha ko ito at lumabas sa silid. Tumingin ako sa baba at napansin kung may babaeng naglalakad papunta sa mga guard kung saan nakabantay Sila sa pinto. Sa curious ko ay nagmadali akong bumaba. Sa kurba Ng kanyang katawan, sa palagay ko Nakita ko na Siya dati.
Ang sexy niya Naman. Sa isp isip ko
"Who are you?" Taas kilay kung Tanong habang bitbit ko si bimbi.
Pansin kung nagulat ito at unti- unting lumingon sa akin at humarap.
Iniisip kung maigi kung saan ko Siya Nakita. Tinignan kung maigi Ang kanyang mukha. Inulit ulit kung tignan mula ulo Hanggang paa.
OA na ba ako sa tingin ko baka iniisip niyang rapist ako.
" Magandang tanghali Po. A-ako Po Ang bagong katulong Dito sa vacation house niyo" pabulong niyang sabi sa akin. Hawak niya Ang dalawang kamay niya habang nakayuko. May nagawa ba akong mali.
Vacation house! Hindi ito vacation house tinayo ko ito para sa future family ko.Sa bagay Wala pa Naman Kasing nakatira pa totally rito kAya niya siguro na isip yun.
" Wag Kang yumuko, gusto kung Makita Ang mukha mo" sarkastikong Saad ko.
Mahinahon niyang tinataas Ang mukha niya at tumingin sa aking mga Mata.
Bigla akong namula at di makapagsalita.
Ayaw kung tanungin kung saan ko Siya Nakita o nagkakilala na ba kami dati. Ngunit Sa kanyang aura at Ganda feeling ko nagkita na kami.
Assuming ba?
Biglang tumahimik Ang paligid. Umupo ako sa sofa at binugsan Ang malaking television sa bahay gamit Ang remote. Nilapag ko sa tabi si bimbi malapit sa aking legs at hinimas himas Ang kanyang malambot na balahibo. Di ako mapakali, Hindi ko alam kung bakit.
" Ilang Araw ka na Dito?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Magdadalawang linggo na Po" nervous niyang sagot. Naiilang siyangg kausap in ako.
"Wag Kang mag alala di Naman kita kakainin" sabi ko. Pangpawi Ng kanyang mood ngunit parang nagulat Ang reaksyon niya
" Biro lang" pagbawi ko sabay Ng mahinahong halakhak.
Ngumiti ito Ng kaunti at yumuko ulit.
Pinatay ko Ang tv tyaka tumungo sa kwarto pigil akong nagmamadali lumakad.
Sinirado ko agad Ang pinto at malakas na bugtong hininga Ang nilabas ko.Buti na lang talaga Wala si Vern sa bahay. Pinabili ko Kasi sya Ng pagkain Ng aso kanina . Nakita ko kasing paubos na Ang dog food na nakatabi.
Ang OA ko masyado parang Ngayon lang ako nakasama Ng babae sa bahay at tagapangalaga pa Ng pinakamamahal kung bahay. Biglang may nag sink in sa isip ko. Kamukha niya Ang babaeng yun. Ang babaeng mestisa na Kasama Ang nanay niya habang nangungumpanya ako,Yung may kandong na baby sa kanyang bisig. Ang babaeng nakaupo sa pangatlong row.
What a small world nga Naman ohh? napangiti ako saglit. Sa mukha kung ito parang may binabalak Gawin.
Tumingin ako sa salamin. Tinignan ko Ang Sarili tyaka ngumiti ng matalim.
"Kailangan ko na atang siyang angkinin"