MAAGANG umalis sina mama at Tito Louie kinabukasan. Sa pagmamadali nila ay hindi na nila nagawang kumain ng almusal na mismong hinanda nilang dalawa. Ang ending, kami na naman ni Zein ang naiwan sa hapag kainan. “Salamat,” wika ko nang iabot niya sa akin ang isang tasa. Tinimplahan niya pala ako ng choco na paborito kong inumin sa umaga. Makahulugan niya akong tiningnan kasabay ng pagkagat niya ng ibabang labi. “Bakit?” “Bakit?” ulit na tanong niya. Bahagya pang tumaas ang isa niyang kilay. “Did you forget something?” Sabay na tumaas-baba ang dalawa niyang kilay habang hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Saglit akong nag-isip. “W-wala naman.” “So, you mean…you remember?” “Ah…” Ang huling naalala ko lang ay nagpalitan kami ng mensahe bago ako nakatulog kagabi. Yakap-yakap ko ang

