HALOS takpan ko ang mukha ko sa takot na makita ang reaksiyon ng mga tao. Tahimik ngunit madilim pa rin ang mukha ni Zein habang buhat-buhat ako patungo sa clinic. Si Romnick naman ay nasa unahan namin at panaka-nakang nililingon kami. Nang magtagpo ang mata namin ay mabilis siyang umiwas. “Romnick!” boses iyon ni Lucie. “Anong nangyari?” Agad na pumasok sa clinic si Zein kaya naiwan ang dalawa sa labas. “Shenelle?” tanong ni Miss Ferrer na siyang. “Zein?” anito nang makita ang lalaking may karga sa akin. “She has wound in the knee. Lumubog yata ang bato.” Marahan akong ibinaba ni Zein sa bed. “Kindly check on her. Ikaw ba ang tao sa clinic niyo ngayon?” “Ah, m-may kinuha lang ako rito. Si Sir Jester ang nakatalaga rito. Sandali at tatawagin ko.” Paglabas ni Miss Ferrer ay pumasok

