Chapter 12

3505 Words
Naalimpungatan na si Cham pero parang naandar pa din sila, pakiramdam niya ay kanina pa siya nawalan ng malay pero andito pa din sila sa kotse ng mga dumukot sa kanya. Wala pa din siyang makita gusto man niyang magsalita pero masikip ang nilagay na tape sa kanyang bibig. Nahihilo pa din siya epekto ng pinaamoy sa kanya kanina. “Gising ka na pala sakto para hindi kami mahirapan buhatin ka” umayos siya ng upo at pilit na kinikiskis ang dalawang kamay niya. “Wag ka na magtangka pa hindi mo maaalis yan” pabulong na sabi ng katabi sa tapat ng tenga niya, nadidiri naman siya sa ginawa ng lalaki sabay hinaplos haplos naman ng isa pang lalaki ang mga buhok niya. “Pare hindi ba pwedeng pag-pyestahan muna natin ito. Kanina pa ako nanggigil dito sobrang bango at ang kinis pa.” napalunok si Cham sa narinig, halos maubos na ang mga laway niya sa sunod-sunod na paglunok. Mariin niyang pinikit ang mata, iniisip niya na lang na isa lang itong panaginip. Magigising din siya sa bangungot na ito. Hinawakan ng katabi ang kaliwang binti niya, hindi pa ito nakuntento dahil itinaas pa nito ang suot niya at pinaghihimas ang binti niya. Samantalang ang nasa kanan na lalaki ay nararamdaman niya ang hininga nito sa tenga niya. Nadidiri siya sa mga pinag-gagawa nila, sobrang kabog na ng dibdib niya. Buong lakas na nagpumiglas siya sa mga pinag-gagawa ng dalawang lalaki. “Wag ka na umarte pa miss, alam ko namang liberated ka kaya game ka sa lahat.” Hindi niya magawang bumuntong hininga dahil bumabalik lang din ang hininga siya sa lalamunan niya palabas sa ilong, mahigpit din ang pagkakalagay ng tape sa bibig niya. “Pre wag ninyo na iyang pagdeskitahan utos ni Boss na walang gagalaw diyan sa babae na yan.” Sabi ng driver nakikita nito mula sa rear mirror ang ginagawa ng dalawa sa tabi ng dalaga. “Hindi naman malalaman yun saglit lang naman to” pagpupumilit nito. “Pare itigil niyo na yan. Malapit na tayo bumaba.” Naramdaman ng dalaga na may sumuway sa dalawang katabi. “Don’t tell me naawa ka dito sa babaeng to” singit ng katabi ni Cham “Sumusunod lang ako sa utos, malalagot tayo kay boss pag nalaman niya ang ginawa niyo” may takot sa boses ng lalaking nasa likod. Nakahinga naman siya ng maluwag ng nanahimik na ang dalawa. Sino kaya ang boss ng mga ito hindi pa rin mawari ni Cham kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanya. Sobrang pandidiri talaga ang nararamdaman niya ngayon. “Ok andito na tayo, nagaabang na ang bangkero siguraduhin niyo na walang makakakita sa atin” binuksan na ng lalaki sa kanan niya ang pinto ng kotse at inutusan na siyang tumayo. Pagbaba niya ng kotse ay hinawakan siya ng isang lalaki ng mahigpit sa kanyang braso, naririnig naman ni Cham ang mga alon sa paligid, hindi niya alam saan na siya dinala ng mga ito ang alam niya lang ay nasa tabing dagat sila. Naramdaman na niya ang tubig habang naglalakad sila, binuhat naman siya ng isa sa mga lalaki paakyat mukhang isang malaking Bangka. “Buti at walang nakakita sa atin, tumawag na si Boss andon na siya at hinihintay tayo.” Naiwan ang dalaga sa isang sulok, naririnig niya ang mga pinaguusapan ng mga kasama. Nanghihina na siya dahil sa mga nangyayari ngayon naramdaman ni Cham ang sobrang takot, takot kung ano ang mangyayari sa kanya sa pupuntahan nila. Ibinuhos niya na lang ang mga luha at napayukong nagdadasal na sana ay hindi siya mapahamak. “Oh mga pare umiiyak na ang bisita natin, kawawa naman mas matakot ka mamaya Miss matagal ka ng hinihintay ni Boss.” Pinilit niyang tumayo pero pinigilan siya ng isa sa mga ito. “Anong gagawin mo? Tatalon ka? Wag mo na balakin malalim ang tubig mas pipillin ko na lang na manahimik diyan at maupo ka lang.” narinig niyang bulong sa kanya, ito ang lalaking nagsuway sa mga nang-mamanyak sa kanya kanina. Narinig niyang tumigil na ang sinasakyan nila, kinuha ng isa sa mga ito ang kamay niya at pinatayo na inalalayan siyang makababa ng Bangka. “Boss ito na po ang pinapakuha niyo, buong buo yan walang galos or sugat.” Narinig ni Cham ang tawa ng bagong lalaki na tinatawag nilang Boss. “Magaling pwede na kayo umalis, siguraduhin niyo na walang makakaalam sa lugar kung asan itong babaeng ito. Siguraduhin niyo na malinis ang mga galaw niyo. Walang nakakakilala sa akin, wala kayong kinuhang babae lahat ng nangyari ngayon ay kalimutan niyo na. Sige umuwi na kayo.” Iniabot nito ang isang maliit ng bag kabayaran sa pagdukot kay Cham. Naramdaman niya na nag-alisan na ang mga lalaking kasama kanina tumunog na ang makina ng Bangka ng mga ito. “Welcome to Hell” bulong ng lalaki sa tenga niya. Pagkasabi nito ay agad siya hinawakan ng mahigpit sa braso niya at kinaladkad papunta sa loob. Masakit na ang paa ni Cham dahil sa pagkakaladkad ng lalaki sa kanya, natanggal na din ang suot niyang sapatos bawat lakad niya ay mga tumutusok na maliliit na bato. Pinilit niyang tangalin ang braso niya sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki. “Yan ang gusto ko lumalaban. Mukhang matutuwa ako sa laro natin.” Natigilan si Cham sa paglalakad pero hindi sapat ang lakas niya para hindi siya mahatak ng lalaki. Mahaba-haba din ang nilakad nila mula sa tabing dagat. Narinig niyang binuksan nito ang pinto. “This is your Hell now and I am your Satan, we’ll play here till death” binitawan siya nito at agad naman siyang napaupo na sa sahig sa sobrang panlulumo, hindi niya alam kung ano ang napasukan niya nakakatakot ang mga pinagsasabi sa kanya nitong lalaki na ito. Naramdaman niya na tumapat ang lalaki sa may mukha niya. Ramdam niya ang mabangong hininga nito hindi katulad ng mga kasama kanina na masangsang ang amoy. Natulilig ang mundo niya ng bigla siya nitong sampalin ng napakalakas. “Oh baby you look good when you're hurt” napangiwi siya sa sakit ng sampal nito, parang lalo siyang nahilo ang sakit ng pisngi niya. “This is just the beginning kurot pa lang yan.” Nakakatakot ang boses ng lalaki, pakiramdam ng dalaga ay talaga nasa pinto na siya ng impyerno , napayuko na lang siya at hindi na napigilang lumuha. Gusto niyang sumigaw, manghingi ng tulong pero anong laban niya sa kaharap, may tape pa din ang bibig niya. “Don’t worry masasanay ka din, it will come to the point na hahanapin mo ang sakit na yan. Don’t worry it will be painless by then.” Sambit nito sabay halakhak. Marahas na itinayo siya nito sa pagkakaupo sa sahig at walang habas na itinapon siya sa sofa. Napangiwi talaga siya sa sakit dahil tumama ang likod niya sa arm rest ng upuan, napapalipit ang katawan niya sa sakit. “Ohhh napakasarap tignan. Do you want more baby?” napagakat labi si Cham sa dulot na sakit sa likod, imbes na maupo siya sa sofa ay napaupo na naman siya sa sahig. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Itinayo siya nito at pilit na itinutuwid ang katawan niya na hindi pa humuhupa ang sakit. Sinampal na naman siya nito hindi lang isa kundi apat na beses. Ramdam na ni Cham na may tumutulo ng dugo sa gilid ng labi niya. “Oh such a cry baby. Don’t cry baby instead just enjoy the agony.” Bulong nito sa kanya sabay kagat sa tenga niya. Humahagulgol na siya pero parang walang awa ang isang ito. Itunulak siya ulit nito at pabalagbag siyang napaupo sa malambot na sofa. “Nagsisimula pa lang tayo young lady, madami ka pang iluluha gusto ko sa mga susunod na araw dugo na ang lalabas diyan sa mga mata mo” pasigaw na sabi nito, sabay buga sa kanya ng usok nito mula sa sigarilyo niya. Tinanggal nito ang tape na nasa bibig niya, pinahid nito ang dugo na nasa gilid ng labi ng dalaga at isinubo ang daliring may dugo sa bibig ni Cham. “Taste your own blood. Isn’t it sweet?” ngayon na lang siya ulit nakahinga ng maluwag, ilang beses niyang hinabol ang hininga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman sa buong katawan, lalong lalo na sa mukha niya. “Ba-bakit m-mo gi-nagawa i-to sa a-akin?” mahinang sambit niya, sa wakas ay nakapagsalita din siya. “Let’s just say that nakareceive ka ng invitation to experience and enjoy hell.” Tumawa ito ng nakakaloko sobrang lakas na nakakabingi na. Hindi niya pa din maintindihan bakit kailangan siyang saktan nitong kaharap, wala siyang alam na dahilan bakit ang isang tulad niya ay makakaranas ng ganito. Inumpisahan na naman siyang kaladkarin ng lalaki at ngayon ay paakyat sila nararamdaman niya ang paghakbang sa mga hagdanan. Mukhang malaki ang bahay na ito dahil sa haba ng inakyat nilang hagdanan, nang makarating sila sa taas ay binuksan ng lalaki ang pinto at agad namang itinapon ang dalaga dito. “Just a warning, for you to save your energy. Wag mo ng balakin pang sumigaw for help walang tutulong sayo dito. This is an isolated area only me and you are here. ” pabalang na tinanggal ng lalaki ang piring niya sa mata. Ilang beses muna siya kumurap-kurap dahil sa tagal na may piring ay medyo lumabo ang mata niya. Malamlam ang ilaw sa silid tanging isang maliit na lampshade ang andito. Inilibot niya ang mga mata sa paligid ng silid isang malaking kama ang andito may banyo na din pero wala man lang bintana. Napadako ang tingin niya sa lalaki na nakaupo sa maliit na sofa na andito. Hindi niya makita ng maayos ito dahil katulad ng mga lalaki kanina tago din ang mukha nito at nakalong sleeve na damit. Nakaupo siya ngayon dito sa gilid ng kama, napaurong siya ng lumapit ito sa kanya takot na siya pag lumalapit ito sa kanya. Iniiwas niya ang tingin niya dito, lumuhod ito sa tapat niya. “Just behave okay” sakto lang ang ilaw ng lampshade para makita ng binata ang kabuoang mukha ng dalaga, bakas pa rin ang mga kamay niya sa makinis nitong pisngi. Tiim bagang niyang tinitigan ito pero ayaw tumingin nito sa kanya. Namumula na ang mga mata nito sa kakaiyak at sa tagal ng pagkakapiring. “T-Thanks” garalgal na sabi ni Cham, nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga sa kanya pagkatapos niyang tangalin ang gapos nito sa mga kamay. Hindi niya inakala na magpapasalamat pa ito. Wala na siyang nasabi pa, tinignan niya ulit sa huling pagkakataon ang dalaga tumayo na siya at lumabas na ng kwarto nito. Napasandal siya sa pinto at humugot ng isang malalim na hininga. Narinig niya ulit ang mga hikbi ng dalaga sa loob ng silid. Sapo ni Cham ang mga pisngi ang sakit pa din kasi ng pagkakasampal sa kanya, kahit sa panaginip hindi pa niya naranasan masampal ng kung sino hindi niya inakala na isang malakas na lalaki pa ang gagawa nito sa kanya, hinilot niya ang likod niya na sobra din ang sakit. Umakyat siya sa kama at sumandal sa headboard. Binaluktot niya ang dalawang tuhod at niyakap ito, humagulgol na naman siya ng iyak na parang ang mga luha na lang ang kakampi ngayon. Ang mga luha na siyang nakakaalam ng mga sakit na naranasan niya. “This is your Hell now and I am you Satan, we’ll play here till death” Hindi mawala sa pandinig niya ang sinabi ng lalaking yun sa kanya. Nagbalik ang mga magagandang alaala niya kasama ang pamilya niya, paano na lang pag mawala na siya hindi man lang nito maiiahon ang pamilya sa hirap. Ang tatay niya na sobrang proud sa kanya hindi niya kakayanin na malungkot ito pag nawala na siya. Ang daming pumapasok na eksena sa utak ni Cham, gusto man niyang maging matatag pero hindi niya alam paano umpisahan. Balot na balot na siya ng takot. Napakislot naman siya ng bumukas ulit ang pinto. Inihagis nito ang isang malaking bag sa kanya. “Ayan ang mga damit pampalit mo.” Tinignan lang ni Cham ang lalaki ng saglit at itinuon ulit ang paningin sa ibang direksyon. *** “Sharm sorry to disturb you ah, I keep on calling Cham kasi but I can’t reach her” si Brandon hindi na napigilan na kontakin si Sharm nagaalala kasi ito dahil dalawang araw na nito hindi nakakausap, iniisip na lang niya na baka busy ito. Nagdadalawang isip naman si Sharm kung ipapaalam ito kay Brandon, nakwento kasi ng kaibigan na busy ito ngayon sa Davao at may mga magiging kausap na new investors baka pag sinabi niya ang nangyari dito ay mawala ito sa focus. Hindi muna kasi ipinalathala ang nangyari sa kaibigan sa dyaryo or balita, they were advised na magiimbestiga muna ang mga police lalo na ang primary suspect nila ay ang Congressman. Sakto naman na ang huling balita nito ay nasa out of town daw ang Congressman na pinaghihinalaan nila na baka kasama na nito si Cham kung saan man ito pumunta. “Ah sira kasi ang cellphone niya ipapagawa pa lang, sige sabihin ko tumawag ka. Wag ka magaalala, uy goodluck pala sa work mo diyan paghusayan mo ah.” Kinakabang sabi niya. “Sige pakisabi miss ko na siya. Nalulungkot nga ako dito dahil mukhang matatagalan pa ako gusto ko na makita si Cham hindi ko naman maiwan ang trabaho ko dito” ramdam ni Sharm ang lungkot sa boses ni Brandon, paano pa kaya pag nalaman nito ang katotohanan. “Sige hayaan mo sasabihin ko yan kay Cham, sige ah dami pa kasi ako aasikasuhin. “ ibinaba na nila ang telepeno. Nagi-guilty siya sa hindi pagsabi kay Brandon but she don’t want him to ruin Brandon’s job. Mahalaga ito sa kanya. Nanlulumong pumasok si Sharm sa kwarto niya, namimiss na din niya ang matalik na kaibigan napadako naman ang tingin niya sa may uluhan ng kama niya. Napangiti siya ng makita ang mga pictures nilang dalawa. “Bes I hope your okay. Mamatay na ako sa kaba dito lagi kita iniisip na sana hindi ka nila saktan” Haplos ng dalaga ang frame ng mga pictures nila ng kaibigan. Andito na nga siya sa Pilipinas pero wala naman ang kaibigan naiinis na siya sa bagal ng mga pulis sa paghahanap sa kaibigan halos oras-oras niya tawagan ang mga ito kung may update na ba. Minungkahi na din niya sa Daddy niya na kumuha na sila ng isang private investigator, pero hindi pa ito sumasagot sa hiling niya. *** DAY 5 “Anong ginagawa mo dito” gulat ni Cham nang paglabas niya ng banyo ay nakangising itsura ng binata sa kanya. Kakatapos niya lang maligo at nakatuwalya lang siya hindi niya inaasahan na papasok ito sa kwarto niya sigurado siya na nakasara ito kanina. Hindi niya lang naisip na malamang may susi ito at nakalock din ito sa labas. “Iinom tayo ng alak, tapos sasayawan mo ako.” Napaurong si Cham sa kinatatayuan, sa limang araw na andito siya walang palya ito kung saktan siya. Minsan ay para itong nauulol na aso kung manggigil sa kanya. Minsan naman ay tatahimik na lang ito at titignan siya. Pakiramdama niya ay nababaliw na ang lalaking ito. Naawa siya sa sarili niya pag nakikita ang mga pasa sa mukha at braso at katawan. “Eto ang isuot mo, dapat walang kang suot panloob ah” inihagis nito sa kanya ang isang puting kamison. Napailing naman siya sa gusto nito. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya. “Anong gusto mo ako pa magbihis sayo?” nagulat siya ng sumigaw na ito. Agad siyang pumasok sa banyo. Natatakot siyang lumabas na sa banyo, ilang araw na siya nagiisip ng paraan paano makakaalis sa lugar na ito. Pero never pa siya ulit nakalabas sa silid na ito, dinadalhan lang siya nito ng pagkain at tubig. Isinuot na niya ang kamison na ibinigay nito sa kanya, naaasiwa siya sa suot sobrang nipis. “Hoy ang tagal mo naman diyan ayaw ko na pinaghihintay ako” malakas na kinatok nito ang pinto ng banyo. Nagmatigas siya at hindi pa din lumabas. Nagsimula na naman siyang maluha. Paulit-ulit niyang binabalikan ang mga nakaraan at ninilay-nilay kung bakit ba kailangan niya maranasan ang ganitong karahasan. Wala naman siyang ginawan ng masama, wala siyang tinapakan na tao. Malakas na sinipa ng lalaki ang pinto ng banyo. Agad naman siyang napaatras hanggang sa narating na niya ang dulo ng banyo. “Talagang gusto mo maglaro ah” napakagat labi pa ito ng makita ang dalaga sa kamison. Maliwanag ang ilaw dito sa banyo kaya kitang kita ng lalaki ang kabuoan ng dalaga. Napalunok siya sa nakikita, isang babaeng maganda ang hubog ng katawan makinis pa ang balat at hindi niya inaasahan ang taglay nitong ganda kahit madami itong pasa sa mukha. Takot na takot si Cham sa itsura ng lalaki, kahit na nakabalot ang mukha nito ay kitang kita naman sa mga mata nito ang malagkit na tingin sa kanya. Matangkad ang lalaki na may matipunong katawan kaya naman ay kayang kaya nitong balibagin na lang ng walang kahihirap-hirap ang dalaga. “Mas maganda ka pala sa liwanag.” Sarkastikong sabi nito. Dahan dahan siyang lumapit kay Cham, kitang kita sa dalaga ang takot sa kaharap. Ngumisi muna ito saka hinila ang braso niya palabas sa banyo. Binalibag siya nito sa kama, ang lakas ng impact nito para mahilo siya buti na lang at hindi tumama ang ulo niya sa headboard ng kama. Binuksan naman ng lalaki ang player nito at nagpatugtog, napakunot ang noo ng dalaga dahil ang mga tugtog ay ang mga musika na kadalasan pinapatugtog sa mga cabaret. “Ano pa hinihintay mo? Tumabi ka na dito sa akin.” Mabigat ang katawan na sinunod ang iniutos nito, pinagsabihan siya nito na ayaw niya na sasagot siya dito dahil masasaktan lang siya lalo. Kaya kahit gusto niyang sagutin ito ay pinili niya na lang na manahimik. Umupo na siya sa dulo ng sofa. “Bakit ang layo mo dito ka maupo” itinuro nito na maupo siya sa mga binti nito. Binuka nito ang binti nito at hinila ng malakas ang dalaga ng hindi ito kaagad sumunod. “Ang sakit” mahinang sambit niya ng hinawakan siya nito sa pisngi gamit lang ng isang kamay nito. “Hindi ba sabi ko sayo kung ano ang inutos ko susundin mo kaagad” sinampal na naman siya nito. Natamaan ang tenga niya at parang nabingi siya ng saglit. “Inumin mo yan ubusin mo kaagad” binigay nito ang isang puno na baso ng alak. Halos masuka naman siya ng lagukin ang alak. Pinilit niyang ubusin ito dahil masama na ang tingin sa kanya nito. “Good girl” kinuha nito ang baso na hawak niya at sinalinan ulit ito. Halos siya lang ang nakaubos ng isang bote ng alak na dala nito. “Now dance for me. Gusto ko sayawan mo ako katulad ng mga haliparot sa cabaret at kailangan matuwa ako sa gagawin mo.” bulong nito sa kanya. Agad siya itinulak nito palayo sa kanya. Pagewang-gewang naman siyang tumayo dahil sa dami ng nainom. Napailing pa siya sa sobrang hilo parang dumudoble na ang paningin niya. “Ano na wag mong hintayin na lumapit pa ako sayo” singhal nito sa kanya. Sa ngayon ang iniisip niya na lang ay ang matapos ang pahirap ng lalaki sa kanya. Nilamon na siya ng takot dala na din nang nainom ay sinunod na lang niya ang utos nito. Ito na lang ang pag-asa niya na nakikita niya ang sundin ang lahat ng pinapagawa nito at baka sakaling magbago na ang isip nito at buhayin pa siya. Sa mga nakikita niya dito may pinaghuhugutan itong galit at sa kanya lahat ito binabaling. Galit na hindi niya maintindihan bakit siya pa, siya na walang maisip na ginawang masama sa kapwa. Gumiling na siya at dahan dahan ginalaw ang katawan sa saliw ng kanta, napadekwatro naman ang binata sa nakikita halatang hindi sanay ang dalaga sa harap sa ginagawa basta ang alam niya lang natutuwa siya sa nakikita and he wants more. “Ibaba mo ang strap ng damit mo” napatigil naman si Cham sa narinig. Umiling-iling siya. “Unless gusto mo ako magbaba niyan, punit sa akin yang damit mo pag ako pa lumapit sayo” napakagat labi na lang siya, yumuko at dahan-dahang binaba ang strap ng damit niya. Unti-unti namang dumaloy ang luha niya sa mga pisngi niya. “Tama na please” mahinang sambit niya, hindi kayang gawin ni Cham ang pinapagawa sa kanya. Naramdaman niya na nasa harap na niya kaagad ang lalaki. “Were having fun here baby, take it off slowly or I will do it for you sa paraan na hindi mo gugustuhin?” halos masuka siya sa ginawa nito, sinakal siya nito at walang awang dinilaan ang pinsgi nito. “Bitawan mo ako” garagal ang boses niya dahil sa mahigpit na sakal nito sa kanya. Nakangiti ito ng bitawan siya. “So now sayawan mo ako ulit gusto ko mas malandi, mas kaakit-akit then take off your clothes slowly.” Bumalik na ito sa kinauupuan nito kanina. Inumpisahan na niya ulit ang pagsasayaw, sa tuwing nasasaktan siya nakakaramdam ng kirot physically and emotionally iniisip niya na lang ang pamilya at mahal sa buhay na naghihintay sa kanya. Kailangan niyang lumaban, kailangan niya pang mabuhay. Madami ang umaasa na magbabalik pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD