----------------]]
"Darya, hindi ko nakitang bumaba ang senyorito mo, pakitawag sya sa taas at may sasabihin ako."
"Sige po senyora."
Napapatakip ng tenga si Darya dahil sa lakas ng kulog at kidlat.
Nang matapat sya sa pinto ay kakatok na sana sya para tawagin ang amo ngunit napansin niyang bukas ito.
"Ha? Bakit bukas? Senyorito? Senyorito?Wala syang makita dahil madilim ang buong silid. Malakas pa ang ulan at kulog kaya siguro hindi sya marinig nito. Ngunit gayon nalang ang gulat at napanganga si Darya sa nakita. Nagulat nalang din sya na nasa likod na pala si Samira. Tinakpan nito ang bibig nya at nagsenyas na huwag maingay. Marahan din nitong isinara ang pinto at hinila sa may tapat ng hagdan si Darya.
"Senyora si -----"
"Shhhhhh! Wala kang nakita! Kung anu man ang nakita mo kalimutan mo na, naiintindihan mo ba Darya?!"
"Pero senyora ma----"
"Gusto mo bang mawalan ng trabaho?"
Umiling-iling ang dalaga. "Pwes wala kang nakita sa loob. Kuha mo?"
"O-opo." Tango nito.
"Sige na, bumaba kana at matulog kana. Tandaan mo wala kang nakita, lalo na wala kang pag-sasabihan!"
Tumango ulit si Darya. Nangangatog ang tuhod niyang bumaba sa hagdan. Gusto na nyang umupo dahil pakiramdam niya ay matutumba na sya. Kung anu man ang nakita nya sa loob ng kwarto ng amo niya ay sya lang at si Samira ang nakakaalam.
Samantala, hinayaan lang ni Samira ang ginagawa ng anak niya. Nangingiti itong kumuha ng alak sa storage room at mag-isang uminom.
Umaga, nakangiti si Samira kay Tamilla na ipinagtataka ng dalaga.
"Senyora, may dumi po ba ako sa mukha?"
"Wala naman iha. Pwede ba akong magtanung ng personal sayo, kung ayos lang."
"Ah eh gaya po ng anu?"
"Like, when did you start liking my son? Or should I say, do you love my son?" Nakangiting tanung nito.
Natulala si Tamilla. "Senyora..."
"Hindi mo kailangang maglihim saken Tamilla. At alam ko din may nangyayari sa inyo ni Cassiv." Dagdag pa nito.
Hindi makakilos si Tamilla. Para syang tinablan ng hiya sa mga sinabi nito. Ngunit napansin nyang hindi ito nagbigay ng pagtutol.
"Paano nyo po nalaman? At opo totoo gusto ko ang anak nyo, at aaminin ko din na..."
"Don't worry about it, iha. Walang ibang makakaalam nito at hindi ito makakarating kay Cataleya."
"Po?? Hindi po galit?"
"Why would I? I know you can do better than his wife, and alam mo na Galit ako sa kanya. Alam ko din na parehas lang tayo ng gusto."
Mas lalong nagkaroon ng lakas ng loob si Tamilla sa mga narinig nya. Hindi nya inaasahan na mas matutuwa pa at gusto ni Samira ang pagtataksil na ginagawa nila.
--------------------]]
Napabalikwas ng bangon si Tamilla dahil masama at mabigat ang pakiramdam niya. Ilang araw na syang ganito at laging nagsusuka. Marami din syang ayaw at maselan ang ilong nya sa pang-amoy. Napatigil sya at humarap sa salamin matapos magsuka, naisip niyang baka buntis sya.
-
-
-
"Sigurado ka?"
"Oo sigurado ako."
"Sigurado bang akin din 'yan? Ilang beses ba na may ginawa kayo ni Cassiv?"
"Di hamak naman na mas maraming beses tayong umulit, at saka isang beses palang totoong may nangyari samen at hindi naman talaga nya ako bubuntisin dahil masisira ang pangalan nya, sira ka ba!"
Mabilis na niyakap ni Hassan si Tamilla. Napanatag ang loob nya dahil sa kabila ng ginagawa nito ay hindi pa din pala sya nakakalimutan nito.
"Mahal na mahal kita Tamilla. Kayo ng magiging anak ko. Akala ko nakalimutan mo na ako."
"O---oo na..hindi ako makahinga sa higpit...ng yakap mo!"
"Sorry sorry. "
"Pero ipapalabas kung sincassiv ang ama nito at hindi ikaw" sambit ng dalaga.
"Aba hindi naman ata maari! Hindi ako papayag, anak ko 'yan tapos ibang lalaki ang sasabihin mong ama!"
"Hassan! Paano mo bubuhayin kaming dalawa?!! Kung si Cassiv ang ama nito at sasabihin ko sa mga Mondragon, magiging marangya ang buhay nya. Mag-isip ka nga!! Ang hina talaga ng ulo mo!"
Natahimik si Hassan. Tama si Tamilla. Kaya nga mabigyan ni Cassiv ng marangyang buhay ang anak nila ni Tamilla. Muli syang pumayag sa plano nito ngunit sa isang kondisyon na hindi nito ilalayo ang bata sa kanya at malaya niya itong mahahawakan at makakausap kapag malaki na.
------------------]]
"Honey, I'm am so worried about you! How are you? Sila mama at papa kamusta?"
"Okey lang kami honey, magaling na si mama konting observation nalang. I'm so sorry hindi ako nakakatawag. I've heard na signal number 2 pala ang Philippines."
"Yeah. Don't worry about us here, were good. I missed you already, honey."
Napansin ni Cataleya na dumaan sa likod si Tamilla. "Honey si Tamilla ba 'yun?" Tanung nito habang nakaturo sa camera.
Lumingon si Cassiv at tumango.
"Tamilla! She wants to talk to you." Rinig niyang sabi ng asawa.
Lumapit si Milla sa camera at tipid na kumaway at ngumiti. Tahimik lang si Cassiv sa isang tabi at nakikiramdam.
"Ahm kelan ka babalik?" Tanung ng dalaga.
"Hindi ko pa alam, hindi pa ako makakabyahe dahil malakas ang bagyo. Teka, parang nananaba ka ata." Natutuwang sabi nito.
"Ha?"
"Lumalaki ang katawan mo, buntis ka ba?" Dagdag pa ni Cataleya.
Nagkatinginan ng palihim sina Cassiv at Tamilla.
"Hindi ah! Anu bang sinasabi mo dyan? E wala nga akong boyfriend tapos mabubuntis ako?." Pasimple nito at natatawa.
"Akala ko buntis ka. Maghanap kana kasi ng lalaking mamahalin mo, diba honey?"
"Ye-yeahhh!" Singit ni Cassiv.
Nagkailangan ang dalawa at todo kaway sa camera ang inosente at walang kaalam-alam n si Cataleya. Umalis si Tamilla dahil hindi niya nakayanan ang mga naririnig na matatamis na sinasabi ng mag-asawa sa isa't isa.
Dalawang araw pa ang lumipas, hindi makayanan ni Cassiv ang pagkamiss sa asawa kaya gabi-gabi itong lumalabas at inaaliw ang sarili.
Isang gabi, maaga pa syang umuwi dahil pakiramdam niya ay pagod ang buong katawan niya. Saglit syang dumaan sa storage room at may kinuha pagbalik niya ay napansin niyang may naliligo sa swimming pool. Para syang estatwang nakatigil at nakatingin sa naliligon si Tamilla. Kitang kita nito ang napakagandang hugis ng katawan at naglalakihang hinaharap. Hindi niya alam ang nangyayari sa sarili ngunit pakiramdam niya ay inaakit na naman sya ng sariling laman na pilit niyang nilalabanan.
"Oh god! Not now!" Sambit niya sa isip at umalis.
Nag-madali syang pumasok ng nakasalubong niya si Hassan.
"Senyorito, nakauwi na po pala kayo."
"Yeah..."
"Hinahanap po pala kayo ng ama nyo kanina, sinabi ko nalang na umalis kayo. Kapag dumating daw kayo nasa blue house nyo sya."
"Maybe tomorrow nalang Hassan. I'm worn out."
"Sige po senyorito. Magpahinga na po kayo."
Pagkatapos ay umakyat na ito. Sinundan sya ng tingin ni Hassan at sa isip nito ay galit sya.
Alas nwebe at hindi pa nakakatulog si Cassiv, iniisip niya si Cataleya na sana ay nasa tabi nya sa mga oras na iyon. Nangungulila sya sa asawa dahil ilang araw na itong hindi umuuwi. Kaya bumangon sya at naisip na uminom pamtawag ng antok at tinawag sa baba si Darya para magpadala ng wine sa kwarto.
Paakyat na si Darya bitbit ang bote ng alak ng makita sya ni Tamilla. Tinanung nya ito kung san dadalhin ang alak at inagaw iyon ng sabihin nitong sa senyorito.
Walang nagawa si Darya kundi ibigay kay Tamilla. Bagaman alam na nitong may ginagawang hindi maganda ang dalawa ay tikom ang bibig nya na magsumbong kay Cataleya.
Nang matapat sa pinto ng senyorito si Tamilla at inayos niya ang sarili at parang batang excited na pumasok sa loob. Nang buksan ni Cassiv ang pinto ay nagulat sya ng makita ang dalaga.
"Pwede ba pumasok?" Nakangiting wika nito.
"S-sure..." At mabilis na sinara ang pinto.
Sinusundan niya ng tingin si Tamilla at pumipitik ang bewang nito.
"Tatayo ka lang ba dyan or pagsasaluhan natin itong alak?"
"Ah yeah... I'll go get the glass.."