Chapter 27

4454 Words
“Ate aalis muna kami ni Ellsworth ah.” Paalam ni Cham pagkatapos maligo ulit at magpalit ng damit. Kagagaling lang niya sa bahay ng kasintahan at sabi nito ay may pupuntahan daw sila unang date daw nila since official na mag-on na sila. “Sige bebe girl ingat kayo ah, Ells ingatan mo ang kapatid namin ah” habilin ni Mylez na kasalukuyang nagluluto sa kusina. “Opo don’t worry iingatan ko po si Cham” nagpaalam na ang dalawa, sumakay na sila sa kotse ni Ellsworth. “Saan tayo pupunta?” tanong ni Cham ng magsimula na magmaneho ang binata. “Secret muna siguradong matutuwa ka sa pupuntahan natin I don’t know if nakapunta ka na doon dati ako kasi hindi pa so I wanna try it.” Nakangiting sabi nito. Napaisip naman si Cham saan balak ng kasintahan magpunta hindi na lang niya ito kinulit at tahimik na lang habang nasa biyahe. Tumagal lang ng mga 30 minutes ay natanaw na niya ang CCP complex nakita na niya ang isang signage. Mukhang alam na nila kung saan sila pupunta sa STAR CITY. “Really baby sa Star city tayo pupunta” excited na sabi nito ng magpark na ang binata sa tapat nito. “Yes sabi nila okay dito, nakapunta ka na ba dito?” tanong nito habang tinatanggalan ng seatbelt si Cham. “Hindi pa, lagi ako niyaya ng mga classmate ko noong college busy naman ako palagi working student kasi. Excited na ako.” Masayang sabi ni Cham. Pagpasok nila ay agad bumili si Ellsworth ng ticket na ride all you can, pagkabili ay agad ikinabit ng staff ang tag kamay nila. Agad na silang pumasok unang bumungad sa kanila ang iba’t ibang stalls ng damit, accessories at kung ano-ano pa. “Baby ang cute oh I wanna wear this bili tayo” turo ni Cham sa isang headgear, iba-iba ang klase nito may bunny ear, may tiger, panda at lion. “Sige pili ka na” tugon ni Ellsworth, pinili ni Cham ang isang tiger headgear at kinuha niya din si Ellsworth at isinuot dito “Oh ayan ang cute na natin” masayang sabi ni Cham. “Huh pati ako? Ikaw na lang baby” gulat na sabi ni Ellsworth ng inilagay ng kasintahan ito sa ulo niya. “Sige na please tignan mo ang cute natin tignan” pagsusumamo ni Cham, parang nailang kasi si Ellsworth sa suot kinuha ni Cham ang isang katamtamang salamin at ipinakita nito ang itsura ng binata, napakibit balikat na lang si Ellsworth at pinagbigyan na lang ang kasintahan. “Sige na nga para sa baby ko” napilitang sabi ni Ellsworth sabay kinurot ang pisngi ni Cham. “Thank you halika dali picture tayo. First picture natin to.” Aniya sabay kuha ni Cham ng cellphone sa bag niya. “Ate favor naman po pakuha naman po kami ng picture, diba ang cute namin tignan?” magalang na utos niya sa tindera ng pinagbilihan nila ng headgear. “Oo bagay na bagay kayo. Sige ito na smile in 1 2 3” aniya ng tindera at sabay naman ngumiti ang magkasintahan, pagkatapos ay ibinalik na ng tindera ang cellphone ni Cham. “Ang cute cute natin dito baby. Tignan mo akalain mo may tinatago ka palang dimples” sabi ni Cham na may malaking ngiti sa kanyang mga labi. “Ikaw ang pinakacute dito. Iloveyou baby” hindi napigilan ni Ellsworth na halikan si Cham sa pisngi kahit mga nakatingin sa kanila ang mga tindera sa paligid. Ewan niya ba kahit sa napakasimpleng bagay na ginagawa ng kasintahan ay sobra siya nitong napapasaya. “Isa pang picture ako naman kukuha. Game 1 2 3” sabay pindot ni Cham sa cellphone niya. Pagkatapos nito ay naglakad na ulit sila papasok sa loob. Madami pa silang nakitang mga tiangge bago nila natunton ang mga rides. Makulay ang loob maliwanag at madaming mga tao since sabado ngayon. Naglakad-lakad muna sila at naghahanap ng pwede nilang unang sakyan. Namamangha naman si Cham sa mga nakikita ang dami mga rides at mga game stalls na pag naglaro kay ay pwede kang manalo na iba’t ibang klaseng stuff toys. “Let’s go dito tayo” biglang sabi ni Ellsworth at hinila siya papunta sa pila ng Bumper car. Ilang minuto din ang hinintay nila medyo mahaba kasi ang pila. “Hindi ako marunong magdrive baka hindi ako umandar diyan” malungkot na sabi ni Cham ng malapit na sila sa susunod na sasalang. “Don’t worry you don’t need to know how to drive a real car for you to be able to ride it.” Pagak na natawa ang binata sa pagka inosente ng kasintahan. “Eh paano aandar yun kung hindi ko alam” “May aapakan ka lang sa ilalim then imamaniobra mo lang ang manibela madali lang yun.” Paliwanag ni Ellsworth sa dalaga. Bumukas na ang maliit na gate papasok sa loob at isa-isa ng nagsi-upuan ang mga tao sa bump car. Inalalayan muna ni Ellsworth si Cham makaupo at isinuot ang seatbelt itinuro nito ang dapat niyang apakan para umandar at para tumigil din. Pumito na ang staff hudyat na pwede na silang magsimula umandar. Inapakan ng bahagya ni Cham ang sinabi ni Ellsworth para umandar siya sa una ay natakot siya dahil ang dami ng mga umaandar sa paligid niya. Tumingin siya sa paligid at hinanap ang kasintahan pero hindi niya mahanap nagulat siya ng umalog ang kotse niya lumingon siya at nakita ang nakangising si Ellsworth. “Baby common habulin mo ako” nakangising pa ding sabi ng binata. Nakakunot ang noo naman ni Cham at hindi na ito sinagot. Pinaandar na ulit ng binata ang kotse at lumayo kay Cham. Umapak na siya ng madiin para bumilis ang takbo gusto niyang makaganti sa pagbangga sa kanya ng kasintahan. “Hintayin mo ako lagot ka sa akin” sigaw ni Cham ng makita na naman nakangisi sa kanya si Ellsworth. Pero hindi niya mahabol ang kasintahan, nagsisimula na niyang magustuhan ang pagmamaneho ang sarap pala sa pakiramdam kaya lang hindi niya mahabol ang binata dahil laging may bumabangga sa sa kanya mapalikod at harap. “Baby ang tagal mo naman common and get me” pang-aasar ulit ng binata. “Wait ka lang malapit na ako” nakatawang sabi ni Cham. Mabilis na siyang tumatakbo ngayon at malapit na niyang abutan ang kasintahan. Kada malapit na siya sa binata ay lagi naman may bumubunggo sa kanya. “Ehh.. Kainis!” Sigaw niya ng gahibla na lang ay mababangga na niya si Ellsworth may umextra na naman isang kotse at binangga siya. Pinaandar niya ulit at buong pwersa na hinabol si Ellsworth pero nanlumo siya ng pumito na ulit ang crew hudyat na tapos na ang turn nila. Nakangusong tinanggal ni Cham ang seatbelt agad naman siyang pinuntahan ni Ellsworth at inalalayan ito tumayo. “Oh bakit nakasimangot ka?” tanong ni Ellsworth paglabas nila. “Hindi man lang kita nahabol nageenjoy palang ako tapos agad ang bilis naman.” Nakayukong sabi ni Cham parang bata ito tignan na natalo sa larong habulan. “Sige baby pipila ulit tayo diyan mamaya tapos magpapahabol na ako sayo ah wag ka na magtampo.” Iniangat ng binata ang mukha nito agad naman sumilay ang mga ngiti nito sa narinig. “Talaga? Sabi mo yan ah dapat hindi ka na mabilis magpatakbo ah. Dapat mga tatlong beses kita bubunguin ah.” Parang bata na sabi ni Cham, hindi naman napigilan ng binata ang hindi humagalpak ng tawa. “Oo baby sige na doon naman tayo.” Yaya ng binata at hinawakan ang kamay ng kasintahan pumila na ulit sila. Nakapila sila ngayon sa Blizzard isang klase ng roller coaster. Medyo mababa pa ito ikumpara sa roller coaster na nasa labas ng Star City. “Parang hindi ko kaya dito baby takot ako sa heights” takot na sabi ni Cham ng marinig ang mga tilian ng mga nakasakay na. “Andito lang ako wag ka matakot saglit lang naman yan” sabi niya na pagbibigay ng lakas ng loob dito. Saglit lang ay sila na ang sumalang unti lang kasi ang nakapila. “Ang lakas ng t***k ng puso ko, baba na lang tayo” sabi ni Cham pagkatapos ibaba ng crew ang magsisilbing harang nila sa katawan. Hinakawakan agad ni Ellsworth ang kanang kamay nito. “Enjoy mo lang promise after nito gagaan ang pakiramdam mo sumigaw ka kung gusto mo okay.” Aniya. Huminga ng malalim si Cham narinig na niya ang pito ng crew hudyat na at magsisimula na sila umandar. Sa una ay mabagal lang ang andar nila paakyat ng riles. Ang lakas ng paghinga ni Cham dahil unti na lang ay nasa tuktok na sila. Pagdating sa tuktok ay mabagal pa din sila ng biglang umandar ng napakabilis pababa. “Waaaahhh ayaw ko na. Bababa na po ako.” Paulit-ulit na sigaw ni Cham habang nakapikit. Paalog-alog sila habang mabilis ang takbo ng roller coaster. “Ang sarap sa pakiramdam baby taas mo isang kamay mo.” Sabi ni Ellsworth, nilingon niya si Cham pero nakapikit ito at nakangiwi na sa sobrang kaba. Gulo-gulo na din ang mga buhok nito. “Waaahhhh ayaw ko hirap na nga ako kumapit dito. Ayaw ko na baba na tayo please” sigaw nito ng nasa tuktok na naman sila. Mabilis na naman ang takbo nila pababa halos mabingi si Ellsworth sa mga sigaw nito. Hindi na lang nagsalita ang binata at pinagmasdan na lang ang itsura ng kasintahan na takot na takot na. “Waaa naiihi na ako sa takot hindi pa ba tapos. Ayaw ko naaaa.” Sigaw na naman nito. Sa pangatlong beses na pag-ikot. Naramdaman na ni Cham ang pagbagal ng takbo nila kaya ibinukas na nito ang mga mata niya. “Baby tapos na.” nakangiting sabi ni Ellsworth. “Ayaw ko na umulit dito. Halos lumabas na ang puso ko sa kaba” agad na tumayo si Cham at hirap na maglakad dahil sa panlulumo. “Sorry” maikling sagot ng binata nakita niya ang pamumutla ni Cham agad niyang inayos ang nagulong buhok nito. Naglakad-lakad ulit sila, bumili si Ellsworth ng maiinom nila dahil parang hindi pa rin humuhupa ang kaba ng kasintahan. “Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong niya kay Cham. “Oo okay na ako.” Nakangiting tugon nito habang sipsip ang shake na iniinom. “So let’s go to our next destination doon tayo sa gabi ng lagim” turo ni Ellsworth. “Huh nakakatakot diyan gusto mo na talagang atakehin ako sa puso eh.” Nagtatampong sabi nito habang nakanguso. “Hindi nakakatakot diyan fake lang naman yun para maexperience lang natin. Let’s go” pangungulit ng lalaki wala ng nagawa si Cham kundi ang sumunod. Pagdating pa lang nila sa labas ng entrance ay narinig na ni Cham ang nakakatakot na music agad naman nagtayuan ang mga balahibo niya naramdaman naman ni Ellsworth ang panlalamig ng kamay nito. “Ready na po ba kayo Sir?” tanong ng crew, mga walo silang sabay-sabay na papasok. Kasama nila ang isang grupo ng magkakaibigan. Naunang naglakad ang anim na kabataan at silang dalawa ang nasa huli. Naririnig na ni Cham ang sigawan ng mga ito sa unahan. Habang siya ay kapit na kapit sa mga braso ng kasintahan. “Waah” sigaw ni Cham ng may nahulog na isang malaking gagamba sa harap nila. Unting lakad lang ay meron naman kalansay na lumabas mula sa gilid nila napasigaw na naman siya sa gulat. Dumaan sila sa isang maliit na tulay at nanginginig na naglalakad si Cham dahil umuuga-uga ang tulay habang naglalakad sila. Halos maubusan na ng boses si Cham sa kakasigaw kung ano-ano kasi ang bigla na lang lalabas sa daan nila may mananangal, may pugot na ulo. “Hayss! Buti naman tapos na kakainis ka.” Tapik ni Cham sa braso ng binata pagkalabas nila. “Diba hindi naman nakakatakot puro props lang yun.” Nakatawang sabi nito. Hindi na nagsalita si Cham napagod ito sa sunod-sunod na sigaw. Lumabas sila at nakita na marami pa palang rides ang nasa labas. Dinala naman siya ni Ellsworth sa pila ng Pirate Adventures. “Baka nakakatakot na naman dito ah. Pagod na ako sumigaw” matamlay na sabi ni Cham. “Mukhang hindi naman” inakbayan niya ito at naglakad ng sabay papunta sa unahan. Sumakay na sila sa isang parang malaking salbabida na may upuan na kasya hanggang apat na tao. Inaagos sila ng tubig na papasok sa loob. Madilim ang loob mga maliliit lang na ilaw ang nagsisilbing liwanag dito. Tama nga ang binata hindi naman nakakatakot ang loob mga props lang at estatwa ng iba’t ibang klase ng pirata, meron din barko ng mga pirata. Nag-enjoy siya dito parang nanonood lang siya ng Pirate of the Caribbean’s. “Buti dito nag-enjoy ako ang ganda ng pagkakagawa nila ng mga estatwa ng mga pirata ano” puna ni Cham, natapos na ang turn nila. Paglabas nila ay may sumalubong sa kanila na isang crew at inalok sila ng picture na kuha nilang dalawa. “Sir tignan niyo po ang ganda niyo pong tignan dito dalawa bilhin niyo na po.” Alok ng crew. “Sige bilhin ko na lahat yan” sang-ayon ni Ellsworth at iniabot ang bayad. “Ang cute mo dito oh kita ulit dimples mo.” Puna ni Cham pagkakita sa mga litrato. Tumango lang si Ellsworth habang nakangiti. Ipinasok na ni Cham ang mga litrato sa loob ng bag niya. Naglakad-lakad ulit sila at napadpad naman sila sa Jungle Splash. Sasakay sila sa isang log boat at habang umaandar sa tubig may mataas din na lugar silang tatahakin. “Ang taas na naman niyan eh” bulong ni Cham habang papunta na sila sa pila. “Mababa lang yan. Mukhang enjoy sumakay dito. Let’s go” yaya nito. As usual wala na naman nagawa si Cham kundi ang sumunod, hinila na siya nito papunta sa unahan. “Paalala pagsakay ng log boat ay siguraduhin na nakatuwid ang mga paa wag pong tatayo at siguraduhing nakakapit ng maigi sa hawakan.” Narinig nilang paalala ng crew. Dumating na ang log boat na sasakyan ng dalawa, inalalayan sila ng mga crew na makasakay. Si Ellsworth ang nasa unahan at si Cham ang nasa likod sinunod nila ang utos kanina na dapat nakatuwid lang ang mga paa para komportable sila. Nagsimula na sila umandar dahan-dahan lang paakyat. “I love you baby don’t be scared okay hindi pa naman kita nakikita” nilingon saglit ni Ellsworth ang kasintahan na nasa likod niya nagaalala din siya dito dahil mukhang takot na takot na naman ito at nakita na nakapikit na naman ito. “Oo sige kakayanin ko to.” Untag niya. Kasalukuyang nasa tuktok na sila binuksan saglit ni Cham ang mga mata niya at laking gulat na nasa tuktok na pala sila at saktong pababa na ang log boat. “Waahh” sigaw nito sabay tilapon ng tubig sa kanila. “Wow ang cool nabasa ka ba diyan” tanong ni Ellsworth, since nasa unahan siya ay medyo nabasa ito pagbasak nila sa baba. “Hindi naman unti lang” Nakadalawang ikot pa sila. Pagbaba ay halata ang basa sa pantalon ng binata samantalang si Cham ay sa braso lang. Nilabas ni Cham ang panyo na dala at pinunasan si Ellsworth. “Thanks baby” kinuha din nito ang panyo na hawak ni Cham at pinunasan din ang mga brasong basa ng dalaga. Naglakad na sila pabalik sa loob nakaramdam na kasi ng gutom si Ellsworth hindi nila namalayan na mahigit tatlong oras na sila andito. “What do you wanna eat?” tanong ni Ellsworth habang naglalakad at patingin-tingin sa mga kainan. “Hmm medyo nagutom ako sa kakasigaw ko” natatawang tugon ni Cham. “Sige tingin pa tayo sa iba.” Nakailang stall na din sila nadaanan pero hindi makapili si Ellsworth. Pagdating sa dulo ay may stall ng mga nagbabarque at doon napili ni Ellsworth sila bumili ng pagkain. “Baby upo ka na lang diyan wait mo na lang ako ah.” Utos ni Ellsworth. Pagkaupo ni Cham ay agad niyang binuksan ang bag at hinalungkat ang cellphone kanina pa kasi ito nagvibrate. At hindi nga siya nagkamali dahil ang daming text niyang nareceive pati na rin miscalls. Nagulat siya na lahat ito ay galing kay Brandon. “Mach bakit ganyan ka why you chose him over me?” “It feels like I’m broken into pieces now hindi pa din ako naniniwala Mach” “Ang sakit-sakit matagal akong naghintay pero sa isang iglap lang mawawala ka na sa akin.” “I don’t know what will happen in my life now knowing that you will be happy with someone else. I will never give up on you. Babawiin kita sa kanya.” “I will do everything para mawala siya sayo. Ako lang ang nababagay para sayo.” Napasapo si Cham sa dibdib niya. Nasaktan siya sa mga sinabi ni Brandon alam naman niya na mahal siya ng kaibigan, she tried not to hurt him pero hindi niya naiwasan. Siguro kailangan niyang kausapin ang kaibigan para magkaroon ng closure at para mas maintindihan nito na kailangan maging masaya na lang siya sa napili niyang desisyon. Pinigil na lang ni Cham na malungkot ayaw niya kasing mahalata ni Ellsworth, panaka-naka kasi itong tumitingin sa kanya. Mahal niya si Brandon pero hanggang kaibigan lang talaga at mahal na niya si Ellsworth lalo na ngayon na sigurado na siya na isusugal ang puso dito. Napagdesisyunan niya na kakausapin ang kaibigan pag nagkaroon siya ng panahon, ayaw niya na magtampo ito sa kanya. Matagal na din ang pinagsamahan nila at ayaw niyang mawala ang friendship nila dahil lang dito. Nakita na niyang papalapit na ang kasintahan na may dala ng tray ng pagkain agad naman niyang itinago ang cellphone. “Are you okay baby?” tanong ni Ellsworth napansin niya kasi na medyo tumamlay ang itsura ng dalaga. “Wala okay lang ako medyo gutom lang” pilit na ngiti ang sinagot niya. Nagsimula na silang kumain, inihaw na pusit, manok at pork ang binili nito. Na may kasamang hilaw na mangga, kamatis at bagoong. Tahimik lang silang kumain, sa totoo lang ay nawalan ng gana si Cham kanina ay gutom na talaga siya pero dahil sa mga nabasang text ay parang umurong ang gutom niya pinilit niya lang na hindi ito mahalata ng kasama. “Kain ka pa dami pa niyan kailangan ubusin mo yan.” Utos ng binata, nilagyan pa niya ulit ng pagkain ang plato ni Cham. “No no, okay na ako dito medyo busog na ako.” Pagsuway nito. “I insist gusto ko maging malaman ka, para mas masarap kang yakapin.” Nakangising sabi nito. Sabay kindat sa kasintahan. Automatikong nag-init ang mga pisngi ng dalaga, ang mga yakap kasi ng binata ang isa sa mga nagdudulot ng sobrang kasiyahan sa kanya. Nagpahinga lang sila saglit pagkatapos kumain, tumabi si Ellsworth sa tabi nito kanina kasi ay magkatapatan sila habang kumakain sabay inakbayan niya ang kasintahan. “Sana sa susunod na punta natin dito kasama na natin ang mga anak natin.” Sabi ng binata, sabay turo sa isang pamilya na dumaan sa harap nila,mukha silang masaya at makikita sa mga itsura ng mga anak nila ang excitement sa lugar. “Huh” gulat na tanong ng dalaga, sabay nahihiyang tinignan ang kasintahan na may mga ngiti sa labi. “I said sana next time pag nagpunta tayo dito dala na natin ang mga magiging anak natin” paguulit ni Ellsworth. Naintindihan naman ito ni Cham pero hindi lang talaga siya makapaniwala sa sinabi nito. “I wanna build my own family and I want it with you. Nasa tamang edad naman na tayo pareho and I guess pwede naman na siguro diba?” pagdudugtong nito. Magsasalita na sana si Cham pero sa huling sinabi nito ay lalo siyang nabigla. “Matagal ko ng gusto magka-anak its just that I can’t find the perfect wife for me and now that i have you , i already found that someone. Alam kong kaya mo kaming alagaan ng mga magiging anak natin.” Aniya, sabay kuha sa kamay ni Cham at hinalikan ito. “Ah ganoon ba”. she could feel her cheeks turning red kaya ito lang ang nasabi niya. Tumango lang ang binata at niyaya na ulit si Cham sa loob. Pagpasok nila ay dumeretso sila sa isang ice cream stall at binilhan siya nito ng kasintahan. “Saan mo gusto next pumunta?” tanong ng binata habang naglalakad-lakad sila. “Ikaw na lang ang bahala.” Aniya habang kinakain ang icecream. Napadpad sila sa isang shooting game stall. Nakita kasi ni Ellsworth ang premyo na pwede makuha isang napakalaking teddybear kaya agad itong bumili ng token para maglaro. “Manood ka lang diyan baby.” Binigay na ng crew ang pellet gun sa binata. Madilim ang loob nito taning ang papel na aasintahin ang maliwanag. Sinipat muna itong maigi ni Ellsworth bago nagpaputok kailangan kasi makascore siya ng 100 points para makuha ang malaking stuff toy. Hindi man maintindihan ni Cham ang laro na ito pero namangha siya dahil puro sa gitna ang tama ng papel bawat putok nito ay sakto lagi sa gitna. “Wow ang galing mo, marunong ka ba talaga gumamit ng baril.” “Oo I have my own and sometimes nagpupunta din ako sa firing range nagprapractice” nilingon ng saglit nito si Cham at tumingin ulit sa target. Natapos na ang turn niya at kinuha na ng crew ang papel at binilang ang score nito. “Sir ang galing niyo ah kayo ang kauna-unahang naka 180 points. Dahil diyan ito po ang prize niyo.” Sabi ng crew at sabay abot sa isang napakalaking brown teddy bear. “Baby para sayo oh” inabot nito kay Cham. “Wow ang laki naman nito halos hindi ko na ito mayakap. Salamat” ang laki ng ngiti ni Cham sabay niyakap niya ang bigay ng kasintahan. Parang mas malaki pa ito sa katawan ng dalaga. Pagkatapos noon ay naglibot-libot na lang sila, sumakay sila ng carousel, nakita din nila na may fish spa nagpunta din sila don at nagpamassage din. Tumagal pa sila ng higit na dalawang oras sa loob. Hindi na niyaya ng binata ang dalaga sa mga matataas na ride naawa na kasi ito dahil takot na takot talaga. Bago umuwi ay nagyaya uli ang dalaga sa tiangge. “Baby ito bagay sa atin ito.” Turo ni Cham sabay kuha sa isang couple shirt. May nakaprint sa puting damit na. He’s my other half and She’s my better half “Really gusto mo niyan?” gulat na tanong ni Ellsworth. “Oo sana kung okay lang sayo.” Kahit hindi gusto ni Ellsworth ang ideya na magsuot nito pero parang hindi niya kayang tanggihan ang gusto ng kasintahan. “Sige bibilhin ko na yan” tuwang-tuwa naman si Cham ng pumayag si Ellsworth na magsusuot sila ng ganoon. She find it sweet kasi pag nakakakita siya ng magkasintahan na nakasuot ng couple shirt. Some find it baduy pero sa kanya it’s one way of showing how proud are you with your partner. Binilhan din ni Cham ng mga damit ang dalawang ate niya madami kasing murang damit siya nakita na magugustuhan ng dalawa. “Ayaw ko na ang dami ko na nabili. Hindi ko mapigilan ang daming maganda kasi.” Nakangising sabi ng dalaga. Nakita niya kasi na punong-puno na ang mga kamay ni Ellsworth sa sobrang dami niyang pinamili para sa kanya at sa dalawang kapatid pati na ang magulang nito ay binilhan din. Nagyaya na si Cham umuwi dahil sa pagod na din siya sa paglalakad. “Baby ano ang name ng teddy bear ko?” pambasag ni Cham sa katahimikan habang busy sa pagmamaneho ang binata medyo trapik na kasi. Alas siyete na din kasi ng gabi at madami na din ang pauwi. “Talaga gusto mo bigyan ng pangalan yan.” Sabay turo sa teddy bear na nasa lap ni Cham. “Oo siya kasi ang unang baby natin. Chamells kaya? Bagay ba?” aniya at niyakap-yakap ang teddy bear. “Wow nice pwede pinagsama na pangalan natin. Cool” napailing na lang sa tuwa si Ellsworth. Kakaiba talaga si Cham, mababaw ang kaligayahan nito hindi kailangan regaluhan ng magagarang bagay para lang maging masaya. Hindi katulad ng mga naging babae niya sa America mga signature bag, jewelries, out of the country trip ang mga magpapasaya sa kanila. Pero ito siya ngayon napapangiti na lang ng lihim habang diretso ang tingin sa daan. He’s so lucky with this girl beside him. Panaka-naka niya itong tinitignan at masaya pa din ito habang hawak ang bigay niyang teddy bear. “Baby were here” gising niya sa dalaga, nakayakap pa din ito sa teddy bear niya. Nakatulog kasi ito sa sobrang traffic inabot ng isang oras ang byahe nila. “Hala nakatulog na pala ako” gulat na nagising si Cham agad na tinanggal niya ang seatbelt at hindi na hinintay si Ellsworth na pagbuksan siya ng pinto. “Sige pasok ka na sa loob susunod na lang ako” utos nito, habang kinukuha nito ang mga pinamili at pasalubong sa dalawang ate nito. Hawak ni Cham ang malaking teddy bear pagpasok sa bahay nila, nagulat ito ng makita kung sino ang nasa loob. Pero mukhang nagulat din ang bisita sa hawak niya. “Bebe musta lakad. Wow ang laki niyan teddybear mo ah ang cute cute” bati ng ate na si Ading. “Hello Mach” bati ni Brandon lumapit ito at hinalikan si Cham sa pisngi. Sakto naman na nakita ito ni Ellsworth na nasa may pintuan na. “Ehem Ehem” kunyaring ubo nito agad naman pinagbuksan ni Mylez ng pinto si Ellsworth. “Hi Ells” bati ng dalawang kapatid ni Cham, tinulungan naman ni Cham itong ilapag ang mga pinamili nila. “Ate may dala kaming pizza diyan tapos paakyat nalang ako ng mga yan maya ko sabihin kung ano ang sa inyo diyan.” Aniya at tinuro ang mga dalang paperbags. “Kumain muna kayo bago ka umuwi Ells” yaya ni Ading. “Hindi na po, kailangan ko na din umuwi dadaan kasi ako sa opisina. Kakamustahin ko ang progress ng launch ng magazine namin.” Tugon nito. Nagpaalam na din si Ellsworth hinatid ito ni Cham sa labas. Nangako ito na dadaan ulit sa bahay nila Cham bukas. Nakita naman ni Brandon mula sa bintana ang paghalik ni Ellsworth sa mga labi ni Cham bago ito umalis. Naramdaman na naman niya ang kirot na pilit niyang itinatanggi sa sarili na hindi pwedeng mangyari. Pero ngayong nakita na niya mismo ng dalawang mata niya ay parang gusto niyang magwala sa sobrang hapdi na ng sugat niya sa puso ngayon. Pagpasok ni Cham sa loob ay nakita niyang nakakunot ang noo ni Brandon at salubong ang mga kilay. “Nrab halika kain tayo” alok ni Cham. Hindi na sumagot ang binata bagkus ay hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit. “Ate may pupuntahan lang po kami ni Cham, ihahatid ko din siya mamaya” mabilis na sabi ni Brandon. Nagtataka naman si Cham sa ginawa ng binata dahil bukod sa mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya ay makikita dito ang mga galit sa mga mukha nito. Padabog na binuksan ni Brandon ang kotse nito at pinasakay si Cham. “Brandon ano ba saan mo ba ako dadalhin?” galit na tanong ni Cham. “Maguusap tayo” sigaw ni Brandon, nanlaki ang mga mata ni Cham dahil ngayon niya lang nakita ang kaibigan na ganito kagalit. Pinaharurot ni Brandon ang kotse at hindi alam kung saan dadalhin si Cham ang iniisip niya lang ngayon ay kung paaano mabawi ang dalaga kay Ellsworth.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD