Chapter 1: Yung Babae sa Pila
Pawis. Hingal. 6:30 AM.
Kakatapos ko lang tumakbo. Basang-basa yung likod ng t-shirt ko, yung buhok ko nakatali lang ng basta-basta, at yung mukha ko pulang-pula na sa pagod. Pero pumasok pa rin ako sa paborito kong coffee shop. Kasi kahit pagod na pagod ako, hindi makukumpleto ang umaga ko pag walang black coffee. Amoy pawis pa ako, pero wala akong pake. If not all, some people here naman galing din sa takbo. Lalo na pag Sunday. Pagdating ko sa pila, may babae na sa harap ko. Pawis din. Hingal din. Yung running shoes nya putik-putik tulad ng sakin. Yung buhok nya medyo basa din sa pawis, magulo pa. Sabi nya sa barista na medyo hinihingal pa, "Black coffee. Yung pinakamatapang nyo." Hindi ko napigilan napangiti ako bigla."Ay, same tayo ah," nasabi ko. Lumingon sya sakin. Dun ko lang sya nakita ng maayos. Maganda sya kahit pawis. Maputi kahit haggard. At yung mata nya, parang gising na gising kahit pagod.
Ako si Sam — 26 years old, tahimik, mahiyain, hindi palasalita. Yung tipong mas gusto ko makinig kesa magkwento. Mas gusto ko umupo sa sulok kesa sa gitna. Hindi ako marunong makipag-usap sa hindi ko kilala.
Sya si Jen — base sa narinig ko nung tinawag sya ng barista. Sya yung kabaliktaran ko. Maingay, palangiti, palatawa. Yung tipong kahit hingal na hingal, may energy pa rin mag-joke. Yung tipong pag pumasok sya sa isang lugar, mapapatingin ka kasi ang ingay nya sa magandang paraan.
Magkaibang magkaiba kami ng personality. Pero iisa lang yung hilig namin — tumakbo tuwing umaga pagkatapos ng stress sa buhay, tapos magkape na matapang na parang kaya kang ipaglaban.
Wala nang bakanteng table. Puno yung coffee shop tuwing umaga kasi maraming runners, cyclist at mga taong nagmamadali umorder at papasok sa kanilang trabaho.
Tumingin sya sakin at sabi nya, "Tabi tayo? Wala nang upuan eh." Tumango nalang ako at naisip ko din na pagod na mga paa ko sa pag takbo.
Nakaupo kami sa maliit na table malapit sa bintana. Dumating yung kape namin — parehong black, parehong umuusok, parehong matapang.Tahimik kaming dalawa nung una. Ako kasi hindi ko alam anong sasabihin. Sya naman siguro pagod pa. Para hindi masyado awkward, kunwari may tinitignan ako sa cellphone kasi ganun din naman sya. Maya-maya sya yung unang nagsalita."Palagi ka ba dito?" tanong nya. Medyo nagulat din naman ako kasi hindi ako sanay na may kumakausap sakin."Oo," sagot ko. "Pagtapos tumakbo, kape agad. Ikaw?""Ako rin," sabi nya sabay ngiti. "Akala ko ako lang yung baliw na ganito routine. Takbo tapos kape. Kape tapos takbo ulit kinabukasan."Natawa ako ng mahina. First time kong tumawa sa hindi ko kilala."Sam pala," sabi ko."Jen," sabi nya. "Yung maingay na babae sa pila."At simula dun, parang ang gaan na ng feeling. Hindi na awkward.Naubos namin yung kape namin ng halos sabay. At bago kami lumabas ng shop, sabi nya, "Bukas ulit? Same time? Takbo tayo tapos kape ulit?"Hindi ako nagdalawang isip. "Sige."At paglabas ko ng coffee shop na yun, pawis pa rin ako, pagod pa rin, pero iba na yung saya ko. Hindi dahil sa kape. Kundi dahil may bago akong makakasabay tuwing umaga.
Kinabukasan hindi ko alam pero parang excited na akong tumakbo ulit nang maaga para makita sya ulit doon sa paborito naming coffee shop.