KABANATA 4

1579 Words
“THE highest score is twenty and is none other than Shenelle Montenegro!” masiglang wika ni Maam Isabelle na guro namin sa Algebra subject. “Good job, Shenelle!” dagdag pa nito saka inabot sa akin ang notebook ko. “Wow, ang galing mo naman, Shenelle!” bulong ni Mika na isa sa katabi ko sa klase. “Dinaig mo pa si Lucie.” “Ah, k-kasi nagpaturo ako sa mama ko,” tugon ko. “Nahirapan nga ako eh. Kung ‘di niya ako tinulungan ay baka zero ang score ko sa assignment.” “Perfect daw? Baka nangopya lang ‘yan kay Lucie ‘tapos nagpaubaya na lang si Lucie para mapansin lang siya ng buong klase,” sabad ni Suzette na nakahalukipkip. “Paano mo naman nasabi ‘yan?” singit ni Romnick na nakikinig pala. “Sa tingin ko hindi ganoon si Shenelle.” Nilingon niya ako. “Kasi kung alam ni Lucie ang lahat ng sagot sa assignment, ‘di sana perfect din ang score niya katulad ni Shenelle.” “Class, please copy the reminders written on the board. Make sure to follow the instructions for your assignment,” paalala ni Maam Isabelle. Kinalabit ako ni Lucie. “Huwag mo na sila pansinin, Shenelle. Inggit lang ang mga ‘yan sa iyo.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Lucie. Mabuti na lang talaga hindi lang siya matalino, maunawain din. Hindi siya madaling maapektuhan tungkol sa mga pinagsasabi ng mga kaklase naming marites. Pagkatapos ng klase ay sumabay sa amin si Romnick pauwi. Kakaiba naman ang naging kislap sa mga mata ni Lucie. Kapansin-pansin ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. “Lagi ba kayong naglalakad pauwi?” tanong ni Romnick. “Ah, oo!” agad na sagot ni Lucie. “Malapit lang kasi ang bahay namin sa bahay nina Shenelle.” “Oh, I see.” Tumangu-tango pa si Romnick. “Kung ganoon, sasabay na rin ako sa inyo.” Lalong lumuwang ang ngiti ni Lucie. Bakas ang kasiglahan sa mukha niya. Mahigpit siyang nakakapit sa braso ko dahil napapagitnaan ko silang dalawa ni Romnick. Unang beses pa lang namin nakasabay si Romnick sa pag-uwi ay talagang na-enjoy namin ang company niya. Hindi siya nauubusan ng kwento, palangiti rin siya na nakakadagdag ng atensiyon habang nagsasalita siya at mahilig siyang magpatawa. Habang nakikinig ako sa kanya ay panay ang tawa naman ni Lucie. Dalawa na lang kami ni Romnick nang madaanan na namin ang bahay ni Lucie. Hindi pa rin siya naubusan ng kwento kaya naaaliw talaga ako sa kanya. Humagalpak ako ng tawa ng ibida niya sa akin ang mga nakakatuwang nangyari sa kanya noong nakatira pa siya sa kanilang probinsiya. Nahulog raw siya sa kalabaw dahil nakatulog siya habang nakasakay, inakyat niya ang dwarf na puno ng niyog, nakipaghabulan sa mga biik na nakawala sa kulungan at kung anu-ano pa. Halos hindi na ako makahinga sa kakatawa. Hindi ko akalain na kwela palang kausap si Romnick. Marahil isa iyon sa katangian na nakita ni Lucie. “Uy, Shenelle! Huminga ka nga at baka sumakit ang tiyan mo,” aniya habang tinatapik ang balikat ko. “Loko ka talaga!” sabi ko saka muling humagalpak ng tawa. “Kunin mo ba naman ang itlog ng inahing manok eh di ikaw tuloy ang pinagtutuka!” Nakaupo na ako sa gilid ng kalsada. “Sige, ikaw nga ang magutom ‘tapos walang ulam. Siyempre, no choice kaya ‘yong itlog na lang ng manok. Diskarte tawag do’n kaysa naman magutom ako,” katwiran pa niya. “What are you two doing?” Naagaw ng atensiyon namin ang makulog boses na iyon. Lumapit sa akin si Romnick saka bumulong. “Kilala mo ba siya? Hindi mo naman siya mukhang kapatid dahil nag-iisang anak ka lang ‘di ba?” “Answer me. Ano ang ginagawa ninyong dalawa?” ulit na tanong ni Zein. Mas nakakatakot ang titig niya sa aming dalawa ni Romnick. “Bro, sino ka ba? Bakit ka ganyan kung makapagtanong?” hindi nakatiis na turan ni Romnick kasunod ng paglahad ng kamay sa akin. Hindi sumagot si Zein. Tipid naman akong ngumiti kay Romnick kasabay ng pag-abot ng kamay niya upang alalayan akong tumayo ngunit mabilis ang naging hakbang ni Zein. Hindi niya pinansin si Romnick at natabig niya ito nang siya na mismo ang kumuha sa kamay ko. “Hoy, bitiwan mo nga siya! Sino ka ba at bigla-bigla mo na lang siya nilalapitan at hinahawakan?” “Mind your own business, little boy,” tugon ni Zein at iginiya na ako papasok sa loob ng bahay. “Get inside now, Shenelle.” “Bye, Romnick,” paalam ko sa kaklase kong naguguluhan. “Bukas na lang ulit.” “Shenelle…” “Don’t worry, I’m fine.” I waved him goodbye saka pumasok na ako sa loob ng bahay. Gustuhin ko man na lingunin pa si Romnick ay hindi ko na ginawa pa. Tila nakabantay na isang guwardiya si Zein sa likuran ko at nag-aalala ako sa expression ng mukha niya kanina. “Ma?” tawag ko. “Ma?” “Tita’s not here. Umalis siya kasama si Dad kanina. Gagabihin daw sila ng uwi mamaya.” Bakit naging parang dragon ang boses ni Zein? Para siyang bubuga ng apoy ano mang oras. “Ah, okay.” “Sino ang lalaking ‘yon?” tanong na naman niya. Napatigil ako sa paghakbang. “Nanliligaw ba siya sa iyo? Alam ba ni Tita ang tungkol sa lalaking ‘yon?” “Romnick is my classmate,” sagot ko na hindi siya nililingon. Ayaw kong makita ang expression niyang halos ikatayo ng balahibo ko. “You’re just fourteen for heaven’s sake, Shenelle! Talaga bang uso na ang ligawan sa pinapasukan mong eskwelahan kahit second year high school pa lang kayo?” Malakas siyang pumalatak. “Kaya pala hindi ka matuto sa pag-aaral eh. Hindi mo man lang magawa ang assignment mo dahil mas inaatupag mo pa ang lalaking iyon kaysa tumutok sa mga aralin mo sa eskwelahan.” Bigla na lang tumulo ang luha ko sa mata habang kagat-kagat ko ang labi ko. Kagabi ko lang nakilala si Zein pero ipinamukha na niya agad sa akin ang kahinaan ko. Ganoon ba talaga ang iniisip niya dahil kasama ko si Romnick? Pinahid ko ang luha ko. Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya. Kung iyon ang tingin niya sa akin, wala na akong magagawa. Hindi ko kailangang patulan pa ang lahat ng mga sinabi niya. Pinalaki ako ni mama na marunong mag-analisa ng mga bagay-bagay at kasama na roon ang pagsasawalang bahala sa iniisip at sinasabi ng ibang tao…including Zein. Padabog kong tinungo ang silid ko. Pagkatapos kong i-lock ang pinto ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama saka bumuhos ang luhang pinigilan kong humulagpos kanina. Ganoon pala ang tingin sa akin ni Zein. Dahil ba siya ang gumawa ng assignment ko ay basta-basta niya na lang ako masesermunan ng ganoon? Kasalanan ko ba na mahina akong makaintindi pagdating sa Algebra? Bakit ganoon ang takbo ng isip niya? Ang sabi ni mama sa akin, matalino siya at seryosong tao. Ibig sabihin na-conclude niya talaga na nakikipaglandian sa kaklase kong si Romnick kaya hindi ko maintindihan ang itinuturo sa Algebra subject? Para na rin niyang sinabi na hindi ako nag-aaral ng mabuti dahil nagpapaligaw ako? Inilubog ko ang mukha ko sa unan at walang ingay na umiyak. Ito ang unang beses na may humusga sa akin kahit hindi pa ako lubos na kilala. “Shenelle, let’s talk.” It’s Zein again. Hindi ko siya sinagot. Masyado akong abala sa pag-iyak para kausapin siya. Ilang beses pa siyang kumatok ngunit hindi akon sumunod sa nais niya. Isusumbong ko siya pag-uwi nina mama at Tito Louie. Ipapamukha ko sa kanya na nagkakamali siya ng akala sa akin. Ano siya feeling Kuya ko? Mayamaya pa ay narinig ko ang papalayong yabag mula sa pinto ng silid ko. Doon ko napagpasyahang magpalit ng damit. Sunod kong ikinalat ang mga notebook ko sa ibabaw ng kama ko. Isa-isa kong ginawa ang assignment ko. Oo nga at minsan na akong natulungan ni Zein ngunit papatunayan ko sa kanya na kaya kong matuto mag-isa. Papatunayan ko na hindi totoo ang mga panghuhusga niya sa akin. Tinapos ko ang lahat ng assignment ko saka walang ingay na lumabas mula sa aking silid. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Tinungo ko ang kusina saka naghalungkat ng makakain. May mga stocks kaming pagkain na binili namin ni mama noong nakaraang linggo. Naghanda ako ng pinggan, kutsara at tinidor sa mesa. May nilutong kanin at ulam sa ref na labis kong ikinatuwa. Sigurado akong si mama ang naghanda niyon. Ininit ko ang chicken adobo habang nagsasandok ng kanin. Umupo na ako agad nang maihanda ko na ang pagkain. Kahit madalas akong mag-isa sa bahay ay lagi akong excited kapag kumakain. Hindi kasi nagkulang si mama sa paghahanda ang mga kailangan ko kahit super busy siya sa trabaho. "So, marunong din pala magutom ang prinsesa?" Nag-angat ako ng tingin sa harap ko at tumambad sa akin ang nakahalukipkip na si Zein. Matalim siyang nakatingin sa akin. "Hindi mo man lang ba ako aayaing kumain?" tila nanunubok na tanong niya. "Besides, bisita ako rito. Ano na lang ang sasabihin ni Tita sa oras na malaman niyang Hindi mo man lang inasikaso ang anak ng magiging asawa niya?" He smirked devilishly. Napapikit na lang ako at tumayo upang kumuha ng Isa pang pinggan para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD