Chapter 20

3730 Words
“Ang sakit sakit pa din.” Ramdam ni Ellsworth ang sakit na nararamdaman ni Cham, ang lakas ng hikbi nito. Ang kaya niya lang gawin ay aluhin ito at iparamdam na merong tao sa tabi niya na dadamayan siya. “Sorry to put you on trouble” bulong niya dito habang hinahagod ang likod nito. Ilang saglit lang ay kusang kumawala si Cham sa pagkakayakap kay Ellsworth. “I just want to move on, I just want to act normal like nothing happened to me. But people around me keeps dragging me back to my past. Gusto ko lang makalimot sa lahat ng masamang nangyari sa kin, pero bakit ang hirap hirap?” Malungkot na sabi nito, hindi naman kayang makita ito ng binata basang basa na ang mga pisngi nito ng mga luha, kaya inilayo niya ang paningin sa mukha ni Cham. “I’m sorry to hear that, It’s my fault bakit ito nangyari.” napatingin si Cham dito at napansin na sa ibang direksyon n ito nakatingin. “Okay lang hindi mo naman kasi alam” "I'm really sorry" Buong lakas niyang tinignan ulit ang dalaga, napailing na lang siya at agad naman na kinuha ang panyo sa bulsa niya at pinahid ang mga luha na patuloy pa din ang pagbuhos. “Sorry boss I think I can’t come to your next appointment. Is it okay If mag-undertime ako?” ang bigat ng pakiramdam ni Cham ngayon, para na naman siyang nagsimula sa umpisa kailangan na naman niyang maging matatag. “Yah it’s okay I think kailangan kitang samahan. Wanna go somewhere where you can feel at peace? Para makabawi naman ako. You can share me kung ano ang bumabagabag sayo maybe it can help lessen the pain?” hindi siya nakakuha ng sagot kay Cham, tulala ito ngayon pero tumigil na ang mga pagluha nito. Pinahid niya ang natitirang luha nito sa kaliwang pisngi at dahan-dahan naman na tumingin ito sa kanya. “Hindi na uuwi na lang ako siguro..” Walang ganang sabi nito. "I insist please" "Okay lagi naman ako walang panama sayo" Hindi alam ni Ellsworth kung saan dadalhin ang dalaga, basta ang alam lang niya ay kailangan nito ng karamay pinagbuksan na niya ito ng pinto ng kotse agad naman siya sumakay na din at pinaandar ito. Habang nagmamaneho at nagiisip ay panaka-naka niyang sinusulyapan si Cham, tahimik lang ito at malayo ang tingin. “Cham were do you want to go?” pambasag na tanong niya sa katahimikan sa loob ng kotse, wala pa din siyang maisip na lugar kung saan pwede dalhin si Cham. “Hindi ko rin alam e.” mahinang tugon nito nakatulala pa din ito. Minaniobra niya ang kotse patungo sa may Roxas Boulevard. Sa buong biyahe nila papunta dito ay tahimik lang talaga si Cham. Tinitignan niya ito ng palihim bakas pa din ang lungkot sa mukha nito at ang malamlam na mga mata. Madaming hilera ng mga kainan at tambayan sa tapat ng Manila Bay, nang may makita siyang maganda na pwesto ay agad na pinark niya ang kotse sa tapat nito. “Welcome to Mabay Café” bungad sa kanila ng crew. Open lang ang café na napili nito, tanging isang malaking Patio umbrella lang ang sangga nila sa liwanag ng araw, bawat pwesto ay may apat na upuan at isang katamtamang mesa. Binigyan na sila ng menu ng crew at agad naman tinanong ni Ellsworth kung ano ang gusto ni Cham. “Ikaw na lang bahala” walang gana na naman na sagot nito, nakatingin lang ito sa kawalan. “Ok please give me sesame cream cheese bagel, BLT bagel, mango juice and iced mocha. Thanks” pagkabigay ng order sa crew ay tinawag naman niya si Cham. “Your phone is ringing.” Mukha kasing hindi naririnig ni Cham ang tumutunog na cellphone. Tinapunan naman siya ito ng isang mapait na ngiti at agad na kinuha ang cellphone sa bag niya. “Ate don’t worry I’m okay. Uuwi na din ako maya-maya.” Mahinang sabi nito sa kausap pero hindi naman ito nakalusot sa pandinig ni Ellsworth. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito pagkatapos ng paguusap nito sa tumawag. “Nasa balita na naman ako.” Nagsisimula na naman makita ng binata ang naguunahan na luha nito sa mga mata. Magsasalita na sana siya pero “Gusto ko lang naman manahimik na pero pilit pa din ginugulo nila ang buhay ko.” Kita ng binata na pinipilit ni Cham na maging matatag kakikitaan ito ng maliliit ng ngiti habang ang mata naman nito ang nagsasabi ng kalungkutan na meron siya ngayon. “Sakto pa talaga ang lugar kung nasaan tayo” natatawang sabi nito habang nakatingin sa dagat. “Ang mga alon ng dagat ang mga naging saksi sa mga paghihirap ko.” Napalunok si Ellsworth, inayos niya ang kurbata na suot parang sumikip ang paghinga niya parang hindi na niya kayang tignan pa si Cham na naguunahan na naman ang mga luha nito pababa sa pisngi niya. Lumapit siya kay Cham at hinagod ang likod nito. "Kung gaano kakalma ng mga alon ng dagat siya namang para binagyo ang buhay ko ng mga panahon na yun, hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon bakit nangyari sa akin yun. Sariwa pa ang sugat sa puso ko, i'm trying not to feel it pero ang hirap. I want to be strong pero hindi ko magawa." napapikit na lang si Cham sa sakit na nararamdaman na naman ngayon. Siyang dating naman ng crew at inilapag ang mga inorder niya. “I'm really sorry to hear that Cham" napabuntong hininga na lang si Ellsworth at hindi alam ang sasabihin. "Kain muna tayo Cham, wag na wag kang papalipas ng gutom.” Alok niya, at sabay abot sa panyo niya dito. “Sige salamat ah, pasensya na sobra akong emosyonal hindi ko lang talaga maiwasan.” pinilit na ngumiti ni Cham at kinuha ang mango juice at sinumulan na itong inumin. “Walang anuman, kumain ka okay ubusin mo yan kailangan mo yan.” Tumango lang ito at inumpisahan ng kainin ang bagel na inorder. “Salamat ah. Pagkatapos natin dito pwede na ba ako umuwi at saka may appointment ka pa mamaya 3pm okay lang ba?” nakayukong sabi nito. “I already cancelled the appointment they re-sched it, I just want to be with you until I see your fine again.” Parang naginit naman ang mga pisngi ni Cham sa narinig. “Nakakahiya na masyado I’m wasting your time lang. Hindi naman ako pwede maging dahilan para maurong mga trabaho mo.” hindi pa rin siya tumitingin sa katapat, nakayuko lang siya habang ngumunguya ng pagkain niya. “Nope it’s okay gusto ko lang makabawi sa’yo, kaya pala your hesistant to come with me awhile ago you have your own reason but I didn’t listen to you, so I really feel guilty for what happened sayo kanina hayaan mo lang ako to be with you yung mga meeting na yan makakapaghintay yan.” Sabi nito habang nakatitig lang sa dalaga na busy sa pagkain. “It’s okay I’m sure your not aware with what happened sa akin. Galing ka kasing America kelan ka lang ba umuwi dito?” nagulat ang binata sa tanong ng dalaga, matagal bago siya nakasagot. “Ahh Ehh Hmm maybe like two weeks ago. Yah I don’t know the issue about you and the Congressman that they were saying.” Napainom naman siya sa iced mocha niya, parang natuyuan siya ng lalamunan. “Yah I guess so. It’s okay madami din ako hindi alam sa mga changes sa company ni Tito Albert he didn’t inform me about the changes. Akala ko tapos na din ang issue about kay Congressman nanahimik na lang kasi ako ayaw ko madamay ang pamilya ko. Ang gusto ko lang ay ipagpatuloy ang buhay ko na tahimik katulad ng dati” napakibit balikat si Cham pagkaubos ng kinakain ay umiba ulit siya ng upo at tumapat sa dagat. Naalala na naman niya ang simula ng mga paghihirap na nangyari sa kanya, alam niya na hindi pa tapos ang problemang kakaharapin basta ang alam lang niya ay kailangan niyang maging matatag sa mga darating pang unos. “Alam mo yung nanahimik ka lang pero biglang may darating sayo na kakaibang pangyayari. No one knows what I’ve been thru, no one is there to help and rescue me. Hays nakakahiya bakit ko pa sayo nasasabi 'to.” Natatawang sabi ni Cham sa gitna ng malungkot na mukha. “It’s okay you can tell me baka sakaling gumaan na ang pakiramdam mo. I’m willing to listen.” Tinignan ni Cham si Ellsworth na mukhang seryoso naman na naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin. “Simple lang naman ang buhay ko, nagaral ng mabuti nabigyan ng magandang trabaho.Pero sa isang iglap lang nasira ang buong pagkatao ko.” isang malakas na buntong hininga lang ang sinagot ni Ellsworth. “Hindi naman ako masamang tao pero hindi ko maintindihan bakit kailangan kong maranasan yun. Bakit kailangan kong mapunta sa impyerno na yun na para bang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya.” Tinignan ni Cham si Ellsworth na nasa gilid niya at hindi na naman niya napigilan ang maiyak. Hindi naman alam ng binata kung ano ang isasagot. Hinawakan niya ang kanang kamay ni Cham. “Just be strong” maikling sabi niya. Pagkarinig nito ni Cham ay agad naman na naramdaman niya ang kamay ng binata sa kamay niya. Ang kaninang malungkot na damdamin ay parang bulang nawala, napabuntong hininga siya at sunod-sunod na napalunok. Gusto man niyang alisin ang kamay sa pagkakahawak nito ay hindi niya magawa may parang kakaibang dulot ito na hindi niya maintindihan. “Thanks Ellsworth. Hindi ko akalain na ikaw pa ang makakasama ko sa ganitong sitwasyon, I never expected na ikaw ang makikinig sa madramang story ko. Feeling ko hiyang hiya na ako sayo. Ang drama kasi ng buhay ko.” nakita na naman ng binata ang mapait na ngiti nito. “You wanna walk? Let’s go.” Niyaya niya ang dalaga na maglibot-libot para naman gumaan ang pakiramdam nito. Hindi na kasi niya alam kung ano pa pwedeng gawin para mawala ang lungkot nito sa mga maganda nitong mukha. Agad naman na tumayo si Cham at nagbitiw na din ang mga kamay nila. “Naalala ko tuloy ang College days ko, mahilig din kami magpunta dito ng mga friends ko lalo na pagkatapos ng exams namin. Sayang noh hindi natin naabutan na malinis pa tong Manilay Bay” mabagal lang ang lakad ng dalawa habang lumilibot ang paningin sa paligid. Halos maabot na nila ang dulo nito mula sa pinanggalingan na café. Nagulat si Ellsworth ng may kumalabit sa kanya. “Kuya Hello baka gusto mo bumili nito para sa girlfriend mo, sige na please Buena mano lang po. Sigurado po ako na kikiligin si Ate ganda niyan mas maganda kung papakyawin mo na kasi yung kahapon yun namakyaw sa akin ng bulaklak masaya yung girlfriend niya after ibigay yung mga bulaklak.” Alok ng isang batang babae sa kanya, napangiti naman siya sa sinabi nito magsasalita na sana siya pero nagsalita ulit ito. “Saka Kuya gwapo bakit mo naman pinapaiyak si Ate ganda tignan mo maga ang mga mata niya, bad po yun kaya ito ano po bibilhin niyo na po ba itong lahat? Sige na please kuya diba ate gusto mo din ng flowers diba?” natawa si Cham sa mga sinabi ng bata. Magaling makipag business talk tong bata. “Hindi naman niya ako girlfriend eh. Ang cute mo nakakatuwa ka” nilapitan ni Cham ang bata at kinurot ito ng mahina sa pisngi. “Ah talaga kala ko magboyfriend na kayo eh bagay kayo ate sagutin mo na si kuya for sure masaya ang love story niyo tulad ng mga nakikilala ko dito, lahat sila masaya after bumili ng roses ko.” Ang laki ng ngiti ng bata talaga kinukumbinsi niya ang binata na bilhin ang mga bulaklak niya. “Sa tingin mo ba matutuwa siya pag binigyan ko siya niyang mga flowers na tinda mo?” lumuhod si Ellsworth para mapantayan ang bata, maliit lang kasi ito. Sabay silang tumingin ng bata kay Cham pagkatapos ng tanong nito. “Oo naman kuya nakakakilig kaya mabigyan ng flowers. Tignan mo fresh pa tong dala ko bagong kuha lang ito sa dangwa ng inay ko. Tapos yung kapatid ko tinitinda naman ay mga maliliit na teddy bear gusto mo bigyan mo pa siya non.” Napabilib si Ellsworth sa batang kaharap, ang determinasyon nito na mabenta ang tinda. Samantalang si Cham naman ay kakikitaan na ng maaliwalas ng mukha dahil sa pagtawa natutuwa kasi ito sa batang kaharap. “Sige tawagin mo ang kuya mo.” Utos ng binata agad naman itong sumigaw at tinawag ang kuya niya na kasalukuyang nagbebenta din sa magkasintahan na nakaupo sa bench. Agad naman tumakbo palapit ang kuya nito sa kanya. “Sige bibilhin ko na lahat yang flowers mo pero yung teddy bear isa lang ah itong malaki ang bibilhin ko.” Kinuha na ni Ellsworth ang wallet sa likod na bulsa at binigyan ng tig-isang libo ang magkapatid. “Kuya wala po ako panukli dito wala po ba kayong barya?” tanong ng batang babae. “No it’s okay sa inyo na ang sukli. Umuwi na kayo para maaga kayo makapagpahinga.” Napatalon naman sa tuwa ang dalawang bata sa sinabi ng binata, inabot ni Ellsworth ang dalwang dosenang pulang rosas at teddy bear sa kanya. “Nakakahiya naman sana sa girlfriend mo na lang ito binigay Ells napagastos ka pa tuloy.” Nahihiyang sambit ni Cham pagkatapos abutin ang binigay nito. “Wala naman ako pagbibigyan na iba niyan. Para sayo talaga yan.” Nakangiting tugon niya. Inamoy na lang ni Cham ang mga bulaklak hindi niya first time makatangap ng bulaklak pero parang kakaiba ngayon parang nawala na naman ang lungkot niya ng malanghap ang amoy ng mga bulaklak. “Thanks ulit.” Tumalikod na si Cham ayaw niyang makita ng binata ang posibleng pamumula ng mga pisngi niya. Tumigil naman siya sa paglalakad ng marinig ang nagriring na cellphone, nagpaalam si Cham kay Ellsworth at lumayo ng unti bago sinagot ang tawag. “Mach where are you? Are you okay? Nasa office ka lang ba pupuntahan kita diyan.” Sunod-sunod na tanong ni Brandon, nabalitaan niya ang nangyari kanina sa kaibigan. “Okay lang ako Nrab don’t worry about me. Wala ako sa office ngayon may inaayos lang ako, wag ka na magalala magtrabaho ka na lang diyan okay. Pauwi na rin ako maya maya.” Paninigurado ni Cham para hindi na siya kulitin nito. “Hays Mach I know you're not okay. Kasama ko sila Ate mo ngayon dito kami sa bakeshop ni Mommy start na sila bukas sa work nila. Nagaalala nga sila ngayon sayo hindi ka daw kasi nagrereply sa mga text after ka nila tawagan.” Napakibit balikat na lang siya tinignan niya ang relos halos mag alas kwatro na pala, matagal na din pala silang andito. “Sensya na kamo hindi ko kasi naririnig na may text pala pakisabi na lang na ingat sila paguwi ah kita na lang kami sa bahay.” Pagkasabi nito ay nilingon niya ang kasama na nakaupo na sa malapit na bench, nginitian siya ng binata and she smiled back. “Ihahatid ko na lang sila sa inyo Mach don’t worry kita na lang tayo sa bahay niyo” umu-oo na lang siya at binaba na ang telepono, masaya siya sa balita na may trabaho na ang dalawang kapatid. Lumapit na siya ulit kay Ellsworth at umupo sa tabi nito. “Ate mo ba ang tumawag? Gusto mo ba ihatid na kita?” tanong ng binata pagdating ni Cham. “Naku nakakahiya hahatid mo pa ako pwede na ako magtaxi mula dito.” “Nope I insist. Pero daan muna tayo sa bahay ko magmotor na lang tayo medyo matrapik na for sure okay lang ba? Malapit lang dito ang bahay ko.” Wala ng nagawa si Cham tumayo na sila at sinumalan ng maglakad pabalik sa pinagparkan ng kotse nito. “Do you want to take a leave?” nagulat si Cham sa tanong ng boss niya. “No I can’t afford to, I’m okay nakaleave na ako ng isang dalawang it’s enough na.” mabilis na sagot niya. Narating din nila ang pwesto ng kotse medyo mahaba din pala ang nilakad nila kanina agad siyang pinagbuksan ni Ellsworth ng pinto. “Okay were here” mabilis lang ang byahe nila wala pang sampung minuto ay andito na sila sa bahay ni Ellsworth malapit nga lang talaga sa pinanggalingan. “Pasok ka muna magpapalit ako ng damit” yaya ni Ellsworth, pinasok na nito ang kotse sa garahe at sinara ang mga gate may tatlo itong klaseng kotse at dalawang malalaking motor. Lumibot ang mga mata ni Cham sa paligid ng bahay nito, dalawang palapag ito malaki ang garahe may garden at may katamtaman na swimming pool. Marami din iba’t ibang estatwa sa paligid at iba’t ibang halaman. “Iho andito ka na pa-“ natagilian ang matandang babae na sumalubong sa kanila sa may main door ng makita ang kasama ni Ellsworth. Agad naman na hinawakan ng binata ito sa braso. “Nanay Mitring si Cham ang assistant ko sa bagong kumpanya ko.” Nakangiting sabi nito habang pinapakilala sa matandang kaharap, kita naman sa mukha ng matanda ang pagkangiwi ng mukha dahil sa hawak ni Ellsworth, binitawan naman siya nito kaagad. “Hello po Nanay.” Bati ni Cham sa matanda. Tumango lang ito at umiwas ng tingin ang matanda sa dalaga at deretsong tumingin sa binata. “Nanay Mitring akala ko bukas pa kayo luluwas? Napaaga ka yata.” Aniya sa matanda. “Oo wala ka kasi kasama dito, sige kuhaan ko kayo ng maiinom mauna na ako Cham” mahinang sambit nito at agad na tumalikod. “Halika pasok ka.” Yaya ni Ellsworth, iginiya niya si Cham sa living room. Namangha naman si Cham sa laki ng sala ng bahay at may malaking tv pa at malalaking sofa. Pinaupo siya ni Ellsworth at hindi niya maiwasan na maglibot ulit ang mata sa kabuuan ng bahay. May mga chandeliers pa na nakatapat sa center table ng sala. Pagkabukas ng telebisyon at agad na nagpaalam muna ang binata na aakyat sa kwarto nito para magpalit ng damit. “Iha uminom ka muna” nilapag ng matanda ang isang juice at cake, hindi pa siya nakapagpasalamat ay umalis na ito kaagad. “Nanay salamat po” mahinang sigaw nito dahil ang bilis nitong maglakad paalis. Habang hinihintay ang binata ay iniinom nito ang juice na binigay sa kanya at iniisip niya kung bakit parang pamilyar ang boses ng matanda. Sa sobrang dami na din na nakasalamuha ay hindi na niya maalala simula ng naaksidente siya at nalaglag sa hagdan ay parang nakakalimutin na siya. Dahil sa pagmumuni-muni ay laking bigla niya ng tumunog ang cellphone. “Mach andito na kami sa bahay niyo. Anong oras ka pa ba uuwi? Sunduin na kaya kita” bungad ni Brandon. “Hindi na pauwi na ako maybe in 30 minutes andyan na ako. Diyan ka na kumain pakisabi kina Ate na magluto para sabay-sabay na tayo kumain ng dinner okay. Sige na wait niyo na lang ako” Sakto naman ng pagbaba niya ng telepono ay siyang pagdating ni Ellsworth, naka white t-shirt na lang ito ay faded maong pants at rubber shoes. “Okay ka lang ba?” tanong ng binata nakita kasi nito na medyo tulala ang dalaga. “Ah oo okay lang, ang ganda ng bahay mo sobrang laki.” nahihiyang sagot nito. Nakatulala na naman siya sa kaharap sinapo niya ang noo at nainis sa sarili. Kahit ano sigurong isuot ng kaharap ay bagay dito mapasimple man or pormal. Niyaya na siya nito papuntang garahe. Kumuha si Ellsworth ng paperbag mula sa kotse para paglagyan ng mga bulaklak at teddy bear na binigay dito. Sinuotan na niya ng helmet si Cham at inalalayan sumakay. “Thanks” sambit ni Cham ng makasakay na sa motor, inutusan na naman siya ng binata na yakapin siya para makahawak ng maayos. Nagpaalam si Cham sa matanda na kasalukuyang nasa gate pero hindi man lang siya nilingon nito. Hindi pa din nagbabago ang pakiramdam tuwing nakayakap siya sa likod ng boss niya, parang mas lalo yatang bumilis ang t***k ng puso niya sabayan pa ng namamawis na mga palad. “Relax ka lang Cham nanginginig ka na naman eh.” Puna ng binata. “Sorry hindi lang talaga ako sanay nininerbyos lang ako” mabilis na tugon nito. “Ang bagal nga lang ng takbo ko, hayaan mo lagi na kita isasakay dito sa motor ko para masanay ka” namilog ang mga mata niya buti na lang at hindi ito kita ng binata. Nanahimik na lang siya. Saglit lang ay nakarating na din sila sa bahay nila Cham, sa labas palang ay rinig na ni Cham ang tawanan ng mga kapatid sa loob. Inalalayan siya pababa ni Ellsworth at tinangal ang helmet nito. “Salamat sa pagsama sa akin ah saka paghatid pati na rin dito” aniya sabay turo sa bulaklak. “Walang anuman so paano bukas na lang.” “Pasok ka muna dito ka na maghapunan nagpaluto ako ng makakain sumalo ka na sa amin” yaya nito. Tumango naman ang binata pumasok na sila sa gate, hindi naramdaman kaagad ng mga tao sa loob ang pagpasok nila. “Ate kasama ko pala si Ells-“ hindi pa siya natatapos sa sinabi ng. “Mach bakit kasama mo yan?” galit na sigaw ni Brandon pagbungad nila sa pintuan. “Okay ka lang ba bebe” tanong ng ate na si Ading. “Ang kapal ng mukha mo ipahamak si Cham” sinugod ni Brandon si Ellsworth at inundayan ng suntok sa mukha. Napaatras naman si Ellsworth palabas ng pinto pero sinundan pa ito ulit ng panibagong mga suntok ni Brandon sobrang nabigla si Cham sa tinuring ng kaibigan. “Brandon ano ka ba” sigaw ni Cham sa kaibigan. Nilapitan ni Cham si Ellsworth na nagpapahid ng dugo sa may labi nito. “Mach pinahamak ka na nga niyang boss mo kakampihan mo pa yan” inawat naman ng mga ate ni Cham si Brandon ng lalapit pa ulit ito kay Cham. “Kung hindi ka niyan sinama doon sa bwiset na tv station na yan hindi ka pagpipyestahan ng media” hingal na hingal na sigaw ni Brandon galit na galit ang itsura na Brandon. Kitang kita ang gigil nito sa mukha. “Sorry” tinignan ni Cham ang mukha ni Ellsworth, seryoso lang ito pero hindi mo makikitaan ng galit sa ginawa ng kaibigan. “Okay lang kasalanan ko naman talaga” bulong nito. “Cham pauwiin mo na yan kung ayaw mong mapatay ko yan” sigaw na naman ni Brandon. “Brandon ang ingay mo pwede ba manahimik ka hindi ka nakakatulong” ganting sigaw ni Cham nagitla naman si Brandon sa inasal ni Cham. Naguunahan na naman ang mga luha ni Cham sa nangyari sa kanya ngayon, hindi niya inaaasahan ang ginawa ni Brandon sa kasama. Grabe ang galit na namutawi sa itsura ng kaibigan lalo na parang mas kinampihan pa niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD