Chapter 21

4094 Words
Ilang lingo na din ang nakalipas nang aksidente na makita si Cham ng mga reporter, humupa din ito kaagad mga ilang araw lang pinagusapan at parang bula na nakalimutan na ulit ng media since wala naman pumapatol sa mga interview nila kahit ang Congressman na sangkot umano ay hindi nagsasalita. “Bebe nagtext si Brandon bakit hindi mo daw sinasagot ang cellphone mo” tanong ni Ading pagkabukas pa lang ng pintuan ng kwarto ni Cham. Nakahiga lang si Cham sa kama niya, sabado kasi ngayon at off niya. Ang mga ate ang laging tagabigay ng mensahe ni Brandon simula kasi ng panununtok nito kay Ellsworth ay medyo nagtampo siya dito at hindi niya ito masyado kinakausap. “Wala ako sa mood tumingin sa cellphone ko ate gusto ko lang magpahinga.” Walang ganang sagot niya. Lumapit naman ang ate niya sa kanya at umupo sa katabing upuan. “Kawawa naman si Brandon bebe mahal na mahal ka ng tao ayaw ka lang niyang makitang nasasaktan. Kung ano man yung nagawa niya sa boss mo kalimutan mo na patawarin mo na siya.” Hinaplos ni Ading ang buhok ng kapatid alam niya na hindi pa din okay ang bunsong kapatid pinapakita lang nito na matatag siya. “Hindi naman na ako galit kay Brandon ate, dumi-distansya lang ako. Ayaw ko siya saktan dahil sa pagmamahal niya sa akin. Hindi ko kayang suklian kasi.” Malungkot na tugon nito sa kapatid. “Bakit ayaw mo ba sa kanya halos nasa kanya na ang ideal boyfriend mabait, mapagmahal, masipag, gwapo at kaya ka niyang buhayin. Saka diba matagal na kayong magkaibigan?” umupo si Cham sa pagkakahiga at sinandal ang katawan sa pader. “Ate Brandon don’t deserve me, I’m not worth of his love. Hindi na ako ang dating Cham. Madami na ang nagbago" Mapungay ang mga mata na tumingin sa ate niya. “Hindi ko alam kung ano man iniisip mo at syempre sa lagi mong hiling na ayaw mo pagusapan nirerespeto ko kung ano man desisyon mo sa buhay pero lagi mo tatandaan dito lang kami ng mga ate mo susuportahan ka at makinig pag ready ka na magshare.” Nagpaalam na si Ading hinalikan naman niya ang kapatid sa noo. Hinayaan na lang niya na magpahinga ito. Kina Lunesan ay maaga nag gayak si Brandon para sunduin si Cham, matagal na siyang iniiwasan nito mapa text, tawag or pag nagpupunta siya sa bahay nito. Hindi na siya papayag ulit na hindi ito makita, kahit masakit ang ulo at may hangover ay pinilit pa din niyang magising ng maaga kasama ang mga kaibigan sa trabaho ay nagpainom siya kagabi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagiwas sa kanya ni Cham. “Hello Ate Mylez Ate Ading good morning” bungad ni Brandon pagpasok sa bahay nila Cham. “Uy nagabala ka pa sakto hindi pa ako nakakaluto ng agahan salamat dito ah” inabot ni Brandon ang dalang breakfast meal kay Mylez mula ito sa isang sikat na fastfood chain. “Wala yun, gising na ba si Cham?” mahinang tanong nito kay Ading. “Hindi pa kakagising lang din namin gigisingin ko kape ka muna diyan ah” inakyat na ni Mylez ang kapatid at ginising. Ilang minuto lang ay bumaba na ito at nakabihis pangtrabaho na. “Hi Mach good morning” bati nito sa dalaga, nagulat naman si Cham ng makita siya. Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi. “Oh Hi good morning din.” Walang ganang sagot ni Cham at dumeretso na kaagad sa kusina, niyaya naman ng mga ate ni Cham si Brandon na kumain. “Ate sabay na din kayo sa amin ni Cham on the way din naman ang bakeshop ni Mommy” yaya nito sa dalawa. “Sige go kami diyan.” Masayang nagsalo-salo sila ng agahan si Cham nga lang ang seryoso at para bang ang sama ng gising. Pagkatapos nila kumain ay nagligpit lang ang mga ate ni Cham at agad na silang umalis. Unang hinatid ni Brandon si Cham, pagdating sa baba ng building ay pinagbuksan pa niya ito ng pintuan ng kotse. “Thanks Nrab ingat kayo nila ate okay.” Mahinang sambit nito at agad na tumalikod. “Mach don’t do this to me please, I’m hurting, sobrang sakit ng pangbabalewala mo sa akin.” hinila ni Brandon si Cham at agad na niyakap. Pero mabilis na kumawala si Cham sa bisig nito at tinignan ang binata ng may malamlam na mata. “Nrab kung ayaw mo akong ganito please tanggalin mo na ang nararamdaman mo sa akin. Ibalik mo na yung dati na kaibigan lang ang turing mo sa akin.” Agad na tumalikod si Cham papasok sa building. Ayaw niyang pakita sa kaibigan ang pabagsak na mga luha. “You don’t deserve me.” mahinang pahabol niya pero hindi sapat para marinig pa ito ni Brandon. Nanlulumo naman si Brandon sa kinatatayuan nito parang hindi na niya kaya pang maglakad, hindi niya alam bakit ganoon na lang ang pakikitungo sa kanya ng kaisa-isang babae na dumudurog ng puso niya. Hindi na niya naramdaman na napaluhod na pala siya habang sapo-sapo ng kamay ang mukha, ang masakit na ulo kanina ay lalong sumakit sa mga narinig mula kay Cham. “Brandon” tawag ng dalawang kapatid ni Cham, hinagod nila ang likod nito para mahimasmasan, naririnig nila ang hikbi nito. “Ate ano bang problema sa akin bakit pilit akong sinasaktan ni Cham? Gusto ko lang naman siyang mahalin yun lang. Wala naman akong masamang intensyon sa kanya gusto ko lang siyang mahalin.” kita ng dalawang kapatid ni Cham ang lungkot sa mukha ni Brandon wala naman silang magawa kundi ang aluhin na lang ito. Wala silang karapatan na pangunahan si Cham kahit sila ay hindi alam kung bakit ganon ang kapatid. *** “Good morning Ms.Hontiveros do you already have the proposal for our new magazine?” bungad sa kanya ni Ellsworth pagpasok pa lang ng opisina nila. Hindi niya kaagad nasagot ito umupo muna ito at binuksan ang laptop nito. “Ms. Hontiveros? Did you hear me?” paguulit nito. “Yes I’m going to send you now the documents just wait a moment” walang ganang tugon nito. Bukod kasi sa newspaper at komiks ay balak na din nilang maglambag ng sariling magazine ipangtatapat sa sikat na womens magazine. Naghire na rin sila ng mga sikat na photographer at mga possible models for their soft release next month. “Okay I will wait for that. So sa tingin mo ba okay na ang name na napili ko?” tanong nito ulit. “Yeah I think okay na yun. Everything is I think good to go na we just need to look for some other models na pwede mafeature sa flavor of the month since we already have the main model na for the cover” tugon nito na hindi man lang natitinag ang tingin sa laptop niya. “Ok good meron na din akong contact for our advertisement so I guess were almost there we only have 2 weeks to finalize everything and kumpleto na din ang mga writers at editor natin and they said that they will send me all of their works this week” tumango lang si Cham at sinimulan na ang susunod na paperworks na kailangan niyang tapusin Namutawi na ang katahimikan sa kanila tanging tunog lng ng keyboard ang maririnig dito, napatingin sila pareho nang may nagbukas ng pinto. “Besss oh my god I so missed you” maingay na bungad ni Sharm, kaninang matamlay na pakiramdam ay napalitan ng kasiyahan. Matagal nawala si Sharm isa na kasi itong freelance model nung pagbalik nila sa Maynila ay siya naman na pagalis nito papuntang London para sa mga photoshoots niya. “Bakit hindi ka man lang nagpasundo sa amin?” tanong ni Cham habang magkayakap sila ni Sharm. Ang tagal nila sa ganitong pwesto, ngayon niya lalong naramdaman ang pangungulila sa kaibigan. Narinig naman nila na umubo ang isa pa nilang kasama sa loob ng opisina parang nakalimutan na nila na hindi lang sila ang andito. Agad naman silang nagkalas at sabay na lumingon sa binata. “Bes ang bagong boss ko pala si Ellsworth Benavidez and this is my bestfriend daughter of Mr. Alban si Sharm” maang na napatingin si Ellsworth rito at saka tumaas ang sulong ng kanyang labi tumayo ito at nilapitan si Sharm inilahad nito ang kamay at agad naman inabot ni Sharm. Namilog ang mata ng dalawang dalaga ng halikan ni Ellsworth ang kamay ni Sharm. “Oh such a gentleman, kaw pala yung business partner ni daddy I’m please to meet you Mr. Benavidez” nakangiting saad nito. “It’s my pleasure to meet you too. Hindi ko alam na may maganda palang anak itong si Mr. Alban.” Nakangising sabi nito habang titig na titig sa kabuuan ni Sharm. “Ikaw naman binola mo pa ako, thank you.” sabay tapik naman ni Sharm sa balikat ng binata. “No I’m just telling the truth hindi ako marunong magsinungaling especially like this early.” Nagulat si Cham sa nakita sa boss niya kininditan niya kasi si Sharm. Dahan-dahan naman siyang umalis sa tabi ng dalawa at umupo na lang ulit sa desk niya. “Invite ko lang sana si Cham magcoffee do you wanna join if it’s okay?” “Yeah sure let’s go.” Sagot ng binata at tinapunan naman ng tingin si Cham. “Okay lang ba boss? Working hours pa” aniya, Tumango lang ito at nagsimula ng lumabas ang dalawa sa pinto, dinala naman niya ang laptop para magawa ang mga deadline niya for today ayaw na niyang magovertime pa. Sa isang malapit na coffee shop sila pumunta. “Bes bakit mo pa dinala yang laptop mo chikahan muna tayo mamaya na ang work mo.” Pansin ni Sharm ng makita siya nitong nagbubukas ng laptop. “Okay lang bes kaya ko naman mag multi task ayaw ko lang magovertime mamaya” sabi nito sabay sulyap sa boss na kaharap. Nagsimula ng magkwentuhan ang dalawa si Sharm at Ellsworth at mukha naman nagkakasundo na sila since pareho silang tumira ng America, si Cham naman ay busy na sa kanyang laptop at paminsan-minsan ay kinakamusta ito ng kaibigan kung okay lang siya since hindi siya nakikisali sa usapan ng dalawa. Ngayon lang narinig ni Cham ang pagtawa ng malakas ng boss niya at mukhang pareho naman sila ni Sharm na masayang naguusap, sinusulyapan niya ang dalawa paminsan-minsan. “Grabe noh malapit lang kaya kami doon sa San Jose lang kami maliit lang talaga ang mundo akalain mo dito pa tayo nagmeet” natatawang sabi ni Sharm. “Oo madalas ako sa SanJose since we have some relatives there.” Masayang tugon nito. “Do you have any siblings way back in America or dito ba sila nakatira?” saktong umiinom si Ellsworth ng tanungin ni Sharm at bigla naman itong nasamid at napaubo ng malakas. Agad naman na nagutos ng tubig si Sharm sa waiter at hinagod ang likod ng binata. “Ah sorry nasamid lang ako.” Agad na sabi nito pagkatapos makainom ng tubig. “Okay lang Cham kaw naman magshare ka naman what’s going on with you for the past few weeks” baling ni Sharm sa kaibigan, umangat naman ang ulo nito at nginitan ang kaibigan. “Nothing much ganoon pa din bes” pabulong na sabi nito. Dumako ang tingin nito sa lalaking katapat at agad na inalis ang tingin dito ng makita na nakatingin din pala ito sa kanya. “By the way Sharm I heard that your modeling, sakto were looking for someone that will model for us sa upcoming magazine launch namin” “Really your going to market na din ang magazine that’s nice to know. Sure it’s my pleasure to be part of it.” Masayang tugon ni Sharm. “Excuse me I need to go back sa office nagmessage sa akin si Ara and I think she needs my help iiwan ko muna kayo, bes maya na lang ulit tayo magusap ah” agad niyang tiniklop ang dalang laptop at nakipagbeso-beso sa kaibigan, tinanguan lang siya ni Ellsworth. *** Simula ng dumating ang kaibigan na si Sharm ay palagi itong nagpupunta sa opisina at laging naman itong kasama ni Ellsworth maglunch at minsan ay kasamang umuwi bihira lang din silang magusap dahil sa busy din ang kaibigan sa mga local modeling works nito. “Bes sa tingin mo okay ba si Ellsworth?” namilog ang mga mata ni Cham sa tanong ng kaibigan, andito sila ngayon sa isang malapit na restaurant sabay silang naglunch hindi nila kasama si Ellsworth dahil may appointment ito. “What do you mean?” inosenteng tanong nito. “I think I’m starting to like him. He’s gentleman and you know ang lakas ng dating niya sa akin.” Napalunok naman si Cham sa sinabi nito. “Ah hindi ko alam bes, nililigawan ka ba niya?” naiilang na tanong niya. “No but I think he likes me too. Ilang araw na din kami nag date I guess it’s a date.” Tumango-tango lang si Cham. “Well mahirap magassume pero if ever manligaw siya I guess sasagutin ko siya. Single naman daw siya eh. Anyways how about you bes whats the stand between you and Brandon?” pagiibang tanong nito. “Ah were still friends yun lang ang kaya ko talagang ioffer.” Malamyang sagot niya. “Hi Sharm” napalingon naman si Cham sa taong bagong dating. “Hi Ells buti nakasunod ka.” Umupo na ito sa tabi ni Sharm at tinapunan lang ng tingin si Cham. “Yah I promised na darating ako.” Inabot naman ni Cham ang menu dito para makapagorder na. Tahimik lang na kumain si Cham habang ang dalawa ay patuloy pa din sa pagkwewentuhan. Laking gulat naman ni Cham ng may kamay na dumampi sa balikat niya. “Hi Mach you're here din pala, Hi Sharm long time no see” bungad ni Brandon. “Hey Brandon buti nakarating ka.” ngumiti lang si Brandon humila ng upuan at umupo sa tabi ni Cham, bumaling ang tingin ni Brandon sa katapat at tinignan naman ito ng masama. “Nrab ito oh order ka na.” sabi ni Cham sabay abot sa menu. “Mach may gusto ka pa bang orderin? Dessert you want?” alok nito. “Kaw bahala Nrab” sumilay ng unting ngiti na sabi ni Cham. Saglit lang din ay dumating na ang mga order ni Brandon at humabol sa pagkain dahil halos ang tatlo ay patapos na sa pagkain. “Brandon lalo ka yatang guma-gwapo ngayon inspired ka ba kay bes?” pagaasar ni Sharm. “Yes alam mo naman yun diba, si Mach lang naman ang inspiration ko” sabay baling nito kay Cham na nakayuko lang. Dahan-dahan naman na umangat ang ulo ni Cham at nakita ang mga nakangiti na si Sharm at Brandon. “Yie kinikilig ako. You really look good together sana lang I can hear wedding bells soon.” Pangaasar ulit ni Sharm. “Sana nga Sharm, ikaw ang kauna-unahang makakaalam niyan.” Pagak siyang napatawa at hinawakan naman niya ang kamay ni Cham at hinalikan. “Ano ba kayong dalawa kung ano-ano pinagiisip niyo.” Inis na sabi ni Cham. Naputol naman ang paguusap nila ng dumating ang mga dessert na inorder ni Brandon. “Mach say ah” sinubuan ni Brandon si Cham ng banana split, sa una ay parang ayaw umayon ni Cham para hindi mapahiya ang binata ay sinunod na lang niya ito. “Ano ka ba Brandon kaya ko naman” suway nito pagkatapos. “Bes isn’t it sweet okay lang yan PDA tayo-tayo lang naman eh.” Kinikilig na sabi ni Sharm, maang na napatingin naman siya sa katabi ni Sharm na boss niya kung ang dalawa ay masaya si Ellsworth naman ay nakakunot ang noo, nawala lang ito ng ginaya ni Sharm si Brandon at akmang susubuan ito. “Ells ako din makikigaya masarap to.” Nilingon siya ng binata at agad naman sumilay ang mga ngiti nito sa labi at dahan-dahan ibinuka ang bibig. “Thank you” maikling sagot nito, pinahid naman ni Sharm ang natirang Chocolate mousse sa gilid ng labi nito. Nakangiti naman siyang tinignan ni Sharm. Tinignan niya din ang bestfriend na kasalukuyang nakatungo pa din. “Bes join ka ba sa amin tomorrow?” pagiiba ng usapan ni Sharm, bahagya naman na umangat ang ulo ni Cham. “Saan ba yun bes?” mahinahong tanong nito. “Diba photoshoot na bukas for your upcoming magazine?” pagpapaalala nito sa kaibigan, pumayag na kasi si Sharm na maging model sa launch ng new magazine nila. “Ay oo nga pala sabado na bukas. Ewan ko lang kay boss if isasama niya ako.” Maang naman na napatingin siya sa huli. “Yes of course.” Seryosong tugon nito. “Yes excited na nga ako eh. Especially sa launch ng magazine niyo by nextweek sure ako na papatok yan.” Masayang sambit ni Sharm. “Oh siya bes I need to go patapos na ang lunch break ko kita na lang tayo tomorrow” akmang tatayo na sana si Cham pero hinawakan siya ni Brandon sa braso niya. “Sabay na ako sayo Mach hatid na kita.” Kinuha ni Brandon ang dalang bag at laptop ni Cham. “Sige bes see yah don’t work hard.” Nagbeso-beso sila ni Sharm at nagpaalam na din kay Ellsworth, tumango lang ito sa kanya, nagpaalam na din si Brandon pero kay Sharm lang. Pagbalik ni Cham sa pwesto ni Brandon ay agad naman siya nitong hinawakan sa kamay at sabay ng naglakad palabas. “Mach I miss you” bulong nito sa tenga nito. Kinurot naman siya ni Cham sa tagiliran. “Bibigwasan kita diyan eh.” Kinilabutan si Cham sa pagbulong na yun ni Brandon kaya automatikong namula ang mga pisngi niya. Laking pasalamat na lang talaga ni Brandon at tinext siya ni Sharm na magkasama sila ni Cham kaya agad na pumunta siya dito sa restaurant. Simula kasi noong nakaraan ay binigyan niya ng space si Cham masyado talaga siyang nasaktan sa huling tagpo nila lalo na sa mga binanggit nito na mga salita. “Mach kahit lagi mo ako saktan physically or emotionally I’m still the Brandon who’s inlove with you. Nothing will change.” Nakangising sabi nito pero kita naman ang pagiging seryoso nito sa mga mata nito. Bumitaw si Cham sa pagkakahawak ng kamay nito kay Brandon at nagsimula ng maglakad papunta sa parking lot hinabol naman siya nito kaagad. Sumandal si Cham sa pintuan ng passenger’s seat. Sinimulan na buksan ng binata ang pinto ng kotse sa likod para ilagay ang mga gamit ni Cham at binalikan ang kaibigan na nakatayo pa din. “Mach” nagulat ang dalaga sa ginawa ni Brandon, nilagay nito ang magkabilang kamay sa bubong ng kotse and she's in between of his arms halos magkalapit na ang mga katawan at mukha nila. “Brandon ano ba?” iritang sabi ni Cham. “Look at me Mach, I wanna know something.” Seryoso ang mukha nito at titig na titig kay Cham, ang dalaga naman ay biglang naman umiwas ng tingin sa katapat. Agad naman na hinawakan ni Brandon ang baba nito at ibinalik sa harap niya. “Nrab” mahinang sambit nito. Mas lalo siyang nabigla when Brandon kiss her on her lips. “Sorry Mach I really can’t help it. Hindi ko na alam ano gagawin ko, i really love you. Nababaliw na ako kakaisip sayo.” Hinaplos niya ang mga pisngi ng dalaga. “Hey bes andito pa pala kayo.” Halos mapatalon sa gulat si Cham pati na din si Brandon ng makita sila Sharm at Ellsworth sa di kalayuan. “Yah naguusap pa kami paalis na din.” Nakangising sabi ni Brandon. Nakita naman ng binata na masama ang tingin ng kasama ni Sharm sa kanilang dalawa. “Grabeng PDA bes ah. Nakakainis kainggit.” Kinikilig na sabi ni Sharm habang nakaangkla ang braso kay Ellsworth. Habang ang kasama ay nakatingin lang na diretso kina Cham. “Sige bes balik na ako sa office halika na Nrab” pinagbuksan na siya agad ni Brandon ng pintuan ng kotse. Pagupo niya ay nakita naman niyang kumakaway sa kanila si Sharm, tinapunan niya din ng saglit na tingin ang boss niya pero nakakunot na naman ang noo nito. “Mach I love you” masayang sambit nito hindi mapigilan ni Brandon ang damdamin at mapangiti ng todo sakapinaandar na ang kotse. “Ewan ko sayo kakainis ka” sabay inirapan ang binata. *** “Joe thank you sa pagsundo mo ah. Hindi pa kasi alam ni Sharm what time siya makakarating eh.” Maaga palang ay sinundo na siya ng entertainment writer nila sa bahay nila, ngayon ang mga photoshoot ng mga model for their magazine na gaganapin sa Tagaytay. “It’s my pleasure girlie kaw naman isang java chip lang keriboom na sa akin.” Natutuwang sabi nito at sabay ng sumakay ng kotse. “Oo bah basta may madaanan tayo I will buy you yung pinakamalaki pa.” nakangiting sabi nito. Si joe ang isa din sa mga napiling writer sa bagong magazine nila kaya kasama din ito buti na lang at may kotse ito kaya meron siyang makakasabay. Yung ibang writer kasi na natanggap ay mga freelance na siya lang ang bukod tanging napili na galing sa same company. Medyo natrapik sila sa may Silang Cavite, kanina pa tawag ng tawag si Ellsworth sa kanila. “Naku girl kaw naman sumagot kanina pa ako sinisigawan, buti siya ay nakamotor lang kaya madali makarating. Grabe yang boss mo ah kung sigawan ako wagas.” Nagtatampong sabi nito, nagpatuloy na lang ito sa pagmamaneho at ibinigay ang telepono kay Cham, naputol ang tawag pero ilang minuto lang ay nagring ulit ito. “Anong oras na pati ang mga model ay hindi pa kumpleto 30 minutes na kayong late” bulyaw nito, tama nga si Joe ang lakas makasigaw ni Ellsworth. “Sorry boss matrapik po dito sa Silang tatawagan ko na po ulit sila, text kita sa update.” Natahimik naman ang binata sa kabilang linya. “Sorry akala ko si Joe kausap ko, sige wait ko update mo. Thanks” mahinahon na sabi nito. Sinimulan naman niyang tawagan ang mga kinontrata na model pati na din si Sharm katulad nila ay natrapik din ito, habang may kausap sa telepono ay nakita sa labas ng may banggaan pala kaya matrapik buti na lang paglagpas nila ay maluwag na ulit ang daan. “Hay sakit na ng pwet ko dai ang tagal natin stuck doon ah” reklamo ni Joe. Ilang saglit lang ay narating na nila ang Tagatay Ranch, namangha ang dalaga sa paligid ang lawak-lawak nito madaming mga hayop may baka, kambing pero mas lamang ang mga kabayong iba’t ibang kulay may mga maliliit din na bahagi ng tubig na napapalibutan ng mga iba’t ibang klaseng puno, Nakita na nila ang kumpol ng mga tao. Pinark ni Joe ang kotse at agad silang bumaba. Sunod-sunod na din nagdatingan ang mga iba’t ibang kotse. “Where’s Sharm?” bungad sa kanya ni Ellsworth. “Medyo male-late daw siya may sumingit na meeting siya na napaka importante daw” pagkasabi nito ay agad na tumalikod ang lalaki at tumungo na sa mga photographer. Hinila naman siya ni Joe sa malapit na upuan at sinimulan na ang pagbukas ng mga laptop nila. Para umpisahan din ang interview sa mga model na isasalang. Lumipas ang mga oras at medyo madami na din silang nagawa at unti-unti na ding natatapos kuhaan ang mga model. Inabot na sila ng alas tres bago nangalahati ang mga ginagawa. “Where is Sharm now? She’s not answering my phone call” galit na sabi ni Ellsworth, kinagulat naman ng lahat ang lakas ng sigaw nito. “I’m sorry I don’t know either same as yours she’s not answering even my text.” Padabog na umalis ulit si Ellsworth. “Hay dai ninerbyos ako diyan sa boss mo ah, kung makasigaw wagas talaga.” Nanginginig na sabi ni Joe. “Oo nga akala mo siya lang ang naprepresure. Kainis” bulong ni Cham. “Dai kailangan ko na din umuwi maya-maya kasi may date pa kami ng boylet ko, darating naman ang bestfriend mo diba? Siguro pwede ka na sumabay doon?” “Ay oo naman walang problema. Magpaalam ka lang sa masungit nating boss ah” nakangising sabi ni Cham. Lumipas ang mga oras at halos sila na lang ni Ellsworth at isang photographer ang natira sa venue. “Boss darating pa ba si Ms.Alban?” narinig niya na tanong ng cameraman. “Cham did you hear that? Where is your friend is she's coming or not, if not we better pack up” galit na sabi na naman nito, napakibit-balikat lang ito. "I really dunno, hindi ko pa siya nakakausap" Sa hindi inaasahan biglang nagdilim ang paligid at parang nagbabadya ng malakas ng ulan, ang kaninang maaliwalas na panahon ay napalitan ng madilim na ulap. Alas singko pa lang pero animo ay gabi na. “Sh*t uulan pa yata.” Naiinis na sambit ni Ellsworth, napagdesisyunan nila na tapusin na ang shooting since mukhang wala ng pag-asa na dumating ang kaibigan na si Sharm. Umalis na agad ang cameraman at naiwan silang dalawa. Buti na lang at may itinayong tent dito para makasilong silang dalawa, nagsimula ng bumuhos ang malakas na ulan. “Paano tayo nito makakauwi? Ang lakas ng ulan” natatakot na sabi ni Cham, sabayan pa ito ng malalakas na kulog at kidlat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD