bc

family forever đź’“đź’“

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
drama
mythology
assistant
like
intro-logo
Blurb

Chapter 1

Ashley delos Santos POV

Nanlalagkit na ang buo kong katawan habang palinga-linga ako sa naglalakihang mga bahay na aking nadaanan dito sa loob ng isang eksclusibong subdivision na matatagpuan sa Makati. Mabuti na lang at pinapasok ako ng gwardiya na nagbabantay kanina sa gate kapalit ng iniwan kong ID.

Mag-aapply ako bilang kasambahay sa isa sa mga bahay na nakatayo dito sa loob ng subdivision. Dahil bawal pumasok ang tricycle dito sa loob ng subdivision wala akong choice kundi maglakad mula gate habang hinahanap ang address na nakalagay sa hawak kong diyaro. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako ng makita ko ang mga nagagandahan at naglalakihang bahay. Kitang kita kong gaano kayamana ang mga nakatira sa lugar na ito kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan.

Kung kaya lang sana akong paaralin ng mga magulang ko hanggang college wala sa bokabularyo ko ang lumuwas dito ng Maynila. Kaya lang ipinanganak akong mahirap kaya wala akong choice kundi magtiis at dumiskarte para kumita.

Buti na lang at isinama ako nila Gigi papunta dito kaya naman kahit papaano hindi ako nahihirapan sa titirhang bahay habang naghahanap ng mapapasukang trabaho.Iyun nga lang hindi ako pwedeng magtagal sa kanila dahil para kaming mga sardinas na nagsisiksikan sa maliit nilang barong-barong. Ayaw ko din magtagal sa lugar na iyun dahil pakiramdam ko minamanyak ako ng ka-live in partner nito.

"Ate, pwede po magtanong? Alam niyo po ba ang address na nakasulat dito sa diyaryo?" nagmamadali kong lapit sa isang babaeng nagtatapon ng basura. Tinitigan muna ako nito bago kinuha ang hawak kong diyaryo.

"Anong kailangan mo doon? Mag-aapply kang kasambahay?" agad na tanong nito. agad naman akong tumango.

"Malapit na lang ito Miss. Diretso ka lang tapos may makikita kang magandang bahay sa bandang dulo. Sila ang pinakamayaman sa lugar na ito kaya doble ang laki ng bahay nila kumpara sa ibang nakatira dito." nakangiti nitong sagot sa akin. Agad naman akong nagpasalamat at nagmamadali ng naglakad.

Pagdating sa sinasabing bahay ng napagtanungan ko ay agad kong sinipat ang nakasulat sa gate para kumpimahin kung pareho bang sa nakasulat sa news papaer. Napaigtad pa ako ng bigla akong lapitan ng gwardya galing sa loob ng malaking bahay.

"Anong kailangan mo Miss? Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang solicitation sa lugar na ito?" agad na wika nito ng makalapit sa akin. Agad naman nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Ano ang palagay niya sa akin? Pulubi? Sabagay ganoon na din siguro kasi nasa isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Kapag hindi ako matangap dito tiyak sa kalsada ang bagsak ko nito. Nakakatakot pa naman dito sa Maynila.

"Mag-aappy po ako bilang kasambahay Manong. Nakita ko kasi sa newspaper na naghahanap sila. Baka palarin ako at makapasok sa loob. Kailangang-kailangan ko po kasi ng trabaho eh. Galing pa po ako ng probensya." sagot ko dito. Natigilan ito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman kumulo ang dugo ko pero pinipigilan kong tarayan baka masayang ang oras ko sa pagpunta dito kapag makita niyang masama ang ugali ko.

"Naku! Bad timing naman ang pagpunta mo dito Miss. Alam mo bang nagkakagulo sa loob ngayun?" sagot nito.

Naguguluhan naman akong tumitig dito. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi pwedeng hindi ko makausap ang may-ari ng bahay ngayun. Ang layo kaya ng nilakad ko at wala na akong pera para bumalik dito." prangka kong sagot kay Manong Guard. Natigilan naman ito at muli akong tinitigan.

"Hindi ko alam kung iinterviewhin ka ngayun ni Madam. Mainit kasi ang ulo noon at lahat ng tao sa loob sinisigawan." sagot nito. Agad naman akong kinabahan pero lalo akong kinabahan ng maisip ko na isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ni Gigi na walang nangyayari sa lakad kong ito.

"Subukan niyo lang Manong. Maawa ka naman sa akin. Sabi kasi dito sa nakasulat sa newspaper pwedeng pumunta dito anytime ang applicant." nagmamakaawa kong sagot dito. Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga bago tumango.

"Sige na nga. Sa Mayordoma na lang kita dadalhin." wika nito at agad akong niyayang pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa paningin ko ang marangyang tanawin sa loob ng bakuran. May mga nakikita akong magandang decorations sa loob at parang may gaganaping party.

"Kasal kasi ngayun ng kaisa-iang apo ni Madam Agatha na si Sir Ryder James Sebastian. Kaya lang tumakas ang bride kaya nagkakagulo ang mga tao sa loob." Bulong sa aking ni Manong Guard. Napataas naman ang aking kilay dahil sa narinig. Napaigtad pa ako ng may sumigaw sa loob ng bahay kasabay ng pagkabasag ng kung ano.

"Diyos ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko!. Baka pati ako maputukan ng galit ni Madam. Halika Ineng..hanapin natin ang Mayordoma at siya na ang bahala sa iyo." tarantang wika nito at mabilis na naglakad. Akamang susunod ako dito ng may biglang nagsalita sa aking likuran.

"Who are you?" tanong nito. Natigilan ako at dahan dahan na lumingon. Tumampad sa akin ang

chap-preview
Free preview
Ashley delos Santos POV
Chapter 1 Ashley delos Santos POV Nanlalagkit na ang buo kong katawan habang palinga-linga ako sa naglalakihang mga bahay na aking nadaanan dito sa loob ng isang eksclusibong subdivision na matatagpuan sa Makati. Mabuti na lang at pinapasok ako ng gwardiya na nagbabantay kanina sa gate kapalit ng iniwan kong ID. Mag-aapply ako bilang kasambahay sa isa sa mga bahay na nakatayo dito sa loob ng subdivision. Dahil bawal pumasok ang tricycle dito sa loob ng subdivision wala akong choice kundi maglakad mula gate habang hinahanap ang address na nakalagay sa hawak kong diyaro. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako ng makita ko ang mga nagagandahan at naglalakihang bahay. Kitang kita kong gaano kayamana ang mga nakatira sa lugar na ito kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan. Kung kaya lang sana akong paaralin ng mga magulang ko hanggang college wala sa bokabularyo ko ang lumuwas dito ng Maynila. Kaya lang ipinanganak akong mahirap kaya wala akong choice kundi magtiis at dumiskarte para kumita. Buti na lang at isinama ako nila Gigi papunta dito kaya naman kahit papaano hindi ako nahihirapan sa titirhang bahay habang naghahanap ng mapapasukang trabaho.Iyun nga lang hindi ako pwedeng magtagal sa kanila dahil para kaming mga sardinas na nagsisiksikan sa maliit nilang barong-barong. Ayaw ko din magtagal sa lugar na iyun dahil pakiramdam ko minamanyak ako ng ka-live in partner nito. "Ate, pwede po magtanong? Alam niyo po ba ang address na nakasulat dito sa diyaryo?" nagmamadali kong lapit sa isang babaeng nagtatapon ng basura. Tinitigan muna ako nito bago kinuha ang hawak kong diyaryo. "Anong kailangan mo doon? Mag-aapply kang kasambahay?" agad na tanong nito. agad naman akong tumango. "Malapit na lang ito Miss. Diretso ka lang tapos may makikita kang magandang bahay sa bandang dulo. Sila ang pinakamayaman sa lugar na ito kaya doble ang laki ng bahay nila kumpara sa ibang nakatira dito." nakangiti nitong sagot sa akin. Agad naman akong nagpasalamat at nagmamadali ng naglakad. Pagdating sa sinasabing bahay ng napagtanungan ko ay agad kong sinipat ang nakasulat sa gate para kumpimahin kung pareho bang sa nakasulat sa news papaer. Napaigtad pa ako ng bigla akong lapitan ng gwardya galing sa loob ng malaking bahay. "Anong kailangan mo Miss? Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang solicitation sa lugar na ito?" agad na wika nito ng makalapit sa akin. Agad naman nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Ano ang palagay niya sa akin? Pulubi? Sabagay ganoon na din siguro kasi nasa isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Kapag hindi ako matangap dito tiyak sa kalsada ang bagsak ko nito. Nakakatakot pa naman dito sa Maynila. "Mag-aappy po ako bilang kasambahay Manong. Nakita ko kasi sa newspaper na naghahanap sila. Baka palarin ako at makapasok sa loob. Kailangang-kailangan ko po kasi ng trabaho eh. Galing pa po ako ng probensya." sagot ko dito. Natigilan ito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman kumulo ang dugo ko pero pinipigilan kong tarayan baka masayang ang oras ko sa pagpunta dito kapag makita niyang masama ang ugali ko. "Naku! Bad timing naman ang pagpunta mo dito Miss. Alam mo bang nagkakagulo sa loob ngayun?" sagot nito. Naguguluhan naman akong tumitig dito. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin. "Anong ibig mong sabihin? Hindi pwedeng hindi ko makausap ang may-ari ng bahay ngayun. Ang layo kaya ng nilakad ko at wala na akong pera para bumalik dito." prangka kong sagot kay Manong Guard. Natigilan naman ito at muli akong tinitigan. "Hindi ko alam kung iinterviewhin ka ngayun ni Madam. Mainit kasi ang ulo noon at lahat ng tao sa loob sinisigawan." sagot nito. Agad naman akong kinabahan pero lalo akong kinabahan ng maisip ko na isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ni Gigi na walang nangyayari sa lakad kong ito. "Subukan niyo lang Manong. Maawa ka naman sa akin. Sabi kasi dito sa nakasulat sa newspaper pwedeng pumunta dito anytime ang applicant." nagmamakaawa kong sagot dito. Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga bago tumango. "Sige na nga. Sa Mayordoma na lang kita dadalhin." wika nito at agad akong niyayang pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa paningin ko ang marangyang tanawin sa loob ng bakuran. May mga nakikita akong magandang decorations sa loob at parang may gaganaping party. "Kasal kasi ngayun ng kaisa-iang apo ni Madam Agatha na si Sir Ryder James Sebastian. Kaya lang tumakas ang bride kaya nagkakagulo ang mga tao sa loob." Bulong sa aking ni Manong Guard. Napataas naman ang aking kilay dahil sa narinig. Napaigtad pa ako ng may sumigaw sa loob ng bahay kasabay ng pagkabasag ng kung ano. "Diyos ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko!. Baka pati ako maputukan ng galit ni Madam. Halika Ineng..hanapin natin ang Mayordoma at siya na ang bahala sa iyo." tarantang wika nito at mabilis na naglakad. Akamang susunod ako dito ng may biglang nagsalita sa aking likuran. "Who are you?" tanong nito. Natigilan ako at dahan dahan na lumingon. Tumampad sa akin ang seryosong mukha ng medyo may edad ng babae. Nakataas ang kilay at handang mukhang handa ng manlapa ng tao. Tadtad ng alahas ang buo nitong katawan habang may isang naka-uniform na babae sa likod nito. Napalunok ako bago sumagot. "Mag-aapply po sana ako bilang kasambahay Mam." kinakabahan kong sagot. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hangang baba. Para naman akong maiihi dahil sa nerbiyos. "Perfect! Why not!" Kapagkwan ay wika nito sa malakas na boses. Muli akong pinasadahan ng tingin habang may naglalarong ngiti sa labi. Napalunok ulit ako ng makailang beses habang hindi ko na maiwasan pang panginigan ng tuhod. "Sumunod ka sa akin. Gusto kitang makausap sa loob." wika nito at agad na naglakad papasok sa loob ng bahay. Binalingan ko muna si Manong Guard pero sininyasan niya ako na sundan ang matandang babae. Ilang beses pa akong napabuntong-hininga at nagpasayang sundan ang matandang babae. Hindi naman siguro ito bampira para sipsipinang dugo ko sa loob. Hindi ko maiwasan na mamangha ng makita ko ang nagagandahang nakadisplay dito sa loob ng bahay ng pagkapasok ako. Napatingala pa ako sa isang malaking nakasabit na chandelier. Nagkikintaban ang parang diyamante na nakasabit dito. Diyos ko..sana matangap ako sa trabahong ito dahil mukhang mayaman ang magiging amo ko... Maranasan ko man lang sana akong tumira sa ganito kagandang bahay kahit na pagiging katulong lang ang magiging papel ko. Napansin kong umupo sa isang mahabang mesa ang matandang babae at sininyasan akong lumapit. Kimi naman akong lumapit dito habang nakayuko. "Ten Million Pesos...kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!' Narining kong wika dito. hindi ako umimik dahil mukhang hindi naman ako ang kanyang kausap. May ibang mga tao pa dito sa kinaroroonan namin kaya patuloy lang akong nakayuko habang tahimik na nakikiramdam "What is your name?" napaigtad pa ako sa malakas na boses nito kaya naman pautal-utal akong napasagot dahil sa nerbiyos. "Ashely po! Ashley delos Santos.'' bakas ang nerbiyos sa boses kong sagot. "Ashley..narinig mo ba ang sinabi ko sa iyo kanina? Sabi ko Ten Million kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!" wika nito. Nanlaki naman ang aking mga mata sa narinig. Hindi ako makapaniwa. "Eeerrr Mam, katulong po ang ina-aplayan ko. Hindi po para maging asawa." nanginginig kong sagot. Natigilan ito at seryoso akong tinitigan. Pagkatapos ay gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi nito. "Naghahanap ka ng pera diba? Bibigyan kita ng Ten Million pesos ngayun din pakasalan mo ang apo ko!" ulit nito. Napatanga naman ako sa kanyang sinabi. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko para masigurado kong nanananginip ba ako "Lorna, kunin mo ang tseke sa kwarto!" narinig kong utos nito sa babaeng nasa likod nito. Agad naman itong tumalima. Naiwan kaming dalawa ni Madam habang hindi inaalis ang titig sa akin. "Tumakas ang bride ng apo ko. Naka-set na ang kasal mamayang alas tres ng hapon sa garden. Napansin mo naman siguro ang mga decoration sa labas diba? Hindi ko maatim na mapapahiya ang apo ko sa madla dahil sa kagagawan ng malading si Ingrid. Kaya pumayag ka na, after ng kasal malaya ka ng bumalik sa pinggalingan mo dala ang pera na ibabayad ko sa iyo." mahabang wika nito. Halos hindi naman ako makapaniwala sa offer na binibigay nito sa akin. Kung sakaling papapayag ako ng maikasal sa apo nito tiyak na maggiging instant millionaire kami sa probensiya. Mabibili namin ang isang lupain na binibenta ng aming kapitbahay. Hindi na din kailangan pang mamasukan akong katulong dito sa Maynila at maipagpapatuloy ko na ang aking pag-aaral. "Ehhhh Mam, baka naman po scam ito ha?" wala sa sarili kong sagot. Huli na ng maisip ko ang bagay na iyun kaya naman agad akong napakagat ng aking labi. Minsan talaga ang bunganga ko hindi mapigilan. "Dont worry...this is not scam Ashley. Ihahanda ko na ang tseke ngayun din at isuot mo na ang damit pangkasal na para sa lintik ng Ingrid na iyun. Wala ng panahon pa para sa mahabang pag-uusap na ito. Sabihin mo sa akin kung pumapayag ka at susulatan ko na ang tseke na ito kapalit ng pagpayag mong maikasal sa apo ko. Sa nasabi ko na, after the wedding, malaya kang makaalis sa lugar na ito na parang walang nangyari dala ang ibinayad ko sa iyo." nakangiti nitong sagot. Halatang magaling mangumbinsi si Madam. Kanina lang ay halos gusto na nitong kumain ng tao at bumuga ng apoy dahil sa galit ngayun naman parang ang bait-bait nito. Wala sa sariling napatango ako. Choosy pa ba ako? Pera na ito! Matutupad lahat ang pangarap ko kung sakali. Magiging proxy lang naman ako sa kasal na ito at tsaraan instant milyones na! Para akong nakajackpot sa lotto kung sakali. "Great! Since nagkasundo na tayo, ibibigay ko na sa iyo ang kabayaran. Baka maging busy ako mamaya at makalimutan kong ibigay sa iyo ito. Gusto ko lang din ipakita sa iyo na may isang salita ako Ashley!" Wika nito at agad na sinulatan ang tseke na ibinigay kanina ng kanyang kasambahay. Napalunok ako ng makailang beses ng makita ko mabilis nitong pagsulat at pagpirma. This is it pancit! After ng kasal, mayaman na kami! Uuwi agad ako ng probensiya pag-alis ko dito. Itetext ko na lang si Gigi na hindi na ako makakauwi sa kanila dahil baka matuluyan akong magahasa ng asawa niyang addict. "Here! take this! Ten Million Pesos no more, no less!" Nakangiti nitong wika sabay abot sa akin ng tseke. Nanginginig naman ang aking kamay na inabot ito at agad na ipinasok sa dala kong bag. "Well done! Sumama ka sa akin. Kailangan mo ng maayusan dahil wala na tayong time. Ano mang sandali ay darating na ang mga bisita at ang pari na magkakasal sa inyo. Uumpisahan na agad ang kasalan kaya kailangan mo ng maayusan." wika nito pagkatapos ay sinipat ang suot na relo. Muli akong napalunok at habang nakasunod sa kanyang likod. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap. "Ayusan niyo siya! Papalitan niya si Ingrid kaya ipasuot niyo sa kanya ang damit pangkasal na iyan." agad na utos ni Madam sa tatlong bading na naabutan namin dito sa isang kwarto. Agad na tumampad sa mga mata ko ng isang napakagandang wedding gown na sa tanang buhay ko ngayun ko pa lang nakita. Katulad ng chandelier sa labas puno ng nagkikislapang dyamante ang kabuuan ng gown. "I think kailangan mo munang maligo Miss bago ka namin ayusan para naman presko ka bago mo isuot ang gown na iyan." napukaw ako sa sinabi ng binabae sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala dahil ng iikot ko ang paningin sa buong paligid wala na si Madam. "Baka po mapasma ako...galing po ako sa initan kanina.." wala sa sarili kong sagot. Nakita ko naman na pigil na matawa ang mga kaharap ko. Napakagat ako sa aking labi dahil sa pagkapahiya. Pagkatapos ay tumango at inilapag sa isang sulok ang hawak kong bag. "Sa-saan po ang banyo?" tanong ko. Tipid naman na ngumiti ang kaharap ko at itinuro nito ang nakasarang pintuan. Bantulot pa akong pumasok sa loob at dahil kita kong naiinip na ang mga kaharap ko dali-dali ko ng sinara ang pintuan ng CR at agad na naligo. "Bahala ng mapasma basta may Ten Million pesos ako." Bulong ko sa aking sarili habang inililbot ang tingin sa loob ng banyo. Grabe pwede na matulog dito sa loob dahil sa sobrang linis. Imported ang mga shampoo at sabon at pakiramam ko napakaswerte ko ngayung araw dahil minsang natikman ng katawang lupa ko ang ganitong klaseng bagay. Gustuhin ko man tagalan ang paliligo ay hindi pwede. Naririnig ko na kasi ang pagkatok sa pintuan ng mga mag-aayos sa akin. Hindi bale, bibili ako ng ganitong brand ng shampoo kapag maipalit ko na ang tseke sa pera na ibinigay sa akin ni Madam kanina. Chapter 2 Ashley POV Patapos na akong maligo ng muli kong narinig ko ang marahang katok sa pintuan ng banyo. Agad kong hinablot ang tuwalya sa isang cabinet at itinapis sa hubad kong katawan. Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga make up artist. Halata na sa mukha nito ang pagkainip at ng mapansin nito na tapos na akong maligo ay agad na ipinasuot sa akin ang isang parang roba. Nagiging abala ang mga sumunod na oras sa buhay ko. Kanya-kanya kasi sila ng toka sa gagawin sa akin. May nag-aayos ng buhok ko, may naglilinis ng kuko at may nag-aayos ng mukha ko. Diyos ko, ganito pala ang mga mayayaman. Kaya pala ang ganda-ganda nila kapag lumalabas. Marami pala ang nag-aayos sa kanila. "Ayan, parang sinukat sa katawan mo ang wedding gown na ito! wala ng dapat pang iadjust at perfect na perfect sa iyo!" nakangiting wika ng bading na nag-ayos sa akin ng sa wakas ay naisuot ko na ang damit pangkasal. Tulala naman akong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Parang hindi ako ang nakikita ko. Parang nagiging mukha akong mamahalin?' "Ate, ako po ba ito?" wala sa sarili kong tanong. Nangingiti naman itong tumango. Pagkatapos ay nakita kong pumasok si Madam sa loob. Nakapustura na ito at halatang ready na sa party. Dumako ang tingin nito sa akin at agad itong pumalakpak. "Perfect...Perfect! dahil diyan may bonus kayo sa akin!" Nakangiti nitong wika sabay lapit sa akin. "Sinasabi ko na ngang bagay kang maging bride ng apo ko eh. Iniligtas mo sa kahihiyan ang pamilyang ito kaya naman tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo Ashley." nakangiti nitong sambit at sininyasan ang mga make up artist na lumabas. Hindi ko alam pero pakiramdam ko biglang bumait si Madam. Nawala ang katarayan ng mukha nito na siyang una kong napansin kanina lang. "Madam, hindi po ba kasalanan ito? Irerehistro po ba ang kasal? Ngayun ko lang po kasi naisip na matatali na pala ako sa anak niyo. Hindi na ako pwedeng magpakasal sa iba." wika ko. Natigilan ito pagkatapos ay ngaumiti. "Dont worry Ashley. After Two years ipapawalang bisa din natin ang kasalan na ito. Siguro naman hindi ka pa mag-aasawa ng mga panahon na iyun diba?" sagot nito sa akin. Napatango naman ako. "Bweno, maghanda ka na. Ilang minuto na lang at uumpisahan na ang serimonya. Sundin mo na ang ang instruction sa iyo ng wedding organiser. Lalabas na ako dahil hinihintay na ako ng aking mga amega sa garden." wika nito at nagmamadali ng lumabas. Naiwan naman akong hindi makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko ngayun. Kung ganoon, totoong kasalan ang magaganap sa akin. Hindi ito fake at talagang irerehistro ito? Akala ko ba proxy lang ako. Napailing ako at hindi ko mapigilan na kabahan. Nasa ganoong pag-iisip ako ng may isang magandang babae ang pumasok sa loob. Sinabi nitong uumpisahan na daw ang kasalan. Inalalayan niya ako palabas ng bahay habang sinasabi ang kailangan kong gawin Pagdating ng garden ay agad na tumampad sa aking panigin ang mga mayayamang mukha ng tao. Lahat ay nakatitig sa akin kaya parang gusto ko ng panawan ng ulirat. Napalunok ako ng makailang beses bago dumako ang tingin ko sa lalaking hindi kalayuan sa akin. Matangkad at ito at nakatitig sa gawi ko. "Siya ba ang groom?" pabulong kong wika sa aking sarili habang mahigpit na hawak ang wedding bouquet. Narinig kong nag-umpisa ng tumugtog ang wedding march at sininyasan na ako ng wedding coordinator na pwede na daw akong maglakad. Napalunok ako ng makailang beses bago dahan-dahan na naglakad papunta sa lalaking nakasuot ng suit sa kalagitnaan ng isle. Pagkatapat ko sa kanya ay matiim akong tinitigan sa mukha bago inabot ang kamay ko. Hinalikan niya pa ito na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot. Pakiramdam ko maiihi ako sa matinding nerbiyos. May ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Kailangan talaga halikan muna ang kamay ng isang babae bago hawakan? Ayyy ewan...pero grabe ang pogi nya. At ang amoy...super yummyyy! Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng pari. Pakiramdam ko may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Hindi ko maiintindihan ang sarili ko. Ang gwapo naman pala ng groom. Talo pa ang mga artista dito sa Pilipinas. Ang lambot ng palad at hiyang-hiya ako dahil alam ko kung gaano kakapal ng kalyo sa palad ko dahil sumasama ako minsan kay Tatay kapag manggapas kami ng palay noon sa bukid. "Saan ka napulot ni Lola?" napaigtad pa ako ng bumulong ito sa akin. Hindi ako nakasagot at diritso lang ang tingin ko. Pakialam niya ba? Bayad na ako noh at wala namang sinabi si Madam na kailangan kong sagutin ang tanong ng kanyang apo. Pagkadating sa harap ng altar ay agad na inumpisahan na ang seremonya. Syempre wala akong naintindihan dahil lutang ang isip ko. Basta na lang ako sumagot ng "I do" at sumabay na sa agos ng pangyayari. Nagiging aware lang ako ng isinuot na sa palasingsingan ko ang wedding ring ganoon din ako sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali ay inanunsyo na ng pare na tapos na ang kasal at you may kiss the bride na? Agad- agad? Napalunok ako ng maraming beses ng dahan-dahan na iniingat ng groom ang Vail na nakatakip sa aking mukha. Kitang kita ko sa mukha nito ang pagiging seryuso at ang nakakatunaw nitong titig. Agad na tumibok ang puso ko ng mapansin kong dahan-dahan na bumaba ang labi nito sa labi ko.... Oh My Goodness! Ito ang first kiss ko! Akmang iiwas ako ng bigla nitong hawakan ulo ko at agad na siniil ng halik. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa matinding pagkagulat habang nararamdaman ko kung paano nito sipsipinang bibig ko. Pati yata laway ko nasama nya ng s******n. At teka lang kanina pa nakalapat ang labi nya sa labi ko pero wala yata siyang balak tanggalin. Diyos ko...gwapo naman sana kaya lang may pagkamanyakis! Naghahabol ako ng hininga ng sa wakas pakawalan nya ang labi ko. Narinig ko pa ang malakas na palakapakan ng mga bisita kaya naman nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya. "Sweet!" bulong niya sa akin pagkatapos nya akong pakawalan. Hindi ko naman alam kung iiyak ba ako o ano pa ba? Wala ito sa kontrata eh! sabi ni Madam kasal lang pero bakit may halik pa? First kiss ko iyun at kinuha lang ng lalaking ito na mukhang kupal? Mukhang mahilig ito sa tahong kaya dapat hindi ako magpakakampanti. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito pagkatapos nito dahil hangang doon lang naman ang usapan namin ni Madam. Nanigas ang katawan ko ng hapitin pa ako nito para makihalubilo sa mga bumabating bisita. Kabi-kabilaang congratulations ang naririnig ko pero para akong tanga na tanging pagngiti lang ang naisagot. Tumingin ako sa gawi ni Madam at nakita kong nakatitig ito sa amin. May naglalarong ngiti sa labi nito kaya naman nagmamakaawa akong tumitig dito. Pero hindi niya yata gets kasi agad niyang binawa ang tingin sabay talikod. "Pu-pwede bang bitawan mo muna ako? Gusto ko kasing mag cr eh." nakikiusap kong wika kay Ryder James Sebastian. Ang aking groom. Siyempre kabisado ko ang kanyang pangalan dahil ilang beses itong binanggit ng pari kanina. Kailangan kong magdahilan dito dahil para itong ahas kong makalingkis sa akin ngayun. Ayaw kong mawasak ang tahong ko dito noh? Hindi ko siya type at wala akong balak na magpabutas sa lalaking mukhang bad boy. Para lang sa magiging asawa kong tunay ang aking pagkabirhen...hehehehe "Alam mo na ba kung nasaan ang cr?" tanong nito sa akin at mukhang sasamahan pa ako kaya agad akong tumango. Mabuti na lang at may isa pang lalaki na lumapit sa gawi namin at naa

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.9K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
313.1K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
4.6K
bc

Alpha's Instant Connection

read
650.1K
bc

The Abandoned Luna's Return

read
1K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook