Chapter 24

3524 Words
Hindi na namalayan ni Cham at Ellsworth kung gaano katagal nila dinama ang halik sa isa’t isa. Basta ang alam lang nila ay pareho silang masaya. Mas makikita naman ang lubos na kaligayahan lalo na kay Ellsworth. Ang alam ng binata ay malaki ang mga magiging parte ng dalaga sa buhay niya the moment she saw Cham pa lang and he knew that he can protect this helpless woman. May mga kurot kasi sa dibdib niya tuwing nakikita itong malungkot at umiiyak. Nakangiting tinapos ni Ellsworth ang pag-angkin sa mga labi ni Cham. Pero nagulat siya ng may mga patulong luha sa mga mata nito. “Sorry If I’m being fast. Hindi ko lang mapigilan, the moment i first saw you pa lang hindi mo lang alam nagustuhan na kita. I tried to hide it by being mean to you akala ko rin kasi boyfriend mo si Brandon.” pag-amin nito sa kanya habang nagaalala sa patuloy na pag-iyak ni Cham. Tahimik lang si Cham at patuloy pa din ang pagluha. Hindi niya alam kung malulungkot ba siya or matutuwa sa itsura ni Ellsworth na mukha na talaga nag-aalala. “Yam tell me what’s on your mind. Please” napakunot naman ang noo ni Cham sa narinig. Hindi niya alam if tama ang narinig. Napaisip siya baka nagkamali ito ng pangalan ng ibang babae niya. “Yam what now? Please talk to me” hinawakan pa ni Ellsworth ang magkabilang pisngi niya ng hindi pa rin siya nagsasalita. Tumaas ang kilay ni Cham. Hindi na nga siya nagkamali ng pagkakarinig hindi nga Cham ang narinig. “Sorry Cham kasi ang pangalan ko hindi YAM!” inis na sabi ni Cham na may pagdidiin sa huling sinabi. “Hmm kaya pala ikaw sumimangot ano? So you think nagkamali ako ng sabi?” nakangising tugon nito. Inirapan naman siya ni Cham at biglang tumalikod naglakad papunta sa upuan. “You Are Mine” sigaw ni Ellsworth at agad na sinundan si Cham na nakaupo na. Tinignan naman siya nito na may pagtataka pa din. “Ano?" ani Cham. "Yam is you are mine, only mine please?" "You are mine pala yung mine, dami po kasi paandar akala ko name na ng ibang babae." napapahiyang natawa naman si Cham. “Ang korny mo hindi na bagay sayo ang mga ganyan ah. Last mo na yan” sabay silang nagtawanan, akala talaga ni Cham ay nagkamali na talaga si Ellsworth sa pagbanggit ng pangalan niya. Hinawakan siya ni Ellsworth sa dalawang kamay niya at hinalikan ito ulit. Sabay iniangat ang ulo nito at tinitigan siya ng mga malaking ngiti. “Pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging teenager bigla na lang pumasok sa isip ko yung YAM na yan. But it feels good everytime I'm telling it to you.” Napilitan naman na ngumiti si Cham dahil kung hindi baka lamunin na siya ng dibdib niya sa sobrang kabog. Ito na ba yung sinasabi nilang kilig? Kung kilig ang nararamdaman niya mas malala pa pala ito na sumakay siya sa isang rollercoaster mag-isa. Takot at tuwa ang nararamdaman niya kasi. Pero hindi man niya aminin mas lamang ang masayang pakiramdam. “Bakit ayaw mo na magsalita? Teka siguro gutom ka na noh?” Nagpaalam ito na papasok lang sa loob at kukunin ang pinahandang pagkain. Pagtalikod pa lang ni Ellsworth ay nagpakawala na si Cham ng malalalim na hininga. Ngayon niya lang naramdaman ang parang nauubusan ng hininga. Tumayo siya at lumapit sa pool ang gandang tignan nito kumikinang ang mga tubig dahil na din sa mga floating candles na andito. Isinasawsaw niya ang kamay dito at pinaglaruan ang tubig. Pagkarinig niya sa yabag ni Ellsworth ay agad siyang tumayo at bumaling dito. Dala nito ang mga pagkain at nasa likod nito si Nanay Mitring. “Hello good evening po Nanay” bati niya sa matanda na naglalapag ng mga pagkain sa bakanteng mesa. “Hello iha, enjoy your dinner” maikling sagot nito at agad nagpaalam. Inalalayan na ng binata na makaupo si Cham at nilagyan na niya ng mga pagkain ang plato nito. “Hope that you will like the foods, hindi ko pa kasi alam ang mga gusto mo.” Malambing na sambit niya sinalinan niya din ng red wine ang baso ni Cham. “Hindi naman ako mapili sa pagkain kahit ano.” Aniya at nagsimula ng simulan ang pagkain. Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunan, madami din mga tinanong sa dalaga about sa buhay nito sa pamilya niya. Hindi na nila namalayan na lumalalim na pala ang gabi. “I’m so proud of you Yam look at what you are now alam ko na madami ka pang maitutulong sa kanila I wanna meet them soon.” Namangha si Ellsworth sa mga nalaman sa dalaga, andito sila ngayon sa ilalim ng puno na may nilagay na wooden swing na pang dalawahang tao lang habang nakahilig ang mga ulo naman ni Cham sa balikat niya. “Salamat, kaya patuloy pa din ako nagsusumikap para sa kanila. Kanina pa ako nagkwekwento how about you? Tell me more about your family.” Tinanggal ni Cham ang ulo niya sa balikat ni Ellsworth at tinignan ito. “Hmm my family. Unlike yours we are broken family my mom and dad have their own families na kaya bilib ako sa family mo intact pa din kayo.” Nakangiting sabi nito. Medyo nalungkot naman si Cham sa narinig. “I’m sorry to hear that. Nasaan sila ngayon? Do you have siblings ba?” tanong ni Cham. Matagal bago nakasagot si Ellsworth pero si Cham ay nakatingin pa din sa kanya na parang naghihintay sa mga sagot niya. “My parents are in US, siblings hmm wala” “Talaga only child ka lang. Medyo malungkot yun ah.” Usal ni Cham. Napailing naman si Ellsworth sa sinabi ni Cham kaya tinignan nito ang orasan. “10 na pala halika na hatid na kita maaga pa tayo bukas.” Sumangayon naman si Cham. Tumayo na siya at sinundan si Ellsworth papuntang garahe. Tahimik lang sila sa loob ng kotse. Hindi na muli nagsalita si Ellsworth simula ng sumakay sila dito, kinuha na lang ni Cham ang cellphone at tinignan kung may mga mensahe siya at hindi siya nagkamali na hinahanap na siya ng mga ate niya. “Yam thanks for spending your time with me” magiliw na sabi ni Ellsworth andito na sila sa tapat ng bahay nila Cham. “Hindi ka na ba papasok?” yaya ni Cham. “Sige sasaglit lang ako para makita ako ng mga ate mo” magkahawak kamay silang pumasok sa loob, pagbukas ng pinto ni Cham ay gising pa nga ang dalawang kapatid. “Hi papa Ellsworth goodevening.” Malaki ang ngiti na bati ni Ading. “Hello ate sorry if nalate si Cham umuwi, doon kasi siya sa amin nagdinner.” Sabay naman namilog ang mga mata ng dalawang ate ni Cham. “Sige ate uuwi na si Ellsworth maaga pa kami bukas. Nagpakita lang siya sa inyo.” Napanga-nga naman ang dalawang ate ni Cham hindi pa din makamove-on sa narinig. Lumabas na ang dalawa ng hindi namamalayan ng dalawang ate niya. “Nakita mo yun sistah? HHWW?” gulat na tanong ni Mylez. “Oo kitang-kita ng dalawang magandang mata ko. What is the meaning of this?” bulong ni Ading. “Hindi ko din alam kailangan natin alamin, kailangan makausap natin si Cham at gisahin natin. Ganoon na lang yun hindi man lang tayo nainform? Hays inagaw niya sa atin si Papa Ellsworth” malungkot na sabi ni Mylez na umaarte na kunyari ay naiiyak. “Huhuhuhu akala ko pa naman si Ellsworth ang tutupad ng mga pangarap ko.” Nakigaya na din si Ading kay Mylez na kunyari ay maiyak-iyak sa lungkot. “Thank you sa dinner at paghatid sa akin ah.” Aniya. Andito sila sa gilid ng kotse ni Ellsworth. “Ako ang dapat magpasalamat for giving me a chance to tell you my feelings for you.” Agad naman na nag-init ang pisngi ni Cham. Hindi pa niya ito deretsang sinasagot pero parang nalulunod na siya sa mga sinasabi at pinapadama nito sa kanya. “So Yam what do you think? Before I go I want to know your answer.” Dugtong nito ng hindi na sumagot si Cham. “Hmm hindi ka naman siguro nagmamadali diba?” nahihiyang sabi ni Cham. “Yes of course. But I want an assurance na you will be mine.” Titig na titig si Ellsworth sa dalaga. hindi naman pinapahalata ni Cham na abot-abot na ang kaba niya. Parang gusto na niyang sumagot ng OO pero madami pa din na bumabagabag sa isip niya. Tumango-tango si Ellsworth na parang hinihintay pa din ang sagot ni Cham. “Hmm pagiisipan ko pa ah. Sige umuwi ka na bukas na lang ulit tayo magusap” pagiiba ni Cham, naguguluhan pa din kasi talaga siya. “Whatever doubt you have in your heart I will make sure na mawawala yan. I’m willing to wait until it’s official na you are mine na.” nakangiting sabi nito, binigyan naman niya si Cham ng mabilis na halik sa labi at sumakay na ng kotse nito. “Goodnight my love. See you tomorrow” para namang tuod na nakatayo lang si Cham at hinatid na lang ng paningin niya ang umalis na binata ng hindi na niya na natatanaw ang kotse nito ay saka lang siya natauhan at pumasok na ng bahay. Pagpasok niya ng bahay ay nabingi siya sa tili ng dalawang ate niya. Napasimangot naman siya sa dalawa. “OMG! Bebe girl jowa mo na ba si Ellsworth?” agad na usisa ni Mylez. “Bebe girl masyado ka ng malihim sa amin ah parang hindi na ikaw ang bunsoy namin na palakwento.” Rinig sa boses ni Ading ang pagtatampo. “Ate hindi pa kami okay. Per-“ hindi pa tapos magsalita si Cham ay sumingit na kaagad si Ading. “Hindi pa kayo? Pero holding hands na kayo tapos may kiss pa tapos nagdinner ka sa kanila, tapos may flowers ka. Ano ba tawag doon bebegirl? Friendship?” sunod-sunod na sabi ni Ading. Napailing-iling na lang si Cham nakita pala ng dawalang ate niya ang paghalik sa kanya ni Ellsworth kanina. “Wag ka na magdeny bebegirl. Kita namin kasi nakasilip kami sa bintana.” Seryosong sabi ni Mylez. “Hay kainis kayo. You're invading my privacy” inis na sabi ni Cham pero agad naman siyang natawa ng naalala niya ang halik na yun. Sweet and romantic kahit mabilis. “So what now bebegirl? Deny ka pa ba?” pangungulit ni Mylez. “Hindi pa kami okay pinagiisipan ko pa” kita naman sa dalawang ate ni Cham ang kilig. Ang lalaki ng mga ngiti nila. “Tama yan bebe pakipot muna kunyari. Pero bakit kasi may kiss na eh.” Disappointed na sabi ni Ading. “Ewan ko sa inyo matutulog na ako okay, wag na kayo makulit.” Umakyat na si Cham sa kwarto niya pero naririnig pa din niya ang bulungan ng dalawa. “Teka paano na si Brandon bebe?” pahabol ni Mylez. Nagkibit balikat na lang siya sa narinig at hindi na sumagot pa. Ilang araw na din hindi nagpaparamdam si Brandon sa kanya mapatext or tawag wala. Mabuti na siguro yun mahalaga si Brandon sa kanya pero talagang kaibigan lang ang turing niya dito. Baka masaktan niya lang ito pag pinilit pa. Pagkahilamos at nahiga na siya sa kama at agad na bumungad sa kanya ang text ni Ellsworth at nakangiti siya habang binabasa ito. “Yam I’m home now, hindi ako magsasawa na sabihin na I’m so happy everytime I’m with you. Sleep ka na I’m excited to see you again tomorrow. Sweetdreams my love” Ito ba ang namiss niya noong nasa college siya? Hindi man niya aminin sa sarili alam niya na kinikilig siya. Eto ba yung mga sinasabi ng mga friends niya na may mga boyfriend na noon na kahit mga simpleng bagay lang or salita ay kinikilig na sila. Napaisip si Cham, ibig sabihin ba ay may kaunting nararamdaman na siya sa binata? “See you tomorrow. Goodnight” Hindi niya natiiis na hindi magreply sa text ni Ellsworth. Agad naman na tumawag ito. “Hi yam sorry if naabala kita. I just want to hear your voice before I go to sleep.” Napatakip ng bibig si Cham dahil baka any moment ay bigla siya mapasigaw sa sinasabi nilang kilig na feeling. “Are you still there?” tanong nito ng walang narinig mula sa dalaga. “A-ah sorry yah dito pa ako.” Humugot ng malalim na hininga si Cham para pigilan ang sarili. “Sige bye love, Iloveyou” napanganga naman si Cham sa narinig at sunod-sunod na napalunok. “O-ok goo-goodnight” nauutal na sabi nito. Binaba na ni Cham ang telepeno at hindi na napigilan napatadyak sa hangin. Napaupo pa siya sa kama at kinurot-kurot ang mga pinsngi. She’s checking if gising ba siya or nananaginip lang. Gusto niya sumigaw pero walang lumalabas sa bibig niya. Ilang beses nagbuga ng hangin para makalma. Pero ng natauhan napasabunot na lang siya sa sarili. Dumaloy na naman sa pakiramdam niya ang takot. Takot ng nakaraan, paano kung malaman ni Ellsworth ang nakaraan niya baka bigla lang itong magbago ng nararamdaman para sa kanya. Padabog niyang inihiga ang katawan ulit sa kama, nagisip-isip siya pero parang lahat ay negatibo lang. Hanggang sa nakatulugan na niya. *** Dumating na ang araw ng pinakakahintay ng Benavidez Publishing ang grand launching ng new product nila ang magazine nila for men. Lahat ng staff na involve sa new project nila ay sobrang busy ngayon ang iba ay nasa venue na, gaganapin ito sa isang sikat na restaurant sa Makati. Tanghali pa lang pero aligaga na ang lahat para sa oras ng launch mamayang gabi. “Love you can go home as early as 4pm para makapagpalit ka na rin ng damit then I will just fetch you around 6pm.” Sabi ni Ellsworth andito sila ngayon sa mini library ng company nila dito nila tinatago ang mga bawat kopya ng mga inilathala nila, mapadyaryo man or komiks. “Sige kaya lang parang ayaw ko na ng sumama.”malungkot ang itsura ng dalaga. “Why?” seryosong tanong ng binata. “There will be some media na darating baka maungkat na naman ang alam mo na.” nakayukong sabi nito habang abala sa hinahanap. Hinahanap kasi nila ang kopya ng kauna-unahang komiks na nailathala ng Alban publishing. Pinapahanap kasi to ni Ellsworth dahil wala silang softcopy nito since nailimbag ito mga 15years ago pa. “Don’t worry about them ako ang bahala sayo okay.” Lumapit siya sa dalaga, hinawakan niya ito sa baba at iniangat ang ulo. “Alam mo naman what happen last time diba?” mahinang tugon nito. “Yah I won’t let it happen again.” Paniniguro ni Ellsworth. Dinampian niya ito ng halik sa noo. “Ok sige na nga sasama na ako.” Nakangiting tugon ni Cham. Ilang saglit lang ay nahanap na nila ang hinahanap. Mafeature kasi ito sa isang sikat na talk shaw dahil sa isang mga writer nito dati ay pumanaw na. “Ate okay lang ba itong suot ko?” tanong ni Cham ng isuot na ang binili sa kanyang dress ni Ellsworth. Isang sleeveless na plain pink dress at isang tiptoe na sapatos na 4inches ang suot niya ngayon. “Aba oo naman bebegirl halika na sa baba naghihintay na yung mag-aayos sayo.” Kinuha niya lang dadalhin na maliit na bag at agad na bumaba. Simpleng makeup lang ang nilagay sa kanya at binlower lang ang buhok niya. Ilang saglit lang ay may narinig na siyang sasakyan sa labas. “Bebe andiyan na ang lover boy mo.” Sigaw ni Mylez lumabas ito at sinalubong si Ellsworth, napanganga naman ang ito ng makita ang itsura ni Ellsworth. “Hi Ellsworth pasok ka.” Yaya ni Mylez. Simpleng Americana ang suot nito na may polo sa ilalim na black and white at nakabukas ang isang butones nakabagsak lang ang buhok nito na nagpadagdag ng malakas na dating ng binata. Inabot ng binata ang isang boquet ng rosas kay Cham at isang box ng donut sa kapatid nito. “Uy salamat dito bayaw” masayang sabi ni Ading. Tinignan naman ng matalim ni Cham ang ate niya sa pagtawag nito kay Ellsworth. “Ate sige aalis na kami.” Nagpaalam na ito at inihatid naman sila ng dalawang kapatid sa gate. Alas siyete pa ang event pero andito na sila 30minutes before magstart, madami na ding tao at media na naghihintay magsimula ang event. Meron din silang photobooth na inihanda at may stall din dito ng mga magazines para sa mga gusto ng bumili. “Let’s go sa photobooth.” Yaya ni Ellsworth. Pagdating nila ay agad dumami ang mga media na gusto rin silang kuhaan. “Ok smile in 1 2 3 “ utos ng cameraman ng photobooth. Halos masilaw na sila sa daming kumukuha na iba’t ibang camera sa tapat. Pagkatapos ay agad na naglakad palayo ang dalawa papunta sa mesa nila pero hindi sila nakaligtas sa mga makukulit na media. “Sir painterview naman po saglit.” Sabi ng mga ito. Hindi naman siya sumagot pero hindi pa rin ito nagsitigil. “Is Chamille Hontiveros your humor girlfriend?” nilingon niya ang nagtanong. “Yes and don’t ever dare ask more questions about her. I want privacy with my private life. You can only ask me if its about business matters.” Masungit na sabi nito, mas lalong hinigpitan ni Ellsworth ang pagkakahawak sa kamay ni Cham nararamdaman kasi niya na nagsisimula ng manginig ang mga kamay nito. “Tangap niyo po ba ang nakaraan ni Ms. Hontiveros after all what happen with her and Congressman Manlapas.?” may isang naglakas loob ng reporter ang nagtanong, nilingon ulit ito ni Ellsworth na may galit sa mukha, halatang nagpipigil ang binata sa narinig. “Did you hear me? I said you can only ask me if its business matters. But if you really want my answer and this Is the last time that you guys will interfere with my private life.” Galit na sabi nito. “I Love Chamile Hontiveros so much and what happen to her in the past won’t change what I’m feeling towards her right now. So kahit ano pa ang sabihin niyo nothing will change and no one can stop me loving her.” Pagkatapos niyang sagutin ito ay agad na umalis sila Ellsworth papunta sa mesa nila. Naiwan naman nakanga-nga ang mga reporter sa sinagot ng binata. “Bakit mo sinabi yun Ells” nagtatakang tanong ni Cham pagkaupo nila sa assign table nila. “Because it’s the truth Yam, hindi mo man sabihin pero alam ko na ayun ang pangamba mo sa akin. About your past diba?” nabigla naman si Cham sa narinig. Napangiti na lang siya ng pilit. Nilapit ni Ellsworth ang upuan kay Cham at hinawakan ulit ang kamay nito. “Tama ba ako” paguulit ni Ellsworth. “Yes” mahinang tugon ng dalaga. “As I said earlier. I don’t care about your past kahit ano pa yan tatangapin ko. We’re not in the past anymore nasa present na tayo. What I care for is what we have right now at ang alam ko lang ikaw lang ang mahalaga sa akin kung ano ka ngayon.” Napayuko si Cham sa narinig kay Ellsworth, tinago niya dito ang mga luha na biglang naguunahan lumabas sa mga mata niya. Hindi naman ito nakaligtas kay Ellsworth. “Don’t cry please” pagsusumamo niya, itinaas ni Ellsworth ang mukha nito at agad na pinunasan ang mga basang pisngi ni Cham. “Don’t worry tears of joy lang siguro ito. Masaya lang ako kasi, hmm kasi tanggap mo ako. Sana hindi ka magbago.” Sumilay na ang mga ngiti sa labi ni Cham. Ito lang naman talaga ang kinakatakot niya ang tungkol sa masakit na nakaraan. Gusto niya lang malaman kung tatangapin ba siya ni Ellsworth despite of her past. At sobra niya talagang ikinatuwa ng marinig niya ito sa binata infront of other people pa. “Yun lang ba ang doubt mo sa akin? So well tanggalin mo na yan dahil wala akong pakialam your all I want, your all I need sapat na yun para mapatunayan ko sa sarili ko. Mahal na kasi kita, mabilis man masyado pero ganoon talaga. Hindi ko na mapigilan.” Natawa naman si Cham, dahil ang cute tignan ni Ellsworth habang sinasabi ito, papikit-piklt pa. “Papacute ka pa hindi mo na kailangan yan okay.” Pinisil niya ang dalawang pisngi ni Ellsworth. “Oha effective ang beautiful eyes ko sayo.” Sabay silang tumawa, na para bang isang masayang magkasintahan wala silang pakialam sa mga nakatingin sa paligid basta ang alam nila ay masaya sila sa isa’t isa ngayon. “Umayos na nga tayo ang dami ng tao nakatingin sa atin.” Biglang nahiya si Cham ng makita ang mga tao sa paligid na halos nakatingin sa kanila, “I don’t care. So Ms. Chamile Hontiveros before the event start. Are you now my official girlfriend?” namilog ang mata ni Cham, pero agad naman niyang kinurot si Ellsworth. But she did not answer. “Again Ms. Chamile Hontiveros will you be mine now? Officially? And soon Legally?” agad naman napakagat labi si Cham. Si Ellsworth naman ay parang mukhang nagmamakaawa sa sagot nito. “Hmm” huminga muna siya ng malalim at ilang beses nag inhale exhale. "Please love, let me take care of you today, tomorrow and for the upcoming days and years." “Y-Yes” mahinang sabi ni Cham. “Again hindi ko marinig” pangungulit ni Ellsworth. “Yes.” Medyo nilakasan na ni Cham ang pagkakasabi. Napatayo si Ellsworth sa kinauupuan at nagtatalon. Pasuntok-suntok pa siya sa hangin. “I love you Chamile Hontiveros you are mine now” mahinang sigaw niya at hinalikan si Cham sa pisngi. #ChamElls
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD