Chapter 11

3314 Words
“Hi Mach ko kanina pa ako natawag super busy ka yata ngayon?” today ang Welcome s***h Anniversary Party sa office. Kanina pa nga natawag si Brandon sa dalaga kaya lang since siya ang nagaayos dito ay hindi niya masagot ang kung sino mang tumawag. “Sorry Nrab kanina pa kasi ako busy sa pagaayos para mamaya sa party, sayang nga wala ka dito” napabuntong hininga naman ang kausap sa kabilang linya. “Oo nga Mach mukhang matatagalan pa ako dito maextend pa ako ng another week sabi ni Dad madami daw kasi kami parating na investors gusto niya ako makipagusap para matutunan ko na daw paano ang makipagdeal.” Malungkot ang boses na sabi sa dalaga, namimiss na niya kasi si Cham ilang araw palang silang hindi magkasama parang isang taon na ang katumbas. “Okay lang yan Nrab kaya mo yan galingan mo ah dapat lahat maclose mo ang deal mo ah. Tapos itreat kita pag natupad yan. “ “Ayaw ko ng treat pwede ba humiling?” “Hmm Sige basta ba kaya ko ah” “Baka magalit ka wag mo ako bababaan ng telepono ah” “Sige na basta kaya ko ah” sa wakas kahit man lang sa telepona masabi niya ang gusto sabihin dito. Sana lang this time ay pumayag na at making ito sa sasabihin niya. “Mach makinig kang mabuti okay? Wag mo babalewalain lahat ng sasabihin ko. Gusto ko lang naman pumayag ka na ligawan kita. Please wag mo ibaba ang phone” napalunok naman si Cham, namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa. “Mach naman eh ayan ka na naman wala ka na namang reaksyon. Please.” Dugtong nito dahil wala man lang siyang marinig kahit anong sagot dito. “Nrab hindi ka ba kuntento kung ano meron tayo ngayon? Masaya naman tayo na magkaibigan lang tayo diba? Natatakot ako paano kung hindi tayo magwork mawawala na lang parang bula ang pagkakaibigan natin ayaw ko mangyari yun.” Mahabang paliwanag niya, hindi siya bingi, hindi siya manhid na para hindi marinig at maramdaman ang lahat ng pinapahiwatig ng kaibigan pero mas mahalaga sa kanya ang friendship nilang dalawa. “Mach oo hindi ako kuntento na ganito lang tayo, gusto ko mahalin kita ng higit pa sa inaakala mo, gusto ko iparamdam sayo ang nararamdaman ko ng higit pa sa inaakala mo. Lahat gusto ko malaman mo at iparamdam sayo pero paano ko magagawa kung magkaibigan lang tayo. “ naninikip ang dibdib ni Cham sa mga rebelasyon ni Brandon, hindi niya talaga inaakala simula pa lang na aabot sila sa ganito. Siguro tanggap niya pa kung hindi sila matalik na magkaibigan. Anim na taon silang magkaibigan ayaw niyang dumating sa point na matapos ito. “Nrab bakit mo ba ako nagustuhan? Ang dami naman diyan na iba na mas higit sa akin. Kapantay mo, asa baba mo lang ako hindi kita kayang abutin kailanman.” Isa pa ito sa ikinatatakot niya mayaman sila Brandon siya ay hamak na simpleng tao lang walang ipagmamalaki kundi ang pinagaralan niya at katalinuhan. “Mach ang pag-ibig naman ay hindi kailangan pantay kayo ng estado, I never planned on falling in love with you but it’s like magic it just happened. Who cares if we’re not on the same state what important is my heart beats for you.” Para namang natunaw ang puso ni Cham sa narinig, ganoon ba siya kagusto ng kaibigan. Para hindi nito intindihin kung ano lang meron siya. “Natatakot ako Nrab, pasensya ka na kung lagi ko iniiwasan ang ganitong usapan ayaw lang kitang mawala. Isa ka sa mga bilang na totoong kaibigan ko.” Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ng dalaga, masaya na si Brandon ay may pagtingin sa kanya, malungkot dahil ayaw niya na baka magtapos ang pagkakaibigan nila pag hindi sila nagwork. “Mach listen okay? If you will give me a chance I won’t promise you anything, we will still be friends gagawin pa din natin ang nakagawian natin but madagdag lang ang special feelings ang love. Hindi ko ipapangako na baka masaktan kita sinasadya ko man o hindi pero gagawin ko lahat para makabawi ako sayo. Hinding hindi ako mangangako just let me show you what I can do.” She can feel Brandon’s sincerity. Napapapikit si Cham she’s thinking what to answer. Humugot muna siya nang isang napakalalim na hininga. “Nrab let’s just see when you come back. Sa ngayon pagbutihan mo ang pagtratrabaho mo diyan para mas lalong maging proud sayo sila Tita okay.” Sa ngayon ang iniisip preoccupied pa ang utak niya madami pa siyang dapat ayusin siguro makakapaghintay naman si Brandon. “Aasahan ko yan Mach ah excited na tuloy ako umuwi, uwi na kayo ako bukas?” masayang sabi nito “Hoy Nrab umayos ka ah. Sige bukas na lang tayo magusap I need to prepare pa will start in an hour” natapos na ang paguusap ng dalawa, dumeretso na si Cham sa room na inupahan, sa isang malapit na Hotel sa opisina gaganapin ang party nila. “Ara okay lang ba tong suot ko?” naka black halter neck striped maxi dress siya ngayon. Pareho sila ni Sharm blue nga lang ang sa kaibigan. “Grabe Mam ang sexy ninyo diyan lumutang lalo ang maganda niyong katawan” manghang sabi ni Ara, binagayan pa ito nang mahaba niyang buhok na tuwid na tuwid. “Salamat, hindi nga ako komportable sa totoo lang.” nagsimula na siyang ayusan ni Ara pati makeup ito na din ang naglagay sa kanya. “Naku Mam sigurado akong pagtitinginan ka na naman mamaya ang galing ng make up na nilagay ko simple lang yan pero dalang dala niyo. “ nakangiti ito at tinignan pa si Cham ng buong buo. “Halika na sa baba, baka madami ng tao. Si Joe kaya andiyan na?” si Joe ang magiging emcee nila ang entertainment writer nila. “Opo nagtext na sa akin kanina.” Bumaba na sila pagdating nila sa events place ay madami ng tao, maingay na din sa kapaligiran nakita na din niya ang mga Alban na nakaupo na sa unahan, lumapit na siya dito. Pagkakita pa lang sa kanya ni Rico ay agad itong tumayo at sinalubong siya. “Hi Chamile you're so gorgeous” napailing pa ito sabay hinalikan ang dalaga sa mga pisngi nito at inakbayan pa ito papunta sa mesa nila Sharm. “Iha sobrang ganda mo ngayon ah, para talaga kayong kambal ni Sharm” bati ng Tita Edith niya ang mommy ni Sharm. “Syempre naman mommy we’re twin sisters diba bes?” sa pareho ba naman nilang damit kulay lang ang pinagkaiba. Si Sharm nga lang ay may kulay ang buhok pero halos magkapareho sila ng haba ng buhok. Nagsimula na ang party nila, sinimulan ito ng isang panalangin na pinamunuan ni Mrs Alban. Panalangin na maging matatag pa ang kompanya at malagpasan ang kinakaharap na problema ngayon. Hindi kasi pinayagan ni Mr. Alban si Cham na makipagkita sa Congressman kahit kinukulit ito ay hindi kayang mapahamak ang itinuring nang anak. Kasunod nito ay ang special performance ng mga iba’t ibang writers. “Kakatuwa sila bes ang cute nila magsayaw.” Tawa ng tawa si Sharm dahil sa mga nagbihis ng pambabae ang ibang writer at umarte na parang mga binabae. “Oo nga bes madami pa magpeperform may mga kakanta pa” Inihain na din ng mga waiter ang mga pagkain sa mga mesa, masaya ang lahat ng mga andito ngayon ito ang ikasampung anibersaryo ng Alban publishing. Makikita din sa mukha ng magasawang Alban ang kasiyahan sa mga handog nilang mga performance. Kadalasan sa mga empleyado dito ay mga tao pa ng Alban simula ng magbukas ito. “Mam Cham maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng masayang party. Dati po simple lang ang mga celebration namin pag anniversary ngayon sobrang saya po. Nagenjoy po kami” natuwa naman siya sa mga reaksyon ng mga katrabaho. Naglilibot siya ngayon sa bawat mesa ng mga empleyado. “Walang anuman masaya din ako at lahat kayo ay nagparticipate.” Pinangako kasi ni Cham na ang pinakamagaling na grupo ay may premyo na makukuha na regalo galing sa kanya. “Iha ang saya ng kinalabasan ng mga performance nila pinaghandaan talaga ah.” Masayang puna ni Mr. Alban. “Opo tito I requested them to give their best para maaliw naman po tayo sa gabing ito. Buti naman po nagustuhan niyo” nagpaalam muna siya na pupunta sa restroom. “Hi mam Cham” bati ni Mang Roger ang driver nila Sharm, nakasalubong niya ito sa daan papuntang restroom “Hello po Manong Roger kumain na po ba kayo?” “Tapos na po. Ang sarap nga po ng mga pagkain.” Nagpaalam na ito na pupunta munang banyo. Paglabas niya ay nakita niya ulit ito naalala niya naiwan niya pala ang mga pang prizes niya sa mga mananalo sa gabing ito sa kotse ni Sharm. “Mang Roger okay lang po ba na mahiram ang susi ng kotse ni Sharm meron kasi akong kukunin doon.” “Samahan ko na po kayo?” alok nito. “Hindi na po magaan lang naman po iyong kukunin ko.” Kinuha naman ito ng matanda mula sa bulsa nito at iniabot kay Cham. Matatapos na din kasi ang oras nila hanggang alas dose lang ng gabi ang party nila. Kailangan niya na makuha ang mga items na binili niya kasama ng mga gift certificate para sa mga papalarin na mananalo. Lumabas na siya nag Hotel nasa labas kasi ang parking lot nito, medyo nahirapan pa siyang hanapin ang kotse ni Sharm dahil hindi naman sila sabay nito dumating dito, hindi naman niya natanong kung kay Mang Roger saan nito ito nipark kaya ito ay halos sampung minuto na siguro siya naghahanap. Nagtataka siya bakit wala siya man lang makita kahit isang security guard na pwede niyang hingan ng tulong. Sa wakas ay nakita niya din ang kotse ni Sharm nasa may ilalim ito ng isang malaking puno kaya naman pala hirap siyang makita ito. Agad niyang itong binuksan at pumasok sa loob mabilis niya lang nakita ang mga gamit na kailangan. Pagkakuha nito ay agad naman siyang lumabas na ng kotse, pagkasara niya ay may naramdaman siyang matulis na bagay sa may likod niya. “Wag kang sisigaw itatarak ko ito sa tagiliran mo pag may narinig akong ingay diyan sa bibig mo” laking takot ni Cham sa sinabi ng lalaking nasa likod niya hindi ito nagiisa dahil agad nagsulputan ang mga kalalakihan. Naglakad na sila papunta sa kotse ng mga lalaki hindi siya makalingon sa mga ito dahil nakatarak pa din ang patalim sa tagiliran niya habang naglalakad sila. “Pasok wag kang magiingay uulitin ko, may baril ako dito ipuputok ko sayo ito pag nagingay ka.” Walang nagawa si Cham kundi ang manahimik ang lakas ng kabog ng dibdib niya pasimple niyang sinulyapan ang mga lalaki hindi niya ito mamukhaan lahat sila ay may full face cover mask beanie para matakpan ang mukha nito tanging mata, ilong at bibig lang ang makikia sa kanila. Nakasuot din sila ng jacket mga nasa lima ang kasama niya sa kotse. Sinimulan ng paandarin ang kotse palayo sa Hotel. Dalawang lalaki ang katabi niya at pinagigitnaan siya nito. Nilagyan ng packaging tape ang dalawang kamay niya at ng akmang lalagyan na ang bibig niya ay nagsalita siya. “Anong kailangan niyo sa akin? Wala kayong makukuha sa akin” matapang na sabi niya. “Wag ka na madaming dada. Manahimik ka na lang diyan kung ayaw mong matuluyan” napaurong naman siya sa sigaw ng katabi, nilagyan na siya nito ng piring sa mata at tape sa bibig nito. Nagpupumiglas siya kahit alam niyang wala siyang laban. “Ang kulit mo ah.” Galit na sabi ng katabi niya agad naman siyang nahilo ng may inilagay itong panyo sa may ilong niya. Pinipilit niya na wag ipikit ang mga mata kahit nakapiring siya ay nakabukas lang ang mga mata niya, pero dahil sa ginawa ng katabi unti unti siyang napapapikit sa hilo. Sa mga oras na ito bawat pikit niya ay nakikita niya ang mga mahal niya sa buhay, ang inay at itay niya ang mga kapatid. Natatakot siya na pag pumikit siya ay huli na ang lahat hindi niya alam ang dahilan bakit siya kinuha ng mga lalaking ito, kung bubuhayin pa ba siya nito ay hindi niya alam. Hindi pa niya kayang iwan ang pamilya niya siya ang natitirang pagasa ng mga ito para makaahon sa kahirapan. Pinipilit niyang labanan ang nararamdaman niya pero wala na siyang magawa tuluyan na siyang nilamon ng pagkahilo. Kung ano man ang magiging susunod na pangyayari ay hindi na niya alam. “Dad did you see Cham?” tanong ni Sharm sa ama. “Hmm probably 30 minutes ago she said she will just go to the restroom.” “Ok dad excuse me puntahan ko lang siya ang tagal naman kasi mag c.r” dali daling umalis si Sharm at pumunta sa restroom matatapos na kasi ang party in 30minutes. “Hello Mam Sharm” bati ng driver nito, dito kasi ito nakapwesto malapit sa restroom ng mga babae. “Manong did you see Cham? I’m looking for her kasi” “Oo mam hiniram niya ang susi ng kotse mo may kukuhain lang daw po. Nakalimutan ko po kasi sabihin kung saan banda nakapark ang kotse baka nahirapan siyang hanapin” Kwento ng matanda. “Halika Manong puntahan natin si Cham minsan kasi walang sense of derection yun baka naligaw na.” agad naman tumayo si Mang Roger at lumabas na ang dalawa sa parking lot. Laking gulat ng dalawa ng madatnan na nagkalat ang mga paperbag ni Cham para ito sa prizes niya sa mga mananalo. “Manong can you check the car if may nawawala.” Umiling ang matanda, walang nawawala sa loob kahit isa. Inutusan naman niya ito na pumunta sa security para ipacheck if nakita nila ang kaibigan. “Manong anong klaseng security meron kayo dito? Hindi niyo man lang napansin na may nangyayari na doon banda? May cctv ba kayo?” paulit-ulit na nagsorry ang security guard nakatulog pala ito kaya walang napansin. Hindi pa ito magigising kung hindi pinuntahan ni Mang Roger. “What’s going on here?” nabigla ang dalaga na andito na din ang kanyang ama. “Dad Cham is missing. Kinuha niya lang yung pang prizes sa kotse ko then we saw her things nagkalat na sa daan.” Agad namang naginit ang ulo ni Mr. Alban at pinatawag sa guard ang manager ng security ng hotel. “Ano ba namang klaseng security meron kayo dito. Nawawala ang girlfriend ko ganoon na lang yung sorry.?” Napakunot naman ang noo ni Sharm sa sinabi ng kuya Rico niya. “Kuya it’s not the right time to act like that. Wag kang feeling diyan.” Mahinang singhal sa kapatid. “Sir sorry hindi kita sa cctv ang lugar ng pinagparkingan ng kotse niyo Mam madami kasing puno doon. “ napataas ang kilay ni Sharm sa sinabi ng head ng security. “Pagbabayaran niyo if there’s something happen to my bestfriend. Kailangan niyo kami tulungan ireport yan sa mga pulis, we will also file a case pag talagang may nangyari sa kaibigan ko” sinigawan ni Sharm ang mga ito. Sobrang lakas ng kaba niya parang hindi may hinding magandang nagyayari. “How about any car na umalis sa time na lumabas si Cham sa parking lots makikita niyo ba ang log nito at plate number?” tanong ni Mr. Alban. “Paiimbestigahan ko po yan. Kaya lang po ay kailangan muna ng police report para ipullout ang mga information ng mga plate numbers ng mga kotseng lumabas ng mga oras na yun.” Sharm were so upset right now, she don’t know kung ano na nagyari sa kaibigan. Niyaya na siya ng magulang na umuwi na hindi rin pwede magpuyat ang mommy niya. “Dad any hint why something this will happen to Cham?” tanong niya sa ama, andito na sila sa kotse pauwi. Lahat sila ay balisa pinangako ng security ng hotel na sila na ang mag file ng report sa mga police ay pupuntahan sila nito bukas kung ano na ang next step at ang resulta ng mga imbestigasyon. “Wala ba sayong nakwekwento si Cham anak?” napaisip naman si Sharm kung ano ang ibig sabihin ng ama. “Dad I don’t want to think anymore spill it out please” nagmamakaawang sabi sa ama. She has the right to know what’s going on. “Ayaw ko man isipin ito but I have a hint that it is related with the case we have right now with Congressman Manlapas” lahat na nasa loob ng kotse ay nanlaki ang mga mata. Hindi nila maintindihan kung ano kinalaman ni Cham dito. “Daddy what’s with Congressman and Cham?” curios na tanong ni Mrs Alban. “Remember when the issue started were not yet here so Cham is the one trying to fix it. Congressman met her and that guy started to like Cham.” Napasigaw si Sharm sa sinabi ng ama. “What? Dad so you mean Congressman might kidnapped Cham? Am I right? “ umiling ang ama at malungkot na hinarap ang anak. “That is possible Congressman Manlapas said that he can cancel the case but she wants Cham in return.” Pati si Rico ay napasigaw na. “Daddy anong sinabi mo sa Congressman na yun?” hindi na napigilan ni Rico na manahimik lang, nagaalala din siya para kay Cham. “I said to him that ituloy lang ang laban, I can’t give her Cham she’s already like my daughter and I can’t do that to her. Noong nakaraan araw lang ay kinamusta niya ako about sa deal na yan but still I refused.” Hindi na napigilan ni Sharm ang lungkot naiyak na ito sa sobrang inis sa Congressman na yun. “Daddy what will happen to Cham? We need to do something, we need to do it faster dad let’s tell the police that he is the main suspect for this. Hindi ko kakayanin daddy if something happen with my bestfriend, she’s my only one true friend you know that dad.” Inalo siya ni Rico sa likod dahil sa lakas na ng iyak nito. “Let’s help Cham Dad, tell our writer to publish her photo tomorrow in our newspaper, dad please use your connection and publish this on all newspaper and also in tv dad.” Pagsusumamo nito. “Yes Sharm I will do the best I can, for now let’s pray that nothing will happen to her. Let’s pray for her safety.” Kahit si Mrs Alban ay hindi na mapigilan ang maiyak. “Kawawa naman si Cham, dahil sa problema natin sa kompanya nadamay pa siya. Siya na ang sumalo lahat sana lang wag siya mapahamak. Para ko na siyang anak masasaktan ako pag may nagyari sa kanyang masama” malungkot na sabi ni Mrs. Alban. Nakarating na sila sa bahay nila at lahat ay nanlulumong pumasok sa loob, sinalubong sila ni Manang Ynez na naguguluhan kung ano ang nangyari sa mag-anak. Agad niyang pinuntahan si Roger para makibalita. “Nawawala si Cham kinidnap ni Congressman” mahinang sabi nito. “Ano kamo? Diyos mio hindi ako makapaniwala” kinuwento ni Roger ang mga narinig sa loob ng kotse kanina kung bakit si Congressman ang pinaghihinalaan nila na kumuha kay Cham. “Sharm bakit hindi ka pa matulog” andito sila ngayong magkapatid sa mini bar nila sa bahay. Naabutan ni Rico ang kapatid na nainom. “Kuya Cham is like a sister to me, I can feel that bad vibes nalulungkot ako that I can’t do anything to find her where she at right now that we need to wait for the police to act about it. Parang hindi ko kaya matulog ng mahimbing knowing that Cham is in danger” nagunahan na naman ang mga luha nito. Bawat patak ng luha nito ay nararamdaman ni Rico ang sakit sa dibdib ng kapatid. Dahil kahit siya ay hindi rin mapakali kakaisip kung ano na kaya nagyari kay Cham. “It’s so frustrating ang systema dito mabagal pa naman ang justice dito sa Pilipinas we just hope that Cham will be safe.” Sinamahan na din niyang uminom ang kapatid. Lahat ay nagaalala sa dalaga pati na din ang mga empleyado sa Alban publishing ay alam na ang nagyari, mamayang umaga ay lalabas na sa lahat ng dyaryo at balita sa tv ang nagyari kay Cham. Umaasa silang lahat na mahahanap kaagad si Cham at kung sino man ang gumawa nito ay makita at maparusahan din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD