Chapter 18

4324 Words
Naiinis si Cham dahil sa first day niya ngayon at late pa siya. Nang malaman sa guard kung asan ang mga kasamahan ay patakbo siyang lumakad papuntang conference room. Pagpasok pa lang niya ay lumingon lahat ng tao sa kanya. Agad naman nawala ang inis niya dahil sa init ng pagtanggap ulit ng mga katrabaho lahat sila ay nakangiti sa kanya. “Sorry I’m late” nakangiting bungad niya sa mga katrabaho, agad naman siyang binati ng mga ito sa muli niyang pagbabalik hindi niya inaasahan na may bago palang tao na andito sa loob ng conference room. “Why you’re late?” agad siyang napalingon sa nagsalita, nasa unahan ito at nakakunot ang noo sa kanya, maang na napatingin siya rito at saka tumaas ang sulong ng kanyang labi. Hindi makapaniwala si Cham sa lalaking nasa unahan ito ang nakabangga sa kanya sa hospital. “Sorry na trapik kasi ako.” Maikling paliwanag niya. “What a lame excuse, you know it’s Monday at asahan na trapik pero hindi ka man lang ng plan ahead.” Napakagat naman siya ng labi niya, he don’t know who is this guy in front of her. Pero kung makareact na late siya ay parang akala niya ang laki ng kasalanan niya. Napatingin siya sa mga kasamahan na para bang napahiya siya sa inasal ng lalaki sa harap. Agad naman siyang hinila ni Joe ang entertainment writer nila at pinaupo sa tabi nito. “Sorry it won’t happen again.” Matagal bago siya nakarecover sa pagkapahiya at ito na lang ang nasabi ng dalaga. “Cham hindi ba nasabi sayo ni Sir Albert that there’s a new owner na ng Alban Publishing?” bulong ni Joe sa kanya. Namilog ang mga mata ng dalaga hindi ito nabanggit sa kanya kahit ni Sharm. “Ang pinakaayaw ko sa empleyedo ko ay ang hindi marunong pumasok on time. I’m strict with attendance binabayaran kayo ng sobra dito so you need to be always on time.” Napalunok naman si Cham pinapatamaan siya nito. “Maya mo na lang kwento sa akin Joe ah. Baka mahuli pa tayo mukhang mahigpit tong antipatikong boss natin.” She whispered back. “So going back mukhang I need to start over with what I already told you guys earlier, dahil sa bagong dating.” Naalibadbaran na si Cham dahil lagi niyang nakikitang nakatingin ang lalaki sa kanya, parang hindi pa sapat na pinahiya ito at pinaparamdam pa nito sa kanya na dahil sa kanya kailangan niya ulitin ang mga sinabi na kanina. “I’m Ellsworth Benavidez you can call me Ells I am the new owner of this company, starting today it’s no longer Alban Publishing. All of you will now be my employees our company name now is Benavidez Publishing. I’m also one of the owner of all Filipino Publishing company in New York. If you heard Filipino Times newspaper and We Love Philippines Magazine we are the publisher of those.” Napatingin naman si Cham sa katabi. “Sosyal pala tong bago nating boss Cham, papable pa.” kinikilig na bulong ni Joe sa kanya, si Joe ay isang binabae kaya naman kung makatitig ito sa boss nila ay sobrang lagkit. “Anong papable?” curious na tanong ni Cham. “Gwapo ateng ang tangkad at mukhang matitigas ang mga muscles” napatapik pa ito sa baba niya sabay kagat ng labi. Natawa na lang ng lihim si Cham. “Cute nga siya pero ang bastos naman. Lakas makasira ng araw eh.” Bulong niya ulit kay Joe hindi niya ito nililingon para hindi halata na naguusap sila ng palihim. “Hayaan mo na titigan mo lang siya mawawala yang inis mo, libre kita ng fave mong kape mamaya para mawala asar mo.” Hindi naman maalis ang titig ni Joe si Cham naman ay hindi ito halos matitigan. “Asahan ko yan ah yung Mocha Frappe ah.” Masayang tugon ng dalaga. “Okay so I already introduced myself it’s time for you to tell me about yourself since we will be working as a team here. Palagi niyo ako makakasalamuha I’m a type of person na gusto ko lagi nakakausap ang mga empleyado ko usually I will gather up to thrice a week for a team meeting. So umpisahan natin dito sa kanan, tell me from what department and how long have you been here and something interesting about yourself.” Tinuro na nito ang unang magpapakilala. Isa-isa na nagpapakilala ang mga kasamahan buti na lang at nasa bandang dulo sila Cham kaya medyo matagal pa siya tawagin. Sobra talaga siyang nabigla sa mga nalaman never siya sinabihan ng Tito Albert niya kaya ngayon palang pumapasok sa utak niya ang mga pagbabago sa kumpanya. Akala pa naman niya ang dadatnan sa pagbabalik ay mga sangkatutak na trabaho, yun pala ay madaming pagbabago. “Inaantok na ako Joe” bulong ulit ni Cham sa katabi. “Ako naman alive na alive. Tignan mo kasi si Sir Ells para mabuhay ang dugo mo.” Napaubo naman si Cham sa sinabi ng katabi at dahil sa pagubo ay parang nabulunan pa siya sa kakalunok. Napalakas na kasi ang sunod-sunod niyang pagubo “Are you okay Ms. Hontiveros?” singhal nito, tumigil na kasi ang nagsasalita sa unahan dahil nakapukaw na siya ng atensyon. “Yeah I’m okay po.” Binigyan naman siya kaagad ng tubig ni Ara. Halos maubos na niya ito. Nakahalukipkip na si Cham habang nakikinig sa kasalukuyang nagpapakilala, sa sobrang dami nila ay halos mag tatlong oras na ang meeting nila. Pinipigilan ang antok at boredom sa panaka-nakang pakikipagusap sa katabi. Sumunod na si Joe sa tinawag at last siya na din after nito, gusto na niyang magbreak at makita ulit ang opisina. “Okay your next Ms. Hontiveros.” Tawag sa kanya ni Ellsworth. “Hi im Chamile Hontiveros, just call me Cham I graduated as a Magna Cumlaude B.S in Accountancy I’m also a CPA. I’ve been here for almost two years now.” May sasabihin pa sana ang dalaga pero pinutol ito ng binata at tinanong siya. “That’s nice to know pero bakit dito mo pinili magtrabaho I’m sure that if you graduated Magna then you passed the board exam that there will be a lot of offers from some big companies but why you chose to stay here?” diretso ang tingin ng binata kay Cham, hindi naman niya nilingon ang lalaki at bumuntong hininga na lang ito before she answer. “Because Alban Family is like my second family, they helped me a lot especially sila ang dahilan at nakapagtapos ako. So I promised to myself If makakatapos ako ng pagaaral ay iaalay ko ang serbisyo ko sa mga Alban.” Pagkatapos ng sinabi ay agad naman na umupo na si Cham, wala ng nagawa si Ellsworth kundi sundan na lang ang dalaga ng tingin. “Ang tarush mo ateng, umalis ka na lang agad-agad.” Sabi ni Joe saktong pagupo ulit ni Cham sa tabi niya. “Baka dumami pa ang tanong napapagod na ako dito, gusto ko na lumabas.” Mahinang angal nito. Sa totoo lang ay ayaw na niya magstay pa dito, hindi siya kumportable sa mga tingin ng bagong boss niya para bang anytime ay ipapahiya siya nito. Yung ibang nagpakilala hindi naman siya nagreact sa mga sinabi tanging siya lang ang may follow up question. Bigla naman nagring ang cellphone niya, pag minamalas nga naman nakasimangot na naman ang mukha ng boss niya. “Sorry I forgot to put it in silent mode” nakangising sabi niya sabay lumabas ng conference room. “Hi Mach ko, how’s your first day at work?” masayang tanong ni Brandon. “Naku Nrab nasa meeting ako nakakahiya nga eh nagring ang cellphone ko nakalimutan ko I-silent” mahinang tugon nito. “Ay sorry Mach ko nakaistorbo pala ako inform lang kita sabay tayo maglunch punta ako diyan before 12 okay?” sumangayon na lang siya para hindi na humaba ang usapan, natatakot siyang pumasok ulit sa loob dahil baka ipahiya na namansiya ng boss niya. “Sorry ulit” mahinang sambit niya pagpasok ng silid. “One more thing pag may meeting tayo I don’t want any cellphone beeping I silent niyo or iwanan sa desk niyo. Ayaw ko ng abala habang nasa meeting okay ba?” napayuko naman si Cham sa hiya kanina pa siya nasasabon ng bagong boss. Sa wakas ay natapos din ang napakahabang meeting nila, nauna na nagsilabasan ang mga kasamahan niya at siya naman ay nagpahuli na pagkalabas ay dumeretso ito sa kanyang opisina. “Mam Cham welcome back po pala” bati sa kanya ni Ara nauna na ito sa opisina nila. “Salamat Ara may pasalubong pala ako sayong mga prutas maya ko ibigay sayo ah.” Agad naman dumeretso si Cham sa desk niya at binuksan na ang laptop niya para magcheck ng mga emails. Sobrang dami niyang email naghihintay na lang siya ng lunch time nila dahil pupuntahan siya ni Brandon. “Mam Cham tumawag si Boss Ells sabay-sabay tayo maglunch along with the writers.” Iniangat naman niya ang ulo at tinignan lang si Ara. “Naku paano yan pupunta dito ang friend ko.” Bigla naman nagring ang telepono niya at tumawag ang receptionist na may bisita daw siya sa lobby. Agad na kinuha ang bag at lumabas, kasabay naman niyang lumabas din ng opisina ang bagong boss nito na nasa kabilang silid lang. Agad naman niyang nakita si Brandon sa lobby na naghihintay at agad na nilapitan ito. “Mach” bati nito at sabay abot ng bulaklak na dala nito. “Naku nagabala ka pa.” palabas na sana sila pero tinawag siya ng boss niya. “Ms. Hontiveros where are you going?” napalingon naman siya dito. “Lunch break ko na po. I’m going out.” Lumapit naman ito sa kanya. “Hindi ba nasabi sayo ni Ara na we’re going to eat lunch together with the writers? And you need to be there too” agad naman tinignan ni Cham si Brandon. Namilog ang mga mata ni Brandon ng makita kung sino ang tumawag kay Cham. “Okay lang Mach doon na lang din tayo kumain.” Hinawakan naman ni Brandon si Cham sa kamay at kinuha ang bag na dala nito. “Sige boss saan niyo ba balak kumain susunod na lang po ako.” Napakunot naman ang noo ni Ellsworth pero agad din niya itong binawi at sinabi kung saang restaurant sila pupunta at agad naman siyang niyaya ni Brandon na lumabas na. “Mach hindi ba iyon ang nakabunggo sayo doon sa ospital? Bakit siya andito?” iritadong tanong ni Brandon. “Unfortunately siya ang bagong boss ko, binenta na pala ni Tito Albert itong company niya at siya ang nakabili.” Nagulat si Brandon sa sinabi ni Cham. “Really hindi ako makapinawala bakit hindi mo alam about doon.?” Tanong ni Brandon habang inaalalayan makasakay si Cham sa kotse niya. “I don’t know I will talk to him later.” Medyo nagiba naman ang mood ni Cham, tahimik lang siya habang binabaybay nila ang restaurant kung saan sila manananghalian. 15 minutes away lang ang restaurant na napili ng bagong boss niya. Agad naman bumaba si Brandon para pagbuksan ng pinto ng kotse si Cham. Pagpasok nila ay andito na lahat ang mga writers, si Ara pati na din ang bago nilang boss. “Dito na lang po kami sa katabing table may kasama kasi ako.” Pagpapaalam ni Cham. “No, it’s okay join us here” tugon ni Ellsworth. “Nakakahiya dito na lang kami sa bakanteng mesa” pagpipilit ng dalaga. “No I insist.” Matigas na sagot ng boss niya, wala na siyang nagawa at niyaya si Brandon na maupo sa mesa ng mga kasamahan. “Hello” bati ni Brandon sa mga kasamahan ni Cham. Agad naman niyang inalalayan si Cham makaupo. Binati naman siya ng lahat ng kasamahan ni Cham bukod tangi lang ang boss nito ang hindi. Agad naman inabutan ni Brandon ng menu si Cham. “Mach nakakain na ako dito dati ito itry natin ito sigurado akong magugustuhan mo ito.” Lumapit ang mukha nito sa dalaga ng napalingon naman si Cham ay halos ilang inches lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. Binigyan naman niya ito ng isang maliit ng ngiti. “Sige yan na lang Nrab kaw na bahala umorder” agad naman na tinawag ni Brandon ang waiter at umorder na, hindi naman sinasadya na napatingin si Cham sa bagong boss nito na katapatan niya lang at nakatingin din ito sa kanya, bigla niyang iniwas ang tingin dito hindi niya maintindihan pero parang ang talim ng mga tingin nito sa kanya kanina. “Nrab musta naman ang work mo?” binaling na lang niya ulit ang atensyon sa katabi na hawak ang cellphone at mukhang may kausap sa text. “Okay naman normal days lang, medyo magiging busy ako this week kasi meron kaming car show na gagawin by next week so were preparing for it.” Agad naman ibinulsa ni Brandon ang cellphone, hindi naman makapagisip ng maayos si Cham sa isasagot sa kausap hindi niya makalimutan ang tingin ng boss niya parang nakakakilabot. “Ah good” wala sa wisyong sagot niya, binigyan na lang niya ng malaking ngiti ito. Ilang saglit lang ay dumating na ang mga order ni Brandon, agad naman siya nitong nilagyan ng mga pagkain sa plato nito at tahimik na silang kumain. “Nga pala Mach ganon pa din ba ang uwi mo? Susunduin ulit kita mamaya okay?” pagbabasag ni Brandon sa katahimikan kahit ang mga kasamahan ni Cham ay tahimik ding kumakain. “No she needs to render an overtime later” sabat ni Ellsworth, namilog ang mga mata ni Cham sa tinuring ng lalaking katapat, tinignan niya lang ito pero patuloy lang naman ito sa pagkain buti na lang at hindi ito nakatingin. “Ah ganoon ba it’s okay Mach I will wait for you” medyo malakas na sambit ni Brandon para marinig ng boss ni Cham. “Okay Nrab” maikling tugon naman ni Cham nagpatuloy lang silang kumain. Hindi mapakali si Cham na kahit nakayuko na siya at busy sa pagkain ay parang may mga mata na nakatingin sa kanya. Naglakas loob siya na tumungo para makita kung sino ang nakatingin automatiko naman na napakagat siya sa labi niya ng makita na naman na nakatingin si Ellsworth sa kanya. Agad niyang kinuha ang mango juice at halos maubos ito ng inumin niya. “Mach okay ka lang? Nasamid ka ba? Tubig oh” nataranta naman si Brandon ng makita na medyo namumutla si Cham hinagod nito ang likod nito at pinainom ng tubig. “Hindi okay lang ako Nrab medyo maanghang lang itong nakain ko.” Isang malawak na ngiti ang pinakita niya dito para hindi na ito magalala, ang totoo niyan ay hindi niya kinaya ng magtagpo ang tingin nila ng katapat at ngumisi pa ito sa kanya na parang nakakaloko. Nang matapos sila kumain ay hindi pumayag si Brandon na si Ellsworth ang magbayad ng kinain nila ni Cham, nagtake out pa ito ng blueberry cheesecake pag meryenda ng dalaga. “Nrab thanks sa lunch ah next time ako naman okay? Ang dami ko na talagang utang ko sayo sa sweldo ko ako naman magtreat okay?” Andito na sila sa lobby ng opisina nila Cham, nauna na kasi umalis ang boss nila kasama ng ibang writers sumabay naman sa kanila si Ara. “Okay lang yun Mach sige mamaya na lang ulit ah” hinalikan ni Brandon ang dalaga sa pisngi nito at nagpaalam na. Pagtalikod naman ni Cham papunta sa opisina nito ay agad naman siyang hinarang ni Ellsworth. “Come in to my office.” Utos nito, kinabahan naman siya dahil sa seryosong itsura nito. Sumunod naman siya kaagad. Laking gulat nito ng makita ang desk niya dito mga gamit at laptop sa loob ng opisina nito. “Bakit andito ang mga gamit ko? I have my own office with my assistant Ara” takang tanong nito habang napako lang na nakatayo malapit sa pinto. “This is now your new office, you will now be my assistant.” Seryosong tugon nito. Napataas naman ang kilay niya sa narinig. “Huh? Are you okay? I’m an accountant here and being your assistant is ridiculous. You better just get Ara as your assistant not me” inis na sabi niya. “Your being rude Ms Hontiveros! What’s wrong with that? I have the right to get you as my assistant I don’t wanna hire anyone anymore since andyan ka naman.” Ano pa ba ang magagawa niya boss niya ang nagutos nito wala na siyang karapatan tumanggi, “How can I practice my profession if I’m just your assistant Mr. Benavidez?” tinignan siya nito ng derecho gumanti naman siya at tinignan din niya ito, “Don’t complain anymore Ms. Hontiveros you don’t have the right to. I’m your boss now remember? at isa pa may accountant pa tayong isa more than one is enough” napabuntong hininga na lang siya sa inis, padabog siyang pumunta sa desk niya at isa-isang inayos ang mga gamit niya. Hindi niya nga matiis ang mga tingin ng bagong boss niya ito pa at mukhang buong araw pa niya ito makakasama. “Ok boss sabi ko nga ikaw ang boss ko eh” bulong niya habang binubuksan ang laptop niya. “What you were saying Ms Hontiveros?” sa inis ay inirapan na niya lang ito, kahit hindi itong magandang asal na ginawa sa boss niya ay talagang naiinis siya dito. “Nothing so ano bang iuutos mo SIR?” may pagdidiin na sagot niya. Ilang minuto lang ay lumapit ito sa kanya dala ang madaming folders. “Give me softcopies of all this files and I need it finish today.” Maawtoridad na utos nito. Pagbuklat niya ng mga papeles ay sobrang dami nito, hinanap niya ang mga folders kung meron pa siyang kopya nito sa laptop niya. Mukhang matagal na itong mga papeles na ito at hindi pa masyadong uso ang computer ng nagawa ito. Agad siyang lumabas at hindi na nagpaalam pinuntahan niya ang admin office para magtanong kung may kopya sila nito na naisave sa computer. “Mrs Cruz I have a favor to ask, can you check naman if you have a softcopy of this document?” iniabot niya ang kumpol ng folders na typewriter pa ang gamit para mailimbag ito. “Naku check ko Cham ah ito yung mga documents ni Mr. Alban like more than 10years ago, meron ka pa palang kopya nito naalala ko pinapagawa sa akin ito dati pero parang nawala na yata sa isip ni Mr. Alban. Double check ko ah but I’m not sure if meron ako, wait lang.” hindi nawalan ng pag-asa si Cham dahil kung walang kopya ito ang admin ay malamang hindi niya kayang gawin ito ng ilang oras lang ngayong araw. Halos mag trienta minutos ng naghihintay si Cham sa kausap, kailangan niyang makauwi ng maaga dahil pakiramdam niya ay sobra siyang naistress. Hindi pa din niya matanggap na isang Assistant na lang siya ngayon. Pagkatapos niyang magsunog ng kilay ito lang ang babaksakan niya. Nakapalumbaba na siya at nayayamot na sa kakahintay ng sagot galing kay Ms.Cruz. “Sorry Cham wala talaga akong makita na files about this documents.” Masamang balita na sabi nit okay Cham, napabuga na lang ng hangin si Cham wala siyang napala sa paghahantay ng sobrang tagal. Nagpasalamat na ito sa kausap at agad bumalik sa opisina nito. “Where have you been? Diba may pinapagawa ako sayo? Hindi ka pwede umuwi until you finish that.” Bungad nito sa kanya sakto palang palabas din itong pinto. “I just checked something, I can’t promise if I can finish this sobrang dami talaga nito baka pwede naman if ever until tomorrow afternoon ang deadline ko or iuuwi ko na lang.” Magkatapatan sila ngayon sa may bandang pinto sinara ni Ellsworth ang pinto at agad na nilapit ang mukha sa dalaga. “If I said I need it now, I need it now so better start kung ayaw mong umagahin dito” mahinang sambat nito sa harap ng mukha niya, napalunok naman si Cham sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, tumango na lang siya at agad na pumunta sa desk niya. Nanlulumo siyang umupo at hindi maintindihan bakit nanginginig ang mga kamya niya habang nagta-type. Napahilamos naman siya sa mukha niya ng hindi niya talaga kayang magtype ng mabilis, na message siya kay Ara at humingi ng green tea. Kailangan niyang kumalma hindi niya alam bakit ganon na lang ang epekto ng presensya ng bagong boss niya. Masyadong malakas ang aura nito para sa kanya, bawat salita nito ay parang napapatiklop siya. “Thanks Ara ah ito kuha ka dito ng blueberry cheesecake.” Saglit lang ay dumating na si Ara para ibigay ang tsaa na hiningi niya, agad naman itong lumabas pagkakakuha ng cake. Alas singko na pero nakakalahati pa lang siya ng ginagawa niya, tumigil muna siya at nagunat-unat masakit na ang mga daliri niya matagal din siyang natigil humawak ng laptop hindi na kasi niya nadala ang laptop ng magbakasyon ito sa trabaho. Samantalang ang boss niya ay andito lang buong oras na nagta-type siya mukhang busy din ito magbasa ng kung ano-ano sa laptop nito. Naramdaman naman niya na nagvibrate ang cellphone niya sinilent na niya talaga ito baka kasi mapagalitan pa, lumabas siya ng silid at doon sinagot ang tumatawag. “Mach I’m so sorry I think I can’t fetch you, we have an emergency may problem kasi sa venue ng car show so I need to go there baka gabihin na ako.” Nagaalala naman si Brandon na hindi niya masusundo ang dalaga. “Ano ka ba okay lang yun malapit lang naman ang bahay dito magcommute na lang ako, don’t mind me okay ayos lang ako.” “Sige Mach magtaxi ka na lang kaya para safe? Tawagan mo ako pag nakauwi ka na ah, susunduin na lang kita bukas. Miss you agad” masayang bilin ni Brandon, nagpaalam na din si Cham wala siyang dapat sayangin na oras. “Are you done? Nakakipagtelebabad ka na kaagad working hours pa.” mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya at napakibit balikat na lang. Ang strikto ng bagong boss niya kasi. “Not yet I will try to finish it don’t worry” inunat niya ulit ang mga braso at kamay masakit na din ang balikat niya. Nag focus si Cham ng sobra ayaw na kasi niya talagang magpagabi pa dahil gusto na din niyang magpahinga. Mag aalasais na pero hindi pa din siya tapos, paminsan-minsan ay nasasabunutan na lang niya ang sarili dahil sa inis sa ginagawa. “I will leave now make sure to send me that documents in my email today.” Tinapunan lang ni Cham ng tingin ang paalis na boss niya. Mukha pa itong nagaasar na muling sumilip sa kanya. Nag message naman siya kay Joe na samahan siya dito sa office niya. Ilang saglit lang ay andito na ang kaibigan na writer. “Oh Cham ito pala yung promise ko na Mocha Frappe, oh bakit parang nakainom ka ng isang boteng suka grabe ang asim ng mukha mo.” Bati nito ng makita ng malapitan si Cham. “Bwiset kasi yang bago mong boss ah nakikita mo ba itong mga folders na ito? Kainis pinatype niya sa akin lahat yan at kailangan matapos ko ngayon din as in today!” inis na sumbong nito. “Really daig mo pa pala nag penetesya girl, wagi din pala itong boss natin mangtrip. Pero kung ako nasa katayuan mo super gaganahan ako magwork may libreng simoy pa sa kanya friend. Ang bango pa niya hays! I can still smell him katabi ko siya kanina sa restaurant kanina diba?” masayang kwento nito, habang siya ay ibinuhos na lang sa kape ang inis at agad niya itong naubos. Hinayaan niya lang magkwento si Joe para naman malibang siya. Pasado alas otso na ng matapos siya. Si joe naman ay parang hindi nauubusan ng kwento at parang walang katapusan na energy kaya siguro nalibang din siya sa daldal nito. “At last makakauwi na ako ang sakit ng mga balikat ko na kainis talaga” sinend na niya ang document sa email ng boss niya at agad niyaya si Joe na lumabas na. Nagpaalam na din siya sa ibang kasamahan at bumaba na. Pag minamalas nga naman punuan ang lahat ng jeep at taxi na dumadaan, mag bente minutos na siyang naghihintay naabutan pa kasi siya ng rush hour sa sobrang dami ba namang nagtratrabaho sa Makati kaya ayaw niya nauwi ng ganitong oras. Naisipan niyang tignan ang cellphone naalala niya nakasilent nga pala ito baka nagaalala na ang mga ate niya pagbukas niya dito ay hindi siya nagkamali ang daming text at miscalls galing sa kapatid at kay Brandon. Laking gulat naman nito ng may humawak sa kamay niya pagtingin niya dito ay isang lalaki sa tapat niya na naka big bike. “Sakay na” hinila niya ang kamay niya kaagad ito na naman ang kaba niya ang takot na kung ano naman ang mangyari sa kanya, hindi nya alam kung sino ang lalaki sa tapat dahil nakaleather jacket ito na black at helmet. Agad siyang umatras pero inaangat naman nito ang helmet nito at ng makita ay galit na mukha niya ang ipinakita dito. “Kainis ka akala ko kidnaper na.” sigaw niya kay Ellsworth. Galit na siya pero seryoso pa din ang mukha nito. Bumaba ito ng motor nito at hiniltak na siya papalapit sa motor nito at agad na sinuotan ng helmet. “Boss okay lang ako magtataxi na lang ako.” Tutol niya. “Wag ka na makulit okay nakita mo naman na mahirap sumakay baka pag naghintay ka pa abutin ka na ng siyam-siyam dito.” Pinagpatuloy nito ang pagsuot ng helmet kay Cham. at wala na siyang nagawa pa. Nauna ng sumakay ang lalaki sa motor, hinawakan siya nito sa kamay niya at inalalayan makasakay sa likod nito. Agad naman humawak sa likod ng motor si Cham. “Mahirap yang ginagawa mo yumakap ka na lang sa akin para sure na hindi ka malalaglag.” Pagkasabi nito ay agad hinablot ng lalaki ang isang kamay niya at inilagay sa bandang tiyan nito at ganoon din ang ginawa nito sa isa pa niyang kamay. "Boss hindi ako komportable" Pakiramdam ni Cham ay sobrang suffocated na siya sa pwesto nila, ang bilis ng t***k ng puso niya ngayon pakiramdam niya ay maari na itong maramdaman ng lalaking kayakap. Pinilit niyang lumayo sa pagkakayap dito pero agad naman siyang sinusuway nito. Panalangin niya lang ay hindi siya himatayin dahil sa hirap na siya makahinga dagdagan pa ng lakas ng t***k ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD