WALA kaming imikan habang naglalakad. Nang magkita kami sa gate kanina ay kinuha niya lang mula sa akin ang bag ko saka nagpatiuna ng humakbang. Tahimik lamang akong sumunod sa kanya. Hanggang sa nakarating na kami ng bahay ay nanatili kaming walang imik sa isa’t isa. Agad akong pumasok sa kuwarto ko at nagbihis. Nang lumabas ako ay hindi ko na naman nakita si Zein. Nilibot ko na ang buong bahay ngunit ni anina ni Zein ay hindi ko nakita. Saan na naman kaya siya nagpunta? Napansin ko rin nan aka-lock ang pinto. Ibig sabihin, umalis na naman siya…ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Pasalampak akong naupo sa pang-isahang sofa saka ini-on ang tv. Lilibangin ko na lang muna ang sarili ko habang wala akong ibang kasama. Dating pelikula ang napili kong panoorin saka ako lumipat sa mahab

