“DITO,” turo ko sa isang malaking puno. “Hanggang dito mo lang ako ihahatid at hihintayin sa pagsundo sa akin.”
“What?”
Napatingala ako dahil sa tangkad niya sa akin. “Bakit? May problema ba?”
“Sweetheart, ang layo naman ng punong ‘to sa gate ng school. Anong klaseng paghahatid at pagsundo ang gagawin ko kung tatanawin lang kita mula rito?”
“Iyon naman ang magandang gawin, my stepbrother, Zein.” Peke akong ngumiti. “Mas mainam na ganito kalayo para hindi ka nakikita ng mga kaklase ko. Mahirap na, baka kung ano pa ang isipin nila,” nakapamaywang kong wika.
Ang panlalaki ng mga mata niya ay unti-unting bumalik sa normal. Kasunod niyon ay ang pagkagat niya ng ibabang labi habang nakangiti.
“So, ayaw mo ako… makita ng iba?” Nagdikit ang dalawa niyang kilay kasabay ng paniningkit ng mata. “Gusto mo na ikaw lang ang makakita sa akin?”
Inismiran ko siya saka napailing. “Hindi, no! Ayaw ko lang na pinag-uusapan ako. Gusto ko lang na tahimik na buhay.”
“Nagugulo ko ba ang tahimik mong buhay?” tanong niya.
Mariin akong napalunok. Nang tingnan ko siya ay walang pagbibiro ang mababakas sa mukha niya. Bigla kong pinagsisihan ang sinabi ko.
“N-nagugulo ako dahil sa p-pinag-uusapan ka nila nang dahil sa akin.” Binaling ko sa ibang direksiyon ang mata ko. “H-hindi ako sanay na sentro ng atensiyon ng mga taong nakapaligid sa akin. Namulat na ako na si mama lang ang kasama ko at – “
Napapikit ako nang guluhin ni Zein ang buhok ko. “As you wish, sweetheart.” Nakangiti na siya. Inulit pa niya ang panggugulo sa buhok ko. Muli ko na naman siyang inirapan. “Kung dito mo nais na magkita tayo sa tuwing susunduin at ihahatid kita, walang problema. Just make sure na kapag may hindi magandang nangyari ay ‘wag kang mag-atubiling sabihan ako. I’m your stepbrother, remember?”
May kakaibang kislap ang mga mata niya habang nakangiti. I smile flashed on my face. Tila nahawa ako sa kanya. May hatid na saya ang ngiti niya na talaga namang naramdaman ko. Simple lang naman ang hangarin ko…ang mabuhay ng simple at masaya.
Sa pagdating ni Tito Louie at Zein sa buhay namin ni mama ay tiyak na magpapabago sa araw-araw naming hamon ngunit hindi ako maaaring maging hadlang sa kaligayan ni mama. Suportado ko siya kahit na ano pa ang mangyari.
Alam ko kasi na dahil sa akin kaya pinigilan niya ang sarili niyang maging tunay na maligaya. Si mama lang ang tanging pamilya na mayroon ako ngunit hindi ko ipagkakait sa kanya na makahanap ng tunay na kaligayahan sa piling ni Tito Louie.
Hindi magiging madali ngunit masasanay din ako kalaunan.
“Okay,” mahinang tugon ko.
“Hintayin na lang kita mamaya rito. Sige na,” turo niya sa daan. “Baka may makakita pa sa atin dito, maisipan mo na naman sa iba ang tagpuan natin.”
“Ano?” nakakunot ang noo na tanong ko. Hindi naging malinaw sa pandinig ko ang huli niyang sinabi.
“Wala. Sige na. Kapag hindi ka pa umalis, bubuhatin kita hanggang sa gate ng school ninyo,”
“Nagbabanta ka ba?”
“Ako? Nagbabanta? Siguro,” aniya saka tumawa ng malakas.
Lakas ng trip ng lalaking ‘to.
Tumango ako at kumaway naman siya. Nang tumalikod na ako ay hindi ko maiwasang tingnan siyang muli. Nasa malaking puno pa rin siya at kumakaway sa akin. May kung anong bumundol sa dibdib ko. Marahil dahil hindi magtatagal ay magkakaroon ako ng isang matatawag kong Kuya na maaari kong maging takbuhan sa oras ng aking pangangailangan.
Kapag nakasal na sina mama at Tito Louie ay tiyak na mababawasan na ang oras na ilalaan sa akin ni mama. Inaasahan ko na naman iyon. Fourteen years din ang hinintay ni mama bago niya inisip ang pansarili niyang buhay.
Si mama na papa ko pa. Alam ko ang hirap na dinanas niya para maitaguyod niya ako at sino ba naman ako para hindi siya suportahan? Kahit na maging against ang iba pa niyang kamag-anak, hinding-hindi ako magiging sagabal para sa naghihintay niyang masayang buhay.
Nararamdaman din kaya ni Zein ang nararamdaman ko? Nag-iisang anak din siya ni Tito Louie subalit mas matanda siya sa akin kung edad ang pagbabasehan. Twenty-two na si Zein kaya siguradong mature na ito mag-isip.
Kuya. Magkakaroon na ako ng kuya. Tumahip ang bibig ko. Unti-unti ring bumilis ang t***k ng puso ko. Pero bakit? Kasunod niyon ay ang marahang paghaplos na tila dahil sa isiping kahit na magkakaroon na ng asawa si mama ay may isa akong masusumpungan. Si Zein. Hindi. Si Kuya Zein.
“Ouch,” May kung anong bumangga sa akin. Nawalan ako ng balanse kaya natumba ako. Mabilis kong naitukod ang dalawa kong kamay ngunit naunang tumama ang tuhod ko sa isang maliit ngunit matulis na bato.
“Shenelle!” malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses. “Okay ka lang ba?”
“R-Romnick? I-ikaw pala.” Pinilit kong tumayo ngunit sumigid ang kirot mula sa tuhod ko. “Ouch.”
“Talagang mga ‘yon oh. Hindi man lang tinitingnan ang dinadaanan. Binangga ka nan ga ‘tapos basta ka na lang iniwanan dito.” Umiling-iling pa ito.
“H-hindi ko rin napansin kaya hayaan mo na lang.”
“Kaya nasasanay ang mga ‘yon kasi wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid nila,” sambi ni Romnick. “Dapat sa kanila nire-report sa guidance eh.”
“Huwag na. Hindi naman nila sinasadya ang nangyari…saka galos lang naman ‘to.” Nang ituro koa ng tuhod ko ay bigla na lang nanlaki ang mga mat ani Romnick.
“Shen, dumudugo ang tuhod mo! Parang may nakatusok na maliit na bato sa balat.”
“Lilinisan ko na lang muna sa clinic bago ako pumasok sa room – “
“What the hell happened here?!” makulog ang boses na iyon mula sa likuran ko.
Sabay kaming napalingon ni Romnick at ganoon na lang ang takot na nabuhay sa dibdib ko nang makita ang madilim na mukha ni Zein.
“Z-Zein…”
“I’m asking you, young man. Anong nangyari? Don’t tell me, tititigan mo lang ako?” bakas ang galit sa boses ni Zein.
“N-nakita ko lang na may isang grupo ng mga estudyante ang bumangga kay Shenelle.
Walang babalang binuhat ako ni Zein. “Ituro mo sa akin kung saan ang clinic niyo, ngayon din!”