Andito na sa opisina si Ellsworth inabot din siya ng siyam-siyam bago nakarating sa grabe ng trapik. Ang mga litrato lang nila ni Cham na pina-bluetooth niya dito kanina ang nagpadagdag ng pasensya niya sa pagmamaneho kanina. Lagi niya itong sinusulyapan, ayaw niya talaga ng trapik kaya gusto niya lang ay laging nakamotor. “Good evening Sir” bati ng guard pagtungtong niya sa entrance ng opisina. Nginitian naman niya ito at masayang pumasok sa loob para malaman kung ano na ang progress ng sales nila sa magazine for today. “Hi guys how are you?” masayang bati niya pagbukas ng production area, sa una ay nagulat ang mga empleyado sa magandang mood ng boss nila pero agad naman silang natauhan at binigyan din ng ngiti ang boss nila. “Hi boss good evening” unang bati ni Joe kasunod na rin ang

