Chapter 23

3714 Words
Maliwanag na sa labas ng magising si Ellsworth. Nasa mga bisig niya pa din si Cham eto na naman siya at kusang napapangiti. Ang saya lang sa pakiramdam na pagmasdan ito na himbing na himbing sa pagtulog. Inayos niya ang mga buhok na natabunan na ang magandang mukha nito. May kakaiba siyang nararamdaman habang tinititigan ang dalaga. Hinaplos niya ang noo nito at mabuti naman ay wala na itong lagnat normal na ulit ang temperature nito. Hindi niya napigilan na haplusin din ang mga pisngi nito pati na din ang labi na hinagkan kagabi. Hindi niya din maintindhan ang sarili bakit ito nagawa kay Cham para bang may bato balani na humigop sa kanya para pagtagpuin ang kanilang mga labi. “Good morning” agad niyang bati at nginitian ito para maitago ang pagkabigla sa pagmulat ng mga mata ni Cham. Pero hindi lang pala siya ang nabigla, mas lalong nagulat si Cham sa pwesto nilang dalawa. Habang nakahiga siya sa braso ni Ellsworth siya naman ay nakayakap dito. Agad naman na inalis ni Cham ang kamay sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya. “Sorry good morning din. Sorry dko alam na na ganito na pala pwesto natin, oh my god nakakahiya.” Agad na tumayo ito at kinuha ang tuwalya na nakasampay. “Okay ka na ba? How are you feeling right now?” tanong niya pagkatapos ay bumangon na din. “Oo okay na ako maganda na pakiramdam ko sige maliligo na ako tapos ikaw din para makauwi na tayo” mabilis na sabi ni Cham at agad itong lumabas. Pagpasok sa banyo ay agad napasapo sa mukha niya si Cham. Sobrang siyang nagulat sa pwesto nilang dalawa ni Ellsworth hindi niya inaasahan na hanggang magising siya ay ganoon pa din ang pwesto nila ang pinaka-awkward pa doon ay niyakap niya pa ito. Wala na kasi siyang maalala after niya makatulog, pinipilit man niyang alalahanin hanggang doon na lang talaga, epekto na rin ng gamot na ininom niya. Napa-iling siya hindi niya makalimutan ang ngiti sa mga labi ni Ellsworth, ngiti na ngayon niya lang nakita. Naiinis siya sa sarili kaya naman agad siyang umalis sa silid, nahihiya siya dito na baka ano ang isipin nito sa kanya. Napasabunot naman siya sa buhok ng maalala pa ang tagpo kagabi. “Waahh ang tanga tanga ko talaga.” hindi na niya napigilan na mapasigaw ng mahina. Naalala niya na hinalikan siya nito kagabi dampi lang yun mabilis lang pero yung halik na hindi man lang siya tumanggi or nagreact, Hindi na niya alam paano pa haharap sa boss niya. Baka kasi ano na ang iniisip nito sa kanya ngayon. Na baka easy to get siya. Na may gusto siya dito. Na mahina siya at marupok. Dinaan na lang siya sa pagligo ang inis na nararamdaman sa sarili. Mamaya na lang niya poproblemahin ito gusto na niya talaga umuwi. Saglit lang siya naligo dahil malamig ang tubig at galing lang siya sa lagnat kagabi nakalimutan na niya humingi ng mainit na tubig sa pagmamadaling umiwas kay Ellsworth. “Ay kambing na hindi maanak” gulat na sabi ni Cham paglabas ng banyo, hindi niya nakita na nasa gilid lang pala ng pinto si Ellsworth at dala na din ang tuwalya nito. “Sorry nagulat pa yata kita” natatawang sabi ni Ellsworth. “H-hindi n-naman” nauutal na usal niya at patakbong pumasok ito sa kwarto. Agad siyang nagbihis at inayos na ang mga damit na pinahiram ng dalawang matanda. Isinilid na din niya ang mga pinatuyong laman ng bag niya na nabasa kagabi. Sumilip siya sa bintana at mukhang maganda na ang panahon at pwede na sila umuwi. Maganda ang tanawin na nasa labas may mga baka, kambing at kabayo sa hindi kalayuan. Nakikita niya din ang mga pato, bibe at mga manok na nasa bandang kanan na may parang maliit na sapa. Binuksan niya ang bintana ng bahagya at sumimoy naalala niya tuloy ang mga magulang sa probinsya. Sa pagmumuni-muni ay hindi niya napansin na nasa loob na pala si Ellsworth naramdaman na lang niya ang pagyakap nito mula sa likod niya ramdam niya ang lamig ng katawan nito.. Talaga namang literal na nanlaki ang mga mata niya. “Are you ready?” bulong nito sa may tenga niya. Hindi na siya makagalaw sa pwesto niya gustuhin man niyang makaalis sa pagkakayakap nito ay parang hindi niya maikilos ang katawan. “A-ah oo okay na ako” aniya. Pagkatapos niya magsalita ay agad naman siya kumawala sa pagkakayakap ni Ellsworth hindi na niya kaya ang nararamdaman na hiya dito para bang tumatalbog na ang puso niya sa kaba sa ginawa nito. Mas lalo siyang nagulat ng makita na naman itong nakatuwalya lang at nakita na naman niya ang katawan nito. Napangiti na lang siya para maitago ang hiya sa nakita. Kailangan na niyang umalis sa harap nito ayaw niya makita siya nito na namumula sa sobrang hiya. “Sige sunod ka na lang sa labas ah.” Agad niyang kinuha ang bag at laptop at patakbong lumabas ng kwarto. Paglabas niya ay sinalubong naman siya ng dalawang matanda na napakalaki ng mga ngiti. “Oh iha buti naman mukhang okay ka na. May kulay na ulit ang mga pisngi mo kagabi kasi namumutla ka” bati sa kanya ni Manang Erlinda. Pati pala ito ay napansin na ang pamumula ng mga pisngi ng dalaga. Napangiti lang siya at naramdaman na naman ang hiya. “Opo nay maraming salamat po talaga ah sobrang laking tulong po ng binigay niyo sa amin.” Nilapag niya ang mga dala sa katabing upuan at niyaya siya nito na magtungo na sa kusina para sabay-sabay silang mag-agahan. Tinulungan naman niya na maghain ang matanda at naglagay ng mga plato, kutsara at tinidor sa hapag-kainan. “Gaano na pala kayo katagal na mag-asawa iha? Mukhang bago palang ano?” hindi mapigilan ni Cham na mapangiti sa tinanong ni Manang Erlinda. “Newlywed pa lang po kami Nanay” sabat ni Ellsworth katulad ng kagabi siya ang sumagot sa mga tanong ng matanda habang nakaakbay na naman kay Cham. Tuwang-tuwa naman ang matanda na parang kinikilig, ginatungan pa ito ni Ellsworth ng nakawan siya nitong ng halik sa pinsgi. “Nakakadami ka na” bulong ni Cham siniko niya ito ng mahina at inalis ang kamay na naka-akbay sa kanya at mabilis na umupo na. “Naku naalala ko ang mga unang buwan namin ni Berting noong bagong kasal kami masaya. Sana lang magtagal pa kayo.” Masayang sambit ni Manang Erlinda. “Oo naman po masaya po kami ni Cham diba?” nakangiting sabi nito sabay baling sa kanya. Ginantihan niya lang ito ng maliit na ngiti at sinimulan na lang kumain. Katulad kagabi ay nilagyan siya nito ng mga pagkain sa plato nito. Naiilang naman si Cham sa mga kinikilos nito pero hindi na lang niya pinahalata. Pagkatapos kumain ay tinulungan ni Cham si Manang Erlinda sa kusina at ang dalawang lalaki naman ay naguusap sa may sala. Inabutan ni Ellsworth ng pera si Mang Berting bilang pasasalamat sa pagpapatuloy sa kanila sa magdamang at pagaasikaso sa kanila. “Naku iho hindi mo na kami kailangan bigyan nito, taos sa puso namin ang makatulong” iniaabot ulit ng matanda ang pera na inabot ng binata. “Hindi na po tay okay lang po iyan, itabi niyo na po yan bukal sa loob ko po yan sobrang laki po ng naitulong niyo sa amin ni Cham” hindi na nakatanggi ang matanda at nagpasalamat na lang dito. “Nay Tay salamat po talaga sa tulong ah sana makabalik po kami dito minsan” pagpapaalam ni Cham na kasalukuyang nasa labas na ng bahay, si Ellsworth naman ay sinimulan ng paandarin ang motor at nagpaalam na din sa dalawa. Sumakay na sila sa motor at kumakaway na nagpaalam sa dalawa. Inutusan na naman siya ni Ellsworth na yakapin siya para makakapit siya ng maige. Tahimik lang silang bumiyahe pabalik ng Maynila. Inabot din sila ng halos isang oras sa biyahe. Sa wakas ay nakarating na sila sa bahay ni Cham. Nakita niya na andito ang kotse ni Brandon sa labas ng bahay nila. “Ells pasok ka muna pahinga ka muna bago ka umuwi.” Yaya ni Cham pagkatapos tanggalin ng binata ang helmet niya. “Sige” inayos lang nito ang mga helmet at agad na sumunod kay Cham papasok sa bahay. “Bebe girl saan ka napadpad? Kahapon pa kami nag-aalala hindi kami nakatulog kakahintay sa’yo” bungad ng ate na si Mylez ang kaninang nag-aalala na mukha ay napalitan ng makita ang kasama na nasa likod nito. “Hi Ellsworth” sabay pang sabi ng dalawang ate nito. “Hello sensya na ngayon lang kami nakauwi nastranded kami eh.” Naguunahan naman na asikasuhin ng dalawang ate ni Cham si Ellsworth, hind sila magkanda-ugaga si Mylez ay inalalayan ito makaupo sa sofa at si Ading naman ay agad na pumunta ng kusina para kumuha ng makakain nito. “Mach nag-aalala kami sayo talaga buti na lang at safe kang nakauwi” singit ni Brandon tumayo ito nilapitan si Cham at hinalikan sa pisngi at para bang nag-aasar pa dahil sabay tingin nito kay Ellsworth. “Oo Nrab ayos naman ako nilagnat ako kagabi pero mabait yung natuluyan namen binigyan ako ng gamot, kaya okay na ako ngayon don't worry” masayang kwento ni Cham. "Yah don't worry inalaagan ko si Cham" singit ni Ellsworth. Napangiti naman ng maliit si Cham na para bang nahihiya sa sinabi ni Ellsworth. “Omg bebe girl? Don’t tell me magkasama kayo buong gabi ni Papa Ellsworth?” hiyaw ni Ading na kilig na kilig. Napaubo naman si Brandon. The fact pa lang na magkasama umuwi ang dalawa ay hindi na kayang tanggapin ni Brandon. Parang hinihiwa ang puso niya sa nakikita, pinapatunog ang mga daliri dahil sa inis. Itong isa na kailan lang nakilala ni Cham ay parang malapit na kaagad sila at nagagawa pa nitong pangitiin si Cham. Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya parang gusto niya ulit suntukin ito. “Oops sorry ano ka ba Ading dahan-dahan sa pagsasalita nandiyan si Brandon” bulong ni Mylez sa kapatid nakita kasi nito ang biglang pag-iba ng aura ni Brandon. Nagpaalam si Cham na magpapalit ng damit at umakyat na ito sa kwarto niya. “Ate mauna na ako” tumayo na si Brandon at nagpaalam sa mga ate ni Cham. Nararamdaman ni Brandon na kung magtatagal lang siya dito ay mas lalong lang siyang masasaktan. Naiisip pa lang niya na magkasama ang dalawa magdamag ay parang hindi na kaya ng utak niya. “Brandon dito ka na magtanghalian.” Yaya ni Mylez. “Hindi na ate sa ibang araw na lang.” mahinang sabi nito. "Uy soon brother in law , joke lang yun ah baka napikon ka?" ani Ading. "Hindi teh, mukha kasi may masamang hangin akong nalanghap sumama pakiramdam ko" anito sabay pukol ng masamang tingin kay Ellsworth nginitian lang siya ng huli. Tuluyan na itong nagpaalam at lumabas. Sabay naman napakibit balikat ang dalawang ate ni Cham batid nila ang pagseselos sa mga galaw ni Brandon. Pagsakay pa lang ni Brandon ay ibinaling na nito sa manibela ang galit pinagsusuntok niya ito at madiin na tinapakan ang silenyador. Ang matagal na niyang tinagong pagtingin sa kaibigan na ngayon ay sinabi niya na dito, akala pa naman madali lang. Dahil magkaibagan na sila ng matagal. Kala niya ay matatangap ni Cham ang pag-ibig nito pero parang puro akala lang pala. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong selos. *** “Cham tara lunch” nabigla ang dalaga na kasalukuyang nasa publishing area. Inakbayan siya ni Ellsworth habang tinitignan ang mga nililimbag na pahina ng mga magazines na ii-launch na sa biyernes. Napatingin ang lahat ng tao na nasa paligid sa inakto ng boss nila kay Cham. “May ginagawa pa po kasi ako” dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito dahil sa pag-kailang sa mga reaksyon ng mga tao sa paligid. "Mamaya na yan nagugutom na ako" Nagulat siya ng biglang hinawakan ni Ellsworth ang kamay niya at hinila na palabas ng publishing area. “Boss ano ka ba bitawan mo nga ako.” Tinignan naman siya nitong ng masama. “It’s your lunch break so meaning it’s not included in your working hours so don’t call me boss.” Inis na sabi ni Ellsworth. Napanganga si Cham sa sinabi nito. "Nakakahiya ang daming nakatingin" inis na reklamo nito at pilit na tinatanggal ang kamay na hawak ni Ellsworth. Bawat daanan nila lahat ay napapatingin dahil sa paglalakad nilang dalawa na magkahawak ang kamay. “So kasali na din ba sa job description ko ang hawakan mo ang kamay ko tapos akbayan ako?” Iritang sabi ni Cham. Napakunot naman ang noo ng binata. “That's a good idea maybe i can include it on your contract.” nakangising sabi nito, “Hay naku. Nakakastress ka.” Sabay irap sa binata. “Sakay ka na mahal kong prinsesa” pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at kinindatan bago isinara ang pinto. Napailing na lang si Cham sa inis sa pinapakita ng boss sa kanya minsan ay hindi na nakakatuwa. After kasi ng paguwi nila sa Tagaytay ay nag-iba na ang pakikitungo sa kanya ni Ellsworth may parang mali sa kinikilos nito. Ilang araw na siya hinahatid nito pauwi, araw-araw ay magkasabay sila maglunch at noong nakaraan ay binigyan pa siya nito ng bulaklak at chocolates. Tahimik lang si Cham habang nagtatanghalian sila ni Ellsworth panay naman ang sulyap nito sa kanya habang kumakain siya. “Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng binata. “Yah sumama lang pakiramdam ko, sumakit ulo ko.” Pagsisinungaling ng dalaga. Ngayon niya lang naalala ang huling mga sinabi ng bestfriend niya sa kanya about kay Ellsworth. Sinabi ni Sharm na type niya si Ellsworth, paano kung malaman ng kaibigan ang mga ginagawa sa kanya ni Ellsworth baka magalit ito sa kanya. Ito ang dahilan ng biglang pagtahimik niya, nababagabag siya kahit siya ay hindi inaasahan na hanggang paguwi nila dito sa Maynila ay ganito pa din ang pakikitungo sa kanya ni Ellsworth. Hindi na ito ang masungit na nakikilala niya noong una. Lagi na itong magiliw kung utusan siya. “Do you want to go home?” tanong nito, umiling lang siya. “Maya sa bahay ka magdinner ah, nagpaluto ako kay Nanay Mitring” nilingon ng binata si Cham na tulala lang na nakatingin sa labas. Nagmamaneho na si Ellsworth pabalik ng opisina. “Ayoko kailangan kong umuwi kagad..” Walang ganang sagot ni Cham. "Bakit naman? Wala ka naman pending na gagawin ah. Basta sa bahay ka magdidiner mamaya." "Bakit ba kailangan nandon ako? At saka pwede ba boss kita at hindi maganda na lagi tayong magkasama at lalo na pwede wag mo na ako hahawakan, nakakahiya sa mga nakakakita baka kung ano pa isipin nila" deretsang sabi ni Cham. Hindi na kasi tama baka ano na ang sabihin sa kanya ng mga tao sa opisina. "Uhmm o-okay" mahinang sagot nito. Pagdating sa opisina ay agad na bumalik si Cham sa publishing area. Hindi na siya sinundan pa ni Ellsworth pumasok na lang ito sa opisina nito. “Uy babae. Yung truth lang ah is boss making ligaw to you?” agad na usisa ni Joe pagpasok pa lang niya. “Hindi” mataray na sagot nito. “Libre kita mocha frappe friend. Kwento mo lang sa akin anong nangyari sa inyo sa Tagaytay” makulit na tanong nito. “Wala naman ako ikwekwento sayo friend.” Iniwasan na niya ang kaibigan at dumeretso sa mga printer. “I know your hiding something sa akin Cham malalaman ko din yan” pang-aasar ni Joe sa kaibigan, binigyan lang siya nitong ng isang masamang tingin at sabay inirapan. “Mukhang magkaka-boyfriend ka na friend gosh I’m so happy for you” bulong nito, sobrang inis naman na si Cham dito dahil kanina pa ito tinutukso. “Masyado kang malisyoso magtrabaho ka na nga lang, kaloka ka.” umupo na si Cham sa isang tabi at sinimulan basahin ang magazine na buo ng nailimbag. “Para saan ang flowers na hawak mo noong nakaraan aber?” pangungulit ulit ni Joe. “Hays ang kulit naiinis na ako isasalampak ko sa mukha mo tong magazine pag hindi ka nanahimik” magkasalubong na talaga ang mga kilay niya pati kasi ang mga tao sa paligid ay nakikitukso na din sa kanya. “Choosey ka pa teh all in package na ang boss natin. Sa-“ hindi na naituloy ni Joe ang pangungulit dahil sa hinampas na talaga siya ni Cham ng hawak ng magazine at tinakpan nito ang bibig niya. Nanahimik din si Joe sa panunukso kay Cham ng biglang dumating ang boss nila. “Cham come to my office please” tinignan muna ni Cham ang mga kasamahan lahat ito ay parang kunyari na walang narinig pero kitang kita naman kay Joe ang pagkakilig. Pagdating sa opisina ni Ellsworth ay agad na umupo si Cham sa desk nito at binuksan ang laptop. “Bakit mo po ako pinatawag?” mahinang tanong niya kay Ellsworth. “Wala lang diyan ka lang gusto kita nakikita palagi” Napakibit balikat na lang ang dalaga. At nagpanggap na lang na may ginagawa sa laptop niya. Wala pa rin siyang nagawa after shift, sinama pa rin siya ni Ellsworth sa bahay niya. “Bakit parang ang dilim? Wala ba si Nanay Mitring?” tanong ni Cham. “Siguro baka umalis. Halika na.” inalalayan ng binata ito na makababa ng kotse. Pagkababa ni Cham ay pumuwesto ito sa likod niya at nilagyan siya ng piring. “Huh para saan ito?” naguguluhang tanong niya. Nagsimula na silang maglakad hawak siya nito sa isang kamay niya at dahan-dahang naglakad. “Surprise ko para sayo.” Bulong nito sa tenga niya. Nagtaasan naman ang mga balahibo niya sa ginawa nito. “Huh? Suprise for what?” aniya. “Malapit na wait lang” Naramdaman na ni Cham na tumigil na sila sa paglalakad, tinanggal na ni Ellsworth ang tabing sa mata niya. Kinusot niya ang mga mata bago inilibot ang mata sa paligid. Namangha siya sa paligid. Ang swimming pool ay punong-puno ng mga floating candles na pula at puti. May isang bilog na mesa sa tapat niya may mga bulaklak dito at dalawang kandilang. Ang mga puno sa paligid ay nag-iilaw din dahil sa mga hanging candle lanters. Ang ganda-ganda ng paligid ng swimming pool. Ang dining table nila ay nasa ilalim ng isang magandang tent na gawa sa bamboo at napapalibutan ng puting silk na tela at may mga hanging candle lanters din ito sa taas. “Ang ganda naman dito.” Namamangha pa din sabi ni Cham. “I’m happy na nagustuhan mo” magiliw na sambit ni Ellsworth. May kinuhang remote si Ellsworth sa bilog na mesa at pagkatapos niya ito pindutin ay tumugtog ang isang magandang kanta. Nakangiti si Ellsworth na nakatingin kay Cham nang nagsimula ang kanta. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Cham at hinalikan ito. “I don’t know when it started but I guess you already caught me.” napalunok naman si Cham sa nirinig. “I’m starting to think of you before I go to sleep, every waking time ikaw pa rin naiisip ko. Bakit kaya noh?” Nakangiting sabi nito ulit kay Cham. “Ang korny ko it’s my first time to do these things these candles this kind of dinner ni hindi ko naisip before that i can be this romantic feeling ko kasi baduy pero masaya pala.” seryosong sabi ng binata. “Cham I don’t know how to court someone, I don’t know how to make you happy. It’s not my nature but I think I need to do my best for you to feel that I think. I already like you.” Namilog naman ang mata ni Cham. Napaatras ito ng bahagya. “Anong ibig mong sabihin?” inosenteng tanong ni Cham. “Simple lang Cham gusto ko lang malaman mo na.” pinutol niya ang sasabihin at tinitigan lang si Cham for minute. “Na mahirap man paniwalaan and I’m not forcing you to believe me right away okay. But the moment I kissed you I never felt this before nakakahiya man sabihin pero I think that you’re my property now.” Seryoso ang pagkakasabi ni Ellsworth. “Huh?” naguguluhan naman ang itsura ni Cham sa mga binanggit ng binata. “I’m sorry if im kinda possessive but before the end of this day I wanna know something and I hope na hindi ako mabigo.” Hindi na hinintay pa ni Ellsworth ang sagot ng dalaga agad niya na hinapit ang bewang nito at niyakap ng mahigpit. “I want you to be mine only mine” malambing na bulong ng binata. Gusto ng umiyak ni Cham sa sobrang kabog ng dibdib, hindi pa rin niya naaabsorb ang mga ibig sabihin ni Ellsworth. Sobrang bilis ng mga pangyayari na isang iglap na lang ay parang nagtatapat na ito sa kanya. Hindi ito ang kauna-unahang lalaki na nagtapat sa kanya pero tinatanong niya sa sarili niya bakit ganoon na lang siya kaapektado sa mga sinabi nito. Hindi na nga niya napigilan ang umiyak at hindi ito nakalagpas sa pakiramdam ni Ellsworth. Agad siyang binitawan nito at hinawakan ang mga pisngi nito. “Why you are crying? Did I say something wrong?” pinahid niya ang bawat luhang pumapatak sa mga mata nito. “Natatakot ako, natatakot ako masaktan” mahina at garalgal ang boses ng dalaga. “I won’t promise that I will not hurt you but I will do my best to always make you happy. I don’t want one more day to pass without you knowing how I feel about you.” Ramdam naman ni Cham ang senseridad sa sinabi ni Ellsworth, inangat niya ang mukha at tinignan ang mukha ng binata. “How about Sharm she likes you.” Malungkot na sabi nito. “I don’t like her, what happen between us is just pure business.” Mabilis na sagot nito. “But my bestfriend likes you” hinaplos ulit Ellsworth ang mukha nito. “Don’t mind her I know she will understand kung talagang totoo mo siyang kaibigan” nakangiting sabi nito. “Hindi ko alam I love my bestfriend and I don’t want to hurt her.” Napailing ang binata. “Stop being selfish Cham it’s time naman na ikaw ang maging masaya diba? Stop sacrificing your own happiness.” May kaunting tampo na ang tono ng binata. "Hindi ko alam ano isasagot ko" Hindi inaasahan ni Cham na magtatagpo ulit ang mga labi nila. Hindi maipaliwanag ni Cham ang pakiramdam may masaya na part siyang maramdaman and worried at the same time. Nagpaulit-ulit naman ang sinabi ng binata sa utak niya. Eto na nga ba ang umpisa na bubuksan niya ang puso para magmahal? Tamang panahon na ba para ipagkatiwala ang damdamin niya? Eto na ba ang sinasabi nila na pag-ibig? Handa na kaya siyang maging masaya sa piling ni Ellsworth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD