Chapter 19

3960 Words
“Bakit ka nanginginig?” tanong ni Ellsworth kay Cham, kahit nakamotor ay medyo nahirapan silang sumingit sa trapik. Kanina pa nararamdaman ng tiyan niya ang panginginig ng mga kamay nito. “Ah kasi first time ko kasi sumakay ng motor, kinakabahan lang ako.” Nahihiyang sabi ni Cham, kahit nakaharang ang bag niya sa gitna nila ay kinikilabutan pa din siya sa kakaibang nararamdaman mula sa pagkakayakap niya dito. “Talaga! Gusto mo ba munang kumain doon? Kasi mukhang malala ang trapik ngayon pahupain muna natin.” Yaya nito at itinuro ang natatanaw na isang restaurant malapit kung saan sila inabutan ng trapik. “Nakakahiya boss hindi pa naman ako gutom.” mahinang tugon nito. "Imposibleng hindi ka pa gutom, i did not see you eat your snack" hindi na hinintay na makasagot si Cham at agad ng lumiko si Ellsworth sa tinurong restaurant at nagpark na. Inalalayan niyang makababa si Cham at tinangal na din ang helmet nito. “By the way if were not in the office especially after working hours I want you to just call me Ellsworth or Ells okay” nabigla naman si Cham ng hawiin nito ang mga buhok niya na nagulo na pagkatapos nitong tanggalin ang helmet niya sakto naman pagkatapos nito ay nagtagpo pa ang kanilang paningin. “A-ah hindi ba yun nakakahiya boss kita tapos tatawagin lang kita sa pangalan mo.” "It's okay with me" Nagsimula ng maglakad si Ellsworth at sinundan naman niya ito pagdating sa pintuan ay tumigil ito at pinauna siyang pumasok ng pagbuksan sila ng staff ng restaurant. Napatigil naman siya pagpasok hindi niya kasi alam kung saan gusto ng boss niya pumuwesto. “Let’s go” hinawakan siya nito sa may siko niya at itinuro nito kung saan sila uupo. Nagulat naman siya sa epekto ng simpleng hawak nito sa kanya napailing na lang siya. Pagdating sa mesa ay agad naman na inalalayan ni Ellsworth si Cham na makaupo, nginitian naman niya ito at umupo na din ito sa may tapat niya. Inabutan siya nito ng menu at tinanong kung anong gusto kainin. “Salad lang saken.” sabi ni Cham ng hingin na ng waiter ang order niya. "Bakit salad lang? Waiter give her the same food i ordered" "Hindi pa po kasi talaga ako gutom, sinamahan kasi ako ni Joe kanina habang tinatapos ko yung pinapagawa nio nilibre niya ako ng frappe kaya medyo busog pa ako" "Frappe lang yun, you better eat well ang payat mo na masyado" Hindi na siya sumagot at tumango na lang mukhang hindi naman siya mananalo sa usapan. “Siya nga pala Cham nasend mo na ba sa email ko ang mga documents na pinapagawa ko sayo?” ngumiti muna siya bago sumagot, first time niyang marinig sa buong araw na ito na tawagin siya nitong sa pangalan niya lagi nalang kasing Ms. Hontiveros ang tawag nito sa kanya masyadong pormal. “Yes tinapos ko na po. Akala ko nga umuwi ka na nasa office ka pa pala” nabigla si Ellsworth sa tanong nito nagpaalam nga pala siya ng alas sais, pero naabutan pa niya ang dalaga pasado alas otso na. “Ah yah may kinausap lang ako sa publishing area medyo napatagal.” Diretso ang tingin nito sa dalaga, samantalang si Cham ay pinaglalaruan lang ang kutsara na nasa mesa at nakatutok lang ang mga mata sa pinggan. Dumating na ang mga order nila, tahimik lang na nakayuko si Cham habang kinakain ang inorder sa kanya ni Ellsworth. Hindi na siya nagsalita hindi naman niya alam ano pa isasagot, pakiramdam niya ngayon ay ang awkward lang dahil kanina ay inis na inis siya sa katapat dahil sa pagpapahiyang ginawa nito pero ngayon ay magkasama pa silang naghahapunan. “Cham” sambit ng binata pambabasag sa katahimikan sa pagitan nila. “Yes” tumingin siya dito saglit pero bumalik din ang tingin sa pingan niya. “Sino kasama mo sa bahay? Hindi ba nakakahiya na ihahatid kita?” napalunok siya sa tanong nito, wala naman masama sa tanong nito pero hindi niya napigilan na mapainom sa strawberry shake niya parang naginit ang pisngi niya. Ang weird lang. “I’m with my two sisters. Siguro naman paglabas natin may masasakyan na siguro ako kahit wag mo na ako ihatid.” Tugon niya at pinagpatuloy ang pagkain. “No ihahatid pa rin kita medyo gabi na din delikado na sa daan lalo na sa katulad mo.” napasulyap naman siya sa katapat nakatingin pala ito sa kanya. Kanina pa siya hindi mapakali simpleng salita lang nito ay parang ang dami ng sumasagi sa utak at pakiramdam niya. “Okay kahit nakakahiya, wala naman ako magagawa mapilit ka eh.” mahinang sagot niya. "That's right" mahina ding sagot ni Ellsworth. Ilang saglit na namutawi ulit ang katahimikan habang inuubos nila ang mga pagkain. Narinig na din niyang tinawag nito ang waiter para sa bill nila, kumuha naman si Cham ng pera sa wallet nito at iniabot kay Ellsworth. "Eto po bayad ko sa nakain ko" “Nah it’s my treat.” Binalik nito ang pera na iniabot niya. Nagpasalamat na lang siya at ipinasok na ulit ang pera sa bag niya, tumayo na ito kaya sumunod na din siya. Pagdating sa parking lot ay nagsuot na ulit ang binata ng helmet at gloves nito, pagkatapos niya ay hinawi muna niya ang buhok ni Cham papunta sa likod ng mga tenga nito saka isinuot ang helmet dito. Pagsakay niya ay agad naman na inalalayan ang dalaga na makasakay sa likod niya, hinawakan ulit ni Ellsworth ang kamay nito at inilagay sa bewang niya. Habang ang dalaga ay nagsisimula na naman tumibok ang puso nito ng kakaiba. Paglabas nila ng main road ay medyo maluwag na ang daan at malaya na silang nakakatakbo, dahil sa sobrang lapit ng ulo ni Cham sa likod ng binata ay naamoy nito ang pabango nito na lalo pang nagpakabog ng dibdib niya. Parang ang gabing malamig kasabay pa ng hangin na dumadampi sa katawan niya ay nawala ang lamig dahil sa init sa pisngi na nararamdaman niya. “Hoy Cham kanina ka pa namin hinihintay ah pinagaalala mo kami isang text lang hindi mo magawa?” sigaw ng ate ni Cham na si Ading, nasa labas ng apartment ang dalawang ate niya at mukha nga na hinihintay siya. Naalala niya na magrereply na sana siya sa ate niya baka hindi na nasend. Pagbaba niya ay agad tinangal ni Ellsworth ang helmet ng dalaga at isinunod naman niya ang sa kanya, agad naman na lumapit si Cham sa dalawang kapatid nahiya ito sa lakas ng sigaw ng ate niya sa kanya. Pinakilala naman niya sa dalawang ate ang kasama "Sorry ate nagovertime kasi ako hindi ko siguro nasend text ko sa sobrang busy ko." “Sorry po kung late nakauwi si Cham.” Nagunahan ang dalawang ate ni Cham papunta sa binata ng makita ang lalaking kasama ni Cham. “Hi pogi ako nga pala ang ate ni Cham you can call me Mylez” inabot nito ang kamay sa binata at inilahad din naman ng binata ang kamay. Tinulak na ni Ading si Mylez sa gilid. “Hi handsome okay lang yun safe naman pala tong bebe girl namen. I’m Ading pala nice to meet you” napasapo naman si Cham sa noo niya, nakakahiya ang ginagawa ng dalawang ate sa boss niya parang ngayon lang nakakita ng tao. "Hi ladies, nice to meet you i'm Ellsworth" “Boss pagpasensyahan mo na ang mga ate ko. Siya pala ang bagong boss ko kaya umayos kayo baka mawalan ako ng trabaho sa ginagawa niyo. Halika na nakakahiya.” Inis na sabi ni Cham paano ba naman ang mga ate niya ay nakaangkla na sa magkabilaang braso ng binata. “Ito naman ang KJ mo baka si Ellsworth na ang hinahanap ko. Charot lang” Ang laki ng ngiting sabi ni Mylez. “Hoy hindi ah baka ako na ang hinahanap mo Ellsworth?” hindi papatalong sabi ni Ading. Hindi na nakatiis si Cham at agad na hinila ang dalawang kapatid. Tinignan niya ito ng masama para magets na tumigil na. “Pumasok na nga kayo kakainis.” Sumunod naman ang dalawa niyang kapatid at pumasok na nga sa loob. Pagharap niya sa binata ay nagulat naman ito na nakangiti ito sa kanya. “Ang cute niyong tignan magkakapatid.” “Pagpasensyahan mo na sila boss ah sorry ang kulit kas-“ hindi na niya napagpatuloy ang sasabihin dahil tinapat ni Ellsworth ang hintuturo nito sa labi niya. “Diba I told you just call me Ellsworth, I like it when your saying my name” muntik na siyang mapanganga sa presensya ng daliri nito sa labi niya. Buti na lang ay tinangal din nito kaagad. “A-ah O-okay Ellsworth, Ells thanks sa paghatid ah hindi na kita papasukin sa apartment ko nakakahiya eh.” Pinilit niyang magsalita ng diretso. “Okay lang sige pumasok ka na magpahinga ka na maaga ka pa bukas. Don’t be late okay?” tumango lang siya sumakay na si Ellsworth ng motor nito at kinawayan siya na aalis na siya. Pagpasok niya sa loob ay agad naman siyang hinarang ng dalawang kapatid nito. “Paano mo naging boss yun? Grabe first day mo pa lang hinatid ka na? Ano yan special treatment?” usisang tanong ni Ading. “Ate bukas na lang ako magkwekwento okay super pagod na ako maaga pa ako bukas.” Naglakad na siya paakyat ng kwarto niya at naririnig pa din niya ang usisaan ng dalawang ate. “Cham teka kumain ka na ba? Nagluto kami tinirhan ka namin ulam” sigaw ni Mylez. “Tapos na ako kumain bukas na lang ng umaga agahan ko na lang yan.” “Tignan mo Ading malamang nagdinner pa sila noong gwapong boss niya.” Narinig pa niyang sabi ng Ate Mylez niya hindi na lang niya pinansin at dumeretso na sa kwarto niya. Pagkatapos niyang maghilamos ay agad na inihiga ni Cham ang katawan sa malambot na kama, ngayon niya naramdaman ang sakit ng mga braso at likod dahil sa daming ginawa kanina. Kinuha niya ang cellphone at chinarge ang dami palang miscall at text ni Brandon binasa niya ito lahat hanggang sa nakatulugan na. *** Maaga siyang sinundo ni Brandon kinabukasan kakagising pa lang niya ay nasa apartment na siya nila Cham. Naligo muna siya bago bumaba ng sabihin ng ate niya na andito na ang sundo niya. Naabutan naman niya na naguusap ang tatlo sa sala. “Morning Mach” tumayo ito at agad siyang nilapitan at hinalikan siya sa pisngi. “Hi Nrab sorry hindi na ako nakareply sayo dahil ang dami kong ginawa sa office late na din ako nakauwi.” Inunahan na niya si Brandon dahil alam niya ito na ang susunod na itatanong nito, niyaya na sila ng mga ate niya na mag-almusal sabay-sabay. “Ate thanks sa agahan ah namiss ko tong ganitong pagkain ang sarap ng tuyo sa sinangang na may kape pa. “ papuri ni Brandon sa ate ni Cham na si Mylez, pagkakain nila ay nagayos ulit si Cham ng sarili at nagpaalam na din sa mga ate niya. Ayaw na niya ulit malate kaya naman ay agad na sila umalis. “Nrab thanks sa pagsundo ah pero nahihiya na talaga ako sayo madami ka ng responsibilities sa work mo ayaw ko naman maging pabigat sayo.” Nagtataka naman ang itsura na tinignan siya ni Brandon, andito na sila sa kotse ng binata. “Ano ibig mo sabihin Mach?” “Kung pwede sana na wag mo na ako sunduin papasok kaya ko naman magcommute na tapos pagpauwi na ako okay lang na sunduin mo ako but make sure na tapos na lahat ng work mo. Ayaw ko kasi maging pabigat sayo Nrab.” Mahinang tugon nito sa binata, napabuga naman ng malakas na hangin si Brandon. “Mach never kang magiging pabigat sa akin okay, ano ba ang iniisip mo?” malungkot na sagot nito. “Basta I want you to focus on your work please. Hindi porket na ikaw ang mayari ng company eh lagi mong hawak ang oras mo kailangan mo pagtuunan ang trabaho mo okay, you're still in your learning stage.” Sinulyapan naman ni Cham si Brandon na diretso lang tingin sa daan pero kita dito ang lungkot sa sinabi ng dalaga. “Ayaw ko, alam mo naman Mach hindi pa nakikita ang kumidnap sayo natatakot ako Cham na makuha ka nila.” malungkot na sagot nito. “Hays! Basta Nrab starting tomorrow dumeretso ka na sa work mo okay lang ako.” Hindi na sumagot si Brandon sa sinabi niya hanggang sa nakarating sila sa opisina ng dalaga ay tahimik ito. Hinatid pa rin siya nito hanggang sa lobby. “Sige Mach pagiisipan ko pa din ang sinabi mo. Mamayang lunch okay pupunta ako dito” malungkot ang mukha na umalis si Brandon hindi niya maintindihan bakit ganoon ang inasta ni Cham sa kanya. Hanggang sa nakarating sa trabaho ay balisa si Brandon pakiramdam niya ay balewala talaga sa dalaga ang nararamdaman para dito. *** “Ms. Hontiveros please check my schedule for today let me know what are my schedule for today okay.” Bungad sa kanya ng boss pagpasok pa lang niya. “Okay boss” matamlay na sagot nito. Hindi niya alam bakit hanggang ngayon ay binabagabag siya dahil sa mga sinabi kay Brandon, hindi naman sa gusto niya itong iwasan naisip niya lang na ayaw niya itong umasa. Sa tuwing nakikita niya ang effort nito ay nakokonsensya siya dahl sa parang hindi niya kayang tugunan ang mga pinapakita nito. Wala sa wisyong nagbukas ng laptop niya at nagcheck ng mga email, tinignan niya din kung ano ba ang appointment ng boss niya. “Sir you have an interview later before lunch with Pilipinas Tv then after that 3pm you have an appointment with Metro Magazine.” Walang ganang sabi nito. “Ms. Hontiveros are you alright?” usisa nito. “Yes boss” mabilis na sagot niya. “Ok noted, by the way you will come with me everytime I have an appointment kahit saan man yan okay.” Nabigla si Cham sa narinig. “Akala ko assistant mo lang ako, ngayon ba ay PA mo na din ako?” sarkastikong sabi ni Cham, “Nope you're still my assistant but that is one of your job description understand? Don’t complain now.” maang na napatingin siya rito at saka tumaas ang sulong ng kanyang labi Kinabahan siya baka makilala siya ng mga reporter sa network na yun. “Pwede bang hindi na ako sumama sa tv network interview mo?” mahinang tugon nito. Napakunot naman ang noo ng kausap. “Hindi pwede you will come with me wherever I go.” Matigas ang boses na sabi nito. Wala na siyang laban sa utos ng boss niya, tumango na lang siya at tinalikuran na ito at bumalik na lang siya sa desk niya. Nakaramdam naman siya ng sobrang kaba, eto na ang kinakatakutan niya ang muling maungkat ang nangyari sa kanya. Pinipilit na niya itong kalimutan pero parang hindi niya yata matatakasan ito. Pinagpatuloy na lang niya ang pinapagawa ni Ellsworth at tutok na tutok ang mata sa laptop niya pero lutang naman ang isip dahil sa pwedeng mangyari mamaya. Hindi siguro alam ng boss nito ang nangyari sa kanya kaya hindi niya naisip ang panganib pag andoon siya. Naisip na lang niya na galing nga pala itong America kaya siguro hindi alam ang tungkol sa balita tungkol sa kanya. “Cha- Ah Ms. Hontiveros be ready we will leave in 10 minutes.” Pagak siyang napatawa ng marinig na muntik na siyang tawagin nito sa pangalan niya pero pinanindigan pa din nito ang pagiging pormal. “Okay boss” agad naman na inayos ni Cham ang bag niya nanghiram siya ng shades at shawl sa mga katrabaho. Ilang saglit lang ay tinawag na siya ni Ellsworth at sinensyasan na aalis na sila. Namilog ang mata niya ng makita ang itsura ng boss niya nagpalit ito ng damit, naka Americanang itim na ito at ang maaliwalas na mukha kanina dahil nakawax at nakataas ang buhok niya ngayon ay tuwid na ito na may pagkalayered at may mga buhok na nakaharang sa kalahati ng noo nito. Napalunok naman siya dahil bagay na bagay dito ang suot at ayos ng buhok nito. “Ano pa hinihintay mo? Baka matrapik tayo” sigaw nito sa kanya medyo natulala kasi siya. Napasapo naman siya sa sarili niya hindi niya alam bakit na stuck na lang bigla. Agad siyang tumayo at sinundan na ito. Kotse ang gamit nila ngayon papunta sa tv station, sa kalsada lang ang tingin niya nahihiya siya sa inasal kanina pakiramdam niya ay nakita siya ni Ellsworth na nakatitig dito. Nang malapit na sila ay agad naman niyang sinuot ang sunglasses niya at inayos ang shawl sa may ulo niya. Nagulat naman siya ng hawakan siya nito sa braso at iniangkla sa braso ng lalaki. “Relax ka lang okay.” Bulong nito. “Sa kotse na lang ako boss, ayaw ko pumasok” natigilan siya sa gitna ng paglalakad nila. “Come’on let’s go na.” hindi na niya mapigilan ang lalaki Hindi na kasi basta nakaangkla na lang ang kamay niya sa braso nito, kinuha na kasi ng boss niya ang kamay at hinawakan na ito ng mahigpit she tried to remove her hands pero lalo nitong hinigpitan pagkakahawak sa kanya. Napabuga tuloy siya ng malakas na hangin at napabuntong hininga pa. Hindi niya maintindihan ang epekto ng hawak nito sa kamay niya parang any moment ay pwede siyang malumpo sa panghihina ng tuhod niya. “Hello Mr. Benavidez nice to meet you” salubong na bati pagpasok palang nila ng producer ng Pilipinas Tv, kinamayan siya nito at tinignan naman nito ang kasama na si Cham at binigyan ng isang matamis na ngiti. “Hi Mr. Tan thank you for inviting me here, this is Cham” kinamayan din siya nito at itinuro na ang daan papunta sa studio kung saan gaganapin ang interview. Pagpasok nila ay inalalayan na ni Mr. Tan si Ellsworth sa upuan, nagpaalam na ito sa dalaga na nasa tabi ng mga cameraman. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsimula na ang interview nito sa sikat na host na si Edu Mallari, ang Pilipanas Tv ang pinakasikat na tagabalita sa telebisyon tuwing gabi. “Good evening Pilipinas isa tayo sa maswerteng pinaanlukan ng panahon ng isa sa mga may-ari ng sikat na Filipino Publishing sa America. Welcome back to the Philippines Mr. Ellsworth Benavidez.” Nakangiting pakilala nito sa balita. “Hi it’s good to be back here in my beloved country” masayang tugon nito, “We’ve heard that you’re the owner now of the former Alban publishing the number one publisher of tabloid in the country” nagsimula na magtanong ang host. “Yes fortunately I got it despite of a lot of interested bidders.” “Nice to know, kahit na may issue ang publishing company nitong nakaraan ay mukha naman na nasulosyunan na ito tama ba?” sinulyapan muna ni Ellsworth ang dalagang kasama na busy sa cellphone nito. “Yes I guess so, before everything was transferred to me Mr. Alban already fixed it.” Seryosong tugon nito. “So aside from handling your company ano pa ba ang pinagkakaabalahan ng isang Ellsworth Benavidez, I’m sure madaming girls ngayon ang gusto ka pa lalong makilala. What we all know about you is you're a certified Bachelor.” Napangiti naman ang binata sa tanong ng katapat. “At the moment since kakauwi ko lang ng Pinas I’m just focusing on how my new company can improve. But way back in America I’m into motorcycling I think I will start to join some of the clubs here mahilig din akong magsurfing.” Samantalang si Cham naman ay busy sa pagtetext dahil kanina pa siya tinatawagan pala ni Brandon pumunta kasi ito ng opisina nito pero hindi sila nagkita na dahil andito siya ngayon kasama ang boss niya. Kahit busy sa pagtetext ay naririnig niya ang mga bulong-bulungan ng mga babaeng staff sa paligid niya. “Shocks siya pala yung sinasabi na pinakabatang owner ng Filipinas Times. Hindi ko akalain na ganito pala siya ka Hot grabe” “Korek sister may girlfriend na kaya siya? Parang gusto ko magapply na ngayon sa Benavidez publishing.” Napailing na lang siya sa mga naririnig. Mga bente minutos na din ang interview ng amo medyo naaalibadbaran na siya dahil padami na ng padami ang tao sa tabi niya meron na din mga dumadating na reporter buti na lang at tagong tago ang mukha niya. “Thank you again Mr. Benavidez for your time malugod kami na nakapunta ka ngayon.” Patapos na sabi ng host, nagkamayan na sila at pinutol na ang pagkuha ng camera. Narinig na din niya ang director na nagsabi ng “CUT”. Nakita na niya itong naglalakad papalapit sa kanya agad naman siyang tumayo na. Nagulat siya ng ngitian siya nito sabay hawak na naman sa kamay niya. Hindi niya maintindihan bakit ganito ang asta ng boss niya ngayon. Hinarang sila ng mga reporter at isa-isang nagtanong, puro tipid lang na sagot naman ang binibigay nito sa mga ito. Humiwalay siya muna sa pagkakahawak ng binata sa kamay niya, sinensyasan niya ito na pupunta lang muna ng banyo. Pagdating pa lang sa banyo ay nakita na niya ang namumulang mga pisngi. Tinanggal niya ang shades at inayos ang sarili naglagay siya ng powder para mawala ng kaunti ang kulay sa pisngi. Hindi niya alam kung dulot ba ito ng kaba dahil sa mga reporters sa paligid or kaba dahil sa paghahawak ulit nila ng kamay ni Ellsworth. Nahilamos niya ang mga palad sa mukha, ang init pa din kasi ng mga pisngi niya tinanggal niya din muna ang balabal at inayos ang buhok niya. Nawala naman parang bula ang pamumula ng mukha niya at parang namutla naman siya sa sumunod na nangyari. “Hi diba your Chamille Hontiveros of Alban Publishing?” pagtingin niya sa likod niya ay nagulat siya na isa ito sa mga reporter na humarang kay Ellsworth kanina, agad niyang isinuot ulit ang balabal at shades kinuha na ang bag at agad na lumabas ng banyo. Patakbong lakad ang ginawa niya pabalik sa pinagiwanan niya kay Ellsworth, eto na nga ba ang kinakabahala niya kanina pa ang may makakilala siya lalong lalo na ang mga reporter na simula palang ng una ay iniiwasan na niya. “Ang tagal mo naman” bulong sa kanya ng binata. Narinig naman niya na sumigaw ang tumatakbong reporter kanina sa banyo. “Wait lang Ms. Hontiveros”agad naman nagtinginan sa kanya ang iba pang reporter. “Huh si Chamile Hontiveros ba yun?” tanong ng isang reporter dito at tumango naman ito. Dinumog na naman sila ng mga reporter kung kanina ay si Ellsworth ang pakay nito ngayon naman ay si Cham na. Inakbayan naman ng binata si Cham at niyaya ng lumabas pero patuloy pa din sa pagtatanong ang mga reporter sa likod at harap nila “Ms. Hontiveros matagal po kayong nanahimik wala na po ba ang kaso niyo about sa k********g na nangyari sayo” “Totoo po ba na si Congressman Manlapas ang may pakana nito dahil sa nakareceive daw kayo ng indecent proposal mula sa kanya?” “Mula sa mga kuha sa dyaryo dati ng makita ka sa Batangas mukhang bugbog sarado po kayo noon. Bakit ayaw niyo pong magsalita sino ang may sala karapatan mo po yan.” Hinahawi ni Ellsworth lahat ng reporter na nakaharang sa daan nila, mukhang galit na ito pero hindi nagpapatinag ang mga reporter sa buong paglalakad nila palabas ng estasyon ay nakayuko lang si Cham, paisa-isa ng naglalaglagan ang mga luha niya sa mga mata. Lahat ay nagflashback. Lahat ay nakikita niya ng mapapikit siya. Ang mapait na nakaraan muling bumalik. Pinipilit na niyang kalimutan pero parang ang tadhana ay nanadya. Pigilan man niyang hindi maapektuhan pero sadyang sariwa pa ang mga sugat na iniwan nito sa kanya. “Cham okay ka lang ba?” dinaluhan siya nito at saka hinagod-hagod ang likod niya. Sa wakas ay hindi na sila sinundan pa ng mga reporter dito sa parking lot. Napakagat lang siya sa mga labi niya hindi niya alam ano isasagot kay Ellsworth. Napailing na lang siya. Lalong lumakas na ang iyak niya ng yakapin siya ni Ellsworth. “Ang sakit sakit pa din” mahinang sabi niya sa pagitan ng paghikbi. Lalong hinigpitan naman ng binata ang yakap sa dalaga. "Gusto ko ng makalimot, gusto ko lang naman makalimutan na lahat pero paano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD