Chapter 14

3373 Words
“Manang pakigamot naman yang babaeng yan napakatanga kasi ayan nabagok na yata” maawtoridad na utos niya sa kasambahay. “Iho hindi ba masyadong pahirap na ang ginagawa mo, kawawa naman siya.” Pinunasan ng matanda ang mga dugo sa mukha at ulo ng dalaga. Wala itong malay ng maabutan niya ng tinawag siya nito kanina. “Manang wala po akong awa sa mga katulad niya, bagay lang sa kanya ang nangyari sa kanya” nagulat siya sa inasta ng alaga, hindi niya lubos maisip na bakit kailangan humantong ito sa ganitong karahas, ni minsan ay hindi niya nakita na gagawa ito ng ganitong bagay lalong lalo na sa isang babae. “Sana lang iho hindi mo pagsisihan sa huli ang mga ginawa mo, alam ko malinis pa din ang kalooban mo walang magandang idudulot yang pagiging matigas mo at ang pagtatanim ng poot sa puso mo.” Sobrang awa talaga ang nararamdaman niya sa babaeng ginagamot niya, punong puno ito ng pasa sa buong mukha nito, sugat sa mga binti at nakakapanlumo talaga itong tignan, sana lang ay magising ito kaagad. “Manang pasensya na but I don’t need your sermon right now, walang puwang ang awa ko ngayon sa puso ko. You know what I’ve been thru, you know where this grudge coming from. Don’t blame me if this is the best thing I can do.” Pinagpatuloy na lang ng matanda ang pag-gagamot sa dalaga, nagbago na talaga ang alaga niya hindi na siyang kayang pakinggan nito. Lumabas na ang lalaki sa silid ng dalaga pagkalabas palang niya ng silid ay lahat na ng makita niyang gamit ay pinagbabato, pinagdiskitihan niya ang mga plorera sa gilid at pinaghahagis itong lahat. Gusto niyang ibuhos lahat ang sama ng loob, gusto niya makita lahat ng gamit na masira. Gusto niya ganito ang mangyari sa babae, maupos siya na parang kandila at unti-unting masira. Lahat ng poot niya at hinanakit sa puso niya gusto niya ibuhos dito lahat. Kulang pa ang mga sakit niya sa katawan para iparanas dito kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Hindi pa sapat ang lahat ng ginawa niya para pagbayaran niya ang utang niya dito. Pagpasok niya sa loob ng kwarto niya ay buong lakas siyang sumigaw, pinagsusuntok niya ang pader paulit-ulit hanggang hindi na niya nararamdaman ang sakit na dulot nito. *** DAY 12 “Iha buti naman nagising ka na.” bungad sa kanya ng matandang babae na kasama nila dito. Ang sakit ng ulo niya parang binibiyak ito sa sobrang sakit. “Ang sakit po ng ulo ko.” Hinawakan niya ang ulo at nagulat siya ng may makapang benda. Tinignan niya ang matanda na at humihingi ng paliwanag bakit may ganito siya sa ulo niya. “Iha wag ka muna masyadong magalaw, kumain ka muna para magkaroon ka ng lakas at makainom ng gamot. Halos dalawang araw ka din walang malay nagigising ka paminsan-minsan pero hindi naman nagtatagal.” Nagpaalam ito saglit at kukuha lang daw siya ng makakain niya. Pinilit niyang makaupo sa kama, sumandal siya sa ulunan ng kama at pilit na inalala kung ano ba ang huling nangyari sa kanya. Masakit ang buong katawan niya at ang dami niyang galos sa binti at paa. Naalala na niya ang huling tagpo nila ng lalaki inihagis siya nito ng sobrang lakas at tumama ang kanyang ulo sa pader. Laking pasasalamat na lang niya at buhay pa siya ngayon. Buhay nga siya pero parang pakiramdam niya ay wala na siyang kaluluwa, parang humiwalay na ito sa kanyang katawan. Napaurong siya at nagulat sa taong iniluwa ng pintuan. Pinipilit niyang umusog papunta sa dulo ng kama pero wala na siyang lakas. “Please wag mo ako sasaktan” inunahan na niya ang lalaki, hawak nito ang isang tray ng pagkain. “Wag ka ngang OA diyan kumain ka na diyan, pag medyo magaling ka na saka tayo maglalaro ulit.” Mahinanong tugon nito, inilapit ng lalaki ang isang maliit na mesa sa tabi ng kama at inilapag ang tray ng pagkain. “Pwede bang umalis ka na muna sa harap ko.” Bulong niya, nananaig pa din ang takot niya sa pwedeng gawin nito, unpredictable kasi ang lalaking kaharap minsan ay kalmado ito minsan ay parang galit nag alit na tigre hindi niya alam kailan ito nagpapalit ng mood. “Don’t worry okay wala ako sa mood saktan ka. I will give you a break just eat okay” nagtataka siya sa pagkamahinahon ng lalaki, hindi niya alam kung ano pa ang balak nito. Lumapit siya sa mesa na tinabi nito sa kama niya at sinimulan ng kumain. Ilang saglit lang ay lumabas na ito ng kwarto niya. Natapos niya ang kinakain at siya namang pagpasok ng matanda. Iniabot nito ang iba’t ibang gamot na iinumin niya. “Wag ka magalala pinagtignan ka na namin sa doctor noong nakaraan at ito ang mga nireseta niya sayo. Sabihin mo lang kung tapos ka na para magamot ko naman yang mga sugat mo sa mukha at binti.” Inalalayan naman siya nito ng pumunta siya sa banyo para maghilamos. “Manang maraming salamat po sa pagaasikaso sa akin ah.” Pinaupo siya nito at inumpisahan na gamutin ang mga sugat niya sa mukha at binti medyo makirot pa din ang mga ito. Napapangiwi na lang siya paminsan-minsan. “Walang anuman iha, pagpasensyahan mo na lang siya pag sinasaktan ka niya. Hayaan mo matatapos din ang mga paghihirap mo.” Malamlam ang mga mata na tinignan ang matanda, hindi niya maintindihan kung paano niya naaatim na tignan ang isang tulad niya na walang habas na saktan ng amo nito. “Manang tulungan niyo naman po ako makaalis dito, hindi ko po kayo idadamay if ever na nakatimbre na ako sa mga pulis. Gusto ko na po umuwi malamang hinahanap na ako ng pamilya ko baka nag-aalala na sila sa akin.” Rinig niya ang malakas na buntong hininga nito. “Iha kung pwede lang gagawin ko pero pareho lang tayong mapapahamak.Sige ako ay lalabas na maiwan na kita diyan magpahinga ka ah.” Hinawakan niya ang kamay ng matanda bago pa ito tuluyang makaalis. “Manang umaasa ako na tutulungan mo ako hihintayan ko, wag lang sana masyadong tumagal baka sa susunod malamig na bangkay na ako pag nakita mo.” Seryosong sabi niya sa matanda, bakas naman sa mukha nito ay takot sa sinabi. “Iha wag ka magaalala kapit ka lang, gagawa ako paraan.” Nagkaroon na naman siya ng pag-asa, nakangiti siyang tinignan ang matanda palabas ng silid niya. Gumaan kahit papaano ang bigat sa dibdib niya. *** “Hi Manang goodmorning po.” Nakangiting bati ni Brandon andito siya ngayon sa bahay nila Sharm. “Oh iho ikaw pala yan” bakas ang gulat ni Manang Ynez sa bisita, ngayon na lang ulit niya nakita ito ang sabi ni Sharm ay nasa Davao ito at mahigpit na bilin na wag muna sasabihin ang tungkol kay Cham. “Namiss ko ang mga luto niyo Manang, kakauwi ko lang po kanina galing Davao may mga pasalubong po ako sa inyo nila Cham. Andyan po ba siya.” Pinapasok niya ito at nagpaalam na aakyat. Hindi niya masagot ang tanong nito about kay Cham. “Iha pwede ba pumasok” kinatok niya ang kwarto ni Sharm, nagising naman ito kaagad ng makita siya. “Yes manang” inaantok pa na sagot nito. “Andiyan si Brandon sa baba hinahanap si Cham hindi ko naman masagot hindi ko alam sasabihin ko.” Namilog ang mga mata niya sa gulat na andito na si Brandon sa Maynila. “Naku Manang sige asikasuhin niyo muna siya tapos magaayos lang ako bababa na ako. Salamat po.” Agad naman napatayo si Sharm sa higaan at nagiisip ng pwede niya idahilan kay Brandon pagbaba. “Iho hintayin mo na lang si Sharm ah pababa na siya. Teka lang at paghahainan kita ng agahan.” Nagtaka si Brandon bakit si Sharm ang binanggit ni Manang Ynez gayong ang hinahanap niya ay si Cham, baka nagkamali lang ang binata hindi na lang niya pinansin. Ilang minuto lang ay bumaba na din si Sharm nakita na niya si Brandon na nakaupo sa sala, kinakabahan siya hindi niya alam ano ang sasabihin niya hanggang ngayon ay wala pa din siyang maisip. “Hi Brandon welcome back, musta naman ang work mo doon sa Davao successful ba?” bungad siya sa binata kitang kita naman sa itsura nito ang saya at malapad na ngiti. “Yes sobrang successful lahat ng mga investors ay nakuha ko. I’m so happy at the same time excited talaga ako umuwi may usapan kasi kami ni Cham. Teka asan na ba siya? Dalawang lingo ko na kasi siyang hindi nakakausap.” Napakagat labi si Sharm sa narinig. Dahil sa sobrang takot na malaman ni Brandon ang nangyari pinili niyang magpalit ng number para hindi siya makontak nito, ito lang ang naisip niya na paraan para maiwasan ang mga tawag nito. “A-ah kasi ano tsk’ ah kasi ano ayun nasa Hongkong siya ngayon, tama oo nasa Hongkong pinadala ni Dad for a conference. Yeah right. Siguro matatagalan pa siya kakaalis lang kagabi eh.”kinakabahang sagot niya hindi niya alam if naniwala ba ang kausap sa sinabi niya. Naguilty naman siya sa ginawa dahil sa nakita niya talaga na biglang lumungkot ang itsura ni Brandon, pero ano ba magagawa niya hindi niya kayang sabihin ang nangyari sa kaibigan baka makasira pa ito sa paghahanap nila sa kaibigan sigurado siya na gagawa din si Brandon ng paraan para mahanap ito pag nalaman niya ang totoo. “Minsan naiisip ko if iniiwasan na ba niya ako. Nagpalit ba siya ng number? Baka pwede naman mahingi, siguro nga nabigla ko siya noong nakaraan na magkausap kami pero bakit kailangan niya akong iwasan. Gusto ko lang naman maging totoo sa kanya, kaya ko sinabi na gusto ko na siyang ligawan.” Ang masayang mukha ni Brandon ay napalitan talaga ng lungkot, nararamdaman niya ang sensiridad nito sa kaibigan. “Ah hindi siya nagpalit number wala lang talaga siyang time ipaayos ang cellphone niya sobrang busy kasi siya sa work, madami pinapagawa si Dad sa kanya. Don’t worry magkikita din kayo.” Ngumiti si Sharm ng pilit para naman maibsan ang kaba niya sa pagsisinungaling. “Nakwento ba sayo ni Cham na manliligaw na ako sa kanya? Mahal ko talaga kasi yung bestfriend mo na yun. Talagang binantayan ko siya kahit nasa America ako para walang lalaki na mauna sa akin.” Nabuhayan ng loob si Brandon sa mga assurance ni Sharm na magkikita sila ulit ni Cham. “Ah hindi niya pa nabanggit kasi bihira kami makapagkwentuhan dahil sa sobrang abala siya.” “Ah tama sana paguwi niya hindi na siya ganoon kaabala, kasi balak namin pumunta sa probinsya niyo para makapagpakilala na din ako ng pormal sa magulang niya. Maipagpaalam ko ang panliligaw ko sa anak nila.” Dumungaw naman ang ngiti ng binata maisip pa lang niya na makakaharap niya ulit ang magulang ng pinakamamahal niya ay pakiramdam niya ay malapit ng matupad ang pangarap niya. Ang maging kasintahan ang kaibigan. “Really? magandang ideya yan sigurado akong magugustuhan ka nila. Gusto mo ilakad pa kita eh malakas ako sa kanila” sabay naman silang nagtawanan, gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Sharm mukhang nalusutan niya ang pagsisinungaling kay Brandon. “Sana nga Sharm sa tingin mo ba may pag-asa ako kay Cham? Nalulungkot kasi ako pag hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko sa kanya about sa feelings ko, parang balewala lang sa kanya.” Bigla siyang naawa sa kaharap, sa tuwing tinatanong niya kasi si Cham about kay Brandon ay lagi niya lang sinasabi na kaibigan lang niya ito. “Hayaan mo mapapansin ka din nun alam mo naman workaholic kasi yun kaya never pa nagka-lovelife. Pagtiyagaan mo na lang hindi lang sanay yun, ayaw mo nun first boyfriend ka niya. Swerte mo diba.” Masaya si Brandon na parang boto din ang matalik na kaibigan ni Cham sa kanya. Nginitian niya ito at medyo nawala naman ng kaunti ang lungkot. Hihintayin niya na lang si Cham sa pagbabalik nito at sisiguraduhin niya na hindi na makakatangi si Cham sa panliligaw niya. “Oo nga salamat ah, tulungan mo din ako diyan sa bestfriend mo ah, oh siya pano mauna na ako medyo wala pa ako tulog sa sobrang excitement ko makita si Cham dumeretso na ako dito balitaan mo naman ako kailan ang balika niya” tumango lang si Sharm at nagpaalam na si Brandon. Hindi nawawalan ang dalaga ng pag-asa na muling makikita ang kaibigan pero kahit ang mga imbestigador na inutusan nito ay hirap na hirap hanapin ito. Usapan nila ng daddy niya if hindi pa din mahanap si Cham after the end of this week ay kailangan na talaga nila ng media. “Sino yung bisita mo?” tanong ng kagigising lang na si Rico. “Si Brandon hinahanap si Cham.” Mahinang tugon nito. “Sinabi mo ba kung asan si Cham?” usyoso nito. “Syempre hindi” naweirduhan siya sa kuya niya dahll may gana pa itong matuwa. “Buti naman okay yun na hindi niya alam makikialam yun panigurado.” Umupo ito sa sala at hinatidan naman ni Manang Ynez ng kape. “Kuya ilang beses na kita sinabihan diba kung ano balak mo kay Cham wag mo na ituloy, ako talaga makakabanga mo maghanap ka na lang iba.” Singhal niya sa kapatid, nilayasan na niya ito at umakyat sa kwarto niya balak niyang puntahan ang daddy niya sa office ngayon, ang mommy kasi niya ngayon ay nasa province lang mas maigi kasi na doon siya fresh ang hangin. “Mam Edith pinapatawag niyo daw po kami” andito ngayon ang magulang ni Cham sa masyon ng mga Alban sa Sitio Mauban. “Oo pinabibigay ni Cham ito, panggastos niyo” iniabot niya ang isang sobre, tinawagan siya ng anak na si Sharm na sabihin na lang sa magulang ni Cham na nasa Hongkong ito para sa isang convention kaya hindi makatawag sa kanila. “Salamat po Mam namimiss na namin siya halos dalawang lingo na kasi siya hindi natawag kasi” dama ang lungkot sa boses ng ina ni Cham. “Malamang miss na din kayo ni Cham hayaan niyo tatawagan din kayo nun pagdating dito sa Pilipinas.” “Kinakabahan kasi ako Mam napanaginipan ko siya kagabi akala ko nga ako ay binabangungot dahil sa sama ng panaginip ko nanghihingi siya ng tulong sa akin. ” malungkot na kwento ng ama nito, natakot naman bigla si Mrs. Alban sa narinig, kahit siya ay paminsan-minsan na din kinakabahan dahil medyo matagal ng nawawala si Cham at kahit isang balita ay wala pa din sila makalap. “Wag kayo masyado mag-isip hayaan niyo babalitaan ko kayo pag pauwi na siya” nakangiting sambit nito, naawa siya sa mga ito dahil ilang beses na siya nito tinanong about sa anak nila simula ng nakauwi siya sa lugar nila at lagi lang niya dinadahilan na busy ang anak sa Maynila, ang hirap magsinungaling sa part niya parang anak na din niya si Cham. Nagpaalam na din ang dalawa dahil panahon ng anihan ngayon madami silang ginagawa sa bukid. *** Day 14 Nagising si Cham sa bango na naamoy sa paligid. Pagmulat niya ng mata niya ay nagulat siya sa nakahain sa tabi niya. Isang mainit na sabaw, tapsilog, mga prutas at isang baso ng fresh milk. Tumayo siya at tinignan ang paligid pero wala namang tao. Ilang araw na din ang nakalipas na nagpapagaling siya, unti-unti na ding nahihilom ang mga pasa at mga sugat niya nakakalakad na din siya ng maayos sa tulong na din ng mga gamot na iinom niya. Ang pinagtataka niya lang ay ang pagbabago ng misteryosong lalaki hindi na siya pinagbubuhatan ng kamay nito simula ng huling aksidente niya. Ito na kaya ang sinasabi ng matandang babae na tutulungan siya nito, siguro kinausap niya ito na tigilan na siya napangiti naman siya sa naisip, sana makaalis na siya dito gusto na talaga niya makauwi. “Morning! Gising ka na pala ubusin mo yan ah kung ayaw mong masaktan.” Napatigil siya sa pagsubo ng pumasok ang lalaki sa silid niya, lumayo naman siya sa mesa dahil sa takot dito. “Hoy kumain ka” sigaw niya ng makita na lumalayo si Cham sa mesa. “Natatakot ako eh. Nawalan na ako ng gana.” Nakayukong sabi niya. Grabe na kasi talaga ang phobia ng dalaga sa lalaki masyadong paiba-iba ito ng mood. “Hindi kita sasaktan basta kumain ka na bilisan mo.” Ma-autoridad na utos nito, tinignan niya muna ito bago lumapit ulit sa mesa at sinimulan na ulit kumain. Nagulat naman siya ng lumapit ito sa kanya at pinagbalat siya ng orange nilagay niya ito sa platito at iniabot sa kanya. “Salamat ikaw ba nagluto nito?” tumango lang ito sa kanya at nakikain na din ng prutas na nasa mesa. “Pwede ba magtanong?” hindi na niya napigilan ang magsalita ulit. “Basta ba maglalaro tayo ulit, handa ka na ba? Mukhang magaling ka na, namiss ko na ang laro natin” nakakatakot ang boses ng lalaki, halos lahat ng balahibo ni Cham ay tumayo. “Sige wag na lang.” umiwas siya ng tingin sa lalaki kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya. Tumayo na siya ng matapos niya ang kinakain. “Saan ka pupunta? Inumin mo na tong gamot mo.” Sinalinan siya nito ng tubig sa baso at iniabot ang mga gamot niya. Napalunok siya kakaiba talaga ang misteryosong lalaki ngayon parang may mali gayunpaman hindi pa din nawawala ang takot nito sa lalaki. “Salamat ah.” Kinuha niya ang baso at ininom na ang mga gamot. “Sige magpahinga ka na muna diyan kailangan mo ng enerhiya para sa laro natin” kinilabutan na naman si Cham sa sinabi nito, hindi na siya nakapagsalita at iniwanan na siya nito. Naiwan si Cham na nangangatog ang mga tuhod nito, balak pa naman niyang maligo pero hindi na niya kayang tumayo dahil sa kaba. Akala niya ay naging mabait na ang lalaki sa kanya pero parang may binabalak ito sa kanya iniisip pa lang niya ay sumasakit na ang ulo niya. Nakatulog na pala siya sa kakaisip nagising siya lang dahil kailangan niyang mag banyo, nagunat-unat muna siya at pumunta na sa drawer namili siya ng susuotin niya. Pumunta na siya sa banyo at nagsimulang maligo. Tinignan niya ang sarili sa salamin, kaunti na lang ang bakas ng mga pasa nito sa mukha ilang araw na lang siguro ay tuluyan na itong mawawala pati ang mga gasgas sa binti ay unti-unti na ding nawawala. Nakahinga na din siya ng maluwag na hindi na masyado masakit ang balakang at ang ulo. Nakatulong din ang pagpapahinga niya ng matagal pati na ang mga gamot. Pagkaligo ay napasapo sa ulo niya ang dalaga dahil hindi pala niya nadala ang mga damit naiwan ito sa may kama niya. Lumabas na lang siya ng nakatuwalya lang, laking gulat niya ng madatnan niya ang misteryosong lalaki na nakaupo sa sofa na may hawak na alak. “Ready to play sweety?” para siyang tuod na hindi na makagalaw sa labas ng pinto ng banyo. Hindi na niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. “You did not answer me. So are you ready baby?” napakagat labi si Cham sa lapit ng mukha nito sa kanya, amoy na amoy niya naman ang alak mula sa bibig nito. “Yes but please don’t hurt me.” Mahinang sambit niya, natatakot talaga siya kaya kahit ayaw niyang sumang-ayon ay wala na siyang nagawa. Pagkasabi niya nito sa lalaki ay nagulat ng lumapit pa lalo ang mukha nito sa kanya at dinikit ang bibig nito sa tenga niya. “Yah this is the best part of being here in Hell, kailangan mo din maranasan ang sarap.” Napalunok si Cham ng dinilaan ng lalaki ang tenga niya. Para siyang nakuryente sa ginawa nito. Umalis saglit ang lalaki at inilapag ang dalang bote ng alak sa mesa samantalang siya ay hindi pa din makaalis sa may pinto ng banyo para na siyang naging estatwa dito. “I know that you will like it too baby.” Namilog talaga ang mata niya ng lumapit ito sa kanya at bigla siya nitong binuhat papunta sa kama at dahan dahan siyang nilapag dito. Napahawak siya sa tuwalya niya dahil muntik na itong matangal. Habang nakahiga siya ay ang misteryosong lalaki ay nakatitig naman sa kanya, sobrang kaba na ang nararamdaman niya hindi niya alam kung ano pa ang mangyayari sa kanya. Napapikit na lang siya, kung ano man ang binabalak ng lalaki sa kanya ay hindi niya alam. Napailing-iling na lang siya at hindi na naiwasan na bumuhos na naman ang mga luha sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD