Chapter 26

3451 Words
“I love you” paulit-ulit na binanggit ni Ellsworth sa kasintahan ng tuluyan ng maghiwalay ang mga labi nila. Lalo naman umapaw ang kaligayahan niya sa matamis na ngiti ni Cham. “Baka malunod na ako sa pagmamahal mo” biro ni Cham. Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng napakalaki sa sobrang saya niya sa piling ni Ellsworth ngayon. “Marunong naman ako lumangoy wag ka mag-alala sasagipin naman kita” nakangising sabi nito, lumapit na naman ang mukha ng binata sa kasintahan, automatikong napapikit naman si Cham. Dinampian siya ni Ellsworth ng halik sa noo nito at dalawang pisngi na nagdulot ng kakaibang kuryente sa buong katawan niya. “Masyado mang mabilis pero nararamdaman ko na mahal na nga kita siguro” sabi ni Cham ng muling nagmulat ang mata niya ng maramdaman na tumigil na si Ellsworth. “Wag mo madaliin ang nararamdaman mo sa akin, maganda kung kusa mong maramdaman ng buong puso mo. Ako kasi wala na akong alinlangan sayo. Nakangiting sambit nito. “Masaya ako ayun lang alam ko ngayon, thanks for coming into my life too” malambing na sabi ni Cham, hindi niya alam bakit sa sobrang saya ay nakuha pa ng mga mata niya na maluha ngayon. “So why are you crying again, you said you're happy.” Nag-aalala na tanong ng binata. “Wala lang masaya lang ako at the same time natatakot pa din ako.” Halata sa boses ni Cham ang pagpalit ng aura nito. Mas nananaig kasi ang takot na naman sa dibdib nito. “Why ano ang ikinatatakot mo?” mahinang tanong nito. “What if malaman mo ang nangyari sa akin baka iwan mo ako” mas lalong dumami ang luhang tumutulo sa mga mata nito. “Hush I don’t care kahit ano pa yan. Just believe me” pangungumbinsi ng lalaki dito. “But you have the right to know. I want to be honest with you at gusto ko ganon ka din sa akin.” Hindi mapigilan ni Cham ang hindi muling magbalik ang mga mapapait at masakit na nakaraan. Ilang beses siya napalunok ng gumuhit na naman ng nakaraan sa dibdib niya. “Yeah that’s good, an honest relationship tama ka don.” Aniya. “What If I tell you that I’m a r-r**e v-victim” nauutal na sabi ni Cham. Mahihimigan dito ang sakit at pait sa huling sinabi. Napayuko ito at tuluyan ng humagulgol. Napakagat labi si Ellsworth sa narinig mula sa kasintahan, napakuyom ito ng mga kamao niya. Ang kaninang masaya nilang oras ay parang biglang nabalutan ng madilim na aura. Hirap siyang tignan ang dalaga ngayon na kasalukuyang naghihinagpis. Parang naubos bigla ang lakas niya para aluin ito. Napasapo ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha, hindi niya kayang makita ang dalaga sa ganito ang itsura. Ramdam niya ang sakit na pinagdaanan nito. “Matatanggap mo ba ako?” mahinang tanong ni Cham na nakayuko pa din. Garagal na ang boses nito dahil sa walang tigil na paghikbi. Nagiipon pa ng lakas si Ellsworth kaya hindi ito makasagot sa dalaga, nanlulumo ang mga tuhod niya paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ng kasintahan sa tenga niya. Napahawak siya sa mesa dahil sa panghihinang nararamdaman. Isa lang ang iniisip niya kung paano ipakita at ipadama dito na kahit ano pang nangyari sa kanya at tatanggapin niya ito ng buong-buo. “Kung hindi mo tanggap okay lang sa akin don’t worry, gusto ko lang malaman mo kagad i just want to be honest ayoko na sa iba mo pa malaman.” patuloy ni Cham ng hindi marinig na sumagot man lang ang binata. Rinig na rinig na ang lakas ng hikbi ni Cham. Bigla naman natauhan na si Ellsworth sa huling sinabi nito at buong lakas na niyakap ang kasintahan. “Sorry nabigla lang ako pero wag kang mag-alala nothing will change. I still love you. Hindi mo ginusto ang nangyari sayo, it's not an excuse para hindi mahalin ang isang r**e victim.” Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga para ipadama dito ang senseridad niya sa sinabi. “Sure ka? Hindi man lang ba nag-iba tingin mo sa akin? Hindi mo ba ako nakikita as maduming babae? Kasi ako pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.” galit na sabi ni Cham, galit dahil sa nangyari sa kanya. Unang beses niya ito sinabi wala man lang ni isa sa pamilya niya ang may alam sa madilim na nakaraan niya. Pero ngayon nasabi na niya ito parang bumalik na naman ang sakit. Lumuwag ang pagkakayakap ni Ellsworth sa dalaga habang unti-unti na itong tuluyang kumalas. Itinaas niya ang mukha ng dalaga at tinititigan ito, basang-basa na ang mga pisngi nito dahil sa tuloy-tuloy na pagiyak. Hindi muna siya sumagot sa tanong ng dalaga bagkus ay pinunasan niya ang mga luha nito na sumakop na sa buong mukha nito. “Baby whatever happened to you in the past will really not change what I feel for you right now. Oo mabibigla ako, magugulat pero hanggang doon lang yun. Thank you for being honest with me, mahirap ang ginawa mong pag-amin kasi kung ibang lalaki ako baka ngayon pa lang iniwan na kita pero hindi kasi makitid ang utak ko. Mas iniintindi ko kasi kung ano ang nararamdaman ko para sayo sa kasalukuyan.” kinuha ni Ellsworth ang isang kamay ni Cham at itinapat ito sa kaliwang dibdib niya. “Damhin mo ang tinitibok ng puso ko, yan ang mahalaga husgahan ka man ng ibang tao ang importante alam mo sa sarili mo ang katotohanan. Simula ngayon at sa mga susunod pa na araw, buwan at taon para sayo lang titibok itong puso ko.” napaangat naman ng tingin si Cham sa kasintahan, ramdam pa din niya dito ang senseridad, buong akala niya ay magbabago ito sa mga nalaman. Mas lalo niya napatunayan na mahal na niya ang lalaki. Agad napawi na ang mga pag-aalala niya at pangamba sa nakaraan niya. Sapat na ito para mapatunayan na karapat-dapat na talaga siyang magmahal at tuluyang maging masaya sa piling ni Ellsworth. “Thank you Ells I’m so happy that you accepted me despite of what happened to me. I love you” nagulat naman si Ellsworth ng halikan siya ni Cham sa labi. Mabilis lang ito pero kakaibang pakiramdam ang dulot nito sabay ngayon ay tumayo ito sa kinauupuan at niyakap ang binata ng sobrang higpit. “Please. Alagaan mo ako ah kasi mula ngayon ibibigay ko na ang buong pagmamahal ko sayo at ang buong puso ko. Ingatan mo ako please.” Pagsusumamo ni Cham, gumuhit ang mga ngiti sa labi ni Ellsworth sa narinig hinagod nito likod ng dalaga. “Yes from now on I will take care of you, I will take care of your heart. I love you more and more every minute. Hindi mo lang alam mas lalo akong humanga sayo.” Si Cham naman ang kumalas sa pagkakayakap nila. “Thank you” masayang sabi ni Cham pero nagsimula na naman siyang maiyak. “Thank you din for trusting me, for letting me take care of you and letting me be a part of your life.” Aniya at sabay haplos sa mga pisngi ni Cham. Maluwag na ang pakiramdam ni Cham dahil alam niyang tanggap siya ng kasintahan, eto lang talaga ang pinakatatakutan niya ang hindi siya matanggap dahil sa nakaraan niya at ngayon tanggap siya ng kasintahan ay wala ng alinlangan pa ang dalaga para buksan ang puso sa pagmamahal. Ito na yata ang panahon na magiging masaya na siya sa piling ng isang lalaki na hindi pa niya naranasan dati. Niyaya siya ulit ni Ellsworth uminom at ipinagpatuloy nila ang celebration ng unang araw nila as an official couple. Couples with no doubts now. *** Maganda ang gising ni Ellsworth ng magising sa silaw ng liwanag sa labas. Katabi niya ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya ngayon at nasa mga bisig pa niya ito. Himbing pa din itong natutulog dahil sa anong oras na din sila natapos uminom. Tinitigan niya ang inosenteng mukha ni Cham at hindi mapigilan ang mapangiti, hindi niya inaasahan na magiging kanya na ang dalaga ng buong buo. Naramdaman siguro ng kasintahan ang pagtitig niya at hindi na siya nagulat ng magmulat ito ng mga mata. “Good morning” malambing na sambit ni Cham. Agad naman siyang dinampian ng halik ng binata sa noo. “Good morning din baby. How’s your sleep?” aniya, habang hinahaplos ang buhok ni Cham. “Masarap ang tulog ko, komportable naman ako.” Nakangiting sagot nito. “That’s good to know, dito ka lang ah tingin lang ako sa baba kung may pagkain na tayo.” Tumayo na si Ellsworth at bumaba para maghanda ng kakainin nila. Pagtingin sa orasan ay nagulat ito na alas dos na pala ng hapon. Tumayo na siya at inilibot ang paningin sa buong paligid ng kwarto ni Ellsworth, malaki ito at may sarili din itong sala set at may mini library rin. Pumasok siya sa banyo para tignan ang sarili, nagulat siya sa suot niya isang malaking t-shirt na panglalaki hindi niya maalala na nagpalit siya ng damit dahil sobrang lasing na siya. Naalala niya na nakatulog na pala siya at hindi maalala paano nakaakyat dito sa kwarto ng kasintahan. Mas nagulat siya ng makapa niya na wala na siyang bra. Bigla siyang namula iniisip pa lang niya paano ito nawala sa katawan niya, napatapik siya sa noo niya. Hindi niya talaga maalala ang mga nangyari na kagabi bukod sa lasing na siya ay sobrang pagod siya sa pag-iyak. Pilit niyang tinatandaan kung may nangyari na ba sa kanila. Napaupo na lang siya sa bowl dahil sa panlulumo habang sabunot ang mga buhok. “Baby andiyan ka ba?” nagulat siya ng kumatok at tinatawag siya ni Ellsworth, hindi niya alam paano ito haharapin nahihiya siya. “Baby open the door ano ginagawa mo?” tawag ulit nito. Dahan-dahan na siyang tumayo at binuksan ang pinto. “What happen bakit ganyan ang itsura mo?” napansin agad ng binata ang hindi maipintang mukha ni Cham. Lalong humaba ang nguso ng dalaga na parang gusto na naman maiyak. “Baby magsalita ka naman.” Iniangat ni Ellsworth ang mukha ni Cham at kita niya ang maluha-luha na namang mga mata nito. “Bakit kasi iba na ang damit ko? Tapos wala pa akong bra.” Nahihiyang sabi ni Cham. Pigil naman ang tawa ni Ellsworth at pinipilit na maging seryoso sa mga isasagot sa dalaga. “Syempre matutulog na tayo kanina kaya pinalitan kita ng damit ko, ako din ang nagtanggal ng bra mo.” Napayuko na naman si Cham sa hiya. Tama nga ang hinala niya na baka may nangyari na nga sa kanila. Naglakad palayo si Cham at umupo sa sala, agad naman siyang sinundan ni Ellsworth. “Bakit is there something bothering you?” tanong ng binata tinabihan niya si Cham at hinawakan ang mga kamay nito. “So nakita mo na ang buong katawan ko? May nangyari na siguro sa atin?” deretsang tanong nito at nakatingin lang sa kawalan. Hindi na napigilan ni Ellsworth na matuwa sa bintang ng kasintahan, ang cute nitong tignan kaya pala nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa suot niya. Lumingon naman sa kanya si Cham na may galit sa mga mata dahil nakita siyang nakangisi. “Nakakatawa ba? Kasi nakuha mo na ako.” Galit na sabi ni Cham, akmang tatayo ito ay hinila naman agad ito ni Ellsworth sa lakas ay imbes na sa sofa ulit ito mapa-upo ay nakaupo na ito ngayon sa lap ng binata. “Ano ba bitawan mo nga ako.” Pagpupumiglas ng dalaga, lalo naman hinigpitan ni Ellsworth ang yakap dito mula sa likuran. “Baby walang nangyari sa atin okay? Binihisan lang kita at saka diba dapat wala talagang bra pag matutulog? Walang malisya ang pagbihis ko sayo nakapikit naman ako eh” pang-aasar ni Ellsworth, totoong walang nangyari sa kanila, malaki ang respeto ng binata sa kasintahan. “Talaga?” mahinang tugon nito. “Oo naman hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ko sayo, I respect you and I don’t want to lose your trust with me.” Seryosong sabi ni Ellsworth. “Promise yan walang nangyari, wala kang nakita sa katawan ko?” parang bata na sabi ni Cham. “Yes promise.” Hindi niya talaga maitago ang kasiyahan na dulot sa kanya ni Cham. Ayaw man niyang ikumpara ito sa mga naging babae niya dati pero kakaiba talaga ito. Para siyang isang mamahaling babasagin na bagay na takot na takot siyang mabasag dahil baka mabasag at baka hindi na siya ulit makakita ng tulad nito pag nagkataon. “I love you” nagulat si Ellsworth ng tumayo si Cham at halikan siya sa labi. Napatulala siya ng saglit. “I love you too much” nakangiting ganti ni Ellsworth ng makarecover na siya sa ginawa ni Cham. Simpleng halik lang ito pero para sa kanya dulot nito ay kakaibang pakiramdam. Tumayo siya at niyakap ng mahigpit si Cham. Damang-dama niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya, pakiramdam niya talaga ay bumalik siya sa pagkabata na tipong bawat galaw at salita ng mahal niya ay sobrang naapektuhan siya. Kahit pala lalaki ay pwedeng tamaan ng sinasabi nilang kilig, “Let’s go downstairs Nanay Mitring cooked for us.” Yaya ni Ellsworth ng maghiwalay na sila sa pagkakayakap. *** Pagkatapos nila kumain ay nagpahatid na si Cham sa bahay nila para magpakita lang sa mga ate nito. Pero may lakad pa daw sila ni Ellsworth para makapag-palit na din siya ng damit. Tahimik ang bahay nila Cham ng dumating sila buti na lang at may susi siya ang alam niya walang pasok ang mga ito pag sabado. Pinapasok niya muna si Ellsworth bago naglibot sa bahay para hanapin ang dalawang kapatid. “Ate” sigaw ni Cham pag-akyat sa taas ng bahay. Tahimik pa din kaya napagpasyahan niya na puntahan ang dalawa sa kwarto nila. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang dalawang ate na himbing na himbing sa pagtulog. “Ateee” sigaw niya sa dalawa. “Oh ang ingay mo kita mong natutulog pa eh.” Ungot ni Mylez sabay paunat-unat pa halatang mga puyat ang mga ito. “Oh bebe girl andiyan ka na pala, akala ko hindi ka na iuuwi ni Ellsworth eh” bati ni Ading na umupo na mula sa pagkakahiga, nagpaalam naman siya dito kagabi na hindi na makakauwi para hindi mag-alala ang dalawa. “Bakit parang mga puyat kayo? Anong ginawa niyo?” nagtatakang tanong ni Cham sa dalawa mukha kasing mga walang tulog ang mga ito. “Naku bebegirl nagpunta kami ng bar kagabi kasama namin si Brandon” sabi ng ate niya na si Mylez habang pupungay pa ang mga mata. “Huh talaga? Anong oras na ba kayo nakauwi at mga mukha kayong wasted?” umupo si Cham sa kama at sumandal sa uluhan ng kama. “Anong oras na kasi nagyaya si Brandon mga 11pm na, sobra siyang nalungkot ng malaman na kayo na ni Ellsworth. Sikat ka na kaya bebe nasa balita ka kagabi eh.” Nanlaki ang mga mata ni Cham hindi niya inaasahan na lalabas kaagad ito sa tv. “At sobra kaming kinikilig sa mga sinabi ni Papa Ellsworth, grabe tumayo ang balahibo ko doon ah.” Kinikilig na sabi ni Mylez. “Kahit ano pa sabihin niyo nothing will change and no one can stop me loving her” pang-gagaya ni Ading habang yakap-yakap ang unan nito. “I want privacy with my private life” sinundan naman ni Mylez na talaga naman napapatalon pa sa saya. Hindi na napigilan ni Cham na mapangiti. Akala niya siya lang ang nakakaramdam ng kilig pati rin pala ang dalawang ate niya. “Talagang nakabisado niyo pa yun sinabi niya ah.” Kunyaring inis na sabi ni Cham. “Aba siyempre trending na nga kayo sa f******k malamang. I can feel it.” Aniya ni Ading. Naalala ni Cham na nasa baba nga pala si Ellsworth. “Teka ate mag-ayos na kayo okay andiyan kaya sa baba si Ellsworth.” Nagkislapan naman ang mga mata ng dalawa ng marinig ito. “Waah bakit hindi mo kaagad sinabi sige maliligo na ako.” Dali-daling umalis si Ading at pumasok ng banyo, naiwan sila ng ate na si Mylez. “Kawawa si Brandon kagabi lasing na lasing siya hindi na nga siya nakapagdrive hinatid na namin siya sa bahay niya nagtaxi na lang kami. Iyak siya ng iyak.” Biglang nagseryoso ang kapatid, bigla naman nakaramdam ng lungkot si Cham sa narinig. “Muntik na nga siya mabugbog buti na lang naawat kaagad ng bouncer.” Napakunot naman ang noo ni Cham hindi niya inasahan ang kwento ng kapatid. “Bakit naman umabot sa ganoon?” mahinang tanong niya. “Dahil sa kalasingan nag-amok siya ng away. Madami siya inamin sa amin, mahal na mahal ka daw niya pero hindi mo siya pinapansin. Tapos ang laki ng hinanakit niya bakit itong si Ellsworth ay saglit mo lang daw nakilala ito pa daw ang sinagot mo.” Nalungkot na din si Myles nakita niya ang sakit sa puso ni Brandon kagabi kaya talagang sinamahan nila ito kagabi hanggang makauwi ito ng ligtas. “Ate alam ko nasaktan ko siya pero talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya hindi ko siya pinaasa.” Napakibit balikat na lang ang ate nito, wala naman silang magagawa desisyon ng kapatid nilang si Cham kung saan ito magiging masaya. “Diyan kay Ellsworth sigurado ka na ba? Hindi mo pa nga siya ganoon kakilala sigurado ka na ba na hindi ka niyan lolokohin? Nag-aalala ako sayo dahil first time mo itong pumasok sa isang relasyon at ayaw namin na masaktan ka. Kung ako tatanungin gusto ko si Brandon para sayo since matagal na kayo magkakilala.” Tinignan ni Cham ang ate niya at bumuntong hininga. “Oo ate kahit ako hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko, mabilis oo sobrang bilis pero we can know each other naman in the long run, nakapagdesisyunan ko na susubok na ako ate wala naman siguro masama itry diba at least alam ko na magiging masaya ako. Masaya na ako ate never ko pa naramdaman ito dati.” Nakangiting sabi nito. Nginitian na lang din siya ng ate niya at ginulo ang buhok niya. “Sana nga siya na ang matagal mong hinihintay, hinay-hinay lang sa pagbibigay mo ng pagmamahal wag mo lahat ibibigay magtira ka para sa sarili mo ah. At wag na wag mo kakalimutan maging open sa amin ng ate Ading mo, andito lang kami para sayo.” Tinapik ni Mylez ang balikat ng kapatid sabay tayo para kumuha na din ng pang-ligo. “Ate salamat ah sa suporta. I love you ate” hinabol niya ito na palabas na sana ng kwarto at niyakap. “Wala yun bebe girl ang mahalaga maging masaya ka, i-enjoy mo yan ayan ang namiss mo noong teenager ka pa lang. Bagay na bagay kayo ni Ellsworth alam mo ba yun.” Kinikilig na naman na sabi ni Mylez. “Oh anong eksena niyo?” gulat na tanong ni Ading na galing sa banyo ng makita ang dalawang magkapatid na magkayakap. “Wala naman sabi ko lang na masaya tayo para kay Cham dahil at last may boyfriend na siya.” Kwento ni Mylez. “Ay oo bebe girl sobra kaming masaya at hindi ka na tatandang dalaga.” Natatawang sabi ni Ading sabay nagyaya ng group hug. Mas lalong nadagdagan ang kasiyahan ni Cham dahil sa pagkakaroon ng dalawang suportadong kapatid. “Sige tama na ang kadramahan natin may naghihintay sayo sa baba baka mainip yun.” Sabi ni Myles pagkakalas nila sa pagkakayakap. Agad naman na bumaba si Cham at nakitang seryosong nanonood lang si Ellsworth. “Sorry natagalan ako nagusap pa kasi kami nila Ate pasunod na din sila pababa.” Nakangiti naman itong sinalubong si Cham. “Yah that’s okay I just saw sa Entertainment news na andon na tayo yung nangyari interview sa akin kagabi. And I’m so proud that a lot of people will know about us, wala akong pakialam kung negative man ang tingin nila what important is ikaw.” Aniya, inunahan na niya ang kasintahan baka kasi ano naman ang maisip ni Cham maging emosyonal na naman ito ayaw na niya kasi itong nagiging malungkot. “Salamat Ells” maikling sagot ni Cham. “Please just call me baby too.” Paglalambing ng binata at sabay hapit sa bewang ng kasintahan palapit sa kanya. “Hmm nakakahiya eh hindi ako sanay” bulong nito. “Don’t be shy I want to hear it from you from now on please.” Pagsusumamo nito. “Sige na nga ba-baby” nauutal pa na sambit ni Cham. “Again please gusto ko yung pinakamalambing na tawag mo” pangunngulit nito. “Ehhh baby” mahinang sabi nito. “Ang hina naman eh, tell me I Love you Baby” nakangising sabi nito. Humugot muna ng malalim na hininga si Cham bago nagsalita. Iniharap naman siya ni Ellsworth sa kanya. Tumango ito at hinihintay magsalita si Cham. “Hmm I love you baby” pagkasabi ni Cham nito ay agad naman niyang naramdaman ang pag-init ng pisngi. Sinagot lang siya ni Ellsworth sa pamamagitan ng pagsiil ng halik sa kanya. Then she really could feel her cheeks turning red na talaga. “I love you more baby” sambit ni Ellsworth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD