Ayaw pa sana bumangon ni Cham dahil napuyat siya sa kakaisip, kakaisip sa mga kinikilos ng kaibigan na si Brandon mabigat ang katawan niya na tumayo at nagsimulang magayos ng sarili. Pagbukas niya ng pinto ay siyang bungad naman ni Manang Ynez.
“Good morning iha, sakto pupuntahan na sana kita dahil may bisita ka. Kumain ka muna ng agahan bago ka pumasok.” Sinara niya ang pinto at sabay na sila bumaba ni Manang Ynez.
“Sige po salamat” pagbaba niya ay nabungaran niya kaagad si Brandon sa sala.
“Good morning Mach” ang laki ng ngiti nito pagkakita kay Cham.
“Oh ang aga mo naman” tumayo ang dalaga at iniabot ang isang bouquet ng white roses may kasama pa itong isang box ng brownies.
“Salamat halika kain muna tayo ng breakfast nagluto si Manang” tinalikuran siya agad ni Cham at sumunod naman agad siya papuntang kusina.
“Manang sabay ka na po sa amin kumain.” Umupo na ang dalawa at sinimulan ng kumain.
“Nga pala iha tumawag si Sharm kanina hindi ka daw kasi nasagot sa cellphone mo sabi ko tulog ka pa. Magmessage ka daw sa kanya pagdating mo sa office importante lang daw.”
“Sige po manang salamat.” Mabilis lang siyang kumain dahil alam niyang madami na siyang pending na gawain sa trabaho, wala kasi siyang narereceive na text man lang galing sa opisina sinabihan niya kasi ang mga katrabaho na baka magout of town siya noong nakaraan kaya siguro hindi siya inabala.
“Nrab san ka na? Papasok na ako sa office” tanong niya sa binata pagkatapos nila kumain naglakad na sila palabas ng bahay.
“Ihahatid muna kita sa work mo tapos ako naman magsisimula na ako sa work ko sa Makati branch namin ako na mamahala ngayon doon starting today.” Nabigla ang kaibigan sa sinabi ng binata, hindi niya alam na magstay na ito for good dito sa Pilipinas.
“Wow I’m so happy for you akala ko your just here for a vacation” umiling ang binata at pinagbuksan na ng pinto ng kotse si Cham.
“No I’m here for good. “ inistart na nito ang makina ng kotse at masayang tinignan si Cham.
“That’s good to know Nrab”
“Kaya araw araw na kitang susunduin or hatid kung okay lang sayo?” napaubo naman si Cham sa tanong ng kaibigan.
“Ah hindi okay, kasi you have a job to attend okay lang ako.”
“Please Mach let me do that for you I have my own time sa work ko gusto ko lang safe ka lagi” napakibit balikat na lang si Cham.
Andito na sila sa opisina ni Cham, hindi talaga papapigil si Brandon hinatid pa niya talaga ang dalaga hanggang makapasok ito sa sariling opisina niya.
“Okay na ba Nrab? Nakaupo na ako oh eto magsisimula na ako ng trabaho ko? Safe naman na ako diba?” sarkastikong sabi ni Cham sa binata sabay tawa.
“Oo na Mach ayaw ko pa nga umalis kaya lang baka makaabala na ako sayo, mamayang lunch pupuntahan kita dito okay.” Namilog ang mata ng dalaga.
“Hoy Nrab first day mo sa work mo kaya magfocus ka don ayos lang ako dito.”
“Basta! sige aalis na ako see you later Mach ko” sabay kindat nito sa kaibigan at umalis na, hindi na nakapagsalita ang dalaga.
Nagsimula ng magtrabaho si Cham ang dami niyang email sa iba’t ibang department sa kompanya nakakadalawang oras na siya pero hindi pa din tapos, ang mga emails pa lang. Naalala niya bigla ang sinabi ni Manang Ynez na imessage si Sharm. Agad niyang binuksan ang YM at nakita nga tong nakaonline.
BUZZ
BUZZ
“Andito ako kailangan I buzz pa ang ingay ah” sagot ni Sharm sa kakabuzz niya.
“Ano na bes musta? Miss mo ba ako? Anong balita?”
“Oo bruha ka ilang araw kang hindi nagparamdam hindi rin kita makontak sa cellphone mo saan ka ba nanggaling ah?”
“Out of town bes, andito na kasi si Brandon nakauwi na galing diyan.”
“Really kayo lang dalawa? Hmm minsan nagiisip ako diyan kay Brandon may gusto sayo yan bes ayaw lang umamin.”
“Bes wag ka nga diyan tsismosa, ang meron kami ay parang katulad lang ng sa atin best of friends lang” kahit pati siya ay napaisip sa sinabi ni Sharm sa mga pinapakita ni Brandon ngayon hindi niya alam kung tama si Sharm pero ayaw niya magassume dahil para sa kanya kaibigan lang talaga ang turingan nila walang halong malisya.
“Bes nga pala uuwi na kami ni Kuya diyan maybe next week. Gusto ko ikaw ang magsusundo sa akin okay”
“Seriously?Bakit napaaga yata? Akala ko by next year pa ang uwi mo?” nabigla talaga siya sa biglaang uwi ng magkapatid ang alam niya ay next year ang graduation nito, si Rico naman ay nagtratrabaho na doon.
“Basta bes something came up and we decided na diyan na lang kami” masayang masaya siya sa ibinalita ng matalik ng kaibigan, matagal na niya hindi nakikita to dahil never pa ito umuwi simula ng umalis ito noong first year college pa siya huli itong nakita.
Medyo madami pa silang pinagusapan, nagpaalam na din siya dahil madami pa talaga siya tatapusin nangako ito na maguusap ulit sila paguwi nito sa bahay.
“Mam Cham we have an emergency meeting with the head writers please be ready in 10minutes” kinabahan siya never pa siya nakaatend ng emergency meeting sa halos tatlong buwan niya na kanang kamay ng Tito Albert niya.
“Ara is there something wrong while I’m not around?” nagkibit balikat ang assistant niya at lumapit sa table niya.
“Hindi ko po alam ang buong story Mam, pero noong sabado po may bago po kasi tayong writer inilathala niya po ang isang pasabog tungkol sa isang pulitiko na utak daw po ng smuggling dito sa Maynila” nanlaki talaga ang mga mata ni Cham sa nalaman.
“What? Why you didn’t tell me about it?” sigaw niya sa assistant.
“Sorry Mam ayaw ko po kasi na masira ang restday niyo.” Natatakot na paliwanag nito. Bumuga ng isang malalim na buntong hininga si Cham.
Agad niyang inayos ang sarili at kinuha ang laptop niya, dumeretso na siya sa conference room. Andito na ang mga head writers at editors nila. Isang kilalang tabloid ang kanilang inilalathala kaya madami silang pwedeng makabangga sa larangan ng pagbabalita at paglambag nito.
“Ms Hontiveros good morning, pasensya na at hindi namin naipaalam sayo ang mga kaganapan nitong mga nakaraang araw.” Bati sa kanya ni Mr.Montalban ang editor in chief. Tinanguan niya lang ito at naupo muna siya sa unahan at padabog na inilapag ang kanyang laptop at organizer.
“I’m so disappointed right now, I don’t know what’s going on with the company while i’m enjoying my restday. Sana sinira niyo na lang ang araw ko at least nalaman ko ng maaga ang kaguluhan dito.” Hindi naman makatingin ang ibang writer sa kanya.
“Mam Cham pasensya na talaga hindi na po mauulit.” Sabi ng isa sa mga head writer, si Mr Adan.
“Diba may taga sala tayo ng mga lalabas ng balita bago ilathala what happen with that? Bakit nakalabas yung ganoong balita.” Tinignan niya isa-isa ang mga taong andito sa loob ng conference lahat sila ay natahimik at hindi alam ang isasagot. May umubo, nag buntong hininga, naglalaro ng ballpen at napapakuyakoy na lang. Wala silang masagot sa dalaga.
“Hindi rin po namin alam ang nangyari nagulat na lang kami na headline siya, tanging tayo lang ang dyaryo na naglathala nito. Kaya ngayon may schedule na po ang abogado ng pulitiko na pupunta dito para kausapin kayo” napasapo sa ulo ang dalaga, sumakit ang ulo niya sa mga narinig. Hindi niya inaasahan ang ganitong eksena pagbalik niya.
Ang sabi ng editor in chief ay ang bagong writer ang nagsulat ng article about sa Congressman ng Maynila na utak ng smuggling, nasasaad dito ang mga gawain nito na pinabulaan naman daw ng kampo ng pulitiko, dahil sa kilala silang publisher ng diyaryo ay agad na nasira ang reputasyon ng pulitiko na ito at nagbabalak na idemanda ang kompanya nila dahil sa natamong damage nito.
“Hay hindi ko alam ano gagawin ko ganitong wala pa naman si Tito Albert ano na lang sasabihin niya pag nalaman ito. Nasaan na yung baguhang writer na yan?” hindi matangal ang kunot sa noo ng dalaga, ang laking problema ang kinakaharap nila ngayon.
“Hindi na siya pumapasok, we tried to contact him pati yung address niya sa resume niya ay invalid walang nakakakilala sa kanya sa lugar na yun” hindi na naiwasan ng dalaga na mapabuntong hininga ng sobrang lakas. Sobrang upset siya sa mga nangyayari.
“What’s going on hindi ba dapat meron munang magiimbestiga sa mga bagong pasok na writer bakit nakalusot ang isang yun? Grabe masisira ang buong kumpanya dahil lang sa mga taong pabaya. Lahat tayo maaring mawalan ng trabaho alam niyo ba yun?” nakatungo lahat ang taong nasa harap niya, alam nila ang mga consequence na pwedeng mangyari pag may ganitong problema. Never pa ito nangyari sa history ng kompanya. Kaya pati ang mga senior na dito ay walang masabi.
“Mam Cham andito lang po kami sa likod niyo, susuportahan namin kayo kung ano man ang mangyari” sabi ng isa sa mga entertainment writer. Napalatak na lang siya,
“Wala na tayo magagawa nangyari na, sana lang malusutan natin to. Kailangan ko pa kausapin si Tito Albert kailangan niya malaman to. Hindi ko to kakayanin magisa, wala akong alam sa mga ganitong problema ayaw ko magkamali sa mga desisyon ko.” Sumama ang pakiramdam ng dalaga bumigat ang dibdib nito sa sobrang kaba na pwedeng mangyari sa kompanya ng mga Alban.
Dinismiss na niya ang meeting at agad na dumeretso sa opisina niya. Napasandal siya sa upuan niya at nagunat unat, napapailing pa din siya sa mga kaganapan hindi niya matatangap na baka ikagalit ito ng Tito Albert niya na baka siya ang sisihin sa mga nangyayari, agad niya idinial ang number ng Tito Albert niya.
“Yes iha what can I do for you?” humugot muna siya ng malalalim ng hininga para simulan ang sasabihin dito.
“Tito I’m so sorry if something came up, sorry if I wasn’t able to fix it ahead of time.” Kinakabahang sabi nito.
“Iha It’s not your fault I know na what happened, they already contacted me don’t worry okay kung ano man ang mangyari don’t think that it’s your fault. We will go home by next week para matulungan na kita diyan. You’ve been such a good leader while I’m not there hindi mo na hawak ang mga nangyayari ngayon. I’m proud of you anak, wag ka na magalala okay.” Nakahinga siya ng malalalim sa mga narinig buong akala niya ay hindi pa alam nito ang nangyayari dito.
“Tito thanks for trusting me, I promise to help you fix it. Miss ko na po kayo nila Tita.” Para talaga siyang nabunutan ng tinik dahil sa suporta ng kanyang Tito Albert, sobrang laki ng utang na loob niya dito at ayaw niya madisappoint ito sa kanya. Nagpaalam na ito dahil gabi na pala doon at magpapahinga na daw sila.
“Mam Cham you will have another meeting with the Attorney of Congressman Manlapas in an hour.” Tinignan niya ang orasan magaalas dose na pala hindi niya namalayan ang oras sa sobrang stress sa trabaho.
“Ok noted, saan ba daw kami magkikita?”
“Pupunta na lang po siya dito” biglang tumunog ang intercom at may bisita daw siya na nasa labas pinagpaalam if papasukin daw ba ang bisita.
“Mach bakit kailangan pang ipagpaalam na papasok ako dito nakakainis yung nasa reception parang hindi naman niya ako nakikita dito noong mga nakaraan” maktol na sabi ng binata.
“Pasensya na utos ko yun” walang gana na sabi ni Cham.
“Let’s go gutom na ako” tinupad naman ng binata ang sinabi nito na maglulunch sila together. Dinala siya ng binata sa isang malapit na Japanese Restaurant.
“Mach bakit parang wala kang gana kumain? Diba mahilig ka sa ganitong food?” napansin ng binata na nakatulala lang ang kaibigan sa pagkain nito. Habang pinaglalaruan ang chopstick sa pingan.
“Wala naman stress lang ako sa work. Wag mo ako pansinin ganito lang ako pag Monday madami kasing tambak na trabaho. Ikaw musta ang first day mo sa work?”
“Okay naman ang first day ko, pinasa na kasi sa akin ni Dad ang pamamahala ng Makati Branch so puro meeting lang kami ngayon. Mamaya susunduin kita ah gusto mo ba manood ng sine?” tinignan siya ng dalaga ng saglit at ipinagpatuloy lang ang pagkain matagal bago siya sinagot nito.
“Hindi na siguro gusto ko magpahinga kaagad medyo puyat kasi ako gusto ko matulog kaagad.” Matamlay na sabi nito, alam ng binata na may malaking problema ang kaibigan at gusto niya lang tong mapasaya.
“Sige ihahatid na lang kita kaagad sa bahay niyo. Mach if you have some problem don’t hesitate to tell me I’m here to listen okay?” napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. Masaya ang binata na makita ulit ang ngiti sa mga labi nito kanina pa kasi ito malungkot.
“Thanks Nrab buti na lang andyan ka pinagtyatyagaan ako. Don’t worry about me magiging okay din ako.” Medyo gumaan ang pakiramdam ng dalaga knowing that there’s someone beside her that can lighten up her mood.
“Oo naman Mach tandaan mo andito lang ako kahit anong mangyari lakas mo kaya sa akin, ako lang naman ang hindi eh” nakangusong sabi nito.
“Talaga?” natatawang sagot ng dalaga.
“Yes, oo, Si, Oui, Ja, Hai, Ye, Shi” napakunot naman ang noo ng dalaga sa sinabi ng binata. Binangit ng binata ang katagang yes sa iba’t ibang lenggwahe.
“Ano daw?”
“Wala yun nevermind. Tapusin mo na yang kinakain mo walang tatayo pag hindi naubos” napilitan naman na ubusin ng dalaga ang kinakain. Medyo nawala ang bigat ng loob ni Cham masaya siya na mayroon siyang kaibigan na masasandalan.
Hinatid na siya ulit ni Brandon sa office niya, saktong pagdating nila ay kakarating lang ng Attorney ni Congressman Manlapas.
“Thanks sa lunch treat mo Nrab next time ako naman ang taya, I need to go may meeting pa ako at andyan na yung kakausapin ko.” Nagpaalam na din ang binata sa kanya hindi na niya ito pinapasok sa loob, pagtalikod ni Brandon ay agad naman siya pumasok sa opisina niya.
“Attorney Tampalan andiyan na po si Mam Hontiveros” lumingon sa kanya ito at binigyan siya ng isang malapad na ngiti. Lumabas naman si Ara dahil ang usapan ay sila lang ang maguusap.
“Nice meeting you Ms. Hontiveros, I didn’t know that It’s a young and beautiful lady ang nagpapalakad nitong kompanya niyo” hindi siya kumportable sa kausap na matanda, malagkit itong tumingin sa kanya tinignan pa siya nitong ng buo mula ulo hanggang paa.
“Please sit down, what I can do for you?” masungit na sabi niya. Gusto niya lang na matapos sila agad sa paguusapan nila.
“Tatapatin na kita Ms. Hontiveros my client want to sue your company for Libel, masyadong nasira na ang reputasyon ng kliyente ko up to the point na iimbestigahan na siya ng senado” nagulat ang dalaga sa ibinalita ng kausap. Napasapo siya sa mukha niya.
“Baka naman po pwedeng magpublic apology na lang kami ilalathala din namin sa dyaryo namin.”
“Ms. Hontiveros it’s too late na to do that umakyat na sa senado ang hearing at ipapaimbestigahan na siya.” Nakailang iling si Cham sa narinig hindi maari ito.
“Hindi ko po alam ano pa ang sasabihin ko, kakausapin ko muna ang mayari ng kumpanya. Sa ngayon salamat sa pagpunta niyo. Kontakin ko na lang po kayo sana po pwedeng pakiusapan si Congressman kung pwede ako na makikiusap sa kanya ng personal” malungkot na sambit niya, samantalang ang Attorney ay parang walang pakundangan kung makangiti sa kanya.
“Sige I’ll talk to him maybe you’ll meet him soon mukhang matutuwa siya sayo madali lang naman kausap si Congressman. “ napakunot ang noo ng dalaga mukhang may ibig sabihin ang matandang abogado sa sinabi nito.
“Okay Attorney thank you for your time, just give me some updates okay.” Iniaabot ng matandang abogado ang kanyang kamay pero hindi ito pinansin ng dalaga, nakakairita ang mga tingin nito sa kanya. Mukha naman napahiya ang matanda dahil sa hindi niya pagresponde sa kanya. Nagpaalam na lang ito at tumalikod na sa kanya.
Pagalis ng matandang abogado ay agad siyang yumuko sa kanyang mesa at naiyak na lang sa sobrang sama ng loob, hindi niya alam kung anong maaring pwedeng mangyari sa kumpanya ng mga Alban matagal na pinaghirapan ito ng Tito Albert niya, sa isang iglap lang ay maaring masira ito at parang pakiramdam niya ay isa ito sa mga dahilan. Pinagkatiwala ito sa kanya pero ngayon kinakaharap nito ang isang napakalaking problema, pagsubok na hindi niya alam kung malalampasan ba nila. Iniiyak niya lang lahat ng frustrations niya at disappointment sa sarili at sa mga nangyayari sobrang bigat na ng nararamdaman niya sa mga nangyayari.