Chapter 10

3189 Words
“Bes yung totoo kayo na ba ni Brandon?” mausisang tanong ni Sharm sa kaibigan. Andito sila ngayon sa Baguio, naurong ang Welcome party nila dahil gusto na kaagad maggala ni Sharm medyo mainit kasi ngayon sa Maynila. Silang apat ang nandito ngayon kasama si Rico. “Bakit mo ba natanong bes? Diba sinabi ko na sayo na friends lang kami” andito sila ngayon sa Burnham Park at nagarkila sila ng mga bisekleta. “Bes ramdam ko lang” naguunahan sila sa pagpapatakbo ng bisekleta samantalang sila Brandon at Rico ay nakaupo lang mga pagod kasi sa pagdrive nagpalitan kasi sila sa pagmamaneho papunta dito. Paminsan-minsan ay kinukuhaan sila ng picture ni Brandon. “Bes wag masyadong malikot ang utak mo, magkaibigan lang kami okay” nginitian niya ang kaibigan at mabilis na pinatakbo ang bisekleta niya. Hingal na bumalik ang dalawa sa kinauupuan ng dalawang binata. Pinunasan naman kaagad ni Brandon ang pawis ni Cham sa noo nito. “Thanks Nrab napagod ako, ang bilis kasi humabol nito ni bes” agad naman nagyaya si Sharm na sumakay sa mga Bangka. “Cham amin na ang kamay mo” inilahad naman ni Rico ang kamay nito para alalayan sa pagsakay si Cham sa Bangka. Pagkasakay nito ay agad naman na pinaupo ito ni Brandon sa tabi nito. Napailing na lang si Rico kanina pa siya naasar kay Brandon dahil hindi siya makalapit kay Cham. “Kuya bakit naman nakabusangot ka diyan tulungan mo si Brandon magsagwan para makapunta tayo sa dulo” pangaasar pa nito. Pagkatapos nila sa Burnham park ay dumeretso naman sila sa Wright park. Excited naman na lumapit si Cham at Sharm sa mga kabayo iba’t ibang kulay ang mga ito. Nagpakuha pa sila ng picture kay Brandon. “Nakakatuwa bes may kulay pink talaga na kabayo. Sakay tayo ah” anyaya ni Cham sa kaibigan. “Halika Cham samahan kita” hinila siya ni Rico at pumunta kaagad sa nagpapaarkila ng kabayo. “Ilang kabayo po sir?” tanong ni Manong kila Rico. “isa lang po dalawa po kaming sasakay” napatingin naman si Cham kay Sharm at Brandon na kumukuha na din ng sarili nilang kabayo. “Rico bakit isa lang? Pwede naman siguro na tig-isa tayo sumakay ng kabayo diba?” nagtatakang tanong niya. “Hindi ka naman marunong mangabayo kaya sama na tayo sa isang kabayo.” Wala ng nagawa si Cham tinulungan na siya ni Rico umakyat sa kabayo at sumunod na ito. Siya ang nasa unahan. Nginitian naman niya si Brandon ng nagtagpo ang paningin nila. Nabigla naman ng tumango lang ito at iniiwas ang mga tingin niya sa kanilang dalawa ni Rico. “Cham ang bango mo” napakislot ang dalaga sa bulong ni Rico na nasa likod nito. Inilapit pa nito ang mukha nito sa may tenga niya. “Hoy Rico manahimik ka nga diyan” hindi pa nakuntento si Rico niyakap pa niya ito mula sa likod. Napalunok naman si Cham sa ginawa ng binata. Nakita naman niya na nilingon sila ni Brandon nakita niya ang pagkunot ng noo nito at agad naman inalis ang tingin sa kanila. Nagulat naman siya ng tumawa si Rico. “Rico tanggalin mo nga yang mga kamay mo sa akin.” “Bakit wala naman magseselos hindi naman kayo ni Brandon diba?” sunod sunod na lunok ang ginawa ni Cham dahil lalong humigpit ang yakap ni Rico sa kanya. “Tanggalin mo na yan o ihuhulog kita dito” inis na sambit ni Cham. “Wala naman masama sa ginagawa ko diba?” kinilabutan lalo si Cham dahil ipinatong na ni Rico ang ulo nito sa balikat niya. “Bababa na ako ang kulit mo” sigaw nito kay Rico. “To naman nilalambing ka lang” lumuwag na ang yakap nito sa dalaga. “Ayaw ko na bababa na ako” mahinang singhal nito. “Sige na hindi na kita kukulitin, babalik lang tayo doon saka ka na bumaba” Sumunod na din sila Sharm at Brandon, agad naman bumaba si Brandon at pumunta sa kanila iniabot nito ang kamay niya at inalalayan si Cham bumaba, napapalatak na lang si Rico. Nahahalata naman ni Sharm na parang naiinis ang Kuya niya. Lumapit ito kaagad ng nakababa ito mula sa kabayo. “Kuya yung totoo? May gusto ka kay bes noh?” bulong nito sa kapatid. “Oo”maikling sagot nito. Kumunot ang noo ni Sharm at tinaasan siya ng kilay. “Kuya wag si Cham bestfriend ko yun sa iba mo na lang ibaling yan.” Pakiusap ni Sharm. “Bakit ba? Wala naman siyang boyfriend ano masama don? Mukhang hindi naman niya type si Brandon kaya hindi ko na papalagpasin pa tong pagkakataon ko” seryosong sagot nito sinundan na nila sila Cham na papunta na sa lugar kung saan nila pinark ang kotse nila. “Kuya hindi ako papayag, ako makakaaway mo pag pinilit mo. Hayaan mo na lang ang bes ko kay Brandon” patuloy lang si Rico sa paglalakad ayaw nito pakinggan ang kapatid. “Bes nagaaway ba kayo ni Rico?” hindi muna sumakay si Cham nakita niya kasi na parang nagtatalo ang dalawang magkapatid. “Hindi bes halika na, Brandon sa Mines View naman tayo” tumango lang si Brandon sa kanya. Buong biyahe nila ay tahimik lang ito. “Nrab papicture tayo dun yung may mga costume” hinila ni Cham si Brandon nagsuot sila ng damit pang Igorot. “Nrab smile ka naman para ka namang namatayan sa itsura mo” hinawakan ni Cham ang pisngi nito at iniunat para lumabas ang ngiti nito sa mga labi. Ngumiti nga ito pero parang pilit naman. Samantalang sila Sharm naman ay nagpapapicture sa St.Bernard na aso ang lalaki nila at ang cute may shades pang itong suot at scarf. Hila hila ni Cham si Brandon papunta kina Sharm nagpapicture din sila dito. “Nrab bakit ba parang wala ka sa mood, enjoy lang tayo dapat ang ganda kaya ng view..”bulong ng dalaga. “Okay lang ako Mach, don’t worry about me” ramdam ng dalaga na hindi ito okay, pero hinayaan na niya lang ito at sila naman ni Sharm ang nagpapicture naman sa mga kabayo. “Bes bakit parang ang tahimik ni Brandon noh napansin mo?” tanong ni Sharm sa kaibigan. “Oo nga eh okay lang naman daw siya, kanina ko pa tinatanong bakit tahimik siya ayaw naman sabihin.” Malungkot na sagot ni Cham. “Sige mamaya tatanungin ko. Kakabadvibes naman yan si Brandon nakabusangot dapat happy tayo diba?” sumangayon naman si Cham. Iba’t ibang lugar ang pinuntahan pa nila, ginugol lang nila ang buong araw sa pamamasyal. Pagabi na ng makabalik sila sa Hotel na tinutuluyan nila. Kahit anong gawin na pangungulit ng dalawa kay Brandon ay talaga tahimik lang ito. Magpapahinga lang sila saglit lalabas pa daw sila mamaya at magba-bar. Si Cham at Sharm ay magkasama sa iisang kwarto samantalang si Rico at Brandon ay may sariling inupahan na kwarto. “Pare.” Tawag ni Rico kay Brandon bago ito pumasok sa kwarto nito, halos magkalapit lang room ng dalawa. Hinarap lang siya ni Brandon pero walang namutawi kahit isang salita dito. “Nililigawan mo ba si Cham? Kasi kung hindi uumpisahan ko na sana siya ligawan.” Seryosong tanong ni Rico. Napabuntong hininga si Brandon sa narinig, eto na nga ba ang kinakatakutan niya ang dumating sa punto na may mga kalaban na siya sa dalaga. Ano nga bang karapatan niyang magreact or magselos ni kahit nga si Cham ay hindi pinapansin ang nararamdaman niya, gusto niyang sapakin si Rico, tadyakan at bugbugin dahil sa ginawa niya kay Cham kanina. Sobrang naguumapaw ang sakit sa dibdib niya kanina ng masulyapan ito na nakayakap kay Cham selos na selos siya, pero eto siya nagtitiis na lang na sarilinin ang nararamdaman. Humugot siya ng malakas na hininga para mapigilan ang sarili. “May the best man win na lang” tumalikod na siya at marahan siyang umiling. Ngayon niya naramdaman na parang wala naman siyang laban, how many times he tried to tell it to Cham pero parang ayaw nitong intindihin talaga. Kailangan niyang gumawa na talaga ng paraan alam kung ayaw lang tanggapin ni Cham ang mga naririnig niya mula dito. Pero alam niyang nakikinig naman ito, kailangan niya na ng assurance na hindi maagaw si Cham ng iba. Alas nuwebe na ng gabi ng bulabugin na sila ni Sharm para umalis na at mag pumunta na sa bar. Namangha si Brandon kay Cham ng mabungaran niya ito sa lobby ng Hotel, nagsimula na naman ang dalawang magkaibigan na magsuot ng parehong damit. Nakayoke skirt sila na kulay black lagpas tuhod at plain na tanktop, doon lang sila nagkaiba white ang kay Sharm at gray naman kay Cham. “Hi beautiful ladies” bati ni Rico. “Mach wala ka bang jacket? Or bolero?” tanong ni Brandon, itinuro naman nito ang bag na may nakasabit na jacket. Kinuha ito ng binata at pilit na pinasuot kay Cham. “Ang lamig sa labas saka hindi mo na kailangan ipakita pa yang mga braso mo.” Inakbayan niya ito at lumabas na sila papuntang parking lot. “Nrab mukhang maganda ang gising mo? Hindi ka na nakasimangot.” Sinulyapan niya ang kaibigan na kasalukuyang nagmamaneho, wala na kasi ang mga kunot sa noo nito hindi katulad kanina. “Oo naman basta ba ikaw ang unang makikita ko paggising ko.” Ginantihan naman siya ng binata ng sulyap at kinindatan pa siya. “Naku ang kati kati dito sa kotse mo Brandon huh ang daming langgam.” Pangaasar ni Sharm sa kanila. “Tsss” ungot ni Rico, tinapik naman siya ni Sharm at tinignan na parang sinasabi na manahimik. Kinausap na niya ang Kuya niya kanina ayaw niya na aaligid ito sa matalik na kaibigan, dahil kilala niya ang Kuya niya na hindi marunong magseryoso at ayaw niya masama si Cham sa listahan nito. Andito na sila sa isang pinakamalapit na Bar, alas nuwebe pasado palang pero madami ng tao lahat ay nagsisimula ng magsaya, wala na silang mapwestuhan sa baba kaya sumunod na sila sa waiter na nagaasist sa kanila at umakyat sa second floor. Hindi na din masama ang pwesto nila kitang kita pa din ang stage at ang dance floor mula dito. Umorder muna sila ng makakain for dinner. “Eto ang namiss ko sa Pinas bes, ang mga hyper na tao sa mga bar.” Napapaindak pa sa kinauupuan na couch si Sharm habang winawagayway nito ang baso niya na may alak. “Cheers” yaya ni Rico at sabay sabay nilang itinaas ang mga baso nila. “Game bottoms up” sigaw ni Sharm “Dahan dahan lang Mach medyo namumula ka na” bulong ni Brandon kay Cham. “Okay lang ako Nrab” nagtagpo naman ang paningin nila at sabay napangiti sa isa’t isa. “Shocks hindi ka ba tumitingin nabasa ako oh” nagulat sila ng may sumigaw na babae, si Rico pala nakabangga ng pagtayo nito at natapunan niya ito ng beer. “Sorry sweety” bigla naman natameme ang babae ng makita si Rico ng malapitan, pinunasan niya ito ng tissue at sinamahan papuntang restroom. “Ang lakas talaga ng karisma ng kuya mo bes, bigla nawala ang galit ng babae” sabay silang nagtawanan, sino ba naman ang hindi maakit kay Rico, matangkad ito na chinito at may malalaking muscle. Dimples pa lang nito ay panalo na. “Bakit Mach ikaw ba naakit din kay Rico?” nagkatinginan naman si Sharm at Cham sa sinabi ni Brandon. Nakakunot na naman ang noo nito. “Uy si Brandon nagseselos kay Kuya. Don’t worry tinimbrehan ko na si Kuya na wag ka na agawan pa kay Cham. You have my vote, like at follow pa parang f******k lang hahaha” nawala naman agad ang simangot ng mukha nito sa sinabi ni Sharm. “Buti ka pa Sharm malakas pakiramdam itong kaibigan natin daig pa ang yelo sa pagkamanhid” kinurot ng lihim ni Cham si Brandon sa tagiliran nito, napakislot naman ito sa sakit. “Tignan mo Sharm hindi pa kami pero bugbog sarado na ako dito” napangisi naman si Cham na parang walang ginawa kay Brandon. “Anong sabi mo Nrab?” pinisil pisil ng dalaga ang pisngi niya. “Sabi ko ang ganda mo Mach.” Nakangising sabi nito, nilakasan naman ni Cham ang pagpisil sa pisngi nito. “Hoy tumigil nga kayo diyan naiingit ako. Wala akong partner” sabay irap sa dalawa. “Let’s go sa baba sayaw na tayo ang dami ng tao” hinila na ni Sharm si Cham, wala naman nagawa si Brandon sumunod na din ito. Pagbaba nila ay lalong lumakas ang musika, parang dumadagundong sa dance floor sabayan pa ng mga hyper na mga nagsasayaw. Sumabay na sila sa mga nagsasayaw pinagigitnaan nila si Brandon na para namang tuod at hindi gumagalaw. “Naku bes alis nga muna ako makikigulo ako doon kayo muna diyan ni Brandon, para masolo ka naman niyan” pabulong na sigaw ni Sharm sa tenga ni Cham. Pumunta si Sharm sa pwesto ng mga DJ. Natapos na ang kanta, nanahimik ng isang minuto at sinundan naman ito ng isang lalaking singer. “Ang ganda ng kanta noh?” nabawasan ang mga sumasayaw natira na lang dito ang mga mag papartner. “Oo nga bagay sa atin yung kanta” hinapit ni Brandon ang bewang ni Cham at inilapit sa kanya. Nakayuko naman si Cham inilapat na lang nito ang ulo sa dibdib ng binata at naiilang na tignan ang kaibigan. Iniangat niya ang ulo ni Cham, sinabayan naman ni Brandon ang kanta at seryosong tinitigan si Cham. ♫♪All my life I've prayed for someone like you And I thank God that I, that I finally found you All my life I prayed for someone like you And I hope that you feel the same way too Yes, I pray that you do love me too♪♫ “Kainis” kagat labing nasabi ni Cham, ang lamig ng Baguio ay biglang nawala naginit ng todo ang pisngi niya habang kinakantahan siya ni Brandon. “Wag na wag ka ng didikit kay Rico Mach ah, I cant help but to feel jealous” napaawang ang labi niya sa sinabi ng kaibigan “Nrab” eto na lang ang nasabi niya hindi na niya naituloy ang sasabihin niya sana dahil sa niyukod na siya ni Brandon at dinampian ng halik sa kanyang noo. Simpleng halik lang pero grabe ang epekto nito sa binata, gusto niya iparamdam kay Cham ang buong pagmamahal niya pero hindi niya magawa wala siyang karapatan dito. Habang busy ang mga kasama si Rico naman ay nasa table na ngayon ng nakabanggaan niya ngayon, titig na titig siya sa dalawa habang sweet na sweet na nagsasayaw, gustong gusto niya si Cham kaya lang may dalawang asungot na humahadlang para maumpisahan na niya ang panunuyo dito. Hinipak niya ang sigarilyo nagiisip kung paano mapapasakanya ang dalaga. Isa pa ang kapatid niya na pinagsasabihan siya. Hinahanap naman nila Sharm ang kuya nito, ala una na kasi at medyo lasing na din silang tatlo. “Hay naku si Kuya kung saan na naman napadpad. Umuwi na tayo tatawagan ko na lang pagdating natin sa Hotel” bumalik na sila sa Hotel at agad naman silang nakatulog dala na din sa nainom. Kinabukasan ay late na sila Cham nagising. “Bes nakauwi na kaya ang kuya mo?” nagaalalang tanong nito. “Nagtext kasama niya daw yung babae kagabi doon sa bar.” Dali dali naman silang nagayos since natapos nila puntahan na kahapon ang gusto nilang pasyalan ay ang buong araw naman nila ngayon ay mamimili lang sila ng mga pasalubong. Kailangan din nila umuwi kaagad ng hapon dahil may pasok pa si Cham at madami pang aasikasuhin sa trabaho. Natapos na silang mamili pero wala pa din si Rico, tinatawagan ito ni Sharm simula pa kanina. “Paano yan Sharm nasaan na kaya ang Kuya mo, hindi pa nauwi ah” naiinip na tanong ni Brandon. “Teka tawagan ko ulit” sa wakas at nakausap na din ni Sharm ang kapatid, mukhang nageenjoy ito sa piling ng bagong babae nito. Kaya ayaw niya talaga na mainvolve ang bestfriend sa kuya niya. What he wants he can get it, tulad na lang nitong babae kagabi sa bar. “So mauuna na tayong tatlo?” tanong ni Brandon habang nagaayos ng mga pinamili nila sa likod ng kotse. “Oo dito muna daw siya kaya mo ba magmaneho magisa?” nagaalalang tanong ni Sharm. “Oo kaya let’s go” pinapasok niya muna ang magkaibigan pagkasakay ay ikinabit niya ang seatbelt kay Cham. Gabi na ng nakarating sila sa Makati pagod man si Brandon sa pagmamaneho makita niya lang na masaya si Cham nawawala na ang sakit ng katawan niya. “Nrab salamat ah excited na ako bigay tong mga pasalubong ko kina Mama pupunta kasi sila Ate dito sa makalawa dadalawin ako.” Andito sila sa garden ng bahay ng mga Alban, pinagpahinga niya muna ito bago tuluyang umuwi sa bahay nila. “Sayang naman hindi ko sila makikita, ipapadala kasi ako ni Daddy sa Davao one week ako doon sa martes na yun” “Ingat ka don Nrab ah, hayaan mo baka next month pag maluwag na ang schedule ko isasama kita sa amin kina inay para makapagbakasyon tayo kahit ilang araw lang” nabuhayan ng dugo ang binata sa sinabi, gusto niya din sana kausapin ang magulang nito para pormal na ipaalam ang nararamdaman sa anak nila. Magandang idea ang naisip niya, maganda ang hangarin niya kay Cham at malakas ang loob ng binata na wala siyang magiging problema sa pamilya ng dalaga. Ilang araw ng wala si Brandon, wala na siyang tagahatid at tagasundo wala ng makulit na nagbibigay ng kung ano-ano sa kanya. Namimiss na ng dalaga ang kaibigan, itinutuon na niya lang ang sarili sa trabaho malapit na ang Welcome party/ Anniversary party na din ng Alban publishing kaya din ito inurong para malapit na din sa araw ng Anniversary ng kompanya para isang handaan na lang. “Tito pinatawag ninyo daw po ako” andito siya ngayon sa opisina ng Tito Albert niya. “Oo iha, nakausap ko na ang kampo ni Congressman Manlapas pero ang gusto nila kanegosasyon ay ikaw. Hindi naman ako pumayag dahil ako ang dapat nagreresolba nito.” Malungkot na kwento nito. “Tito okay lang po ako na kakausap sa kanya kung yun lang ang hiling niya para matapos na lang po ito. Ayos lang po.” Umiling iling naman ang matanda, hindi niya gusto ang hiling ng Congressman ng huli itong makausap. “Iha hindi ko kaya na ipagkanulo ka sa kanya, tatapatin na kita gusto niya ikaw ang kapalit para iurong ang kaso mukhang mahihirapan tayo sa kaso dahil napatunayan na hindi totoo ang paratang sa Congressman walang batayan ang inilathala natin sa dyaryo” napasapo ang ang matanda sa ulo nito at paulit ulit na umiling. Hindi naman makapaniwala si Cham sa sinabi ng Tito niya. “Tito malaki ang utang na loob ko sa inyo, kung ako ang paraan para matapos ito gagawin ko” malamlam ang mga mata ng dalaga, nahihirapan siyang makita na problemado ang Tito Albert niya. “Hindi Cham, hindi ako papayag para na kitang anak mas pipiliin ko pang mawala ang kompanya kesa ikaw ang mapahamak. Magagawan pa natin ito ng paraan. Naniniwala ako.” ang pinipigilan na luha ng dalaga ay tuluyan ng umagos sa sobrang sama ng loob dahil sa nakikita niyang pwedeng mangyari sa kompanya. Nahihiya siya sa Tito Albert niya, kailangan may gawin siyang paraan. Maaring mawala ang kompanya at ipasara ito dahil sa maling impormasyon na nailathala laban sa pulitiko, sa isang iglap maaring magsara ito ang pinaghirapan ng mga Alban sa matagal na panahon ay maaring mawala ng parang bula. Hindi ito kakayanin ng dalaga, hindi niya matatangap kaya kailangan niya magisip ng paraan para maisalba ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD