“Paano tayo nito makakauwi? Ang lakas ng ulan” natatakot na sabi ni Cham, agad naman siyang napatakip sa dalawang tenga dahil sa lakas ng mga kidlat at kulog.
“Don’t worry titila din yan.” Usal niya, titig na titig siya sa dalaga na mukhang takot na takot na.
“Natatakot ako” nanginginig na ang mga kamay ni Cham habang nakatakip padin sa mga tenga.
“Andito lang ako okay, hindi kita iiwan.” nilapit niya ang upuan sa tabi ng dalaga para tabihan ito.
Sobrang lakas ng ulan na parang bang hindi mo na makikita ang paligid sa sobrang dilim at sa dami ng ulan na pumapatak mula sa langit. Sunod-sunod din ang pagkulog at kidlat. Makikita mo itong gumuguhit sa kalangitan na tipo bang galit na galit.
“Wahh” sigaw ni Cham ng makita niya na parang may umabot hanggang lupa ang kidlat.
“Hussh okay lang yan wag mo na tignan pumikit ka na lang” agad naman na inakbayan ni Ellsworth si Cham at inilapit niya ito sa sa kanya. Parang bata naman na takot na takot si Cham at sumiksik ito sa dibdib ng binata. Hinaplos naman ni Ellsworth ang buhok ng dalaga para mapakalma sa sobrang panginginig.
"Wahh" sigaw ulit ni Cham ng marinig ulit ang kulog.
Lalong hinigpitan ni Ellsworth ang pagkakayakap kay Cham.
Dumilim na ng tuluyan ang kapaligiran tanging ang laptop lang ni Cham ang nagsisilbi ilaw nila.
Nang hindi na naririnig ni Cham ang kulog ay iba naman ang naririnig niya.
Tibok ng puso.
Nanlaki ang mga mata niya ng marealize na andito ang ulunan niya sa dibdib ni Ellsworth.
Hindi niya napansin na andito na sa tabi niya si Ellsworth at nakasiksik pa siya sa dibdib nito.
Agad siyang humiwalay dito.
"Shocks sorry, hindi ako alam na you know takot kasi talaga ako sa kulog at kidlat eh. Muntik na kasi kami maaksidente dati ng kidlat noong bata pa ko, kaya grabe takot kanina. Sensya na" mahabang explanation nito.
Napangiti naman ng lihim si Ellsworth coz she looks cute explaining while blushing.
"Okay lang yun, i understand and no need to blush"
"Ahh ehh" napahawak naman si Cham sa pisngi niya.
"Ganyan lang talaga ako rosy cheeks" kiming natawa na lang si Cham sa hiya.
Para umiwas ay pumunta si Cham sa laptop niya.
Andito kasi sila sa bandang dulo ng Rancho malayo sa bahay ng tagapangalaga nito. Hindi nila alam kanino sila hihingi ng tulong, hindi naman makuha ni Ellsworth ang cellphone dahil nakalimutan niya ito at nailagay sa motor nito.
“Gusto ko na umuwi.”
“Don’t worry we pagtila ng ulan.” paninigurado ni Ellsworth nakakaawa na talaga ang itsura na Cham, unti-unti na ding lumalabo ang ilaw ng laptop. Ilang oras na din kasi silang nakaupo lang pero wala pa rin sila maisip na paraan para makauwi.
Ayaw naman nila sumugod sa ulan dahil motor lang ang gamit ni Ellsworth.
“Parang wala ng katapusan itong ulan Ells, wala pa rin signal ang cellphone ko pati ang internet hindi makaconnect” batid ng binata ang nangyayari hindi nila napaghandaan ito. Parang kala mo ay bagyo dahil sa lakas ng hangin, nawala nga ang kidlat at kulog pero malakas pa din ang ulan.
Kinakabahan na sila sa tent na tinayo nila konti na lang ay baka bumigay na ito.
“Okay lang ba kung iwanan kita dito saglit? Hihingi lang ako ng tulong.” Paalam ni Ellsworth.
“Ayoko natatakot ako.” tanggi ni Cham.
“Mababasa ka naman pag sinama kita baka magkasakit ka pa.” pag-aalala nito.
“Okay lang basta wag mo ako iwan. Ang dilim nakakatakot.” Pagsusumamo nito.
Matagal bago nagsalita si Ellsworth iniisip niya na malakas ang ulan at wala siyang kapoteng dala. Panigurado na basang sisiw sila nito. Nagsisisi siya tuloy bakit motor ang dala niya at hindi kotse.
Inayos na ni Cham ang laptop at isinilid na ito sa bag, inilagay niya ito sa loob ng jacket na pinahiram ni Ellsworth para hindi mabasa.
“Ano tara na?” yaya ni Cham.
“Teka nagiisip pa ako mahirap tong gagawin natin hindi ko alam saan ang pwesto ng nagbabantay dito. Yung may-ari kasi ang kausap ko dito kanina.” Tumayo na ito napahalukipkip at pilit na tinitignan ang paligid.
“Sige dalian natin kasi hindi ko na kaya ang lamig” mahina na ang boses ng dalaga sobrang panginginig na kasi ang nararamdaman niya halos tatlong oras na sila dito nastranded.
“Hintayin mo ako diyan okay kukunin ko yung motor wait lang” pagkasabi nito ng binata ay agad na tumakbo ito papunta sa hindi kalayuan na pinagiwanan nito ng motor.
Ramdam na din ng binata ang lamig dahil sa pinahiram nito ang jacket sa dalaga at isang manipis na t-shirt lang ang suot niya. Sinimulan na nitong paandarin ang motor at agad na pinuntahan si Cham.
“Let’s go” Sigaw ni Ellsworth. Dahan-dahan lang ang lakad ng dalaga dahil sa sobrang lamig na lamig na siya parang ang bigat na ng katawan niya.
“Yakapin mo ako ng mahigpit, bibilisan ko ang takbo” dugtong ng binata ng makasakay na si Cham. Kahit nahihiya ay agad naman sinunod ng dalaga ang utos nito.
Madilim ang lugar at patuloy pa rin sila sa pagtakbo, nararamdaman ni Ellsworth ang panginginig ng baba ni Cham na nasa likod niya.
“Hold on Cham okay” naramdaman na lang niya ang pagtango ng dalaga.
Sa hindi kalayuan ay may nakikita ng ilaw si Ellsworth binilisan na niya ang pagpapatakbo, nakikita na niya ang mga kwadra ng mga kabayo na siyang nagsisilbing liwanag sa paroroonan.
“Ells sobrang lamig na talaga parang hindi ko na kaya” daing ni Cham.
“Wait lang konti na lang makakarating na tayo panigurado ako na may malapit na bahay na dito.” Hinawakan niya ang kamay ni Cham na nasa bewang niya para makaramdam naman itong ng unting init.
Minaniobra naman ni Ellsworth ang motor sa likod ng kwadra at hindi nga siya nagkamali na may bahay sa likod nito. Pinark niya agad ang motor sa tapat nito at inalalayan na makababa si Cham na hinang-hina na sa sobrang lamig.
“Tao po” malakas na katok ni Ellsworth sa pinto. Ilang minuto niya kinatok ito bago may nagbukas. Isang matandang lalaki at babae ang bumungad sa kanila.
“Oh iho basang basa kayo ah bakit andito kayo.” Tanong ng matandang lalaki.
“Pasensya na po sa abala makikituloy lang po sana kami, ako po yung kausap ng may-ari ng Rancho na na nagphotoshoot dito kanina naabutan na po kasi kami ng malakas na ulan” mahinahong sabi nito, tumingin naman ang dalawang matanda sa babaeng nasa likod nito na sobrang basa na din at mukhang hindi na maganda ang lagay.
“Naku tuloy kayo, kayo lang ba ang natira?” tanong ng matandang babae.
“Opo nakauwi na po ang mga kasamahan namin.” Sagot ni Ellsworth, agad naman tumungo sa kusina ang matandang babae para magpakulo ng tubig pagbalik nito ay may dala na itong mga tuwalya.
“Dali na kayo at maligo baka magkasakit kayo kukuha lang ako ng masusuot niyo at ipapaayos ko na din ang kwarto na maari niyong tulugan, magkasintahan ba kayo?” usisa ng matandang lalaki.
Nagkatinginan naman ang dalawa at hindi alam kung sino ang sasagot sa tanong ng matandang kaharap.
“Opo” Sagot ni Ellsworth
“Hindi po” sagot ni Cham. Sabay pa silang sumagot at naguguluhan naman ang mukha ng matanda sa magkaibang sagot ng dalawa.
“Opo mag-asawa po kami, hindi kasi hindi na po kami magkasintahan.” Pahabol ni Ellsworth, nagtatakang napatingin si Cham kay Ellsworth hindi na siya nakasagot dahil hinila na siya ng matandang babae papuntang cr.
“Nakakatuwa kayong magasawa ah hindi niyo pa alam kung ano ang isasagot.” Natatawang sabi ng matandang lalaki. Natuwa na din si Ellsworth hindi niya alam bakit niya naisip ang mga sinabing kasinungalingan sa matanda.
“Iho sumunod ka na pagkatapos ng asawa mo mahirap matuyuan baka magkasakit ka, naayos ko na din ang tutulugan niyo andon sa may bandang kaliwa ang kwarto niyo. Pasensya na iisa lang ang kwartong bakante namen medyo maliit pa.” Tinuro ng matanda ang sinasabing kwarto at iniabot dito ang mga damit na susuotin nila ni Cham.
Sumunod naman si Ellsworth sa banyo, nakasandal lang siya sa haligi na pader na tapat ng banyo habang hinihinitay na matapos si Cham. Kinikiskis niya ang mga palad kahit na medyo naginhawaan na ay may nararamdaman pating lamig sa katawan. Bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang gulat na gulat na mukha ni Cham.
“Anong ginagawa mo dito.” Mahinang singhal ni Cham, nakatapis lang kasi siya ang akala niya kasi ay iaabot sa kanya ng matandang babae ang susuotin niya.
Ang kaninang malamig na pakiramdam ni Cham ay napalitan ng init ng pisngi niya sa tagpong nakita ni Ellsworth. Inabot nito ang damit na pampalit na hawak ni Ellsworth at agad na tumakbo sa kwarto na tinuro sa kanya ng matanda.
Napasapo naman sa mukha niya si Cham pagpasok sa kwarto. Hindi pwedeng dito sila sa iisang kwarto matutulog. Agad na nagbihis at inayos ang sarili, isinampay ang mga damit na basa inilabas niya din ang mga gamit na nasa bag para isampay din ito na nabasa din. Tinignan niya din ang laptop kung nabasa ba ito, agad niyang chinarge ito at tinignan kung gumagana na ulit ang internet ng may kumatok.
“Iha labas ka muna diyan humigop ka muna ng mainit na sabaw.” Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang nakangiting matandang babae.
“Salamat po nay sige po hintayin ko lang po yung kasama ko.” Tumango lang ang matanda at bumalik siya sa loob at naupo ulit sa kama.
Tinignan ni Cham muna ang cellphone pero wala pa rin signal at kahit isang text message ay walang pumapasok. Siguro dahil na din sa panahon na masungit kanina pa, bumukas na ang pinto at alam niya na si Ellsworth ang taong pumasok lumapit ito sa kanya.
“Cham nasaan na ang damit ko?” pinagsisihan ni Cham bakit umangat pa siya ng tingin sa lalaki.
Nakatapis lang din ito at kita ang kalahating katawan na ni sa panaginip ay hindi niya ninais na makita. Malaki ang mga braso nito, pati na din ang dibdib samahan pa ng mga muscle nito sa tiyan. Napaurong si Cham sa nakita agad naman niyang tinuro ang damit na nasa upuan.
“Sorry may hinanda daw na soup sila sa atin sunod ka ah” nahihiyang sabi ni Cham sabay tayo at lumabas na ng kwarto.
Agad naman siyang napasapo sa noo niya at napabuntong hininga, pinikit ang mga mata pero napasabunot siya sa sarili ng makita ang imahe ng binata kanina sa pagpikit niya.
Dumeretso sa kusina kung asan ang dalawang matanda, nginitian siya nito ng niyaya sa hapag-kainan.
“Iha ano pala ang pangalan niyong mag-asawa” napakunot naman ang noo ng dalaga sa narinig.
“Ah tay ako po pala si Ellsworth at Cham ang pangalan ng maganda kong asawa” sabat ng binata sabay akbay kay Cham. Napatingin naman siya dito na parang nagtatanong bakit ganoon ang pagkakasabi ng matanda sa relasyon nila.
Pinaghila ni Ellsworth ng upuan si Cham at umupo na din. Tinanong niya din kung ano ang pangalan ng dalawang matanda.
“Ako pala si Berting at ito ang aking may bahay na si Erlinda” magiliw na sabi ng matandang lalaki. Nilapag naman ng matandang babae ang kanin at tinolang manok sa mesa.
“Kumain lang kayo diyan ah at kami ay tapos na manonood muna kami ng balita mukhang may habagat eh kanina sabi sa balita ay baha na daw sa expressway mabuti at dito kayo nastranded lang banda” kwento ni Mang Berting.
“Sige po tay maraming salamat po.” Sambit ni Cham, nilagyan naman siya ng sabay sa mangkok ni Ellsworth at kanin sa pinggan nito.
“Okay ka na ba?” tanong nito sa kanya.
“Medyo” maikling sagot ng dalaga.
“Sige kumain ka na para makapagpahinga na tayo tapos bukas ng maaga uuwi na tayo” tahimik silang kumain at tanging tunog lang ng kutsara sa pingan ang naririnig.
“Bakit ka pala nagsinungaling sa kanila, nakakahiya ang bait pa naman nila sa atin” pambabasag ni Cham sa katahimikan.
“Wala lang naisip ko lang wala naman masama doon diba?” nakangising sagot nito, naasar naman si Cham sa itsura nito kaya pinagpatuloy na lang niya ang pagkain.
"Walang masama? Hindi naman tayo mag asawa, ang dali lang namansabohin na secretary moko" bulong ni Cham.
"Ayos na yun nasabi ko na hindi na pwedeng bawiin" pang aasar nito.
"Whatever" mas mahinang bulong ni Cham.
Pagkatapos kumain ay niligpit niya ang pinagkainan at hinugasan na rin, tinulungan naman siya ni Ellsworth na ilagay ang mga pinggan sa lagayan.
“Oh iha ikaw na pala ang nagligpit halika manood muna kayo bago kayo matulog para bumaba ang kinain niyo” yaya ni Manang Erlinda.
“Ayan grabe na ang baha sa Maynila, diba taga Maynila kayo?” bungad ni Tatay Berting pagupo nila sa sala. Binabalita kasi ang salanta na idinulot ng ilang oras na pagulan.
Ang dami na din nastranded at binahang lugar sa Maynila at ibang parte ng timog katagalugan.
“Hala wala pa naman akong signal hindi ko alam ano na lagay nila ate” nag-aalalang sabi ni Cham.
“Ay ganito dito ineng pag malakas ang ulan humihina ang signal minsan wala na talaga.” Sabat ni Manang Erlinda.
Halos isang oras din silang nanood ng balita, bumibigat na ang talukap ng mata ng dalaga at parang sumama rin ang pakiramdam nito kaya nagpaalam na papasok na sa kwarto at matutulog na, sinundan naman siya ng binata.
“Paano yan isang kama lang dito? Wala naman akong matutulugan na sofa dito so no choice magkatabi tayo. Puro monoblocks lang ang meron sila.” Sabi ni Ellsworth at sabay sara ng pintuan.
“Sa monoblock na lang ako matutulog.” suhestyon ni Cham.
"Hindi na diyan ka na sa kama ako na sa monoblock" pinwesto na ni Ellsworth ang upuan na medyo malayo sa kama.
"Salamat" humiga at nagkumot na rin siya.
“Gusto mo ba patay ilaw matulog or iwanan lang natin nakabukas ang ilaw?” tanong ni Ellsworth nakatayo lang ito at naghihintay ng sagot ni Cham.
“Buksan mo na lang. Salamat” tumagilid na ito at nakaharap sa pader.
Masama man ang pakiramdam ay parang hindi naman dalawin ng antok si Cham tahimik ang paligid at tanging mga patak ng ulan lang ang naririnig. Nakakaramdam na naman siya ng panlalamig ng katawan kahit balot na ito ng kumot sa buong katawan.
“Are you okay?” napaigtad naman ng bahagya si Cham ng marinig ang tanong ni Ells akala niya tulog na ito.
“Hindi masyado nanlalamig ang buong katawan ko.” Mahinang sambit nito, nagulat siya ng dumampi ang kamay nito sa noo at leeg niya.
“Ang init mo ah, teka lang” tumayo ito at lumabas ng kwarto.
Lumabas si Ellsworth para humingi ng mainit na tubig kay Manang Erlinda, mukhang mataas ang lagnat ng dalaga pumunta siya sa kusina pero parang wala na ang dalawang matanda natutulog na siguro. Hinanap niya ang takure at nagsimula ng maginit ng tubig.
“Oh iho gising ka pa pala may kailangan ka ba?” nabigla naman si Ellsworth sa pagsulpot ni Manang Erlinda.
“Opo nay nilalagnat po kasi si Cham nagiinit po ako ng tubig saka kung pwede po sana makahingi ng gamot?” pakiusap nito.
“Aba’y oo naman teka lang at kukuha ako, kawawa naman ang asawa mo nilagnat na dahil sa naulanan kayo.” Tinanguan niya lang ang matanda at iniwan muna siya nito saglit, pagbalik nito ay may dala na itong mga gamot para mainom ni Cham binigyan din siya ito ng bimpo.
“Nay maraming salamat po talaga sa mga tulong niyo” nakangiting sabi ni Ellsworth, may dala na siyang isang maliit ng palanggana at isang basong tubig.
Pagbalik niya sa kwarto ay nakatagilid pa din niyang inabutan si Cham.
“Cham maupo ka muna uminom ka muna nitong gamot” pumunta sa gilid ni Cham ang binata nilapag nito ang palangganang dala at baso sa katabing mesa. Inalalayan niya itong makaupo halata na sa mukha nito ang sama ng pakiramdam.
“Salamat” malamyang sagot nito pagkatapos inumin ang gamot na binigay nito.
“Sige mahiga ka na ulit.” inalalayan niya ulit itong makahiga at sinimulan ng ibabad ang bimpo sa maligamgam na tubig at ipinahid sa noo nito, sa pisngi at sa leeg.
“Salamat talaga Ells” nakangiting sabi ni Cham. Sinawsaw ulit ng binata ang bimpo at ipinahid naman ang bimpo sa mga braso niya hanggang kamay.
“Wala yun magpagaling ka okay.” Nakangiting tugon din nito.
Pinagmamasdan naman ni Ellsworth ng palihim ang dalaga, naawa siya dito sa itsura nito hindi niya akalain na magkakasakit ito buti na lang may mabait silang nakilala na natuluyan nila. Hindi niya napigilan na haplusin ang noo nito pahagod papunta sa buhok nito. Mainit pa din ito.
“Okay na siguro yan Ells, matulog na tayo para maaga tayo makauwi bukas.” Sumang-ayon naman ito at isinampay na ang bimpo sa katabing upuan.
Agad naman nakatulog si Cham pagkatapos umepekto ng gamot. Pati si Ellsworth ay nakatulog na din.
“This is your Hell now and I am your Satan, we’ll play here till death”
“Don’t worry masasanay ka din, it will come to the point na hahanapin mo ang sakit na yan. Don’t worry it will be painless by then.”
Muli niya nakita ang tagpo sa panaginip na hinding-hindi niya inasam na maulit muli. Nararamdaman niya ang pag-iling ng ulo pero hindi siya magising sa masamang panaginip.
“Nagsisimula pa lang tayo young lady, madami ka pang iluluha gusto ko sa mga susunod na araw dugo na ang lalabas diyan sa mga mata mo”
“I told you we will play here till death, so you can’t escape from me. You b^tch”
Kahit sa panaginip ay ramdam na ramdam niya ang sakit na dulot ng nakaraan. Tumutulo ang mga pawis sa buong mukha ni Cham gusto man niyang magising pero parang wala siyang lakas na imulat ang mga mata.
Muling bumalik ang bangungot ng nakaraan.
Ang sakit na naranasan physically at emotionally.
Lalong bumilis ang mga pag-iling niya. At hindi alam ni Cham na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata.
Ang mga pagsusumamo niya sa misteryosong lalaki at paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan.
Ang mga pagmamakaawa niya dito sa walang habas na p*******t sa kanya.
“Ang sarap pakinggan na nagmamakaawa mas lalo akong ginaganahan na saktan ka.”
Paulit-ulit niyang narinig ang mala-demonyong tawa nito, tawa nito na nakakabingi tawa na nakakabaliw kung patuloy pa niya itong maririnig.
“Simula nang makita kita, lahat ng kasamaan gusto kung gawin sayo”
Naalimpungatan naman si Ellsworth dahil sa impit na iyak ni Cham, nagulat ito ng makita na umiiyak nga ito at tumatagaktak ang mga pawis habang paulit-ulit na umiiling.
Tinapik nito ang mga pisngi nito para magising.
“Cham, Cham, Cham gising nanaginip ka” paulit-ulit niyang tawag dito.
“Cham gising ka na please” natatakot siya sa nakikita sa dalaga.
Umiiyak ito sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha nito na para bang nanaginip ng sobrang lungkot at bakas din ang takot sa mukha nito.
Lalo niyang nilakasan ang pagtapik at pagyugyog dito. Kinakabahan siya dahil ilang minuto na din niya itong ginigising.
“Please kung sino ka man maawa ka naman sa akin. Pagod na pagod na ako.” Nagulat si Ellsworth ng bigla itong sumigaw. Pagkatapos nun ay nagmulat na itong ng mga mata at napaupo sa kama.
“Ayaw ko na. Hirap na hirap na ako.” Patuloy na pagsigaw nito. Napasapo ito sa mukha at humagulgol.
“Sinasaktan niya ako akala ko tapos na pero pati sa panaginip dinadalaw niya ako.” Garalgal na ang boses ng dalaga sa sabay-sabay na emosyon na nararamdaman nito. Pinunasan ni Ellsworth ang mga pawis nito at luha na patuloy sa paguunahan sa mga mata nito.
“Hussh andito lang ako wag ka na matakot” umupo siya sa tabi ng dalaga at niyakap ito ng napakahigpit habang hinahagod ang likod nito, ramdam ni Ellsworth ang panginginig ng buong katawan nito.
“Papatayin niya ako.” Narinig niyang bulong ng dalaga.
“Hindi totoo yan okay Cham panaginip lang yan. Andito ako hindi kita papabayaan.” Kumalas ang binata sa pagkakayakap at iniabot ang natirang tubig kay Cham para mahimasmasan ito.
Lumabas siya saglit at kumuha ulit ng tubig. Pagbalik niya ay nakaupo pa din ito at tulala. Iniabot niya dito ang baso ng tubig at agad naman ito ininom ng dalaga.
“Salamat Ells” sambit nito at yumuko. Tumabi siya dito at hinawi ang mga buhok na nagulo at nakaharang na sa mukha nito.
“Sorry hindi ako kaagad nagising okay ka na ba?” hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Cham at pinahid ang mga natitirang luha sa mga mata nito.
“Ayaw ko na ulit matulog” diretsong tingin na sabi ni Cham.
Malamlam ang mga mata ni Ellsworth na tinignan ang kabuong mukha ng dalaga, kitang kita pa din sa mga mata nito ang takot sa nangyari kanina.
“Kailangan mong magpahinga para gumaling ka” mahinang sambit ng binata.
Inihiga na niya si Cham at sumunod siya, inililagay ni Ellsworth ang ulunan ni Cham sa braso niya.
“Nakakahiya, ang awkward” tugon ni Cham, nakakakaasiwa ang pwesto nila ngayon.
Hinaplos haplos naman ni Ellsworth ang buhok nito.
“I’m just here para bantayan ka para hindi ka na ulit managinip ng masama, matulog ka na okay? Pumikit ka na, wala akong gagawing masama sayo.” bulong nito sa dalaga.
Inangat ni Cham ang ulo at tinignan ang binata, nagtagpo ang mga mata nila. Ewan ba ni Cham pero parang may kakaibang comfort ang dulot ni Ellsworth parang pakiramdam niya ay walang makakasakit sa kanya lalo na at nasa bisig siya nito.
“Salamat Ellsworth for taking care of me” mahinang sambit nito, agad-agad na naginit ang pisngi niya ng hinalikan siya nito sa noo.
“Masaya akong alagaan ka at kahit araw araw pa” mahinang sambit nito pero sobrang liwanang ang pagkakarinig ni Cham, hindi napigilan ng dalaga na mapakagat sa labi. Sobrang bilis na ng t***k ng puso niya.
“H-Huh” nauutal na tugon niya. Ayaw na sana niya malaman pa anong ibig sabihin ni Ellsworth pero parang nagkusa ang bibig niya na sambitin ito.
Imbes na sagutin siya ng binata ay hinawakan lang nito ang baba niya at ibinaba ang mukha sa mukha niya.
Magkatapat na sila halos isang pulgada na lang ang pagitan nila ramdam ang paghinga ng bawat isa. Gusto man umatras ni Cham pero parang hindi niya kaya. Kahit nakahiga ay parang nanlulumo ang tuhod niya.
Napapikit na lang si Cham ng maramdaman ang mga malalambot ng labi ni Ellsworth na dumampi sa mga labi niya.
Nagtataka siya sa sarili bakit ganito ang pakiramdam niya.
Parang sa isang halik ni Ellsworth.
She feel that she’s secured.
She felt an unexplainable emotion.
And above all wala siyang tanggi at daing sa ginawa nito.
“Goodnight my Cham” naalimpungatan siya na wala na pala ang mga labi nito at nakapikit pa din siya. Nakaramdam siya ng sobrang hiya.
“Goodnight Ells” nahihiyang sabi niya.
Ellsworth wrapped Cham again with his arms, this time its tighter.
He made sure na makatulog muna ng mahimbing si Cham bago siya natulog after that nakatulog naman si Ellsworth na may mga ngiti sa labi niya.