Chapter 9

3072 Words
Halos araw araw si Cham sundo’t hatid ni Brandon, everyday ay may dala itong flowers sa kanya sa umaga pa lang pagdating nito may dala na itong iba’t ibang klase ng bulaklak, pagsundo galing sa opisina may dala din itong bulaklak halos mapuno na ang kwarto ng dalaga sa sobrang dami na. Everyday din itong may dalang cakes, chocolates, brownies, cupcakes at kung madami pang mga matatamis, pakiramdam niya ay magkakadiabetes na siya sa dami ng matatamis na binibigay nito. However kahit ganito ang ginagawa ng kaibigan hindi naman ito pinagisipan ng kung ano ni Cham baka gusto lang siya nito bigyan, walang malisya. “Mach diba sa Sabado na ang uwi ni Sharm, nabanggit mo sa akin noong nakaraan?” andito sila ngayon sa Mall na malapit lang sa opisina nila Cham. “Oo kaya nga ako nagpasama sayo kasi bibili ako ng mga gagamitin ko pagdedesign ng kwarto ni bes, gusto ko masurpresa siya pagdating niya.” Masayang sambit nito, naglalakad na sila papunta sa bilihan ng iba’t ibang klaseng gamit na pwede niya gamitin sa pagdedesign ng kwarto ni Sharm. “Sino naman ang kasama niyang uuwi dito? Sila bang lahat?” “Oo lahat sila dito na din ipagpapatuloy ni Tita ang pagpapagamot niya.” “That’s good to know miss na miss mo na yung bestfriend mo diba?” “Korek, halika Nrab nakita ko na yung store” hinila siya ng dalaga at kita dito ang pagkaexcited na mamili ng mga gagamitin nito sa kwarto ni Sharm. Madami din nabili si Cham rugs, carpet, mga kurtina, lampshade, comforter, bed sheets, stickers, mga frames, mga butterflies wall décor pati na iba’t ibang kulay na bean bags. “Ang dami naman niyan Mach sigurado ako matutuwa si Sharm diyan” “Oo sana magustuhan niya, favorite niya ang mga butterflies tapos magpapaprint ako ng mga pictures namin kaya may mga frames ako binili hugis butterfly din ang cute diba?” parang bata si Cham na excited na gawin ang kanyang project sa school. Hinatid na sila ng tauhan ng store sa parking lot dahil sa sobrang daming binili ni Cham ay napagpasyahan nila muna na ilagay ito lahat sa kotse ni Brandon. “Mach maaga pa naman do you want to watch a movie?” napatingin lang sa kanya si Cham na parang nagiisip. “Next time na lang, just help me na lang with decorating Sharm’s room then nood na lang tayo ng dvd sa bahay. Ipagluluto na din kita if you want?” hindi naman masukat ang ngiti sa labi ni Brandon, agad niyang pinagbuksan ng pinto si Cham ng kotse at pinaandar ang kotse. “Excited na ako sa luto mo Mach ko. Baka lalo ako mainlove sayo niyan” sa sobrang saya ay hindi napigilan ni Brandon ang sarili, naitakip niya tuloy ang kamay sa bibig sa sobrang kaba na naidulot sa sinabi niya. “Okay sasarapan ko ang luto ko para bayad ko sa pagsama mo sa akin ngayon.” Masayang sabi nito sabay sulyap sa binata. Hindi alam ng binata kung narinig ba ito ni Cham or hindi niya lang pinansin. Pagdating nila sa bahay ni Cham ay agad na pinasok ni Brandon ang mga pinamili at dinala sa kwarto ni Sharm, Cham instructed him what to do first para habang ngaayos si Brandon ay nagluluto naman siya. “Mach wait lang” palabas na sana si Cham ng hinila ito ni Brandon. “Yes may kailangan ka pa ba?” napaawang ang labi ng binata hindi niya alam paano sasabihin sa dalaga na kanina pa niya ito gusto yakapin, sa araw araw na magkasama sila lalong lumalala ang nararamdaman niya dito parang sakit na kumakalat na sa kanyang sistema. Lumapit siya sa kaibgan at hindi na napigilan na yakapin ito. “Oo Mach may kailangan ako, may kulang pa kasi sa buhay ko eh.” Narinig niya ang buntong hininga ng dalaga. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Mach ikaw kasi ang kulang eh, kailan mo kaya mararamdaman ang t***k ng puso ko. Kailangan ko siguro ng microphone or maybe megaphone para mas marinig mo. Hindi ko na kaya na kaibigan lang kita” naramdaman ni Brandon na parang gusto kumalas ni Cham sa pagkakayap niya. “Nrab gutom lang yan, sige magluluto na ako.” Lumuwag ang pagkakayakap ni Brandon sa kaibigan at tuluyan na itong kumawala. Nalungkot naman si Brandon dahil parang iniiwasan ni Cham ang ganitong usapan. “Mach naman eh, seryoso ako hindi ka ba naniniwala sa akin?” nanlulumong sabi niya. Tinignan niya ang dalaga sa mga mata nito pero tila umiiwas ito. “Naniniwala ako sayo Nrab, naniniwala ako na pag gutom ang tao kung ano-ano ang naiisip at nasasabi kaya diyan ka na magluluto na ako” nakangising sabi ni Cham, nakanganga naman si Brandon ng lumabas na si Cham sa kwarto. Hindi niya alam if naiintindihan ba ni Cham ang mga sinasabi niya at ayaw niya lang paniwalaan ito or sadyang manhid lang ba talaga ang kaibigan. Sabi nila action speaks louder than words, pero parang hindi ito umeepek sa dalaga binabaliwala lang nito ang mga pinapakita niya dito. Pinagbalingan na lang ng binata ang pinapagawa ng kaibigan sa kanya. “Iho pinapatawag ka na ni Cham kakain na daw” nagulat siya sa biglang pagpasok ni Manang Ynez. “Sige po Manang susunod na po ako ligpitin ko lang tong mga kalat, salamat po” nakangiti siyang sinalubong ni Cham sa dining area. “Nrab ayan ah kumain ka madami, special yang luto ko.” Nilagyan ni Cham ng pagkain ang plato ni Brandon. Tahimik lang silang kumain, pagkatapos nila kumain ay si Manang na ang nagayos at pumunta na sila sa sala para manood ng dvd. “Bakit ang tahimik mo Nrab okay ka lang ba?” napansin ni Cham na tahimik ito simula ng bumaba galing sa kwarto ni Sharm. “Wala naman” maikling sagot nito tumabi ito kay Cham at inakbayan ang dalaga. “Hindi ba masarap ang luto ko?” inihilig ni Cham ang ulo sa balikat ni Brandon. “Wala akong sinabi na ganon Mach ang dami ko ngang nakain diba?” natuwa si Brandon sa ginawa ng dalaga. “Promise? Bakit ka nga tahimik tell me?” “Don’t mind me Mach sumama lang siguro ang pakiramdam ko” totoong sumama ang pakiramdam niya dahil sa pangbabalewala sa kanya ni Cham. Agad naman humarap sa kanya ang kaibigan at sinapo ang ulo niya at leeg tinignan kung mainit siya. “Anong nararamdaman mo? May mga gamot ako dito gusto mo ba uminom ng gamot? Ano masakit? Ulo mo ba o tiyan” nagaalalang tanong nito. Agad niya naman kinuha ang kamay nito at itinapat sa may dibdib niya. “Ito ang masakit sa akin Mach” tinignan lang siya nito na may pagtataka sa mga mata nito. “Huh?” “Masakit ang puso ko dahil binabalewala mo lang ako ang damdamin ko, ang sakit na hindi mo man lang maramdaman Mach manhid ka ba? Or ayaw mo lang intindihin?” nanlaki ang mga mata ni Cham at agad na tinanggal ang kamay nito sa dibdib ni Brandon. “Nrab wag mo naman ako pinagtritripan hindi na nakakatuwa eh” hindi siya manhid alam niya ang mga ibig sabihin ni Brandon, nararamdaman niya ang mga gusto nito ipahiwatig sa kanya pero ayaw niya ito tanggapin. Matalik na kaibigan niya si Brandon pero hindi niya lang maintindihan bakit kailangan siya maging ganito simula ng bumalik ito sa Pilipinas, iniiwasan ng dalaga na mailang sa kaibigan. “Mach” hinawakan siya sa dalawang pisngi ng binata. “Yan ang hindi ko pwede gawin sayo ang pagtripan ka sa sinasabi ko ngayon hindi kita niloloko” natatawa na lang si Brandon dahil halatang kinakabahan ang kaibigan at ramdam niya ang pag-init ng mga pisngi nito. “Mahal na kita Mach, hindi lang bilang isang kaibigan mas higit pa don ang nararamdaman ko. Gusto ko iparamdam lahat sayo lahat ng paraan para lang maramdaman mo na mahal kita, pero hindi mo naman ito makita hindi mo rin maramdaman.” Ramdam ang senseridad sa mga kataga ng binata, sa mga narinig mula sa kaibigan hindi mapigilan ni Cham na mapapikit sa kaba. “Nrab naman eh, bitawan mo na ang mga pisngi ko naiinis na ako sayo” dahil sa nakapikit si Cham hindi niya makita ang reaksyon or ang ginagawa ni Brandon, naramdaman na lang nito na hinalikan siya ni Brandon sa kanyang noo, sobrang kabog ng puso niya parang ito na lang naririnig niya malakas ang sounds ng tv kanina pero ngayon t***k na lang ng puso niya ang tanging nararamdaman niya. “Mach hindi ako nagmamadali, hayaan mo lang ako na mahalin kita” ang lakas ng buga ni Cham ng hininga niya dahil any moment ay parang iluluwa na ng bibig niya ang kanyang puso sa sobrang kaba. Dinampian siya ulit ni Brandon ng halik sa ilong, mabilis pero tama na para tumindig ang mga balahibo niya sa sobrang kaba. “Nrab tama na plea-“ hindi na natuloy ni Cham ang sasabihin dahil hinalikan na siya ni Brandon sa kanyang mga labi, parang nagwawala ang mga laman loob niya sa naramdamang labi ng kaibigan hindi niya akalain na ang magiging unang halik niya ay manggagaling pa pala sa matalik niyang kaibigan, na minsan ay hindi niya inakala na dadating sila sa ganitong tagpo. “Chamile Hontiveros I love you and I will never get tired until you love me too” ramdam ng dalaga ang senseridad sa pagkakasabi ni Brandon. Hindi niya alam kung ano gagawin niya, gusto niya ideny sa sarili na nagkamali lang siya sa narinig. Ayaw niyang ganito sa kanya ang kaibigan, natatakot kasi siya sa mga pwedeng mangyari. “Hoy Nrab gabi na pala, madami pa ako gagawin bukas sa office may hearing pa ako na aatenan so okay lang ba matutulog na ako?” nakangising sabi ni Cham, gusto niya burahin ang eksena nila kanina, gusto niya kalimutan na may first kiss na siya. Gusto niya kaibigan lang sila ni Brandon ayaw niyang mahulog ito sa kanya masaya na kasi ang dalaga kung ano ang meron sila kung ano ang naumpisahan na nila “Sige Mach uuwi na ako bukas na lang susunduin ulit kita okay” tumango lang ang dalaga at sinundan na palabas ng gate si Brandon, mukhang malungkot ang binata ng magtapat ang kanilang paningin. Iniwasan na lang ito ni Cham at ng nakapasok na ito ng kotse ay agad na pumasok ng bahay. Pag-akyat niya ay tinignan niya muna ang ginawa ni Brandon sa kwarto ni Sharm, may taste din pala ito sa pagdedesign tinapos niya na ang lahat ng inutos nito pati na din ang paglalagay ng mga pictures nilang dalawa ni Sharm. Sigurado na matutuwa si Sharm sa bagong style ng kwarto niya. May mga butterfly ito mula sa wall pati sa ceiling, na pag madilim ay magiilaw ang mga ito parang mga totoo lang. Sa taas ng headboard ng kama niya ay ang tatlong frames na may pictures nilang dalawa. Nalungkot na naman siya, iniisip niya ang mga sinabi ni Brandon sa kanya kanina, pumunta na siya sa kwarto niya humiga siya at pumikit na. Pati sa pagpakit niya ay nakikita ang mukha ng kaibigan, ramdam niya ang senseridad sa bawat sabihin nito sa kanya pero hindi niya pa din matanggap na gusto siya ng kaibigan. “Mam Cham si Congressman po ay nasa kabilang linya would you like to take the call?” nakakaisang hearing na sila tungkol sa kinaso sa kanila ng Congressman. “Yes Mr Manlapas good morning. How are you?” magalang na bati nito, nagulat siya ng makita ito noong nakaraan bata pa pala ito nasa 30’s lang. Hindi kasi siya mahilig sa pulitiko kaya hindi niya kilala ito until the last time she met him. “I just want to ask if you got the gift I gave you” nagulat ang dalaga ang Congressman pala ang nagpadala ng mga bulaklak sa kanya at nagpadeliver pa ito ng agahan sa mga empleyado dito. “Ah sa inyo po pala galing ang mga iyon salamat pala” “Yes don’t think na suhol yun from me, I just want us to be friends hindi ko akalain na isa palang magandang dilag ang makakalaban ko” sarkastikong sabi nito hindi ito nagustuhan ng dalaga. Tumawa na lang siya ng peke. “Kaw talaga Congressman palabiro ka pala hindi naman tayo magkaaway were trying to fix things here diba?” “Yea I know honey and please don’t call me Congressman masyadong formal just call me Bon, maybe your available later I want to invite you for a dinner.” paanyaya nito, hindi alam ni Cham kung ano ang isasagot. “Ah pasensya na po medyo busy ako ngayon.” “Sayang naman paguusapan pa naman sana natin ang about sa kaso, malay mo ikaw pala ang sagot para iatras ko ang kaso against sa company ninyo?” napaawang ang labi ng dalaga sa sinabi ni Congressman hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. “Pasensya na Bon madami pa kasi ako gagawin si Tito Albert na lang ang makakausap mo, I’m just a substitute for the meantime pero pauwi na siya.” “Ok honey hindi naman sa I’m threatening you but I think mahihirapan kayo sa kaso, I’m willing to just cancel it but I need a condition.” Napatigil ito sa pagsasalita akala niya ay tuloy-tuloy na ito magsasalita. Hindi siya sumagot sa kabilang liniya hinihintay niya kung dudugtungan pa ito ng kausap. “And I want you in return of the cancellation of the case against your company” diretsang sabi nito. Napailing siya sa tinuring ng kausap, simpleng tono lang ito pero mabigat ang ibig sabihin nito. “Uhm bon sorry pero madami pa talaga ako gagawin, salamat ulit. Sasabihin ko na lang kay Tito and will schedule a time and date ka niya pupuntahan.” Hindi na niya hinintay ang sagot nito ibinaba na niya ang telepono. Ngayon nagdatingan ang kaba sa katawan niya. Nakakatakot ang huling sinabi ng Congressman. Buti na lang at nagmessage si Sharm medyo nawala ang unting kaba sa dibdib ng dalaga, papunta na daw sila sa airport. Bukas na ang dating nila excited na ang dalaga makita ulit ang mga Alban. “Ara ayos na ba ang mga presentation natin para sa Welcome party nila Tito Albert?” “Oo okay na din yung catering nabayaran ko na, saka yung venue okay na din sa Linggo na yun diba? So lahat ay ayos na pati ang mga empleyado handa na sila sa mga special number nila kasama pa nga ako. “ natutuwa pang sabi nito. Umupa sila ng venue dahil sa halos nasa dalawang daan na din ang empleyado dito. Gusto niya na kahit may kinakaharap silang problema ay hindi maramdaman ito ng mga empleyado at alam niya na sa tulong ng Tito Albert niya ay malalampasan din nila itong kinakaharap na problema nila. Hindi na namalayan ni Cham ang oras dahil sa subsob sa trabaho buong araw, alas sais ng dumating si Brandon para sunduin na ito. “Nrab gusto mo ba sa amin ka na lang matulog para hindi ka na bumalik para deretso na tayo sa airport pagsundo kina Sharm?” anyaya nito andito na sila sa kotse ng binata at papunta sila sa supermarket para bumili ng mga lulutuin para bukas balak kasi nito na magkaroon ng unting salo-salo sigurado siyang namiss nila ang mga Filipino foods. “Oo bah buti na lang lagi akong handa at may mga damit ako dito sa kotse.” Nakangising sabi nito. Kinabukasan maagang nagising sila Cham, excited na kasi talaga ito makita ang matalik na kaibigan. “Goodmorning Nrab, eto pinagtimpla na kita ng kape saka nagluto ako agahan natin. “ alok nito “Ang sweet naman ng Mach ko sana lagi kang ganyan.” “Uy lagi naman ko sweet sayo ah. Hindi mo lang napapansin.”nginitian niya ang kaibigan at nilagyan ng pagkain sa plato nito. Pagkatapos nila mag-agahan ay agad naman nagayos na ang dalawa alas nuwebe daw kasi ang dating ng eroplano nila Sharm. Hindi mapakali si Cham dito sa waiting area, lagi niya tinitignan ang monitoring screen ng mga naglalanding na mga flight. “Omg Nrab ayan na dumating na ang eroplano nila Sharm.” Masayang balita nito. Makalipas ang ilang minuto may narinig na itong nasigaw. “Besss” nakita na niya ang kaibigan patakbo sa kanila. “Omg bes ang ganda mo sobra lalo kang pumuti grabe hindi na kita mareach” aniya ni Cham sabay yakap sa kaibigan. “Tito, Tita namiss ko po kayo ng sobra.” Niyakap niya din ang pangalawa na niyang magulang. “Hey Cham how about me? Wala man lang welcome hug din pwede na din welcome kiss” sabat ni Rico. “Hi Rico nagmukha ka ng tao ngayon ah. Gumwapo ka ah” pangaasar nito, bigla nalang siyang niyakap siya nito at namilog ang mga mata naman ni Cham ng bigla siyang dampian ng halik at medyo malapit na ito sa labi niya. “Pilyo ka ah” bulong niya sabay kinurot ito ng pino sa tagiliran. Kininditan lang siya nito at umalis na kinuha ang mga dala nilang maleta. “Tita Tito si Brandon po pala if you still remember him? Yung classmate ko po noong college” muntik na niyang makalimutan na kasama si Brandon sa sobrang abala. Inilahad nito ang kamay sa magulang ni Sharm. “Hello po welcome home po sa inyong lahat” bati ni Brandon sa kanila. Pagkatapos makuha lahat ng dala-dala nila ay nagtungo na sila sa parking lot at umuwi na, pagdating nila sa bahay ng mga Alban ay agad naman silang sinalubong ni Manang Ynez at Manong Roger. “Welcome home po Sir at Mam” bati ng dalawa. Sabay-sabay na silang kumain sa mga pinahanda ni Cham na pagkain at masaya silang nagkwentuhan sa mga nangyari sa kanila sa America. Habang si Rico ay tahimik lang na nakikinig at walang ibang ginawa kundi tignan lang si Cham. “Tito we have a welcome party pala para sa inyong lahat this coming Sunday.” Masayang ibinalita ni Cham, “Bes ang sweet mo naman. May welcome party pa talaga kami ah.” Agad naman niyaya ni Cham si Sharm na pumunta na sa kwarto nito pagkatapos nila kumain gusto ni Cham na makita na ng kaibigan ang surprise nito, nauna si Sharm umakyat dahil nagpaalam pa siya kay Brandon na aakyat lang. “Cham boyfriend mo na ba yun si Brandon?” nabigla ito ng lumabas mula sa kwarto nito si Rico at hinawakan ang braso ng dalaga. “Hindi bakit? Type mo ba siya?” pangaasar nito. “Umayos ka ah halikan kita diyan makita mo. Talaga bang hinintay mo ako kaya wala ka pang boyfriend?” mayabang na sabi nito, napakunot noo naman si Cham sa lakas ng dating ni Rico. “Talk to my hand monkey” tinutok nito ang palad sa mukha ng binata, sabay hila sa braso niya na hawak nito at umalis na sinundan na si Sharm sa kwarto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD