KABANATA 3

1109 Words
NAKAGAANAN ko agad ng loob si Tito Louie samanlatang tila aloof na lobo naman ang anak niyang si Zein. Mahilig magkuwento si Tito Louie at tahimik naman si Zein. Si mama naman ay bakas ang kasiyahan sa mukha dahil tila close na kami agad ni Tito Louie sa isa’t isa. Totoo naman ang sinabi sa akin ni mama. Sa nakikita ko at obserbasyon ko, genuine ang ipinapakita ni Tito Louie hindi katulad ng anak nito na parang galit yata sa mundo. Hindi man lang magawang tapunan ako ng tingin. Napapaisip tuloy ako kung may problema ba sa akin. Natapos ang hapunan namin ngunit hindi ko man lang narinig na nagsalita si Zein. Tahimik pa rin siyang umahon sa kanyang kinauupuan saka dinala ang pinagkainan sa lababo. Huhugasan pa sana niya ang hawak na pinggan, kutsara at tinidor ngunit mabilis siyang inawat ni mama. Tinulungan ko si mama sa pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan habang sina Tito Louie at Zein naman ay tinungo ang veranda. Marahil nag-uusap ang dalawa. “Shenelle, are you listening?” Napapitlag ako s amalakas na boses ni mama. “Ma?” “Ang sabi ko, may assignament ka pa bang gagawin bago ka matulog?” Bahagya pang nilakihan ni mama ang mga mata. “Baka magpuyat ka na naman at ma-late ka sa pagpasok sa school bukas.” “Algebra na lang po gagawin ko. Natapos ko na po ang iba,” tugon ko. “Nahihirapan ka pa rin ba sa subject na Algebra, anak?” “Kahit ano po ang gawin ko, mahirap talaga pero no choice ako kung hindi ulit-uliting pag-aralan. Ayaw ko pong bumagsak. Sisiw na sisiw kay Lucie ang Algebra samantalang pagdating sa akin, napag-iiwanan ako.” Inilagay ni mama ang hawak na pinggan sa lagayan saka nagpunas ng kamay. “Shenelle, kahit na sino pa ang pinakamagaling s aiyo, ikaw pa rin ang pinakamaganda na anak ko sa buong mundo.” Nginitian niya ako. “Eh ano naman kung magaling si Lucie sa Algebra at iba pang subjects, mas maganda ka naman sa kanya.” “Mama naman eh…” Mahigpit niya akong niyakap. “Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, ‘di ba? Maaaring lamang siya sa katalinuhan pero pagdating sa kagandahan, lamang ka naman sa kanya. Patas ang Diyos, anak. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang maipagmamalaki. Remember that.” Ginulo niya ang buhok ko. “O siya, gawin mo na ang assignment mo. Ako na ang bahala rito.’ Tumango ako at tinungo na ang silid ko. Pagkatapos kong pihitin ang seradura ng pinto ay napalingon ako sa veranda. Bigla namang nag-iwas ng tingin si Zein. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa kinaroroonan ko o sadyang bumaling lamang siya sa ibang direksiyon. Agad kong ginawa ang assignment ko pero lumipas na yata ang ilang minuto hanggang umabot sa oras ay hindi pa rin ako natatapos. Bahagya na ring sumasakit ang ulo ko kaya tumigil na muna ako upang maghilamos. Kailangan kong ma-refresh ang utak ko. Hindi rin ako nagtagal sa loob ng banyo. Mabilis akong nagbihis at muling binalingan ang notebook ko. Nagbuga ako ng hangin dahil hindi ko pa rin magawa kaya nagpasya na muna ako na lumabas upang magpahangin. Kapag hindi abala si mama ay magpapaturo ako sa kanya. Dala-dala ko ang notebook ko habang hinahanap ko si mama. Wala ng tao sa veranda. Marahil ay nagpapahinga na rin sina Tito Louie at Zein sa kanilang silid. Pinuntahan ko ang silid ni mama ngunit naka-lock iyon. Akma na sana akong kakatok ngunit bigla akong natigilan. Malalim akong napabuntonghininga. Tinungo ko ang veranda saka naupo. Maliit lamang ang bahay namin ngunit kasya ang sampung miyembro ng pamilya. Bagama’t dalawa lang kami ni mama ay may nakahanda pang isang silid para sa mga bisita na tumutuloy sa amin. Lumaki rin akong madalas mag-isa. Busy si mama sa trabaho niya kaya minsan ibinibilin niya ako sa kaibigan niyang kapitbahay. Noong lumipat na ng tirahan ang kaibigan niya ay mag-isa na lang talaga ako. Palagay naman na ang loob ni mama kasi nasa high school na ako. Hindi na ako alagain at kaya ko ng asikasuhin ang sarili ko. Tinitigan ko ang kumikinang na liwanag mula sa mga ilaw ng ilang establishments sa malayo. Minsan pinangarap kong pagmasdan pa ang mga ‘yon kasama ang isang tao na masasandalan ko. Sana talaga mayroon akong isang kapatid na handa akong samahan sa lahat ng bagay na gusto ko. “Ehem,” ani ng isang boses. “Oh, my God – “ Hawak-hawak ko ang dibdib ko nang lingunin. “Anong g-ginagawa mo riyan?” Sa pigura pa lang ng mukha ay sigurado akong si Zein iyon. Nasa bahaging may kadiliman siya ng veranda kaya hindi ko siya napansin. “Kanina pa ako rito.” Ang lalim ng pinaghuhugutan ng boses niya. “I-ibig sabihin nang dumating ako rito a-ay nandito ka na?” “What do you think?” “S-sige, papasok na ako sa loob baka naabala pa kita.” “You stay here. Mukhang kailangan mo ng inspirasyon.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa notebook. “Hindi, okay lang. Akala ko kasi gising pa si mama. Magpapatulong sana ako sa assignment ko sa Algebra. Pero hindi bale na, bukas ko na lang gagawin sa school.” “Algebra?” ulit na tanong ni Zein. Tumango ako. Mabuti na lang talaga may distansiya sa pagitan naming dalawa. Tiyak na hindi ako makakapagsalita ng maayos kung nasa harap ko lang siya o malapit siya sa akin. Awaa pa lang niya nai-intimidate na ako. Parang may kung anong mahika ang mga titig niya na sa katagalan ay tila nakakalunod ng tingnan. “Patingin nga.” “Hindi, ‘wag na – “ Inagaw na niya ng tuluyan ang notebook ko. Paano siya nakalapit nang hindi ko man lang naramdaman? Napalunok ako nang pagmasdan ko siya. Seryoso niyang binabasa ang laman ng notebook ko habang ako naman ay iniisip kung bakit ang tangkad niya. “Where’s your pen?” mayamaya pa ay tanong niya. “H-ha?” Para akong nabato-balani sa narinig. “B-bakit kailangan mo ng bolpen?” Hindi na siya sumagot at kusang kinuha ang bolpen na hawak ko. Inilapag niya ang notebook ko sa maliit na mesa saka umupo. Walang babalang sinulatan niya ang notebook ko! “Teka, anong ginagawa mo?” Humakbang ako papalapit sa kanya. “Tapos na,” wika niya saka tumayo. “A-anong tapos na?” “See it for yourself,” malamig na tugon niya saka iniwan ako. Kunot ang noo kong tiningnan ang sinulat niya sa notebook ko. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko dahil sinagutan niya ang assignment ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD