bc

Del Valle's First Kiss

book_age18+
1.6K
FOLLOW
6.1K
READ
revenge
forbidden
possessive
arrogant
bxg
serious
betrayal
cheating
rejected
secrets
like
intro-logo
Blurb

Title: Del Valle's First Kiss

Warning: SPG Content

Si Ethan Del Valle at si Samantha ay parehong walang tiwala sa iba maliban sa kanilang mga sarili. Hanggang sa nakilala nila ang isa't isa at nauwi sa pagmamahalan.

Ngunit huli na ng malaman ni Samantha na ang kanilang mga pamilya ay magkalaban. At si Ethan naman ay mayroon na pa lang pinagakoang iba na papakasalan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malalim ang hininga ko nang makarating ako sa comfort room. Kitang-kita ko kung gaano na ngayon kagulo ang buhok ko na ilang beses ko pang sinuklay kanina. Napatingin lamang ako sa kalmot na nakuha ko sa mga babae kong kaklase. Napailing na lang ako lalo na nang maalala ko kung bakit nila ito ginawa sa akin. They did it because I sat beside that guy. It was because of Ethan Del Valle. Hindi ko alam kung ano ang espesyal sa lalaking tinabihan ko kanina sa klase. Dahil sa simpleng ginawa ko ay na-trigger sila at naging tampulan tuloy ako ng kanilang karahasan. Ano ba ang masama sa ginawa ko? May nilabag ba ako sa batas para tratuhin nila ako ng ganoon? Sa unang araw ko pa talaga rito sa eskwelahang ito? Ganito ba sila mag-welcome ng kapwa nila estudyante? Ngayon pa lang ay nakikinita ko na ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. Hindi ko mapigilang hindi madismaya sa eskwelahang pinasukan ko ngayong taon. Akala ko pa naman ay new environment na. Akala ko ay matatahimik na ang buhay ko pero hindi pala. Sa ugali ng mga estudyanteng nakaengkwentro ko kanina ay mukhang malala pa ata ang sasapitin ko rito. Mas marami rito ang mga barumbado, unang araw ko pa lang ay nakita ko na sila. Akala ko pa naman ay hindi na ako masasangkot pa sa kaguluhan ngunit mukhang isang pangarap lang iyon na hindi na matutupad. Noong naglibot ako rito kanina ay nagsusumigaw ng kapangyarihan ang bawat estudyante rito. Halata ito sa kanilang kasuotan at mga gamit. Mukha tuloy akong na-out of place dahil isang simpleng pantalon at damit pang-itaas lamang ang aking suot, idagdag pa ang medyo kupas kong sapatos. Kaya naman madali talaga nila akong mapansin, madali nilang napansin na hindi talaga nila ako ka-level. Pagkatapos ayusin ang buhok ay lumabas na ako ngunit isang grupo na naman ng kababaihan ang nakaabang sa akin sa pasilyo. Alam kong ako ang pakay nila dahil sa akin sila nakatingin. Sinubukan kong ignorahin sila ngunit hinawakan ako sa braso ng dalawang babae. "Bitawan ninyo ako!" sabi ko at nagpumiglas. Lumapit sa akin ang tumatayong lider nila at marahas akong tiningnan. "Sino ka para tabihan si Ethan?" galit niyang tanong sabay tapik sa aking ulo. Hindi man iyon masyadong malakas pero talagang nakakainsulto ang ginagawa niya sa akin. Nakakainis dahil wala man lang tumutulong sa akin kahit may nakatingin naman sa amin, na para bang isang kasalanan ang pagtabi ko sa lalaking iyon. Ano ba ang magagawa ko? Sa tabi lang nito ang may bakanteng upuan kaya roon ako umupo sa tabi niya! Bakit big deal na big deal iyon sa mga babaeng ito? Ginawa ko ang lahat para makapagpigil sa aking sarili dahil wala akong balak patulan sila. Ayaw kong ma-guidance office sa unang araw ko rito. "Kilala mo ba 'yong tinabihan mo?" naiinis niyang tanong. Hinawakan niya ang aking mukha at ang matatalim niyang kuko ay bumabaon na sa aking balat. Napapangiwi lamang ako sa sakit. Umiling na lang ako dahil wala naman akong kakilala kahit isa rito. Wala naman talaga akong alam sa lalaking iyon. Imbes na mag-angat ako ng ulo ay mas pinili ko na lang yumuko. "Ang lakas din naman ng loob mo para tabihan si Ethan. Wala pang kahit sino ang naglakas loob na tumabi sa kaniya maliban sa 'yo," matigas na sabi ng leader nila. Sinuyod niya ang aking kabuohan mula ulo hanggang paa. Wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Ayaw ko lang na galitin siya lalo pa't masakit na rin ang pagkabaon ng kaniyang kuko. Akala ko, kapag hindi ko sila sasagutin at mananatili na lang na nakayuko ay lulubayan na nila ako pero nagkamali ako. Hindi pa rin nila ako nilulubayan. "At sino ka sa inaakala mo? Marami ka pang bigas na kakainin para umpisahang kilalanin ang mga tao rito," malditang saad niya sa akin. Nag-init ang magkabigla kong tainga dahil sa sinabi ng babaeng kaharap ko pero kailangan kong pigilan ang sarili ko para maka-iwas sa gulo. Pinalampas ko na lang at piniling 'wag na lang kumibo. "Pipi ka ba o bingi? Kanina pa ako tanong ng tanong dito pero hindi ka man lang nag-abalang sagutin ako. Kung ayaw mo ng gulo ay lumipat ka ng ibang upuan pagbalik mo sa room ninyo!" pag-uutos niya sa akin. "Pasensiya na, gagawin ko iyon pagbalik ko." 'Yon lang ang tangi kong nasagot. Maliban sa naging sagot ko ay wala na akong ibang maisip na puwedeng sabihin kaya tinitigan niya ako nang mabuti. Nagtaas siya ng isang kilay sa mataray na paraan. Ilang sandali ay tinalikuran na nila ako ngunit nang mapansin nilang hindi pa rin ako umaalis sa aking puwesto ay humarap ulit sila sa akin. Lahat sila ay nasa akin na naman ang tingin. Sa pagkakataong ito ay dumoble ang galit nila sa akin. "Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, ano! Sino ka ba? Sino bang pinagmamalaki mo? O talagang sinasadya mong galitin ako, bakit hindi mo pa ako sinusunod!" "Bakit ba ikaw 'yong galit? Ikaw ba' yong tinabihan ko?" naiinis kong sabi sa kaniya dahil malapit na rin akong mawalan ng pasensiya. "Walang hiya ka! At sino ka sa inaakala mo?" iritado niyang sabi. "Sinisiguro ko sa 'yong hindi mo gugustuhing makilala ako." Nag-aapoy na sa galit ngayon ang kaharap ko at para bang kahit anong oras ay puwede niya akong saktan. Wala itong magawa nang may dumating na guro, ginawa ko iyong pagkakataon para umalis sa harap niya. Bumalik ako sa aming room at nakuha ko na naman ang atensyon ng mga kaklase ko, lalo na ang mga babaeng sinaktan ako kanina. Nasa akin ang lahat nakatutok ang mga mata nila maliban sa isang lalaki na nakaupo lang sa dulo na parang walang pakialam sa mundo. Dumeritso lang ako sa tabi ng upuan niya. Actually, marami pang mga bakanteng upuan ngunit sira na ang mga ito kaya wala rin akong choice. Isa pa ay mas gusto ko rin sa may dulo umupo para walang makapansin sa akin. Ethan Del Valle looked bored in his seat. Mukha siyang walang pakialam sa mga tao sa kaniyang paligid kung kaya't wala akong magiging problema. At dahil masyado pang maaga ay hindi pa kompleto ang estudyante sa aming room. Wala pa rin ang guro sa aming klase. Kinuha ko ang makapal kong notebook para maihanda ang gagamitin ko bago dumating ang magtuturo. Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa kakaupo, heto at may mga taong 'di ko talaga maintindihan kung ano ang problema sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang trip nila para pag-initan ako agad. Kanina pa kasi ako tinitingnan ng nga babae. Kanina pa sila. Nakita ko na palihim din pa lang nakatingin sa akin si Ethan Del Valle ngunit mabilis niyang inalis ang tingin sa akin. Napaisip tuloy ako bigla kung ano kaya ang mayroon sa lalaking katabi ko. Bakit pinagbabawalan ang sinoman na tumabi sa kaniya? Iniisip ko ngayon kung bakit masyadong big deal ang pagtabi ko sa lalaking ito sa mga babaeng 'yon. "Hindi kaya girlfriend n'ya ang babaeng 'yon?" tanong ko sa aking sarili at kung totoo man ang aking hinala, nakakatawa namang isipin dahil napakaselosa nito. Muli kong nahuling nakatingin sa akin si Ethan Del Valle, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang magtama ang aming mga mata, at kung hindi lang dumating ang aming guro ay baka nagtitigan na kaming dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
382.0K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.9K
bc

Unwanted

read
510.5K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.4K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook