Chapter 13

3343 Words
Nagising siya na sobrang sakit ng ulo niya, huling naalala niya kagabi ay sobrang lasing siya dahil sa dami ng pinainom sa kanya ng misteryosong lalaki na kasama niya ngayon. Pinagsayaw siya nito at nang hindi niya sinunod ito sa huli nitong hiling na maghubad ay sinuntok siya nito sa kanyang sikmura dahilan para mawalan siya ng malay. Tumingin si Cham sa paligid hindi niya alam kung anong oras na dahil sa sobrang dilim ng kwarto wala kang makikita kahit kaunting sinag ng araw walang bintana sa silid na ito. Dahan-dahan siyang tumayo ng kama, ramdam pa din niya ang sakit ng sikmura sabayan pa ito ng sakit ng ulo niya dahil sa alak. Dumeretso siya sa banyo at naghilamos. Tinignan niya ang sarili sa salamin, nadagdagan na naman ang mga pasa niya sa mukha umabot pa ito sa bandang tenga niya pati sa leeg meron na rin. Hindi pa man tuluyang nawawala ang mga unang pasa ay nadagdagan pa ito. Napapikit na lang siya sa sobrang awa sa sarili. Pinapanalangin niya na sana ang lahat ng ito ay isang mahabang bangungot lang at darating din ang oras na may gigising sa kanya mula dito sa masalimuot na panaginip niya. Malaking pasasalamant na lang niya dahil wala ng iba pang masamang ginawa ang lalaki sa kanya, suot pa din niya ang kamison mula kagabi. “Hoy babae buksan mo itong pinto.” Napakislot naman siya mula sa paliligo. “Teka lang naliligo ako, sandali na lang” minadali niya ang pagbubuhos alam niya na anytime ay pwede na naman niyang buksan ang pinto at sugurin siya dito. “Bilisan mo, I will give you 5 minutes if not alam mo na mangyayari” madali siyang nagbihis at lumabas ayaw niya na masaktan pa siya nito. “Hi sorry natagalan” nakayukong sabi nya paglabas sa banyo. “Buti naman papasukin na talaga kita, ito kumain ka na. Pagkatapos niyan may ipapagawa pa ako sayo” kahit papaano ay kahit lagi siya nitong sinasaktan ay hindi naman siya nito ginugutom. Nagsimula na siyang kumain at panaka-naka ay sinusulypan niya ito na tahimik na nakamasid sa kanya. “Bakit ka tingin ng tingin sa akin?” singhal nito sa kanya. “Wala naman kumain ka na din ba?” mahinang tugon niya dito. “Kumain ka na lang diyan bilisan mo” masungit na sagot nito. Tumango na lang si Cham at pinagpatuloy ang kinakain. “Ikaw ba ang nagluto nito? Masarap kasi, salamat sa pagkain ah” nagulat ang binata sa inasal ng babaeng kaharap. Madalang ito magsalita dahil pinagsabihan niya na wag na wag magsasalita, pero hindi ito ang inaasahan niya na reaksyon nito sa kanya, sino ba namang tao ang sinaktan mo na pero may gana pa din sayo magpasalamat? Tinitigan niya ang babae sa harap dahan dahan lang ito kung ngumuya marahil dahil masakit ang mga panga nito at pisngi dahil sa dami na ng sampal na nakuha nito mula sa kanya. “Ang dami mong tanong naiinip na ako. Baka gusto mo ako pa magsalampak niyang kinakain mo sa bibig mo” pinigil niyang matawa dahil sa sinabi ay mabilis itong nginuya ng dalaga para bang nilulunok na lang ang pagkain pagkasubo nito. “Okay tapos na ako, salamat ulit” inutusan siya nitong ilagay ang pinagkainan sa mesa na malapit sa pinto. Pagbalik niya ng tingin sa kama ay andito na ang lalaki at nakahiga, minsan iniisip ni Cham na biglang tanggalin ang nakatakip sa ulo nito para makita ang itsura ng lalaki pero natatakot siya na baka may gawin itong masama sa kanya. “Ano pa hinihintay mo lumapit ka dito and give me some massage.” Agad naman siyang lumapit dito pumuwesto siya sa likod nito and she started to massage his head. “Ano ba yan ang lamya mo. Kakakain mo lang diba dapat madami kang enerhiya” napaurong siya ng humarap ito sa kanya. Hinila nito ang buhok niya ng sobrang lakas. “Masakit please stop, aayusin ko na.” pagsusumamo niya sa lalaki. Napabuntong ng hininga si Cham dahil nadagdagan ang sakit ng ulo niya sa sobrang sakit ng pagsabunot nito sa kanya. “Diinan mo pa.” sa sobrang sakit ng ulo niya ay kusa na lang tumutulo ang mga luha niya. Kailan kaya matatapos ang paghihirap niya tanong niya sa sarili. Mahinang impit ng iyak ang pinakawalan niya. Nagulat siya ng humarap ulit ito sa kanya. “Hindi mo talaga ako sinusunod ano? Lalong sumasakit ang ulo ko sa ginagawa mo, matigas ang ulo mo ah” hinawakan na naman siya nito sa baba niya gamit ng isang kamay nito at buong pwersa itong piniga. Hindi siya makapagsalita sa sobrang higpit ng hawak nito tanging ang sunod-sunod na luha na lang ang sumisigaw para sa kanya sa sakit na nararanasan ngayon. Araw-araw na lang siya nito kung saktan, nanlalabo na ang mga paningin niya dahil sa walang tigil na pag-iyak hindi man lang maawa sa kanya ang kaharap bagkus ay lalo pa itong nasasarapan pag nasasaktan siya. Inipon niya ang lakas at buong pwersa niyang itunulak ang kaharap. Lumuwag naman ang hawak nito sa kanya at tuluyan na din inalis nito. “Grabe ka” aniya, tumayo siya at tumakbo papasok sa banyo. Napaupo na siya sa sahig ng banyo sa sobran panlulumo, hindi pa nawawala ang mga sakit niya sa katawan pero ito na naman siya dinagdagan na naman niya. Hinimas niya ang baba at panga habang nararamdaman naman ng mga kamay niya ang mga tubig na galing sa mga mata niya. “Lumabas ka na diyan” pasinghal na utos nito. Hindi na siya nagdalawang isip at dahan-dahang tumayo. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay nakita nito ang nag-aapoy na mata nito sa galit. “Sino nagsabi sayo na kaya mo akong taguan?” hahakbang pa lang siya palabas ay agad siya nito hinila at inihagis papunta sa kama, sa kasamaang palad ay hindi siya saktong napunta sa kama bagkus ay nalaglag siya sa sahig. Napuruhan ang bandang bewang niya at ang siko niya at sobrang sakit din dahil sa napatukod niya ito sa sahig. “Tumayo ka na diyan or ihahagis ulit kita” sigaw nito sa kanya. Napasapo na lang siya sa mukha niya at buong lakas na hinawakan ang mesa na malapit sa kanya. Ang sakit ng bewang niya pati na ang siko halos lahat na ng parte ng katawan niya ay masakit na. “Teka lang please ang sakit parang awa mo na.” pagsusumamo niya ng akmang lalapit ang lalaki sa kanya. Hindi niya kayang tumayo, sinubukan niya pero parang ayaw na siyang tulungan ng mga tuhod niya. Natahimik naman ang lalaki sa nakitang itsura ng babae, mukhang hirap na hirap itong tumayo napuruhan yata ang likod nito sa pagkakahulog sa kama ng ihagis niya ito kanina. Hindi siya dapat maawa dito dapat lang sa babae na yan ang nararanasan niya. Masama siyang babae dapat lang sa kanya ang masaktan at kulang pa yan madami pa siya dapat maramdaman. Umalis na siya at pabalabag na sinara ang pinto. Samantalang si Cham naman ay hirap na hirap na pinilit tumayo, hindi na niya maramdaman ang katawan sa sobrang hapdi at sakit na nararamdaman. Parang nabalian na yata siya ng buto. Dahan-dahan niyang inihiga na lang ang sarili sa kama at patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha niya. *** Day 8 “Ano Inspector any good news?” bati ni Sharm sa bisita, andito siya ngayon sa isang sikat na restaurant kinatagpo niya ang inuupahan na imbestigador para makatulong sa paghahanap kay Cham. “Mam pasensya na pero hindi pa din namin natuntun kung asan ang kaibigan mo, masyadong malinis ang pagkakagawa nila ng pagdukot dito” kumunot ang noo niya sa walang kwentang balita ng kaharap. “Anong klaseng trabaho yan. Diba pinapasundan niyo ang Congressman na yun asan na ba ang walanghiya na yun” galit na sabi nito. “Mam yung tungkol kay Congressman, nasa Palawan siya at ang sabi ng impormante ko ay andun lang ang Congressman para magbakasyon kasama nito ang ilang kaibigan at wala siyang nakikitang kakaibang kilos nito kundi ang maglibot sa mga iba’t ibang tourist spot doon” nadismaya si Sharm sa mga narinig. “Gawan mo naman ng paraan wala na kami ibang alam na pwedeng gumawa nito sa kaibigan ko. Kung pwedeng doblehin ko na ang bayad sayo para lang mapabilis ang paghahanap sa kanya gagawin ko” desperado na talaga siyang makita ang kaibigan, kakaiba talaga ang pakiramdam niyaa parang nasa pahamak ang kaibigan. “Hayaan niyo Ms. Alban as soon as I got a report sa mga tauhan ko ay ipapaalam ko ulit sa inyo.” Wala namang magagawa si Sharm kundi ang maghintay, maghintay na mahanap si Cham pati ang mga pulis ay walang lead kung asan na ang kaibigan. Pati ang pamilya ni Cham ay hinahanap na siya dahil sa halos isang lingo nitong pagkawala at hindi pagpaparamdam sa kanila. Ilang beses na siyang nagsinungaling sa kanila at unti na lang ay hindi na niya kakayanin at baka maisawalat na niya ito sa kanila pero ayaw niya naman silan mag-alala ng sobra. “Hi Dad how are you today?” naisipan niya na dalawin ang ama pagkagaling sa pakikipagtagpo sa Inspector. Pag-angat nito ng mukha nito ay nakita naman nito ang seryoso at problemadong mukha. “Oh iha buti naman at naisipan mo akong dalawin.” Pinilit ni Mr.Alban na ngumiti kahit pilit, ayaw niyang makita ng anak na mukhang may problema siya. “Yes Dad lagi ka kasing busy sa work mo we barely see each other na kahit sa bahay.” Lumapit siya sa kanyang ama at niyakap ito mula sa likod. “Yeah baby sorry if I’m not visible for the past few days, sobrang dami ko kasing inaasikaso dito sa office.” Hinawakan naman ni Mr.Alban ang mga kamay ng anak. “Dad don’t work too much okay? Tignan mo dumadami ang mga wrinkles mo.” Biro nito sa ama, kahit nasa 50’s na ang ama ay angkin pa din nito ang karisma at tindig ng isang matipunong lalaki. Iniidolo niya ang kanyang ama dahil sa sobrang kasipagan nito at dedikasyon sa trabaho. “I hope I can stop for awhile but this is the time that I need to work hard baby. Our company needs my full attention and well don’t mind it let’s go samahan mo ako maglunch.” Kinabahan siya sa sinabi ng ama, umalis na siya sa pagkakayakap dito at tinignan ng tuwid ang ama. “Dad is there something wrong? Is there something I can help you?” umiling lang ito sa kanya at ngumiti. “Nothing baby, we’re still doing good. No need to worry okay.” Tumayo na ito at pinatay ang laptop sabay yaya na sa kanya na lumabas. *** Day 10 Simula ng napadpad siya sa lugar na ito hindi na alam ni Cham kung kailan ang umaga at gabi, minsan nahuhulaan na lang niya ito dahil sa mga pagkain na inihahain sa kanya. Basta ang alam niya pag may itlog at fried rice agahan ito. Namimiss na niya ang pamilya niya mga kaibigan at mga katrabaho, iniisip niya kung ipinahahanap kaya siya ng mga ito. Napakislot siya ng magbukas ang pinto at iniluwa nito ang isang maliit na pigura, hindi ito ang misteryosong lalaki may dalai tong isang tray ng pagkain. “Iha kumain ka na.” katulad ng lalaki nakabalot din ang mukha nito at tanging mata, ilong at bibig ang kita. Sa boses nito ay mukhang may edad na ito. “Manang salamat po sa pagkain. Tulungan niyo po ako please, hindi ko po alam bakit ako andito maawa po kayo sa akin. Please po tulungan niyo naman ako makalabas dito.” Hindi na siya nagdalawang isip na kausapin at humingi ng tulong sa matanda. “Pasensya na iha” yun lang ang nasabi nito at akma na itong tatalikod ay agad niya itong hinabol at lumuhod siya sa harapan nito at niyakap ang mga binti nito, kahit masakit pa din ang katawan ay pinilit niya itong gawin. “Manang siguro naman po may anak kayong babae, tignan ninyo po ako hindi ako nawawalan ng pasa sa mukha ko ang sakit na ng mga katawan ko lagi niya ako pinagbubuhatan ng kamay. Kung ako ba ang anak mo papayag ka bang makita ako ng ganito?” hindi na naman niya naiwasan ang maiyak. Minsan ay nade-dehydrate na siya sa dami ng iyak na nailalabas sa buong araw. “Iha bitawan mo na ako. Wala akong magagawa para sayo” mahinang tugon nito, nanlumo naman siya sa narinig. Ang kakarampot na pag-asa niya ang naglaho na lang na parang bula. Tumayo na siya at dahan-dahan naman lumabas ang matanda, hinabol niya ito at nakabig niya ang pinto dahil sa medyo mahina na ang matanda ay nakayanan niya na ibukas ang pintuan ng tuluyan hanggat nakalabas na siya. “Anong ginagawa mo, malalagot ka pag nakita ka niya nasa labas pumasok ka na.” hindi na niya pinansin ang matanda at agad na hinanap ang hagdanan pababa, tumakbo siya ng napakabilis hindi niya iniinda ang mga sakit sa katawan. Agad naman niyang nakita ang hinahanap na hagdan pababa,tama nga siya malaki ang bahay na pinagdalhan sa kanya nasa mga dalawampung baitang ang hagdanan at mabilis niya itong binaba naririnig pa din niya ang pagsigaw ng matanda na nasa taas pa din, kaunti na lang ay nasa baba na siya. Madilim sa paligid ngayon na lang ulit niya nakita ang kalangitan mula sa malalaking bintana dito sa baba ng bahay. Hinanap niya ang main door at magbabasakaling makalabas dito at hindi siya nagkamali ng mahanap niya ito at swerteng nakabukas ito. Kahit hirap sa pagtakbo ay lakas loob siyang tumakbo sa buhanginan, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag niya sa daanan niya. Hinihingal na siya malayo din ang tinakbo niya mula sa bahay na impyerno na yun. Nilingon niya ang pinaggalingan tama ang lalaki nagiisang bahay lang ito dito wala na siyang ibang makita na katabi man lang. Napatigil siya ng naisip paano nga ba siya tatakas? Nasa isa siyang isolated na lugar, tabing dagat pa ito. Ni isang Bangka ay wala siyang makita sa paligid. Ayaw naman niyang magbakasakali na mag-iba ng direksyon dahil bukod sa madilim ay mukhang nakakatakot ang paligid dahil sa mga matataas na mga puno dagdagan pa ng sobrang tahimik na kapaligiran. “Iha bumalik ka na dito” narinig niya ulit ang sigaw ng matanda nilingon niya ito at nasa labas ito ng pintuan ng bahay. Nagkaroon naman siya ng pag-asa ng may marinig siyang maingay sa may dagat. Isang paparating na de-makinang Bangka. Nagpatuloy na siyang maglakad sa may pangpang para makahingi ng tulong dito, hindi niya maaninag ang sakay nito pero umaasa siya na matutulungan siya nito. “Tulungan niyo po ako parang awa niyo na” aniya at kinaway-kawayan pa niya ito para mapansin siya. Paulit-ulit niya itong sinabi palakas ng palakas niyang sambit. Andito na siya sa may tubig at hinihintay ang papalapit na tulong. Nagkaroon na naman siya ng panibagong pag-asa. Halos isang dipa na lang ang layo ng Bangka mula sa kinatatayuan niya, madilim ito at wala man lang kahit isang ilaw kaya hirap siya makita kung sino ang laman nito. Itinigil na nito ang makina at nakita na ni Cham ang anino ng taong sakay nito. Napatigil siya ng maanigan ang taong sakay nito ng tuluyang nakababa na ito. “Who told you that you can escape from Hell sweety?” ang boses na yun, ang kinakatakutan niya. Tatakbo na sana siya palayo pero mabilis itong kumilos palapit sa kanya at hinila ang buhok niya, hindi pa ito nakuntento dahil dinala siya nito sa medyo malalima na tubig at walang habas na nilublob ang ulo niya dito. “I told you we will play here till death, so you can’t escape from me. You b^tch” paulit-ulit niyang nilublob ang dalaga sa tubig hanggat hindi siya nakukuntento makita itong naghihirap. “Tama na please.” Pagsusumamo niya ng magkaroon siya ng pagkakataon magsalita ng inihaon siya nito sa tubig,sunod-sunod ang pagubo niya dahil sa daming tubig alat na nainom. “Ang sarap pakinggan na nagmamakaawa mas lalo akong ginaganahan na saktan ka.” Sabay tawa nito ng malakas. Agad siyang hinila nito sa pampang hindi pa ito nakuntento sa hawak na braso kaya hinila naman nito ang buhok ni Cham. Halos mapasubsob na siya sa buhanginan, pakiramdam niya ay matatangal na ang buhok niya mula sa anit nito, pilit niyang inaabot ang kamay ng lalaki para tangalin ang kamay nito na nakahila sa buhok niya. “Aba pumipiglas ka na ngayon ah.” Itinayo siya nito ngunit hawak pa din ang mga buhok niya. Humarap siya sa kanya at binigyan siya ng napakalakas na suntok sa sikmura. “A-aang S-aama moo” pautal-utal na sa mahinang sigaw niya. “Oo simula nang makita kita, lahat ng kasamaan gusto kong gawin sayo” ganting sigaw nito sa pagmumukha niya. “W-wala a-kong g-ginawa sa-yong m-masama” garagal na ang boses ni Cham. Tinawanan lang siya nito, parang halakhak ng isang demonyo. Halos lamunin na siya nito ng buo. “Hmm wala nga ba? Kala mo kung sino kang santa umasta. Pero nasa loob ang baho mo, amoy na amoy ko umaalingasaw.” Nabigla siya ng duraan siya nito sa mukha. Napapapikit siya sa diring naramdaman at heto na naman siya ang kakampi niya ang mga luhang naguunahan bumaba mula sa kanyang mga mata “W-wala a-akong ti-tinatapakang tao kahit kailan man.” Nagpinting ang tenga ng binata sa narinig, mas lalong sumiklab ang galit nito sa mga mata, napakuyom siya sa kamao nang-gigil siya sa narinig mula sa dalaga. Nakatikim na naman si Cham ng sampal hindi na ito katulad ng dati na paisa-isa hanggang apat, sunod sunod siya nitong sinampal hanggat mapaupo na si Cham sa buhanginan. Kung ilang beses siya nito sinampal ay hindi na niya nabilang. Pati na ang mga luha niya ay umurong na sa sobrang sakit na naramdaman sa mukha nito. “Ulitin mo pa yang sinabi mo, sisiguraduhin ko na mapuputol na yang ulo mo sa mga susunod na sampal ko.” Sa pagkakaluhod ng dalaga sa buhanginan ay halos maabot na ng ulo niya ang tuhod niya, sa sobrang hilo na din ay hindi na niya alam anong pwesto pa ang gagawin. Muli siyang hinawakan ng lalaki sa braso ng sobrang higpit, itinayo siya nito at walang habas na naman siya hinila nito pabalik sa bahay nito. Suray-suray siyang naglakad, nasulyapan naman niya ang matandang babae na nasa gilid ng pintuan, umiling lang ito at para bang ibig sabihin nito na pinagsabihan na kita ayan tuloy ang napala mo. “Welcome back to Hell” pangaasar na sabi kay Cham. Binitawan siya nito, umalis ito at pumunta sa kinaroroonan ng matandang babae. Pinilit niyang maglakad papunta sa upuan. Sobrang nanlulumo na siya at nanghihina parang any moment ay pwede na siyang mawalan ng malay. Ilang minuto lang ito nawala at binalingan na naman siya nito ng sama ng tingin. “Please kung sino ka man maawa ka naman sa akin. Pagod na pagod na ako.” Gusto man niyang tumakbo ngayon dahil nakikita niya na naman ang gigil sa reaksyon ng mga mata niya. “Hindi ako mapapagod saktan ka tandaan mo yan. Wala pa sa kalagitnaan to ng sakit na ipadadama ko sayo.” Nilapitan na siya nito at walang awa na sinabunutan ang buhok niya kinaladkad siya nito paakyat sa hagdanan. Napapakapit na lang siya sa gilid ng hagdan habang patuloy ito sa pagkaladkad sa kanya. “Isang pagkakataon pa na tangkain mo na takasan ako hindi mo na mararamdaman ang paghinga mo. Kaya’t habang may pasensya pa ako, wag na wag mo ako susuwayin.” Ang sakit na ng mga binti niya dahil sa pagkaladkad na ginawa niya sa kanya mula sa pababa hanggang dito sa taas. Hanggang sa makarating sila sa silid niya ay sabunot pa din ng lalaki ang kanyang buhok at pagpasok nila sa sa silid niya ay agad naman siya nitong itinapon sa kama ng sobrang lakas pagulong-gulong siyang nalaglag sa kama at malakas na tumama ang ulo niya sa pader. Napaigtad siya sa sakit hinabol niya ang hininga, halos maubusan na siya ng hangin sa katawan, huling bagay na naalala na lang niya ay ang umaagos na dugo mula sa ulo niya. Pagkatspos noon ay nagdilim na ang kanyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD