Chapter 17

4124 Words
“Hi Brandon Good Morning pasok ka.” Bati ng ina ni Cham, andito siya ngayon para sunduin ang dalaga dahil babalik na siya sa Maynila para magtrabaho ulit. “Hello po nay sensya na po sobrang aga ko po tulog pa po yata kayo.” Pinapasok siya ng ina ni Cham sa sala at naupo naman siya, mukhang tulog pa nga ang mga tao dahil pasado alas sais pa lang ng umaga. “Naku hindi naman ganitong oras talaga kami nagigising halika iho magkape muna tayo tapos bibili lang ako pandesal diyan ka lang muna.” Dumeretso si Brandon sa hapag-kainan nila, mukhang tulog pa si Cham pati ang mga kapatid nito. Habang hinihigop ang kape ay naalala niya ang huling tagpo nila ni Cham, medyo nararamdaman niya na medyo malamig na ang pakikitungo sa kanya ng kaibigan, pagkauwi niya sa Maynila ay hindi na siya nito pinayagan na dalawin siya kung hindi ay magagalit daw ito bihira din ito kung magreply or sagutin ang mga tawag niya. Hinayaan na niya lang ito baka kasi kailangan lang talaga nito ng panahon mapag-isa. “Oh Nrab.” Gulat na sabi ni Cham ng magpunta sa kusina. “Hi Mach, good morning.” Tumayo siya at ginawaran ng halik ang dalaga sa pisngi. “Good Morning Nrab, bakit andito ka?” hindi nga pala alam ni Cham na darating siya nasabi lang sa kanya ng ate nito na paluwas na ang kapatid sa makalawa. “Sinusundo na kita pabalik ka na sa work mo diba? Nakakatampo ka kasi Mach hindi mo man lang ako kinakausap.” Tumaas ng bahagya ang kilay ni Cham at nangunot ang noo. “Paano naman halos oras-oras mo ako tawagan, nakakailang text ka din paulit-ulit lang naman. Gusto ko magfocus ka sa work mo hindi sa akin. Saka andito lang naman ako sa bahay or tinutulungan ko sila Inay hindi naman ako naalis.” Halatang iritado ang paliwanag ni Cham habang nakatalikod kay Brandon nagtitimpla kasi ito ng kape niya. Bakas naman sa mukha ni Brandon ang lungkot, parang balewala na siya sa kaibigan gusto lang naman niya na makausap ito at sobrang miss na din niya ito. “Sorry Mach gusto ko lang naman malaman if ligtas ka, kung pwede nga lang dito ako sa tabi mo gagawin ko pero ayaw mo naman. Natatakot ako Mach dahil hindi pa nahuhuli kung sino man ang gumawa niyan sayo.” Humarap si Cham sa binata at biglang nagdilim ang mukha nito. “Pwede ba Brandon I don’t want to talk about it anymore, I’m so tired of that issue. Hanggat maari kung pwede lang wag niyo na sa akin mabanggit ang mapait na nangyari sa akin, I’m trying to move on but how can I move on if lagi niyo pinapaalala sa akin ang nakaraan ko.” Mahina ang pagkakasabi ni Cham pero ramdam ni Brandon ang galit sa mga tinig nito. “Pasensya na Mach, hindi na mauulit.” Para naman napahiya si Brandon sa mga sinabi ni Cham, sakto naman na pagdating ng nanay ni Cham. “Oh anak gising ka na din pala eto bumili na ako ng agahan teka lang at magluluto ako ng palaman na itlog.” Dumeretso na ang ginang sa may kalan at nagsimula ng magluto, si Cham naman ay lumabas sa Veranda na sinundan naman ni Brandon. “Mach sorry na please, wag ka na magalit sa akin.” Umupo siya tabi nito. “Hindi ako galit I’m just giving you a heads up that I don’t want to talk about it, sana lang maalala mo.” Gumaan naman ang pakiramdam ni Brandon ng nginitian siya ng dalaga. “Yah I understand sorry talaga. Anyways anong oras tayo luluwas bukas?” tanong niya sa dalaga na busy na ngayon sa pagbabasa ng dyaryo. “Hmm maaga kasi kasama ko sila Ate nahanap na ako ni Sharm ng apartment ayaw ko na kasi tumuloy doon sa kanila since kasama ko pa ang dalawang ate ko nakakahiya.” natuwa naman si Brandon sa kwento ng kaibigan. “Talaga mabuti naman kasama mo na ang mga ate mo sa Maynila at least meron magbabantay sayo.” Tiningnan siya saglit ni Cham at pinagpatuloy lang ang pagbabasa. “Yup balak nila maghanap ng trabaho na doon hindi sapat ang kita kasi dito at para may kasama daw ako sa Maynila din." “Pwede sila doon sa akin I will hire them if you want.” Tinignan ulit siya ng dalaga at kasabay ng isang maliit ng ngiti. “Thanks for the offer Brandon pero nakakahiya, pwede ba ang vocational graduate sa inyo?” napahawak si Brandon sa kanyang baba at nagisip, gusto niyang tulungan ang mga kapatid nito pero medyo mahirap nga kung doon mismo sa kompanya niya ito ipapasok. “Ah alam ko na, I remember mom will put up a bakeshop sakto I will refer them to my mom.” Sa wakas at nakita na ulit ni Brandon ang totoong ngiti galing sa mga labi ng kaibigan. Umaliwalas na din ang mukha nito, miss na miss na niya ang dating Cham ayaw niyang aminin sa sarili na mukhang nagbago na ito. “Thank you so much Nrab, thanks for all the help and support pagpasensyahan mo na ako pag masyado akong moody ah. Hindi ko lang talaga maiwasan.” Hinawakan ni Cham ang kamay ni Brandon, namilog naman ang mga mata ng binata sa ginawa ni Cham parang nagtayuan ang mga balahibo niya sa kuryente na dulot nito. “Alam mo naman kahit ano para sayo I will do it.” nakangiting saad ni Brandon. “Anak, Brandon halika na nakapagluto na ako ng agahan pumasok na kayo sabay sabay na tayo kumain.” Sabay silang napalingon sa tumatawag na nanay ni Cham, agad naman silang sumunod dito. “Hi Brandon ang aga mo ah.” Bati ni Mylez. “Ah oo eh excited na kasi ako makita si Cham.” Napakamot naman sa ulo si Brandon ng makitang parang kinikilig ang dalawang ate nito, sila kasi ang tinetext niya pag hindi niya makausap si Cham kaya medyo updated pa din siya sa mga nangyayari dito. Sila din ang nagsabi sa kanya kung kelan ang balik nito pa Maynila. "Oo nga eh hindi masyadong halata" nagtawanan sila. Pagkatapos nila kumain ay agad naman nagbihis na ang magasawa papunta sa palayan, buwan kasi ngayon ng pagtatanim ng mga palay. Nagbihis din si Cham at ililibot si Brandon sa lugar para naman makita niya ang lugar na pinaglakihan nito. “Mach para sayo.” Inabot ni Brandon ang isang maliit na kahon kay Cham. Nagulat naman ang dalaga sa binigay ng kaibigan. Nang binuksan niya ito ay agad naman na isinuot ito ni Brandon. “Nagabala ka pa Nrab, salamat ah.” Binigyan siya nito ng isang bracelet na may mga maliliit na puso. “Walang anuman mga puso ko yan para tabi sila ng pulso mo maramdaman man lang niya ang t***k ng puso ko.” Nahihiyang sabi nito.Tinuro pa niya ang dibdib at itinapat ang kamay ni Cham dito. “Ang korny mo ah. Kaw talaga, ang ganda niya salamat. Nagabala ka pa talaga.” Tinawanan niya si Brandon mukha kasi itong nahiya sa sinabi niya. Tinapik niya sa braso si Brandon at niyaya ng lumabas. “Wag mo na ako pagtawanan Mach, totoo yung sinabi ko.” Naglalakad na sila ngayon papuntang bukid, hindi pa rin kasi mapigilan ni Cham ang mapangiti paminsan-minsan sa ginawa ni Brandon. Natutuwa lang siya dito. “Sige gusto mo ba seryoso na ulit ako? Masaya lang naman ako.” Pinakitaan ni Cham ng isang malungkot ng mukha si Brandon agad naman na humarap si Brandon sa kanya. “Sorry na sige pagtawanan mo lang ako kahit buong araw sige na. Ayaw ko lang na makita ka ulit malungkot.” Pagsusumamo nito, hindi na kasi matanggal ang kunot ng noo ni Cham. “Fine halika na hindi ka pala nagdala ng cap mainit na mamaya.” Dumeretso muna sila sa taniman ng mga mais. “Wow ang lawak dito ah, sila din ba ang nagtanim nito?” mangha ang namutawi sa itsura ni Brandon ang laki ng lupain ng mga tanim na mais. “Oo kila Sharm din ito nakikitanim lang kami, dito din ang playground namin dati mahilig kami magtaguan nila kasama ni Rico.” “Talaga palang since bata pa kayo nila Sharm ay magkaibigan na kayo. Simple lang dito sa lugar niyo tahimik at maaliwalas.” Sinenyasan siya ni Cham na lumapit sa kanya kasalukuyan siyang namimitas ng mga mais. “Halika Nrab try mo kumuha, dalhin natin paguwi meryenda natin mamaya matatamis ito siguradong magugustuhan mo.” First time makapunta ni Brandon sa ganitong lugar sa una ay nahirapan siyang kuhain ang bunga ng mais medyo matigas kasi. “Ang cute mo Nrab sige biglain mo na hindi ka naman gagantihan ng mga mais if masaktan mo sila.” Tuwang-tuwang sabi ni Cham dahan-dahan lang kasi ang paghila nito parang takot na hilain ng biglaan ang mga mais. “Natatakot kasi ako baka mahila ko lahat ng puno nitong mais.” Sinubukan niya ulit kumuha at nilakasan na niya ang paghila dito. “Ayan ganyan paano tayo makakarami niyan ang hina mo humila” hindi talaga mapigilan ni Cham na hindi matuwa sa kaibigan. “Yay ang galing ko na Mach ang dami ko na nakuha oh. Mga lima na” pagmamalaki pa niya. “Eh ang bagal mo pa nga niyan eh. Damihan pa natin dalhan mo sila Tita nito bukas paguwi natin. Tapos punta naman tayo doon sa manggahan kuha din tayo matatamis din ang manga namin dito. Para madami tayong pasalubong” tinulungan na ni Cham si Brandon sa pagkuha ng mais pagkatapos dito ay dumeretso na sila sa katabing manggahan. “Sakto tayo Mach ah hitik na hitik ang mga puno mukha ngang matatamis sila. Excited na ako sila matikman.” Masayang sambit ni Brandon “Magandang Umaga Mang Rene” bati ni Cham sa tagapag-alaga ng taniman ng mangga. “Oh iha ikaw pala yan magandang umaga din. May kasama ka pala.” Tugon ng matanda. “Opo matalik na kaibigan ko po taga Maynila si Brandon.” Inabot naman ni Brandon ang kamay ng matanda tanda ng pagbati. “Hello po good morning” bati ni Brandon. “Manong baka pwede pahiram ng panungkit, hingi lang po sana ako ng mangga dadalhin ko po pang pasalubong pauwi na kasi ako Maynila bukas.” “Aba syempre naman teka lang at kukuha ako.” Agad naman na bumalik ang matanda at binigyan sila ng panungkit, pumunta na sila sa puno na kukuhaan nila ng mga mangga buti na lang at medyo mababa lang ang mga bunga nito at hindi sila mahihirapan. “Ano Nrab ikaw na bahala diyan? Kaya mo na yan?” Naupo sa isang malilim si Cham at pinagmamasdan si Brandon na nanunungkit ng mga mangga.Nagprisinta kasi ito na siya na ang kukuha. “Oo Mach sisiw lang ito kayang kaya ko ito.” Medyo nakakadami na din ang binata sa mga nakuhang bunga. Napasigaw naman si Cham ng biglang natumba si Brandon, nalaglagan kasi ito ng kumpol na bunga ng mangga at tumama ito mismo sa mukha nito. Agad niyang pinuntahan ang kaibigan. “Nrab okay ka lang ba?” kinuha niya ang ulo ni Brandon na nakahiga pa din at ipinatong ito sa binti niya, Hinaplos ni Cham ang ulo nito para maibsan ng kaunti ang sakit. “Nahihilo ako Mach ang daming star sa paningin ko.” Hinanap niya ang kamay ni Cham at hinawakan ito. “Naku naman pumikit ka muna okay. Wait lang. Masahehin ko ang ulo mo.” Natuwa naman ng lihim si Brandon sa ginagawa ni Cham ngayon, ayaw niya na siguro matapos ito. Sobrang lapit niya sa mahal niya hawak pa nito ang isang kamay nito na walang tutol. “Dito Mach ang sakit din dito sa pisngi ko.” Tinuro ni Brandon ang kunyaring masakit na pisngi, sa totoo lang ay okay naman na siya gusto niya lang ang mga haplos ni Cham sa mukha niya. “Dito okay sige.” Sinunod naman ni Cham ang sinabi ni Brandon. “Mach dito din hala dumadami na ang masakit dito pa please Mach.” Tinuro naman niya ang parte ng malapit sa labi niya. “Sigurado ka Nrab pati dito masakit.” Tumango lang ang binata. “Mach kailangan ko yata ng mahiwagang halik mo para gumaling na ako.” Napangiwi naman siya sa kurot na nakuha sa dalaga sa tagiliran niya. “Siguro niloloko mo lang ako noh?” akmang tatayo na sana si Cham ng nagbukas ng mga mata niya si Brandon. Sakto naman na nagtama ang paningin nila. “Hindi Mach masakit naman talaga hindi ba ako pwede makahingi kahit isang kiss lang. Para lumakas na ako ulit.” Automatiko naman na nangunot ang noo ni Cham at tinaasan siya ng kilay. “Ikaw talaga Nrab ah” para naman napako sa kinauupuan niya si Cham ng umupo na si Brandon at tumapat sa kanya, hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisngi nito. “Mach may utang ka pa sa akin diba?” namilog naman ang mga mata ni Cham, hindi niya maintindihan ang mga ibig sabihin ng katapat. “Huh?” nagtatakang tanong niya. “Naghihintay pa din ako ng sagot mo.” Nagtataka pa din ang dalaga. “Nrab ano ba pinagsasabi mo?” mahinang sabi niya, masyado siyang kinakabahan sa lapit ng mukha nila sa isa’t isa. “Will you be mine? Kasi ako matagal mo na akong pag-aari Mach. Gusto ko alagaan ka pa, gusto kong mahalin pa kita ng lubusan.” she could hear the hard beating of her heart in her chest. Lalo pang lumakas ang t***k ng puso niya ng hinalikan siya ni Brandon sa pisngi niya. “Brandon ano ba?” Suway nito sa kaibigan ng yakapin siya nito. “I don’t see anything wrong Mach para hindi mo ako magustuhan, I’m begging you to be mine. I want to take care of you. Just love and for you to love me too.” she could feel her cheeks turning red, hindi naman mahigpit ang yakap sa kanya ni Brandon pero hindi siya makahinga. “Nrab sorry” ito lang ang nasabi niya, inilayo niya ang sarili sa pagkakayakap ni Brandon at tumayo. “Mach” iniangat ni Brandon ang ulo niya, medyo nanghina siya sa ginawang pagalis ni Cham sa pagkakayakap niya. Naramdaman na naman niya ang paglamig ng aura ni Cham. “Halika na tumayo ka na diyan. Ako na lang manunungkit ng iba pang mangga.” Inilahad ni Cham ang kamay para tulungan tumayo si Brandon, Marahan siyang napangiti pero may pait na dulot ito. Pinigil na lang niyang indahin ang sakit na nararamdaman. Ilang beses na siyang deadma kay Cham hanggang kailan kaya siya nito kayang saktan, sabagay ano bang karapatan niyang masaktan ni panliligaw nga hindi siya payagan ni Cham. Hindi na lang mapigilan ni Brandon na mapangiti sa sarili, isa lang ang alam niya hindi niya susukuan ang nararamdaman para sa kaibigan. Lalo na ngayon na sigurado na siya sa nararamdaman niya. “Mach ang galing mo pala manungkit ang dami na nitong nakuha mo, nakakahiya ako itong lalaki ang konti ng nakuha ko.” “Umaakyat pa nga ako ng puno ng manga dati eh para lang makakuha. Eto na kinalakihan ko kaya easy peasy na lang to sa akin. Halika bitbitin mo na yan tapos punta naman tayo kina inay.” Agad naman na binuhat ni Brandon ang mga dalang prutas at sinundan si Cham. “Nay tay” tawag ni Cham sa magulang na kasalukuyang nagtatanim ng palay. Kumaway ang dalawa sa kanila. “Oh anak ang dami niyo na palang nakuhang prutas ah.” Bungad ng ina. “Opo nanghingi din kami kay Mang Rene ng mangga, binigyan niya din kami ng langka ang bigat na nga po ng dala namin” naupo muna sila Cham sa maliit na kubo na tapat ng palayan, “Grabe ang laki ng palayan ng tinataniman ng magulang mo noh, nakakapagod yan for sure” nakalumbaba na sabi ni Brandon. “Oo tinutulungan ko din sila, mahirap ang ginagawa nila kaya kailangan ko kumayod gusto ko naman makapagpahinga na sila, buong buhay na lang nila yan ang ginagawa nila.” Malamlam ang mga mata ng dalaga, Eto siguro ang pinakauna niyang nagustuhan kay Cham dahil sobrang pursigido ito na matulungan ang pamilya. Kahit noong college pa lang sila ito ang inspirasyon nito para maging successful. Humahanga siya dito dahil lahat kinakaya niya, alam niya matatag ang dalaga kaya kahit gusto niyang tanungin ang lahat ng nangyari dito ng mawala ay hindi niya magawa. “Mach I know kaya mo yan, andito lang ako tutulungan kita matupad ang mga pangarap mo sa kanila.” Hinawakan ni Brandon ang kamay ni Cham at binigyan ito ng isang matamis na ngiti. “Salamat ulit Nrab the best ka talaga sa pag motivate sa akin. Gutom ka na ba?” dahan-dahan naman inalis ni Cham ang kamay sa pagkakahawak ng kaibigan. “Medyo magtatanghalian na pala, may malapit ba ditong restaurant? Doon na lang tayo kumain kasama nila treat ko sa inyo bago tayo lumuwas.” Tanong ni Brandon, nadismaya na naman siya hindi lang pinahalata kay Cham siguro nga kailangan niya muna maghinay-hinay sa pagpaparamdam kay Cham dahil lagi naman itong umiiwas. “Hmm meron dito mga 1hr drive seafood restaurant. Pero nakakahiya mahal ang mga pagkain doon magluluto na lang ako para makamura tayo.” Tugon ng dalaga. “Hindi na mapapagod ka pa magluto doon na lang tayo yayain mo na sila if okay na pati sila ate mo. Para matikman ko din ang mga specialty dito.” Sumangayon na din si Cham sa yaya ng kaibigan, siguradong matutuwa ang mga magulang at ate niya. Dito na sila lumaki pero never pa sila nakakain sa sikat na restaurant na yun. Pagkatapos ng ginagawa ng magulang ay niyaya na niya ito at sabay-sabay na sila umuwi para sunduin ang dalawang kapatid, Sobrang kaligayahan naman ang nakita ng malaman ng dalawang kapatid niya kung saan sila kakain ng tanghalian.Sumakay na sila sa kotse ni Brandon at itinuro na ni Cham ang daan papunta sa restaurant. “Ang galante talaga ni soon brother in law namen.” Pangaasar ni Ading. “Ate ano ka ba.” Inis na tinignan ni Cham mula sa passenger seat sa unahan ang ate niya. Lihim naman na napangiti si Brandon sa sinabi ng ate ni Cham. “Boto naman kami sa kanya kapatid feeling ko pati sila itay at inay ganon din.” Dagdag ni Mylez. "Okay din sa akin si Brandon" sunod na sagot ng inay niya. Lihim na napangiti si Brandon sa narinig. “Nay, Ate ano ba kayo, matalik na magkaibigan lang kami.” Inirapan niya ang dalawang kapatid, unti-unti naman nawala ang ngiti ni Brandon sa narinig na reaksyon ni Cham. “Welcome to Seafood Island” bati sa kanila ng attendant pagbaba palang nila ng kotse. Agad silang inalalayan sa pagpili ng mauupuan, laking gulat ng magkapatid na meron pala ditong floating bahay kubo at doon napili ni Brandon na pumuwesto sila. “Wow maganda pala talaga dito noh, dati puro kwento lang naririnig ko tungkol dito pero ngayon andito na tayo. Ang saya-saya noh?” mangha na sambit ni Ading. “Oo nga mukhang masasarap ang pagkain din dito. Sige mamili na po kayo ng gusto niyo.” Sabi ni Brandon at iniabot ang menu sa kanila. “Salamat Nrab ah nakakahiya talaga lagi na lang ikaw nanlilibre hayaan mo makakabawi din ako sayo.” Nahihiyang sambit nito, mukha kasing ang daming inorder ng mga ate niya. “Naku wala yun wag ka magalala” masayang tugon nito. Ilang saglit lang ay dumating na din ang mga inorder nila. Nagulat naman si Cham sa sobrang dami ng pagkain na dumating, may buttered shrimp, sinigang na maya-maya, tempura, inihaw na isda at pusit, kilawin na isda, sweet and sour na alimango at mga desserts. “Nrab sobrang dami naman nito. Parang may fiesta na eh” nagulat talaga si Cham sa dami ng pagkain. “Okay lang yan Mach, let’s celebrate na lang din sa muling pagbabalik mo sa work okay?” sumangayon naman ang dalawang kapatid nito. "Korek" sabay na sagot ng mga ate niya. “Saka nga pala ate nasabi sa akin ni Cham na kasama kayo pagluwas sa Maynila, I will recommend you pala sa mommy ko para hindi na kayo mahirapan maghanap ng work.” Ang laki ng ngiti ng dalawa sa balitang hatid ni Brandon. “Wow talaga ang swerte talaga namin sa soon brother in law namin, nay tay ang bait talaga ng magiging manugang niyo diba?” pangaasar na naman ni Mylez sa kapatid, sinimangutan naman siya ni Cham. Si Brandon naman ay hindi na naitago ang saya at napangiti ng napalaki. Sana katulad ni Cham ang mga ate niya gusto din siya. “Nanliligaw ka na ba sa anak namin?” tanong ng ama ni Cham, bigla naman nahiya si Brandon sa tanong nito. “Ah-eh kung okay lang po sa inyo hihingin ko po sana ang permisyon niyo na ligawan ko po si Cham kung okay lang po sa inyo.?” Sa wakas ay naipagpaalam na niya ito sa magulang ni Cham. “Iho walang problema sa amin, tutal matagal naman na kayo magkakilala ng anak ko at palagi mo siyang inaalagaan at sinisiguradong okay siya masaya ako na may lalaki na katulad mo na ganyan itrato ang bunso ko.” Masayang tugon ng itay ni Cham. “Nay tay naman.” Ramdam naman ni Cham ang paginit ng pisngi sa mga narinig lalo ng makita nito ang itsura ni Brandon na mukhang tuwang tuwa sa pagsangayon ng magulang niya. “Hoy Cham choosy ka pa, san ka pa? Gwapo tong si Brandon, gentleman, matangkad mabango swerte ka na sa kanya mabait galante nasa kanya na lahat ikaw na lang daw kulang. Wow! haba ng hair ng bebe namen.” Paguudyok ng ate na si Ading. Natawa naman ang mga magulang at si Mylez sa description nito kay Brandon. “Ate umayos ka nga nakakahiya kay Brandon.” Hiyang hiya si Cham sa sinabi ng ate kay Brandon. Parang gusto na niyang lamunin ng lupa. Buong oras ng pagkain nila ay si Cham ang hotseat samantalang si Brandon ay tuwang tuwa naman sa mga papuri ng mga kapatid ni Cham at pati ng magulang nito. Natapos naman ang buong araw nila Cham at Brandon na hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng huli. Masaya siya na nasabi na niya ang pakay kay Cham at hindi naman siya nabigo ng pumayag ang mga magulang nito si Cham na lang ang hindi niya alam kung payag na ba. “Nrab ito inayos ko na ang pasalubong para kina Tita itabi mo na yan sa kotse para hindi makalimutan.” Ginabi na sila sa pagaayos ng mga dadalhin para bukas sa pagluwas nilang apat. *** “Yay at last nakabalik na ako ulit ng Maynila and this time dito na tayo titira. Excited na ako baka dito ako makasungkit ng mapapangasawa ko.” Masayang sabi ni Ading. Andito na sila ngayon sa Makati at tinatahak na nila ang bagong apartment kung saan sila titirang tatlong magkakapatid. “Bes welcome home” bating bungad ni Sharm, nauna na ito sa bagong titirhan ng kaibigan, nilagyan na din niya ito ng mga gamit. “Bes ang laki naman nito para sa aming tatlo, baka mahal dito hindi ko makaya.” Nabigla si Cham dahil dalawang palapag ang bahay na uupahan puno na din ito ng mga gamit. “Wag kang magalala mura lang ito kilala namin ang mayari nito at nakuha ko lang ito ng mura kaya sure ako na afford mo to” niyakap ni Cham ang bestfriend niya sobrang suporta talaga nito sa kanya pati na sa mga kapatid. “Thanks talaga bes ah miss na miss na kita.” Nagkaroon naman sila ng kaunting salo-salo para sa pagbabalik ni Cham at para sa bagong bahay nila, ilang oras din ang nilagi nila Sharm at Brandon at nagpaalam na din ang mga ito dahil maaga din ang mga pasok nila sa trabaho bukas. Ang tatlong magkakapatid ay abala naman sa pagaayos ng mga gamit nila. Kinabukasan ay maagang nagising si Cham excited na siyang makita ulit ang mga katrabaho at magtrabaho ulit, sinundo siya ni Brandon at sabay nag-agahan. “Sh*t ang trapik pala dito, sana pala lumiko na ako doon sa kanto na yun may shortcut kasi doon.” ani Brandon, tumingin sa relos niya si Cham 10 minutes na lang ay alas otso na pero malayo pa sila sa opisina niya siguradong malalate siya. Pailing-iling si Cham ng makarating sa building nila, agad siyang nagpaalam kay Brandon at umakyat na. Alas otso y medya na siya ng makarating. “Hi Mam Cham welcome back” bati ng security guard sa kanya, nginitian niya lang ito at patakbong pumasok sa loob. Nagtataka siya na halos wala ang mga katrabaho, bumalik siya sa guard at tinanong kung asan ang mga ka-opisina. “Mam nasa conference sila ngayon may meeting dalian niyo na po alas otso pa sila nagstart.” Napasapo siya sa ulo niya hindi niya alam na may meeting sila walang nababanggit ang Tito Albert niya. Dumeretso na siya sa conference room. “Sorry I’m late.” Bungad niya pagbukas ng pinto ng conference room. Bumungad naman ang mga nakangiting mga katrabaho ng makita siya ulit. “Cham welcome back” bati ng editor in chief nila at sinundan pa ng iba pa. “Why you're late?" nagulat siya sa nagsalita na lalaki na nasa unahan. Hindi niya ito napansin kanina. Ito ang lalaking nakabangga sa kanya sa hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD