Chapter 25

3460 Words
“I love you Chamile Hontiveros you are mine now” sobrang kaligayahan ang nararamdaman ni Ellsworth sa pagpayag ni Cham na maging sila na. Parang gusto na niya umuwi at masolo si Cham. “Ells tumigil ka na please nakakahiya baka maging headline na tayo sa mga tabloid bukas.” Pigil ni Cham sa kasintahan. Hindi kasi ito matigil sa pagsuntok-suntok sa hangin tapos bigla siyang hahalikan sa mga pisngi nito. “Masaya lang ako hindi ka ba masaya?” hinawakan ni Ellworth ang dalawang kamay ni Cham at madiing pinisil. “Masaya syempre pero nakakahiya kasi madaming media.” Mahinang tugon nito. Magsasalita na sana si Ellsworth pero biglang nagring ang cellphone ng dalaga tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay ng binata at kinuha ang cellphone sa bag nito. “Bes are you there na ba sa event? Sorry kakauwi lang namin from Palawan but I want to go there” aniya ni Sharm. Kaya hindi ito nakapunta noong nakaraan na photoshoot para sa magazine ng Benavidez publishing dahil nagkaroon ito ng biglaan photoshoot para sa ini-endorse niyang clothing company at agad na nagpunta sila ng Palawan. “Yes bes andito na kami habol ka hindi pa naman nagstart nasa Makati ka na ba?” sagot niya sa kaibigan, habang nakatitig lang sa kanya si Ellsworth. Napansin kasi ng binata na parang nag-iba ang aura ni Cham may lungkot na naman sa mga mata nito. “Yeah I’m here na sa Makati will be there in a bit. See yah bes miss you so much.” Natapos na sila magusap, pagbaba ng telepono ni Cham ay ramdam na dito ang lungkot na naman. “What’s wrong?” mahinang tanong ni Ellsworth. “Pupunta si Sharm and I feel guilty coz she likes you paano pag nalaman niya about us” nakayukong sabi ni Cham. “Hussh don’t feel like that she don’t a have right to get mad at you, first of all I never said that I like her and lastly I know she will understand you, it’s you're time to be happy right?” iniangat ni Ellsworth ang mukha ng dalaga at binigyan ito ng isang matamis na ngiti. “Sa tingin mo maiintindhihan niya ako? And talaga bang mapapasaya mo ako?” seryoso ang pagkakasabi ni Cham pero hindi mapigilan ni Ellsworth na matuwa sa sinabi ng kasintahan, napailing na lang siya dahil kung ano-ano ang naiisip niya sa huling sinabi nito. “I won’t promise na lagi kang magiging masaya sa piling ko, I know someday it will come a time na mag-aaway tayo, hindi magkakasundo, magkakatampuhan. Pero one thing for sure na alam kong kaya kong gawin na kahit kailan ay hindi magbabago” pinutol niya ang sinabi, seryoso na din ang itsura ng binata ng sabihin ito. Hinawakan niya ulit ang mga kamay ng kasintahan. Hindi ito ang unang magkakarelasyon ang binata pero ngayon lang niya talaga naramdaman ang eagerness na alagaan si Cham. Sa mga pinagdaanan nito sa buhay niya simula bata pa siya gusto niya sa na ang una at huling taong pwedeng magpasaya dito. Nararamdaman na niya na ito na ang babaeng matagal na niyang pinapangarap makasama sa buhay niya. Hindi man kapani-paniwala sa tingin ng iba dahil sa sobrang bilis ng pangyayari pero hindi na kasi niya kaya pang mag-aksaya ng oras. “Ano yung hindi magbabago?” curios na tanong ni Cham dahil sa pagputol ni Ellsworth sa sinasabi at medyo matagal din itong hindi na ulit nagsalita. Ngumiti muna si Ellsworth huminga ng malalim bago nagsalita ulit. “Hindi ako basta susuko sayo kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na makikinig ka muna sa akin, pag may nagawa akong mali bigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag at huwag na huwag ka kaagad gagawa ng desisyon na ikakasira ng relasyon natin.” Medyo naguluhan si Cham sa ibig sabihin nito medyo malalim, nginitian na lang niya ito. “Ganoon ba yun? Sorry hindi ko alam paano patakbuhin ang isang relasyon first time ko kasi. Kaya tulungan mo na lang ako intindihin ah.” Tumango lang ang binata bilang pagsang-ayon. Natigil ang paguusap nila ng lumapit si Joe. “Sir we will start in 5 minutes kumpleto na po lahat ng mga model natin and mga special guest.” Aniya, sabay binalingan ng tingin si Cham at binigyan ng nakakalokong ngiti. “Sige thanks for informing me. Yam excuse me punta lang ako sa backstage I’ll get back to you.” Nginitian lang ni Cham ang binata at umalis na ito. Samantalang si Joe ang pumalit sa upuan ni Ellsworth. “Madam mag de-deny ka pa?” nakangising asar nito sa kaibagan. “Ano?” inosenteng sagot ni Cham. “Yan diyan ka magaling friendship denial queen ka din. Sobrang kilig ko kaya sa mga pinagsasabi ng boss natin. Ang haba ng hair mo abot hanggang Mindanao eh.” Natawa naman si Cham sa kalokohan ng kaibigan. “Kahit ano pa ang sabihin niyo nothing will change and no one can stop me loving her.” ginaya pa nito ang sinabi ni Ellsworth kanina. Muli ulit nakaramdam ng kilig si Cham kabisado pa ni Joe ang sinabi kanina ng kasintahan. Nagtawanan na lang sila dahil sa pangungulit ni Joe. “Basta chismis hindi ka papahuli ano.” Natatawa pa din na sabi ni Cham. “Naman grabe ang sweet pala ni Boss ano? Hindi ko kinaya ang mga revalations tonight, sabi ko na nga ba may gusto sayo yun eh kahit kailan hindi ako nagkakamali sa hinala ko.” Patango-tango pa ito habang sinasabi ito. “Kahit ako hindi ko din kinaya ano. Unexpected lahat Joe sana magwork.” Biglang nagseryoso ang mukha ni Cham. “Friend kaya mo yan at last after one thousand year may jowa ka na, basta I’m just here if you need some advice pero hinay-hinay ka lang wag na wag mo ibibigay ang 100% ng pagmamahal mo, don’t forget na magtira para sa sarili mo kung sakali at sana naman wag mangyari na masaktan ka hindi ganoon kadali masaktan sa love.” Masaya si Cham sa sinabi ng kaibigan, sinagot niya ito ng isang mapait na ngiti. Bigla kasing nanaig na naman ang kaba at takot sa dibdib niya. Naramdaman naman ni Joe ang papanahimik ni Cham. “Uy wag masyado seryoso okay warning lang yun. Mahirap na masarap mainlove kaya binibigyan lang kita ng mga advise dahil ang love, dalawa lang ang pwede mo maramdaman diyan it’s either maging masaya ka or masasaktan ka or malulungkot. Pero magkapatid yan kaya hindi pwedeng mawala yan sa isang relasyon hindi naman pwede laging masaya, hindi rin naman pwede na laging masakit dahil pag ganoon kumalas ka na. Pantay lang dapat dahil sa bawat sakit may matutunan ka, pero nasa sa inyong dalawa yun kung paano niyo malalampasan iyon.” Ang lalim ng sinabi ng binata tama nga ang kaibigan nito dahil sa first time niya magka-boyfriend kailangan niyang maging maingat. “Sige ah basta kailangan ko ng advise sayo ako lalapit ah. Thanks friend ah hayaan mo lagi ko tatandaan wag masyado magmahal para hindi masyado masaktan.” Sumaya na ulit ang itsura ni Cham knowing na meron siyang kaibigan na sinusuportahan siya. “So cheer up dapat masaya ka dahil ang hot ng boyfriend mo for sure madami maiingit sayo.” Aniya sabay apir kay Cham. “Bessss” sigaw ni Sharm habang kumakaway-kaway ito sa kanya. Tumayo si Cham at sinalubong ito. Nagbeso-beso ang dalawa at niyaya ni Cham ang kaibigan sa mesa nila. “Naku bes nakakainis talaga yung biglaang project ko, gusto ko pa naman talagang makasama sa first magazine launch niyo. Kainis” maktol nito pagkaupo nila. “Okay lang yun bes next month pwede ka pa naman.” Pag-aalo nit okay Sharm. Natahimik na silang dalawa ng nagsalita na ang host ng event. Isang sikat na Actress ang pinakamain guest nila ang nag cover ng magazine nila. Samantalang si Ellsworth ay nasa may unahan mesa na kasama ng mga sikat din nilang panauhin. Mga host ng iba’t ibang talkshow. Mga iba’t ibang artista pa, editors at writers. Nagsimula na at isa-isang rumampa at naglabasan ang mga iba’t ibang model ng magazine, lahat sila ay maipagmamalaki talaga ang kagandahan ng mukha at katawan. Lahat sila ay lumulutang ang kagandahan ng katawan sa mga suot nila Merong naka backless at sobrang ikling maong shorts. Sinundan ng isa pang naka see through black dress na tipong maliliit na harang lang ang nakatakip sa mga maselang parte ng katawan nito at ng tumalikod ito ay kita na ang buong likuran nito. “Ay grabe naloka ako doon ah. Halos kita na lahat” gulat na sabi ni Cham. “Ganyan talaga bes pag men’s magazine masanay ka na” sabay turo ni Sharm sa dami ng lalaki ngayon sa paligid. Parang kanina lang ay wala masyadong tao pero ngayon halos mapuno na ang venue. Hindi nagpapatalo ang hiyawan ng mga manonood sa lakas ng tugtog sa sumunod na lumabas na model half Japanese kasi ito at sobrang kinis talaga. Nagulat na naman si Cham sa suot nitong sexy suit strap, na nagekis-ekis sa katawan nito nakikita ng bahagya ang dibdib nito at tanging ang gitnang maselan na bahagi lang ng dibdib nito ang nakatakip. Pati ang ibabang parte nito ay halos makita na mga isang strap lang ang nakatakip dito at pagtalikod nito ay kita na naman ng buong-buo ang behind nito. “Waa hindi na kaya ng mata ko ito bes” kunyari napapatakip ng mata si Cham. “Masanay ka na bes part ng work mo yan” natatawang sabi ni Sharm sa kaibigan. Napansin ni Cham na sinulyapan naman siya ni Ellsworth na malaki ang ngiti mula sa upuan nito. Binigyan niya din ito ng isang matamis na ngiti. “Yieeh bes nakita mo yun tumingin dito si Ellsworth at nginitian pa ako” kinikilig na sabi ni Sharm sa kaibigan, para naman na tinusok ang dibdib niya. Eto na at kinakabahan na siya pag nalaman ni Sharm. Nginitian niya lang si Sharm at hindi pinahalata ang pagka-ilang sa sinabi ng kaibigan, itinuon na niya lang ulit ang panood sa stage. Saktong may lumapit na waiter sa kanila at nagserve ng alak, hindi naman nag-atubili si Cham at kumuha nito, nakakaramdam na kasi siya ng tense any moment kasi pwede ng malaman ng matalik na kaibigan ang namamagitan sa kanila ni Ellsworth. Ininom niya ito ng deretso at pinagpatuloy ang panonood sa mga modelong nasa entablado. Ang sumunod na rumampa ay isang sikat na dj sa isang fm station, namilog ang mga mata nito sa suot nitong jumper na may maikling short at walang panloob tanging ang strap lang ng jumper nito ang nagkukubli ng dibdib nito. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga manonood ng lumabas na ang aktres na main cover ng magazine nila. Ang sexy nito sa suot na red corset at underwear lang ang pambaba nito na may mataas na boots. “Wow napapayag nila si Andrea Montes na mapasuot ng ganyan. Amazing” untag ni Sharm. “Oo nga bes puro wholesome ang mga palabas niya diba hindi ko din inexpect yun ah.” Sang-ayon ni Cham. Natapos ang pagrampa ng mga modelo at agad naman ipinakilala ang mga editor at writer ng magazine pati na rin ang mga sponsors. Nang tinawag na si Ellsworth ay maririnig ang sigawan ng mga babae at mga binabae sa paligid. Lahat ay parang kinikilig sa may-ari ng Benavidez publishing. “I wanna thank you all for coming in our launch of our magazine and I hope that you will also support our monthly issue.”pahayag ng binata. “Of course Mr. Benavidez we are all grateful that your company launched this kind of magazine here in the Philippines.” Tugon ng host. “Yah this is one of my dream before way back in America to also create my own published magazine here. I hope that everyone likes our first edition and it will be available nationwide tomorrow.” Nakangiting sabi nito. Pinasalamatan na ng host ang lahat ng naging parte ng first edition ng magazine, pagkatapos nito ay nagbabaan na lahat sa stage at sinimulan na ang party at namutawi na ulit ang maingaw na tugtog sa paligid. May isang exclusive table para sa mga bibili ng magazine at magpapapirma sa mga model na andito. Agad naman na bumalik si Ellsworth sa mesa ng kasintahan. “Hi Yam, okay ka lang ba dito?” bati ni Ellsworth pagbalik sa mesa nila ni Cham. “Oo ayos lang medyo nahihilo ako ng unti uminom kasi ako, naka apat na ako na baso.” Hayag ni Cham. “Relax ka lang diyan uuwi na din tayo maya-maya.” Nagulat naman ang dalawa sa pagbabalik ni Sharm nag banyo kasi ito. “Hi Ells” bati nito sabay halik sa pisngi ni Ellsworth. Napatingin naman muna ang binata kay Cham nakangiti lang ang dalaga, saka bumaling kay Sharm. “Hi Sharm, thanks for coming ah.” Malugod na sabi nito. “Yea I really apologize what happen last time.” Tumabi ito kay Ellsworth, napapagitnaan na ang binata ng dalawang dalaga. “That’s alright nagawan naman ng paraan.” Tugon nito, hinanap naman ni Ellsworth ang kamay ni Cham na nasa ilalim ng mesa at hinawakan ito. “So what’s your plan after the event tonight?” “Nothing just want to go home and rest maybe kanina pa kaming umaga ni Cham nagtratrabaho.” Aniya. Napatango lang si Sharm napansin niya na lalong lumapit ang upuan ni Ellsworth sa kaibigan. “Hmm did I miss something?” medyo iritang sabi ni Sharm, hindi kasi nakaligtas sa paningin niya ang magkahawak na kamay ng dalawa. “Bes let me explain.” Agad na sagot ni Cham. Akmang tatayo si Sharm ng pigilan siya ni Ellsworth. “No I will explain” giit ni Ellsworth kay Cham. “Bes” ungot ulit ni Cham. “Go ahead I will listen.” Umupo ulit ng maayos si Sharm at naghihintay ng paliwanag ng dalawa. “Sharm do you love your bestfriend.” Tanong ng binata, napataas naman ang kilay nito sa tanong nito. “Yes of course she’s like a sister to me.” “So I hope that you will be happy for us. I think that answers everything.” Namilog ang mga mata ni Sharm sa bigla hindi pa niya sigurado kung tama ang naiisip pero gusto niya makasiguro. “Can you please elaborate” sabi ni Sharm. “Me and Cham are now a couple, I love your bestfriend and she’s afraid with you coz she said that you might get mad with her.” Paliwanag ni Ellsworth. Nagulat si Sharm sa narinig, tama nga ang narinig niya ng una. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla, para noong nakaraang lingo lang ay ang sungit ni Ellsworth sa kaibigan tapos ngayon ay sila na. Pero agad din nawala ang pagkabigla niya at napalitan ng kasiyahan. “Gosh bes dalaga ka na. OMG! Like you have a boyfriend na, so you think bes magagalit ako dahil doon? Ganoon ba tingin mo sa akin huh? Of course I’m so happy for you.” Masayang sabi ni Sharm na may kaamang pagtatampo dahil sa nalaman na natatakot siya na malaman na sila na. Gusto niya nga si Ellsworth pero paghanga lang yun. Nakahinga ng maluwag si Cham ng marinig ang sinabi ng matalik na kaibigan. Tumayo si Sharm at nilapitan si Cham. “Halika nga dito bes, payakap ako.” Utos ni Sharm. Agad naman tumayo si Cham at lumapit sa kaibigan. Masayang tinitignan ni Ellsworth ang magkaibigan. “Bes thank you kala ko talaga magagalit ka sa akin.” Bulong ni Cham habang yakap ang isa’t-isa. “Never ako magagalit sayo yan ang tandaan mo ah. It’s time naman for you to be happy.” Hindi na napigilan ni Cham ang maiyak sa sinabi ng kaibigan. Mas lalo siya nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi na din napigilan ni Sharm ang maiyak dahil sa tuwa na sa wakas ang kaibigan ay sumubok ng magmahal. “The best actress goes to Ms. Chamile Hontiveros” sabi ni Sharm ng maghiwalay sila sa pagkakayakap. Sabay silang nagtawanan. “And the best supporting actress s***h bestfriend goes to Ms. Sharmay Alban” nag-apir ang dalawa at parang mga baliw sa kakatawa na may kasamang mga luha sa mga mata nila. Naalala ng dalawa ang kabataan nila, kung sino ang unang umiyak siya ang best actress. “Bes muntik na ako magtampo sayo doon ah.” Aniya ni Sharm. Nagpahidan naman sila ng mga luha ng isa’t isa. “Sorry bes sasabihin ko naman sana na talaga naghihintay lang ako ng pagkakataon.” Paliwanag ni Cham. Tumayo si Ellsworth at kinuha ang panyo na dala at pinunasan din ang patuloy pa rin na pagdaloy ng luha ng kasintahan. “Sharm thanks ah at least ngayon hindi na nag-aalala itong baby ko.” Nakangiting sabi ni Ellsworth. “Yah no problem basta ikaw basta alagaan mo yang bestfriend ko ipapahunting kita pag sinaktan mo yan tapos ipapadala kita sa Iraq” biro ni Sharm. Nagkwentuhan pa sila dahil ang daming tanong ni Sharm sa dalawa paano nabuo ang whirlwind romance love story nila. Nagpaalam na din si Sharm dahil tumawag ang manager nito at kailangan pa nilang magkita. “Siguro pwede na rin tayong umalis.” Sabi ng binata tinignan ni Cham ang oras at alas onse na pala. “Okay lang ba? Medyo madami pang tao.” Tugon ng dalaga. “Oo sila Ara at Joe na ang bahala dito.” Sumang-ayon na lang si Cham. Pumunta na sila sa parking lot at niyaya siya ni Ellsworth na pumunta muna sa bahay nito. Pagdating nila sa bahay nito ay sinalubong sila ni Nanay Mitring. “Hello Cham good evening” bati ng matanda, magiliw niya din na tinugunan ito. Pumasok na sila sa loob at dumeretso sila sa mini bar ng bahay nila Ellsworth. Kumuha ito ng isang bote ng alak, nagpahatid din ito ng makakain sa matanda. “Let’s celebrate our first day as a couple yam” lumapit ito sa kinauupuan ni Cham at nagsalin sa dalawang baso na nakahanda. “Baka malasing tayo nito ah hindi mo na ako mahatid” pag-aalala ni Cham dahil napapasarap na sila sa inuman nila. “Sabado bukas we don’t have work maybe you can sleepover here.” He shot a dirty look at her. Napaangat naman ng labi si Cham. “Huh dito ako matutulog?” marahan siyang umiling. Hindi naman sumagot ang binata bagkus ay tumayo ito at niyakap si Cham sa likod nito. Ramdam na ramdam ni Cham ang hininga nito sa likod ng tenga niya. “Yah please I wanna be with you, I wanna spend more time with you.” Malambing na bulong nito sa dalaga. Agad naman nagtayuan ang balahibo ni Cham sa epekto ng bulong nito sa kanya, pinaikot naman ni Ellsworth ang upuan ng dalaga hanggang sa magtapat ang mukha nila. Napangiti na lang si Cham sa sobrang kaba ng dulot ng pagtatagpo ng mga mata nila. “You are the most beautiful thing ever given to me. I thank god that he let us cross our path” magiliw na sabi ni Ellsworth habang hawak-hawak ang dalawang kamay nito. Hinalikan niya ito at tumingin ulit sa dalaga. “I hope that you will be my last. And I am your first and last, I’m really falling inlove with you.” nabigla si Cham ng makita ang nanunubig na mga mata ng binata. “I wanna say sorry in advance if I will make you cry, if ever maramdaman mo masaktan pero pangako ko hindi kita susukuan kahit anong mangyari. Ipangako mo lang sa akin na ganoon ka din sa akin.” Nagsusumamo ang mukha nito hindi maintindihan ni Cham ang nararamdaman ngayon, naguumapaw ang kaligayahan niya. “Yam will you promise me na hindi mo ako susukuan kahit anong mangyari?” pag-uulit ni Ellsworth. “Yes I promise na hindi ako susuko whatever problems na magkaroon tayo basta andiyan ka lang sa tabi ko.” Agad naman na pinahid ni Cham ang mga luha sa pisngi ng kasintahan. “I’m so happy right now hindi mo lang alam. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaligayahan.” Nawala na ang malungkot na itsura na ito. Ramdam na ramdam ni Cham ang senseridad ng binata. Sasagot pa sana si Cham pero naharangan na ang labi niya ng mga labi ni Ellsworth. Nararamdaman na niya ang pagmamahal nito sa mga halik niya. Buong loob naman siyang sumagot sa mga halik nito. Ang alam niya lang ngayon ay para siyang dinuduyan sa sobrang kaligayahan sa piling ni Ellsworth. Bawat galaw ng mga labi nila dulot ay kiliti sa puso ni Cham. Bawat segundo na magkalapat ang mga labi nila ay mas lalong sumisibol ang nararamdaman niya para dito. Hindi na niya namalayan na nakalagay na ang mga kamay niya sa batok ng binata. Mas lalong naging mariin ang sagutan nila ng mga halik. “I love you “ biglang tumigil si Ellsworth at binanggit ito. “I love you too” mabilis na sagot ni Cham na may ngiti sa kanyang mga labi. Ramdam ng dalawa ang parehong nararamdaman para sa isa’t isa, hindi na nila alintala ang tagal ng pagsakop ng labi nila sa isa’t isa ang alam lang nila ay ang dulot na kaligayahan nito. Ngayon ang araw ng pagsisimula nila ng pagbuo ng mga pangarap na magkasabay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD