KABANATA 21

1094 Words

“NAIINIP ka ba?” untag ni Zein habang lulan na kami ng taxi. Marahan akong umiling. Nakaupo kami sa likuran ng driver. Gusto ko sanang doon na lang siya sa unahan para solo ko sa puwesto ko dahil parang hindi ako mapakali. May airconditioner naman ang sinakyan namin pero parang naiinitan ako. “Like you, I am also an only child. Pangarap ko rin noon na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Siguro, ito na ‘yon. Once my dad and your mom get married, may matatawag na akong kapatid…at ikaw ‘yon, Shenelle.” Namungay ang mga mata niya. May kalakip na kasiyahan ang mga ‘yon subalit parang nahaluan ng kakaibang kalungkutan. May nais ipahiwatig ang uri ng pagtingin niya sa akin at nang titigan ko siya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “Dapat masanay ka ng tawagin akong kuya, Shenelle

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD