bc

THE NAUGHTY INHERITORS

book_age18+
47
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
arranged marriage
heir/heiress
drama
mystery
cheating
like
intro-logo
Blurb

Ang pagkakaroon ng maayos at buong pamilya at ang maikasal sa taong mahal nila ay isa sa mga pinangarap ni Cataleya o kahit na maging sino man. At nangyari nga ang pangarap nyang iyon ng alukin sya ng kasal ng longtime boyfriend niyang si Cassiv na isang racer at anak ng isang multi-billionaire. Matapos bigyan ng kapahintulutan ng lahat ay nangyari ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Tila sinamahan ng maayos at magandang panahon ang bagong kasal, maging ng mga taong nakapaligid sa kanila. Ngunit hindi naging madali ang lahat, katulad ng iba hindi agad sila nabiyayaan ng anak. Ngunit para sa katulad ni Cataleya na may dedikasyon at pangarap at patuloy nilang sinubukan ni Cassiv hanggang sa magbunga nga ito ng isang anak na lalaki. Pero ang saya na ibinigay sa kanila ay parang pinaranas lamang sa mag-asawa na magkaroon at panandaliang kaligayahan dahil sa biglang pagkawala ng anak nila. Gumuho ang mundo ng dalaga ng mangyari ito, ang lahat ng magandang nangyari ay nagbago at nag-iba. At ang mga taong inaasahan nya na tutulong sa kanya sa panahon ng pagdurusa ay siya pang magtataksil at magtataboy sa kanya. Ang aasaya at makulay na mundo pati ang pangarap ni Cataleya ay naglaho na parang bula. Hindi inaasahan ng dalaga, kasabay ng pagkawala mg anak nila ni Cassiv ay mawawala din sa kanya ang lahat at mangyayari ang masasakit na karanasan. Lilipas ang panahon, at isang araw, iminungkahi ng ama ng dalaga na i-manage muna ang ilang ari-arian nila sa Palawan kung saan ang probinsya na kinalakhan ng dalaga. Para na din makapagrelax at malayo ang dalaga sa kalungkutan na nararanasan nya. At makalimutan ang mga taong nagtaksil sa kanya. Pagdating sa El Nido, Palawan, isang lalaki ang muling makikilala ni Cataleya at iyon ay si Dastan. Isang construction worker at may wirdong pag-uugali. Anu ang magiging papel ng binata sa buhay ng dalaga? Isa din ba sya dududrog sa pagkatao nito at magdudulot muli ng panibagong kalungkutan o ang taong tutulong at babalik sa dating masiglang pagkatao nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
May ngiti sa labing pinagmamasdan ni Cataleya ang engagement ring na ibinigay ni Cassiv sa kanya nitong lang nagdaang mga araw. Masasabi ni Cataleya na isa na sya sa pinakamasayang babae sa mundo dahil Sa loob ng halos apat na taong pagiging mag kasintahan ang matagal na nyang pangarap na maikasal ay mangyayari na. "Wag mo masyadong titigan, baka matunaw." Wika ng pinsan niyang si Tamilla mula sa likuran niya. "Ah...napakaganda kasi." Itinaas pa niya ang daliri at sinipat pa iyon. "Nga pala, tanda mo ba yung limited bag na binili ko sa channel? Nandun sa sala, alam na ni Manang Azita yun. Kunin mo nalang. Binigyan kasi ako ni Cassiv na kaparehas nun, so naisipan ko regalo ko nalang sayo." "Ta-talaga? Ang dami ko ng gamit na galing sayo, hindi mo naman kailangan na lagi ako bigyan pero..." "Anu ka ba? Para na tayong magkapatid. Wag ka ng mag isip ng kung anu-anu dyan. Kusa ko naman ibinibigay sayo eh." "Oo nga eh, pero nakakahiya pa din. Punon-puno na din nga yung closet ko dahil sa sunod-sunod na bigay mo ng mga damit. Wag kang mag-alala, hindi naman ako habang buhay na nakatira dito. Syempre, mababayaran ko at mapapalitan ko din balang araw ang mga binibigay mo saken. Pangako yan." "Ito naman. Ang dami na agad sinabi, alam mo hanggat nandito ka. Lahat ng meron ako meron ka din." Hindi na nagsalita pa si Tamilla sa halip ay niyakap nya ang pinsan at pinunasan ang nangingilid na luha. "Sa wakas, ikakasal ka na. Ang matagal mo ng pangarap ay mangyayari na. Ma-masaya ako para sa inyo ni Cassiv." "Thank you ah, at dahil yun sayo. Hindi ko na din mabilang ang mga ginawa mong tulong para sa amin ni Cassiv." Habang hawak-hawak ang kamay ng pinsan. "Basta para sa inyo at masaya na ako na nagugustuhan nyo ang mga ginagawa ko." Ngiti nito sa pinsan. "Diba, aalis ka mamaya? May dinner date kayo ng future husband nyo kasama ang mga in laws mo." "Nga pala. Naku!! Nawala na sa isip ko." Natatarantang sabi ni Cataleya. Natatawa nalang si tamilla sa kakaibang kinilos ng pinsan niya. [BATANGGAS CITY (Batangas Racing Circuit)] Hiyawan at palakpakan ng mga tao ang bumalot sa buong paligid matapos i-anunsyo ang muling pagkapanalo na Naman si Cassiv sa isang car racing sa Batangas. Pagbaba ng binata mula sa sasakyan ay sinalubong agad sya ng mga sari-saring fans at iba't ibang media. Tanging ngiti at pagkaway nalang ang iginawad ng binata sa mga ito at dumiritso na agad sa restroom. "Nice job bro!" "Hey, Farell!" Sabay kuha ng kamay ng kaibigan at pinagbunggo ang mga katawan (brocode). "Kailan ka pa?" "Yesterday. Surpresahin sana kita para sa kasal mo but I can't wait." "Grabi, hanggang dito sa pinas nakikipagkarera ka pa din, ipaubaya mo naman sa iba ang title." Pabiro pa ni Farrell. Natatawang tinapik lang ni Cassiv ang kaibigan. "Guys, alam nyo besides nandito na si Farrell why we don't celebrate this? May alam akong bagong bukas na bar." Suhestyon ni Thaddeus. Napangisi naman si Farrell. "Anu let's go?" "Tara naaaa!"sabay akbay sa dalawang kaibigan. Mabilis na tumakas si Cassiv sa mga fans at sa media na nakaabang sa labas. Alam nya kasing mas pagkakaguluhan sya ng madami kapag sa mismong main sila dumaan. Nagtatawanan pa ang tatlo ng tuluyang makalayo sa maraming tao. Matapos makasakay at makaalis ay dumiritso ang mga ito sa nasabing bar ng kaibigan. Lumipas nga ang mga oras at patuloy na nakikipagsaya ang dalawang kaibigan ni Cassiv ay sya naman itong nakaupo lang at pinapanuod ang dalawa na habang umiinom ng wine. "Hey, come on! Join us!" Yaya ni Farrell. "No. Baka may makakita saken na nakikipagsaya ako with other girls." "Sino naman ang magsusumbong kay Cataleya? Come on!" "No, thanks. I'm fine." "Wag masyadong good boy. Baka namiss mo ang ganito kapag may asawa kana." Hirit pa ni Thaddeus at muling nakipagsaya sa mga babae. Habang pinagmamasdan ni Cassiv ang dalawang kaibigan na nagsasaya ay biglang tumunog ang cellphone niya. "Ma." "Where....are...you?!" Malakas na sabi ng Ina sa kabilang linya na halos mabungol at mabitawan ni Cassiv ang hawak na cellphone. "Ma ---" Hindi sya makasalita ng ayos dahil sa lakas ng musika at ugong nito. "Nandito ako sa Batangas, why hy? Is there something wrong?" Habang takip ng binata ang kabilang tenga. "My god iho! Nakalimutan mo na ba na may dinner tayo with your fiancee and your future in laws?? At ngayon, don't tell me it is because of that racing na naman kaya ka nandyan! Sige paano ka nakakarating ng hindi sila pinaghihintay dito!" Sunod-sunod na saad nito. Napatayo si cassiv sa sinabi ng ina. Nawala kasi sa isip niya na may dinner nga pala sila ngayong gabi, napatingin sya sa orasan. Alas singko ng hapon. Kinakawayan na nya ang dalawang kaibigan ngunit hindi sya nakikita ng mga ito dahil sa dami ng nakapaligid na babae. "Sh*t! Yes ma. I'm sorry. Sorry. Don't worry, hahabol ako. Please don't tell them lalo na kay Cataleya na nandito ako when she's there." Sabay kuha ng jacket. "Sige paano ka makakahabol? You're in Batangas right now!" "Ma, I'm a pro racer. Nakalimutan mo na ba? It will be easy, kaya kong magpatakbo ng mabilis at makarating ng mga sakto sa oras." Ngisi pa nito. "Whatever! Wag mo nga ikumpara ang US dito sa Philippines! Umuwi kana dito kung ayaw mong maggkaproblema!" Pasigaw na sabi pa ng ina nito. Napansin ng dalawang kaibigan na parang nagmamadali si Cassiv at hindi mapakali sa pwesto nya kaya nilapitan ito ni Thadeus. "Hey, what's wrong?" "Look, I'm sorry but I have to go. We have a dinner later with my fiancee and I almost forgot. Tumawag si mom, and I only have two hours left. Hindi nyo naman kailangan sumama, take your time while you're here in Batangas..."Sunod-sunod na paliwanag ni cassiv at sabay tapik pa sa kanang balikat ng kaibigan. "O-okey.. alam ko naman na hindi din papaawat itong si Farrell kaya sasamahan ko muna." "Thanks." Sinamahan pa ni Thadeus ang kaibigan Hanggang sa parking lot. Pagkatapos ay bumalik na sa loob ng restobar. Parang hinahangin na nililipad sa ere ang patakbo ni Cassiv ng sasakyan. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi na sya nag iingat. Alam nya ang pasikot sikot sa highway kaya panatag ang loob nyang magmaneho ng mabilis. Simula ng dumating sya sa edad na twenty at ng tumira sa United States ay nagsimula ang hilig nya sa karera at sa loob ng halos walong taon na iyon ay hindi pa sya maaksidente. Laking pasalamat ni Cassiv ng makarating sa manila ay walang mahigpit na traffic. Habang nararamdaman nyang malapit na syang makarating sa bahay ay pabilis ng pabilis ang pintig ng puso nya. Sa loob ng binata ay magkahalong tuwa at excitement dahil ito ang unang gabi na maghaharap sila ng nobya sa mga magulang at formal na pag-usapan ang kasal. [MONDRAGON Residence] Nakaabang na sa labas ang mag asawang Mr. and Mrs. Mondragon habang hinihintay ang fiance ng anak nila kasama ang magulang nito. Ilang saglit pa ay isang itim na Rolls-Royce ang pumarada sa harapan ng malaking mansyon. Mula sa loob ay bumaba ang mag asawang halos tatlong taon ang tanda nila sa mga ito. Nakangiti habang palapit at inalalayan ng mga personal maid, kasunod nito ay lumabas din ang isang dalaga. Sabay-sabay na pumasok ang tatlo at sinalubong ito ng mag-asawa. Maayos ang pag welcome ng mga ito sa pamilya ni Cataleya, at maging sya ay hindi nya inaasahan na ganun ka garbo dahil dinner lang naman ito kasama ang pamilya ni Cassiv. "Cataleya. We've met again. Welcome iha." "Good evening po, tita/tito." Bati din agad ni Cataleya sabay halik sa pisngi ng mga ito. "You're so lovely. Thanks for letting us to have a dinner tonight." Sagot nito at ibinaling ang paningin sa mga magulang ng dalaga. "Welcome Mr. and Mrs. Diaz, it's our pleasure to finally have meet you. Oh no! Should I say, "Balae?"Pabiro pa Samira. "Sounds good. San pa ba papunta ito?" Sagot naman ni Mr. Javan. Sabay-sabay na nagtawan sng apat at nakisabay nalang si Cataleya. Pagkatapos magbeso ang dalawang Ina ay hinawakan pa ni Samira ang kamay ni Farah. "I will no longer wonder why your daughter is also beautiful." Puri nito. "She's more beautiful." Hindi naman paawat na sagot ng ina ni Cataleya.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook