KABANATA 2

1122 Words
SUOT ang isang maong shorts at puting t-shirt ay lumabas ako ng silid ko at tinungo ang sala kung saan malaya kong naririnig ang boses ni mama at ng sinasabi niyang bisita. Bumagal ang paghakbang ko nang sabay-sabay silang lumingon sa akin. Natigilan ako at natulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung may mali ba sa akin dahil sa mariing pagtitig nila sa akin. Kahit si mama ay tila napipi. Marahil may mali talaga sa akin kaya naman pumihit na ako patalikod upang bumalik sa silid ko. “Shenelle,” mahina ngunit malambing na tawag ni mama. “Come here, anak.” Dahan-dahan akong muling humarap sa kanila. Ganoon pa rin ang tingin nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nailang. Tumayo si mama at dinaluhan ako. Inakbayan niya ako saka nakangiting sinulyapan ang dalawang lalaking bisita niya. “Gentlemen, I want you to meet my daughter, Shenelle,” deklara ni Mama na may pagmamalaki sa boses. “It’s nice to meet you, Shenelle,” bati ng nakakatandang lalaki. “H-hello po,” bati ko. Tumayo ang lalaki at tinuro ang kasing tangkad ng refrigerator. “This is my son, Zein and I’m you’re soon to be daddy. Just call me Daddy Louie.” Daddy? “Ahm, Shenelle,” tila nabahalang tiningnan ako ni Mama. “Tutal naman ay nasabi na ng Tito Louie mo, h-hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.” Makahulugan siyang sumulyap sa dalawang lalaki. “A-ako at si Tito Louie mo ay malapit ng magpakasal so…magiging kapatid mo si Zein.” “P-po?” tanong ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang sinabi niya. For thirteen years of my life ay si Mama lang ang kasama ko at ngayon ay…muli siyang mag-aasawa at magkakaroon ako ng daddy sa katauhan ni Tito Louie. M-magkakaroon din ako ng kuya na nagngangalang Zein. “Tama ang narinig mo, Shenelle,” pagsang-ayon ni Tito Louie. “Your mom and I will getting married. So, sana matanggap mo kami ng anak kong si Zein bilang kapamilya mo.” “Ah – “ “Dad, I need to go out,” paalam ni Zein na walang babalang tumayo. “May bibilhin lang ako sa labas.” “Ma, b-balik na po ako sa kwarto ko,” paalam ko na rin. Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Mama. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang silid ko saka mabilis na ni-lock ang pinto. Para akong wala sa sarili na naglakad pabalik-balik. Magpapakasal si Mama kay Tito Louie. Magkakaroon ako ng tatawaging papa at kapatid ng walang kahirap-hirap. Totoo ba ang lahat ng ‘to? Mayamaya pa ay may sunud-sunod na kumatok sa pinto. “Shenelle, ako ‘to,” ani ni mama. “Will you please open the door?” Binuksan ko iyon at pumasok si mama. Sinundan niya ako nang maupo ako sa gilid ng kama ko. Nakatungo lang ako habang naghihintay sa sasabihin niya. “Alam ko na nagulat ka sa nalaman mo kanina lang.” Hinawakan niya ang kamay ko at pinasalikop sa kanya. “Galit ka ba sa akin, anak?” Tinitigan ko siya nang mabuti saka unti-unting umiling. “N-nabigla lang po ako, Ma.” “Sorry, anak.” Kinabig niya ako saka niyakap. “Hindi ko agad sinabi sa iyo kasi hindi ako makahanap ng tamang oras. Busy ka sa school, busy din ako sa trabaho. Actually, matagal ng gusto ni Louie na makilala ka para maging legal na ang pagpunta at pagbisita niya rito. Ako lang ang mapilit na i-postpone dahil alam kong mabibigla ka.” Marahan siyang nagbuga ng hangin. “Tatlong taon na kaming magkarelasyon ng Tito Louie mo at nasisiguro ko sa iyo na mabuti siyang tao. Magiging mabuti siyang asawa at papa mo. Si Zein naman…sadyang tahimik lang talaga ang batang ‘yon kaya kung minsan huwag mo na lang pansinin. Masyado lang din kasi ‘yon focus sa maraming bagay.” “S-siya lang po ba ang anak ni Tito Louie?” Agad na tumango si Mama. “Makakasundo mo rin siya kapag tumagal na. Sa ngayon, pareho lang kayo na nakikiramdam sa isa’t isa.” “Ma, mahal niyo po ba talaga si Tito Louie?” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko saka inipit sa tainga ko. “Sa tingin mo ba, pakakasal ako sa kanya kung hindi ko siya mahal?” Tumaas-baba ang kilay niya. “Simula nang iwan ako ng papa mo, hindi ko na inasahan pa na makakahanap ako ng lalaking magmamahal sa isang single mom na katulad ko. Nasa isip ko palagi na magkasama tayo hanggang sa ikaw naman ang magkaroon ng sariling pamilya kaya lang…sadyang mapaglaro ang tadhana. Nakilala ko ang Tito Louie mo at napaibig niya ako. Noong una ay tutol talaga ako sa lahat ng ginagawa niyang panliligaw kahit na patago subalit napa-oo niya ako dahil sa sobrang tiyaga niya sa akin.” “Talagang mahal na mahal po niya kayo?” Yumuko si mama kasabay ng pilit na ngiti. Nang tingnan niya ako ay namumula na ang magkabila niyang pisngi. “To be honest, anak, bukod sa iyo, siya lang ang nagpapasaya ng puso ko. Noong nalaman ko na may anak din siya ay mas lalo akong napalapit sa kanya dahil halos pareho ang pinagdaanan namin. Siya ang nag-alaga kay Zein simula nang isilang ito at magpahanggang ngayon.” Napangiti ako. Sa tuwing nakikita kong masaya si Mama ay masaya na rin ako. “So, payag ka na ba na magpakasal kami ni Tito Louie mo, anak?” “Kung saan po kayo masaya, mama. Susuportahan ko po kayo.” Nanubig ang mata niyang nakatitig sa akin. “Big girl na talaga ang baby ko.” Pinisil niya ang pisngi ko. “Salamat at nauunawan mo si Mama, huh? Pangako ko sa iyo na walang magbabago kahit na maikasal ka kami ni Louie dahil hindi na lang ako ang magmamahal sa iyo dahil mayroon ka ng bagong daddy. What do you think, Shenelle? Are you happy?” Tumangu-tango ako kasunod ng pagyakap ko kay Mama. “Magkakaroon na po ako ng Daddy Louie at…” Di ko naituloy ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto ng silid ko at iniluwa niyon si Tito Louie. “Pwede ba akong maki-join sa magiging asawa at magiging anak ko?” Nagkatinginan kami ni mama at sabay na tumango. Masigla namang pumasok si Tito Louie at sabay kaming niyakap ni mama. “Huwag kang mag-alala, Shenelle. Gagawin ng Daddy Louie mo ang lahat upang protektahan ko kayo ng mama mo. Ituturing kitang tunay na anak ko at magiging masayang pamilya tayo,” ani ni Tito Louie saka hinigpitan pa ang yakap sa aming dalawa ni mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD