Chapter 16

3709 Words
Si Brandon at Sharm ang natirang nagbabantay ngayon sa ospital. Umalis na si Rico at si Mr. Alban. “Sharm siguro naman I deserve an explanation. Matagal niyo sa akin tinago ito” mahinang tanong ni Brandon. Humugot muna ng malalim na hininga si Sharm. “Nasa party kami diba? Tapos lumabas siya sa parking lot and after that hindi na namin siya nakita, I’m not sure if you are aware what’s going on between our company and Congressman Manlapas. He said to dad that he likes Cham at para iurong ang kaso against us she wants Cham in return.” Gulat na napatingin si Brandon kay Sharm. “I’m aware about the case but I don’t know that she likes Cham. So kaya ang suspect niyo ay si Congressman tama ba?” naguumpisa na naman makita ng dalaga ang galit sa mukha ni Brandon. “Yes but we can’t find any proof that he is the one involve here, we hired an investigator pero kahit sila ay walang hint na makuha kahit isa na may kinalaman ang Congressman so we can’t file any case against him.” She said with disappointment. “Tangna naman. Hindi ako papayag na hindi natin malaman sino ang may gawa nito kay Cham I will also hire my own investigator. Kailangan malaman natin ito kaagad.” Tinignan niya ulit ang walang malay na si Cham. He never expected that it will come to this point na makikita niya na ganito ang lagay ng pinakamamahal, sobrang sakit nito sa dibdib niya. “I know Brandon even me I didn’t expect that it will come to this point. Masakit sa akin na makita na ganyan ang lagay ng bestfriend ko. Para lang maisalba ang company hindi ako papayag na siya ang magsuffer.” Sobrang bigat ngayon ng pakiramdam ni Brandon, gusto niya makita agad ang may sala nito sa dalaga kung pwede lang makapatay gagawin niya maiganti niya lang ang sinapit ni Cham. Iniwanan muna siya ni Sharm kukuha muna daw ito ng mga gamit nila ni Cham. Hindi na naman niya naiwasan na maiyak sa sobrang sama ng loob. “Mach gising ka na please I need you right now, diba may usapan pa tayo? Mahal na mahal kita Mach, sana kasama mo na lang ako sa Party para hindi ito nagyari sayo.” Sambit niya sa dalaga habang hawak ang kamay nito, sunod-sunod naman ang pagtulo ang mga luha niya. Sasabog na ang ulo niya sa sobrang sakit nito. Sumubsob siya sa mga kamay ni Cham at ipinikit ang mga mata niya. “Iho” nagising si Brandon ng may humawak sa balikat niya, agad naman siya nag-angat ng mukha para tignan ang bagong dating. “Tita Edith kayo po pala.” Bati niya sa mommy ni Sharm, nasa likod naman nito ang pamilya ni Cham, agad naman siyang nag-mano sa mga ito at binati naman niya ang dalawang ate nito. “Mam ano po nangyari sa anak ko, bakit ganyan itsura niya.?” Pagkalapit pa lang ng ina ni Cham ay humagulgol na ito ng iyak, sunod-sunod na nagiyakan ang tatay at mga ate niya ng makita ang itsura nito. Kahit si Mrs. Alban ay hindi inaasahan ang makikita sa pagbabalik ni Cham, hindi niya lubos maisip na sa isang hospital ang muli nilang pagtatagpo. Kinakain siya ngayon ng konsensya sa hindi pagsasabi ng totoo sa kalagayan ng anak sa mga Hontiveros. Hindi siya makasagot sa tanong ng nanay ni Cham, hinayaan niya na lang muna ang mag-anak sa tabi ng dalaga at lumayo ng kaunti at naupo muna, nanlulumo siya sa sinapit ng parang tinuring na din niyang anak. “Brandon ang name mo diba?” tanong ng ate ni Cham na si Mylez. Lumabas ang mga magulang nila kasama si Mrs.Alban silang tatlo lang ang natira sa loob ng kwarto. “Yes ate, kamusta ang byahe niyo?” “Ayos naman talagang nagmamadali kami makarating dito. Kaya pala madalas ang itay managinip ng tungkol kay Cham may nagyayari pala sa kanyang masama wala man lang kami alam” malungkot na kwento ni Mylez. “Oo nga pati si inay lagi daw kinakabahan na hindi niya maintindihan. Minsan daw naiiyak na lang siya ng walang dahilan dahil sa sobrang kaba, grabe naman ang gumawa nito sa kapatid namin walang puso.” Galit na dagdag ng isa pang ate ni Cham si Ading. “Hayaan niyo po gagawa ako paraan para mahanap ang may sala nito, kailangan niya pananagutan sa batas ang ginawa niya kailangan makulong siya. Hindi ako papayag na walang katarungan na mananaig.” Sa tuwing mababangit ni Brandon ang ganito ay hindi niya talaga maiwasan na hindi makuyom ang mga kamao, gusto niya na makaganti agad-agad sa gumawa nito kay Cham. “Maraming salamat Brandon ah, ano pala sabi ng doctor? Ano na lagay niya?” tanong ni Ading. “Buti na lang hindi napuruhan ang mga buto niya ang sabi ng Doctor mukhang nalaglag siya sa isang mataas na lugar meron lang kaunting minor impact daw sa ulo niya kaya nawalan siya ng malay pero saglit lang daw pwede na siya magising any moment.” Tugon ni Brandon sa dalawa. “Naku hindi kaya tumakas siya kaya nalaglag siya? San ba daw lugar nakita siya noong mangingisda?” usisa ni Mylez. “Sabi daw papalaot na sana itong mangingisda na ito ng makita niya si Cham sa loob ng Bangka nito, sa may Batangas siya nakita.” Namilog ang mga mata ng dalawang ate ni Cham. “Grabe pasalamat na lang talaga tayo at binuhay pa si Cham. Hay sana magising na siya para malaman na natin sino gumawa nito sa kanya.” Sabi ni Ading habang hinahaplos sa ulo si Cham. “Walanghiya yun, pag nakita ko lang talaga yun sasampalin ko yun ng paulit-ulit.” Galit na sabi ni Mylez. *** “Iho manood ka ng balita ngayon dali” utos niya sa alaga. “Hawak na ngayon ng NBI ang mangingisda na taga Batangas na nakakita kay Chamille Hontiveros ang Accountant ng Alban Publishing na walang malay sa bangka nito, di umano ay kinidnap ang dalaga noong nakaraan na Anniversary Party ng Alban Publishing sa Makati. Hanggang ngayon ay walang lead ang autoridad kung sino ang may kagagawan sa insidenteng ito. Pero meron bulong-bulungan na maaring ang Congressman ng Maynila ang sangkot dito dahil sa kasalukuyang kaso ng nasabing Congressman at ng Alban Publishing” “Sh*t” napamura ang lalaki sa nakitang balita. “Iho siya ang babaeng andito diba?” usisa ng matanda. “Manang pakiayos po ang gamit ko, luluwas akong Maynila bukas.” Hindi maari na magkamali ang binata, mali ang nakuha ng tauhan niya na babae hindi dapat ang Chamile Hontiveros ang dapat kinuha nila dapat ang anak na babae ng mga Alban. Dali-dali siyang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto na pinagkulungan niya sa maling babae. Pinagbabato niya lahat ng nasa loob ng kwarto nito, galit siya sa sarili niya dahil may nadamay na ibang tao na wala naman kinalaman sa poot niya sa dibdib niya. Inosente ang babaeng ginawan niya ng lahat ng sakit. Ang tanga niya para hindi mahalata ito. “Iho tama na” awat sa kanya ng matanda. “Manang ang sama-sama ko, mali ang babae na nakuha ko. Hindi siya ang dapat na babae na nakaranas ng lahat ng pasakit ko Manang. Kailangan ko siya makita.” Napasapo ang mga kamay niya sa mukha niya. “Pero iho baka mapahamak ka, malamang madami ng pulis ngayon ang nagiimbestiga about sa nangyari sa kanya.” Nagulat ang matanda ng magsimula na naman magwala ang alaga. Hanggang sa makita na nitong duguan ang mga kamay nito sa walang tigil na pagsuntok sa pader. “Manang ang sakit ng dibdib ko. Ang sama sama ko.” Pinuntahan ng matanda ang alaga na napaupo na sa sahig at mukhang basang sisiw na sa pawis at halong dugo sa kamay nito. “Iho hindi ako nagkulang ng paalala sayo diba? Sabi ko sayo walang maidudulot na magandang bagay ang ginagawa mong pagganti. Tignan mo nakasakit ka ng taong wala naman kinalaman sa galit mo. Hayaan mo na mawala ang galit sa puso mo iho, tanggalin mo na ng tuluyan ang poot mo sa dibdib mo.” Sabay na niyakap ng matanda ang alaga, alam niya na hindi ganoon kasama ang alaga, sana lang ay matapos na ang dinadala nitong sama ng loob. “Manang anong gagawin ko?” parang bata naman na tanong niya. “Magpalamig ka muna, mag-iisip tayo ng paraan okay.” Pinatayo na niya ang lalaki at kumuha ng gamot para linisin at gamutin ang mga sugat nito sa kamay. *** “Anak, anak gising ka na.” humihikbing sabi ng inay ni Cham, nagising siya ng maramdamang gumagalaw ang hawak na kamay ng anak. “Inay nasaan po ako?” ginising naman agad ng inay ni Cham ang tatay at mga kapatid nito na kasalukuyang natutulog sa sofa pati na din si Brandon na nakatulog na din sa katabing upuan. “Mach I’m so happy na gising ka na, wait lang po tatawagin ko ang Doctor.” Natataranta naman na lumabas ang binata na may ngiti sa kanyang mga labi. “Okay iha your 80% okay now. Kailangan mo na lang magpahinga maybe you can resume to work after a 1-2months. You need a complete rest para maregain mo lahat ng energy mo okay.” Bilin ng doctor sa kanya after siya icheck nito, lahat ay masaya sa paggising ni Cham andito na din ang pamilyang Alban. “Okay lang yun iha magpahinga ka tama yun, saka ka na lang pumasok ulit sa work mo okay. Andun naman si Ara.” Lumapit si Mr. Alban at hinawakan siya sa kamay. “Salamat po Tito. Pasensya na po kung matatagalan ako makabalik.” Binigyan niya ito ng maliit na ngiti. “Iha wag ka mag-alala okay mahalaga ay magpalakas ka at magpagaling. Andito lang kami sa likod mo, lalaban tayo hahanapin natin ang may gawa niyan sayo.” Muling lumungkot ang mukha ni Cham. Naalala na naman niya ang mga dinanas sa kamay ng misteryosong lalaki, hindi niya alam paano niya ito kakalimutan, hindi niya alam paano uli magsisimula. Hindi na napigilan ng dalaga ang umaagos na luha sa mga mata nito. Agad naman lumapit ang matalik na kaibigan. “Bes sorry for what happened to you tutulungan ka namin okay? Wag ka na muna umiyak please baka makasama sayo yan.” Niyakap ni Sharm ang kaibigan sobra niya itong namiss, naaawa siya dito lalo na ng makita na niya itonga nagising. Kita sa mga mata ni Cham ang hirap at lungkot sa nangyari sa kanya. Halos lahat ng tao sa loob ng silid ng hospital ay hindi na napigilan ang umiyak, bawat patak ng luha ni Cham ay damang dama nila. Luha na siyang saksi sa lahat ng pinagdaanan niya Luha na siyang tanging kakampi niya sa panahon na naramdaman ang iba’t ibang sakit. Luha na hindi maubos-ubos sa sobrang daming nangyari. Luha na naging lakas niya sa panahon na nagiisa. “Bes salamat for everything pasensya na kung hindi ko mapigilan ang luha ko, ang sakit ang bigat ng pakiramdam ko. Akala ko matutuluyan na ako. Masaya ako at kayong mga mahal ko ang agad na nakita ko. Salamat sa lakas ng loob na binibigay niyo.” Sunod-sunod pa din ang mga luha na bumabagsak sa mga mata niya, agad naman siyang nilapitan ng ina na halos mamaga na ang mata sa kakaiyak din. “Anak magpakatatag ka, kakayanin natin ito walang susuko okay? Andito lang kami ng itay mo ng mga ate mo hindi ka namin iiwan.” Hinaplos ng kanyang ina ang mga pisngi ni Cham, pinahid din nito ang mga luha na kanina pa na walang tigil sa pagpatak. “Inay pasensya na po kung pinag-alala ko kayo, tama na po ang pag-iyak niyo lalo ako nasasaktan eh.” Hinagod ng ama naman ni Cham ang likod ng asawa dahil halos hindi na ito makahinga sa kakaiyak. “Lilia tama na lalong hindi makakapagpahinga niyan si Cham hayaan na muna natin siya magpahinga. Anak masaya ako at gising ka na, magpalakas ka ah hayaan mo paguwi mo ay ipagluluto kita kaagad ng paborito mong sinigang may kasamang pagmamahal ng itay.” Natawa naman si Cham sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ulit ang maging masaya. “Itay promise yan ah, miss ko na ang mga luto mo.” Hinalikan siya ng ama sa noo, pinigil ni Mang Andres ang maluha, ngayon mas kailangan ng anak ang lakas ng loob kailangan niya ipakita na matatag sila at kakayanin nila lahat pa ng darating na problema. Habang lahat ay abala sa muling paggising ni Cham si Brandon naman ay tahimik lang na nakaupo , gusto man niyang yakapin ng mahigpit ang kaibigan hinayaan niya muna ang pamilya nito ang mauna na hagkan siya sa muling pagbabalik niya. Ramdam ni Brandon sa itsura ni Cham na parang ang dami nitong pinagdaanan na sakit sa kamay ng kumuha sa kanya. Ngayon pa lang ay ang dami na niyang iniisip paano makaganti dito. *** Nagtagal pa ng isang lingo si Cham sa hospital, sinigurado lang ng mga doctor na wala na ang pinsala na dulot nito sa ulo ng dalaga bago ito tuluyan palabasin. “Nrab baka nakakahiya naman na sayo ilang araw ka ng andito sa hospital paano naman ang trabaho mo?” Maagang bumalik si Brandon sa hospital sasama kasi siya sa paghatid kila Cham pauwing Mindoro.. “Mach mas mahalaga ka ikaw ang prioridad ko ngayon. Kailangan lagi ako nasa tabi mo mahirap na, pag may nangyari ulit sayo hindi ko na kakayanin.” Lumapit si Brandon pagkatapos niyang ayusin ang gamit ni Cham, hinawakan niya ang mga kamay nito ang dalaga naman ay nakayuko at hindi matignan ng deretso si Brandon. “Nrab salamat pero may sarili ka rin na buhay, baka magalit sayo ang daddy mo niyan.” Iniangat ni Brandon ang mukha ni Cham para makita niya ito. “Mach ikaw ang buhay ko, halos masira ang ulo ko ng makita kita na walang malay. Wag mo naman akong pigilan na gawin ko ang ganito sayo.” Malamlam ang mga mata ng binata na tinignan ang dalaga. Pero sadyang mailap ngayon si Cham sa kaibigan inilayo niya ang tingin dito. “Anak okay na ang bills natin.” Napatayo naman si Brandon ng biglang pumasok ang pamilya nito sa loob ng kwarto. “Sige po ready na po ang gamit na dadalhin natin” masayang sambit ni Brandon. Tulak tulak ng ama nito si Cham na palabas sa kwarto na nakawheel chair binati naman siya ng mga nurse dito na nagalaga sa kanya. Binigyan niya naman ito ng matamis na ngiti ng pasasalamat. “Mam Chamile ingat po kayo ah.” Paalam ng isa sa mga nurse. “Salamat po sa pagaalaga.” Tugon ng dalaga, Andito na sila sa may elevator ang naghihintay ng masasakyan. Pagbukas nito ay may bumangga sa dalaga na isang lalaki. Kita ang pagkangiwi sa mukha ni Cham sa lakas ng impact. “Sorry miss hindi ko sinasadya.” Mahinang sabi nito, sabay ngiti sa dalaga, Itinulak naman nito ni Brandon. “Pare tumingin ka naman sa dinadaanan mo nakakasakit ka.” Tinignan lang ng kaswal si Brandon ng lalaki. “Sensya na ulit Miss, hope to see you again.” Bulong nito kay Cham, napalunok si Cham sa sinabi ng lalaking nakabangga. Hinila na siya kaagad ng kanyang ama papasok ng elevator bago magsara ang pinto ng elevator ay tinignan siya ulit ng lalaki na nasa labas at binigyan siya nito ng isang maliit na ngiti. Hindi na lang niya ito pinansin. *** Ligtas naman na nakauwi ang pamilya Hontiveros kasama si Brandon sa Sitio Mauban. Pagbaba palang ng kotse ay agad na huminga ng malalim si Cham namiss niya ang sariwang hangin sa bayan. “Welcome home anak” bati ng ina pagkapasok nila sa bahay nila. Malaki na ang pinagbago ng bahay nila, kung dati ay puro pawid lang ito ngayon ay gawa na ito sa bato. Napangiti naman siya habang nililibot ang kabuuan ng bahay nila, matagal na din ang nakalipas ng huli siyang makauwi dito. Hindi niya inaasahan na balang araw siya pala ang magiging paraan para man lang gumanda ang tahanan nila. May dalawa na rin itong kwarto at nadagdagan na din ang mga gamit nila. Mas lalong nadagdagan ang lakas ng loob niya para pagpatuloy ang buhay, kailangan niya pang kumayod para itaguyod ang pamilya. Hindi niya napansin na nakatitig lang pala si Brandon sa kanya simula pa kanina. “Mach anong iniisip mo bakit ka nakangiti? Care to share?” usisa nito. Lumabas siya ng bahay at naupo sa may veranda, pati dito ay ginawan ng kanyang ama ng isang mesang katamtaman na laki at iilang mga upuan sumunod naman sa kanya si Brandon. “Masaya lang ako Nrab, yung mga pinaghirapan ko sa Maynila ito yun ang bahay namin alam mo ba dati kahoy lang ang bahay namin. Ito ang isa sa inspirasyon ko kaya ako nagsusumikap kaya ako nagsisipag para dito para sa kanila.” Napahalukipkip naman ang dalaga at tumingala sa langit iniiwasan niya ang maluha, nakakapagod na maging malungkot. “Pagpatuloy mo lang yun nasimulan mo Mach andito kami sumusuporta sayo.” Nilingon ni Cham ang kaibigan sinalubong naman siya ng tingin nito at pinakita ang malaking ngiti nito. “Salamat Nrab for always being there, may hihilingin lang sana ako sayo. Sana mapagbigyan mo ako.” Hindi alam ng binata bakit parang bigla siyang kinabahan, simple lang naman ang pagkakasabi ni Cham pero parang may kakaiba siyang pakiramdam. “Oo naman Mach kahit ano alam mo naman na malakas ka sa akin eh.” Masayang tugon nito, hinawakan pa niya ang kamay ng dalaga. Nakita naman niya ang pagkailang ni Cham pero pinilit pa din nito ang ngumiti. “Hindi naman sa pinagtatabuyan kita Nrab, pero hihilingin ko sana na umuwi ka na sa Maynila bukas.” Nabigla ang binata sa sinabi ni Cham, tinignan niya ito ng tuwid pero ayaw nito tumingin sa kanya. “Bakit naman Mach? Gusto pa kita kasama dito okay lang ako.” Mahinang tugon niya. “Ayos na ako dito Nrab, tulad ng sinabi ko kanina may sarili kang buhay ayaw ko ng sinabi mo sa akin kanina na ako ang buhay mo. Ayaw ko sana na umikot ang atensyon mo sa akin, okay lang ako dito kasama ko ang pamilya ko ” halatang pinipilit ni Cham ang hindi maiyak dahil sa garalgal na ang boses nito. “Anong ibig mong sabihin Mach? Hindi ko maintindihan.” Naguguluhan na tanong ni Brandon. “Hindi ako karapat dapat sa atensyon mo, sa pagpapahalaga mo, hindi ako karapat-dapat na sabihan mo na ako ang buhay mo.” Napapailing na lang si Brandon sa mga sinasabi ni Cham, sabihin na tanga siya pero hindi niya talaga maintindihan. “Mach naman eh halika nga dito.” Hindi na napigilan ni Brandon na yakapin ang dalaga. Laking gulat naman nito ng itulak siya ni Cham ng sobrang lakas. Tumayo ito at lumayo sa kanya. “Sorry Mach galit ka ba?” malungkot na tanong nito. Hindi rin alam ni Cham bakit niya nagawa ang pagtulak kay Brandon. Siguro dahil sa may trauma pa siya sa mga nangyari, nakonsensya naman siya sa ginawa dito. “Sorry Nrab pagpasensyahan mo na ako pagod lang ako. Sige pasok na tayo sa loob baka luto na ang hapunan.” Pabalik na sana si Cham ng pigilan siya ni Brandon at hawakan sa kamay niya. Tinignan ng dalaga ang kamay na nakahawak sa kanya agad naman napansin ito ni Brandon at binitawan ito. “Mach kahit ano pa ang nangyari sayo hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita sayo ang lahat handa kitang alagaan tutulungan kita makalimutan ang mapapait na karanasan mo.” Napabuntong hininga na lang si Cham and tears began to pour her eyes, naalala na naman niya ang mga sakit na naranasan, napakagat na lang siya sa labi niya at walang pasabi na tumakbo papasok ng bahay. “Brandon anong nangyari kay Cham?” tanong ng ate ni Cham na si Ading. “Pasensya na po ate naguusap lang kami tapos bigla na lang po siyang umiyak at iniwanan ako.” Sobrang lungkot na sabi ni Brandon. “Hayaan na lang muna siguro natin siya, hindi pa siya nagkwekwento ng nangyari sa kanya pero nararamdaman ko na hindi basta basta ang naranasan niya bigyan na lang natin siguro ng panahon para mapagisa.” Napasapo na lang ang mga kamay ni Brandon sa mukha niya. Ang sakit na makita si Cham na umiiyak na wala man lang siyang magawa para mawala ang mga sakit sa damdamin ng minamahal. *** “Mr. Benavidez thank you for doing business with us.” Iniabot ni Mr. Alban ang kamay para i-congratulate ang kaharap sa matagumpay na business deal nila at agad naman itong sinagot ng lalaki. “No problem Mr.Alban it’s my pleasure to be part of this Company.” Halos dalawang buwan na din ang nakalipas ng magkaroon sila ng kaso against sa Congressman, hanggang ngayon ay wala pa rin silang malakas na laban dito kaya ang nangyari ay nagusap na lang sila Mr. Alban at ang Congressman na babayaran na lang ito dahil sa mga kinaharap nito at pagkasira sa pangalan nito. Kinailangan ni Mr. Alban na ibenta ang halos lahat ng share ng kumpanya at si Mr. Benavidez nga ang nanalo sa bidding. Ang bagong may-ari ng kumpanya na laking America at isa ding stockholder sa isang publishing company sa America na puro Pilipino ang may-ari. Isang bachelor at bata palang ay isa ng businessman sa larangan ng publishing. Kaya naman mas pinili ito ni Mr. Alban dahil alam niya na maipagpatuloy nito ng mas maganda ang nasimulan sa Alban publishing. Malaki din ang ibinayad nito sa kanya para mabili ang kumpanya. Ito din ang pinambayad niya sa Congressaman dahil sa sobrang laki ng hiningi nito. “So okay na lahat ng kontrata natin Mr. Benavidez at ang hiling ko lang is for you to retain all of the employees here, they were all credible at para hindi ka na din mahirapan sa paghahanap ng mga empleyedo.” Sumang-ayon naman ito sa hiling niya. “That would be no problem with me, maybe in a week we will have a meet and greet I will just read all of the contracts first and see if I can all hire your current employees. As the new owner I have the right to check the quality of what my employees can give.” tumango si Mr. Alban “I understand, okay so for now again congratulations, I will fix all of the papers para sa pagpalit ng company name. Again thank you Mr. Benavidez.” Nagkamay ulit ang dalawa, sinimulan na kunin ni Mr. Alban ang mga gamit niya sa dating opisina dito na kasi ang magiging opisina ng bagong may-ari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD