Chapter 7

3243 Words
Kahapon na yata ang pinakamasayang kaarawan ni Brandon, bukod sa kasama niya ang matalik na kaibigan na sila lang dalawa ay nakatulog din siya ng may mga ngiti sa kanyang mga labi. Hindi siya naghilamos ng mukha dahil ayaw niya mawala ang bakas ng mga labi nito sa magkabilang pisngi niya, kung pwede lang wag ng hugasan ang mukha niya gagawin niya. “Nrab I’m ready na.” maaga silang nagising balak nilang pumunta sa last destination nila bago sila umuwi ng after lunch. “Mach ang ikli na naman ng shorts mo” naiinis na sabi ng binata. “Okay na yan halika na” hinila na niya ng kaibigan para hindi na magreklamo. Hindi maintindihan ni Cham bakit napaka OA ng kaibigan shorts lang kung makareact. Umarkila sila ng tricycle papunta sa terminal ng jeepney na maghahatid sa kanila sa pupuntahan nila. “Nrab saan ba ang next destination natin?” dito na sila sa jeep at naghihintay lang na mapuno. “Secret muna malalaman mo din wag ka excited” inihilig niya ang ulo sa balikat ng dalaga, medyo inaantok kasi siya anong oras na kasi siya dinalaw ng antok sa sobrang saya niya. “Anong oras ka ba natulog huh? Bakit parang puyat ka?” mahinang tanong nito. “Binabantayan kasi kita, kaya siguro mga dalawang oras lang tulog ko” tinignan siya ng dalaga at inirapan siya. “At bakit mo ako binabantayan? Mawawala ba ako” natatawang sabi nito. Hindi alam ni Brandon ano ang isasagot sa kaibigan. “A-ah basta hindi lang ako makatulog kanina. Nabitin siguro ako sa ininom natin” palusot niya. Ang totoo ay hindi talaga siya makatulog dahil sa mga halik na nakuha mula sa kaibigan. Saglit lang ay nakarating na sila sa isang Falls na malapit sa resort. “Wow Nrab ang ganda dito, halika na gusto ko na magswimming.” Hinila siya nito papasok, ang ganda ng tanawin may mga katamtaman na taas na falls at mga kubo sa baba nito. Umarkila sila ng isang kubo at umorder ng mga pagkain pang agahan nila. “Alam mo Nrab ang galing mo nawala lahat ng stress ko sa katawan sa lahat ng adventure na nagawa natin minsan ulitin natin to masarap pala mag out of town paminsan-minsan” masayang sabi sa kaibigan. “Oo lagi natin gagawin ito, kahit lingo lingo pa” Mabilis lang silang kumain dahil excited na si Cham magexplore sa paligid at lumusong sa tubig. “Mach dahan dahan lang baka madulas ka” naglalakad sila sa mabatong daan patungo sa falls, kaya hinawakan niya ito ng mahigpit mukha kasing madulas ang mga bato. Pagdating nila ay agad tumalon si Brandon sa tubig. Ilang minuto na ay hindi pa ito umaahon. “Nrabbb” sigaw ng dalaga. Pero wala pa din naahon na Brandon. Dahan dahan siyang bumaba sa tubig at hinanap ang kaibigan. Sinisigaw pa din niya ang pangalan ng kaibigan pero hindi pa din ito makita, lumangoy siya papunta sa umaagos na tubig ng talon nagaalala na siya sa kaibigan parang any moment ay maiiyak na ito sa pagaalala. “Nrab hindi na ako natutuwa pag nalaman kung pinagtritripan mo ako may sapak ka sa akin” tinapat niya ang ulo niya sa umaagos na tubig galing sa talon, napaigtad siya ng may biglang yumakap mula sa likod niya. “Nagalala ka noh?” bulong nito sa tenga ng dalaga. “Bwiset ka talaga wala kang magawa ano?” humarap siya sa binata at pinagkukurot ito habang maiyak-iyak sa galit. “Aray naman Mach sorry na” natatawa pang sabi nito lalo pang inasar si Cham. Nagtatakbo si Brandon sa may batuhan dahil ayaw siya tantanan ng kaibigan sa pamamalo, pangungurot dahil sa sobrang pagaalala nito. Para silang mga bata na naglalaro ng mataya-taya, ambilis ng takbo ng binata at pursigido naman siyang habulin ni Cham. Tumalon ulit si Brandon sa tubig. “Grrr nakakainis ka ah pag naabutan kita talaga lagot ka sa akin.” Dahan dahan bumaba si Cham sa tubig ayaw niya kasi tumalon takot kasi siya sa malalim. “Dali na Mach babagalan ko na habulin mo na ako.” Nakangisi pa na sabi nito, inaasar niya talaga ang kaibigan. “Kaasar” sigaw nito at tumigil habulin ang binata, tumalikod na ito agad naman lumangoy papalapit si Brandon sa kanya. “Mach sorry na.” niyakap niya ito mula sa likod, naasar na yata sa kanya si Cham. Mula sa likod ay pumunta siya sa unahan ng dalaga niyaya niya ito sa ilalim ng rumaragasang tubig galing sa talon. Sumunod naman si Cham pero nakasimangot pa din. “Kainis” mahinang bulong ng dalaga, hinawakan ni Brandon ang magkabilang pisngi ng kaibigan. “Sorry if nagalala ka I’m just trying to joke around.” titig na titig siya sa dalaga samantalang ito ay ayaw tumingin sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi nito, ayaw niya makita tong nagagalit sa kanya. “Ewan” mahinang singhal nito sa kanya. “Sorry na Mach ko, hindi na mauulit.” tinignan siya nito pero agad ding umiwas. Nilapit niya ang mukha niya kay Cham. Kinakabahan ang binata sa tagpong ito hindi niya maiwasan na damhin ang mga pisngi nito na wala namang tutol ang kaibigan. “I hate you” bulong nito. Dama ng binata ang inis ng kaibigan sa kanya, hindi niya naiwasan na yakapin na ito, nararamdaman niya ang t***k ng puso niya sabayan pa ng pag agos ng mga tubig na galing sa talon sa kanilang ulo pababa ng katawan. “Mach nararamdaman mo ba ang t***k ng puso ko?” napaigtad ng bahagya ang dalaga sa narinig, niyakap ni Brandon ng mas mahigpit ang dalaga. Naramdaman niya ang malakas na buntong hininga nito. “Ayaw ko tong maramdaman Mach pero sana wag kang magalit sa akin.” hinaplos niya ang buhok ng kaibigan, ang sikip ng dibdib niya sa mga pinagsasabi niya. “Don’t hate me please if I tell you that-“ hindi na naipagpatuloy ni Brandon ang sasabihin niya dahil kumawala ang dalaga sa pagkakayakap nito. “Hoy Brandon wag mo ako pinagloloko may atraso ka pa sa akin dadagdagan mo pa” masungit na sabi nito. Nanlumo naman siya sa naging reaksyon ng dalaga, akala niya ay masasabi na niya dito ang nararamdaman niya. Mukhang mabibigo siya. Binigyan na lang niya ito ng isang mapait na ngiti. “Bakit ba Mach gusto ko lang naman sabihin na may muta ka eh” sabay hagalpak ng tawa, umasim naman ang itsura ni Cham. “Tse yun lang pala sasabihin mo ang dami mo pang pasikot-sikot” inis na sabi nito at akmang aalis na to ay agad naman itong pinigilan ni Brandon. “Mach hindi ka na galit?” hindi kumibo ang dalaga, Hinawakan ni Brandon ang dalawang kamay nito. “Pwede ba Nrab kanina pa ako nakakahalata ah may yakap ka na, may haplos ka pa sa pisngi ko anong eksena mo?” hindi napigilan ni Cham na matawa sa sinabi niya dahil nakita niya paano magreact ang kaibigan sa tanong niya parang naubusan ng kulay sa mukha at namutla. “Wala lang galit ka kasi kaya ganoon” hindi alam ng binata paano sasagutin ang tanong ng dalaga kaya ito na lang ang naisip niyang sabihin. “Halika na Nrab balik na tayo sa Hotel” wala ng nagawa si Brandon kundi sundan ang kaibigan. Pagbalik nila sa Hotel ay agad naman nagayos ng mga gamit sila, alas tres kasi ang alis ng Roro. “Mach galit ka pa din ba sa akin?” wala kasing imik ang dalaga mula kanina pa paguwi nila galing Hotel. “Hindi” maikling sagot nito, simula kanina ay wala na tong ginawa kundi ang kalikutin ang cellphone nito. Parang pinagsisisihan ni Brandon ang ginawa niya kanina na pinagalala niya ang kaibigan dahil naging tahimik na ito, ayaw niya makita ito na nagtatampo sa kanya. Muntik pa niya masabi dito ang nararamdaman niya buti na lang hindi natuloy kung hindi baka lalo siyang hindi pansinin nito. Buong biyahe nila pabalik ng Maynila ay tahimik lang talaga ito, paminsan minsan ay naiidlip pero pagkagising ay hindi talaga siya pinapansin. Napapabuntong hininga na lang siya, hindi niya alam paano lalambingin ang kaibigan para mawala na ang tampo nito. “Mach pwede bang dinner muna tayo bago kita ihatid sa inyo?” nakangiting sabi niya. “Okay” malamig na sagot sa kanya ng dalaga. Galit pa din talaga sa kanya si Cham. Sa isang Italian fastfood sila pumunta, umorder si Brandon ng mga favorite foods ni Cham baka sakaling mawala ang tampo nito. “Mach kain ka madami ah” nilagyan niya ito ng iba’t ibang pizza sa plato nito. “Thanks” nginitian siya nito ng bahagya, sumiklab naman ang damdamin ni Brandon sign na kasi ito na malapit na sila magbati ng kaibigan. “Mach ang cute mo lalo pag nagagalit ka alam mo ba yun?” pangaasar nito, paismid naman siya nitong tinignan pero parang pinipigilan na tumawa. “Baliw ka kasi!” “Oo baliw ako sayo Mach” namilog naman ang mga mata ng dalaga sa sinabi niya. “Whatever kumain ka na nga lang. Nakakairita ka” pinigil na lang niya ang pagtawa baka lalo magalit ang kaibigan, alam niyang hindi siya matitiis nito pinipigilan niya lang ang sarili na wag pansinin siya. Tahimik na lang silang kumain, pagkatapos nilang kumain ay agad naman niyang hinatid na ang kaibigan may pasok pa kasi ito bukas sa trabaho. “Pumasok ka muna pahinga ka muna saglit bago ka umuwi” yaya ng dalaga. “Sige” pumasok na sila sa loob at sinalubong naman sila ni Manang Ynez. “Iha may bisita kang dumating noong nakaraan pinaiwan tong regalo at bulaklak” tinuro ni Manang ang isang malaking teddy bear at dalawang kumpol ng mga bulaklak. “Kanino galing Mach?” usisang tanong ni Brandon. “Hmm kay Olsen.” Kinuha nito ang teddy bear at umakyat sa kwarto nito para ilagay ang mga dalang bag at para magpalit ng damit. “Manang kelan po pumunta yung bisita niya?” tanong ni Brandon kay Manang Ynez. “Ah dalawang araw na siya pumupunta dito kakaalis nga lang niya siguro mga isang oras na ang nakakalipas.” Nakaramdaman ng inis si Brandon, pagkatapos niyang sabihan na boyfriend siya ng dalaga ay hindi pa din tumigil ito sa panunuyo sa kaibigan. Sumama ang pakiramdam niya bigla, parang ang sakit ng dibdib niya na malaman na may manliligaw ang dalaga. “Manang pwede po ba patimpla naman kami ng juice for two, salamat po” bumalik na si Cham na nakapantulog na, umupo ito sa may tabi niya. “Mach kailan pa nanliligaw sayo yung Olsen?” mahinang sabi nito. “Hindi naman siya nanliligaw sa akin, diba sinabi ko na sayo yun noong nakaraan?” tumayo ito at binuksan ang t.v. “Ayan ba ang hindi nanliligaw, may dalang flowers at teddy bear at dinadalaw ka pa dito” malungkot na sabi ni Brandon. “Kung nanliligaw man siya sa akin, okay lang naman sa akin single naman ako at mukha naman siyang mabait.” kumunot ang noo ng binata sa narinig, hindi siya papayag na ligawan siya ng lalaking yun. Kailangan gumawa siya ng paraan para tumigil ang lalaki. “Ayaw ko don sa lalaking yun, masasaktan ka lang don lalaki ako alam ko ang hilatsa ng mukha nun hindi gagawa ng maganda yun. Kaya sabihan mo na siya na tumigil na. Okay ba yun Mach?” tinignan siya ng dalaga na para bang naguguluhan bakit ganun ang reaksyon niya. “Ang OA mo Nrab hindi mo pa nga kilala yung tao kung makapanira ka na wagas.” Ang lakas ng buntong hininga ni Brandon, hindi niya alam ano pa sasabihin. Kinuha na lang niya ang remote at nilipat ang balita. “Ok let’s not talk about it, manood muna ako balita 2 days din tayong walang alam sa mga balita” umusog ang binata malapit kay Cham dumating naman si Manang Ynez na may dalang juice at cake. Tahimik lang silang nanood ng balita habang nakain ng cake na dala ni Manany Ynez. “A daughter of a well known businessman from San Jose California committed suicide inside her own room after failing to fix her relationship with her Filipino boyfriend.” “Grabe naman yun talaga kailangan pa magpakamatay dahil sa love. Sinayang niya lang ang buhay niya.” Nagkatinginan sila sa narinig na balita. “Tsk tsk tsk ganyan ang love Mach kahit ano pwede mong magawa lalo na pag nasaktan ka” “Ganoon ba talaga yun? Sorry naman hindi ko kasi alam paano mainlove, kung magmamahal man ako sisiguraduhin ko na hindi naman ako aabot sa ganyan. How pathetic lang that they can risk their own life para lang sa isang tao.” Napapailing pa si Cham habang sinasabi ito. “Madaling sabihin yan Mach kaya nga ikaw magingat ka sa mga lalaki na yan okay. Wala ka pa naman alam sa love na yan.” Tinignan siya ng dalaga, nailang siya ng bahagya pero pinigilan niya at tinignan niya din ito. “Sa tingin mo ba panahon na para magboyfriend ako Nrab? Kaya lang wala naman ako makitang matino na lalaki. Minsan naiisip ko din masaya siguro na may special someone ka, yung tipong maghahatid sayo paguwi sa work, yung tatawagan ka para tanungin kung How was your day. Yung someone na makakasama mo manood ng sine kumain sa labas.” Napahalukipkip si Brandon at napakagat ng labi. Paano ba niya masasabi sa kaibigan na sa lahat ng sinabi nito ay gusto niya siya ang gumawa. Gusto niya siya ang kasama ng dalaga paguwi galing sa trabaho, gusto niya siya katext nito at kausap sa telepeno, siya ang kasama nito manood ng sine. Gusto niya sa lang lahat ng gagawa nito, pero paano niya ba uumpisahan sabihin ito sa dalaga. “Mach andito na ako diba? Kaya ko naman gawin yun lahat. Susunduin kita gusto mo sundo at hatid pa, tapos magtetext ako sayo tatawagan kita, manonood tayo sine kahit anong gusto mo kahit yung mga baduy na palabas na gusto mo sasamahan kita tapos lagi tayo kakain sa labas.” Napataas ang kilay ng dalaga at tinignan siya masama. “Ganoon? Paano ako magkakaboyfriend niyan kung ikaw lagi ko kasama?” mataray na sabi nito. Kinurot pa niya ang binata sa pisngi. “A-ah E-eh wala ka pa naman boyfriend diba ako muna ang gagawa nun. Diba?” nakangising sabi nito. “Ikaw talaga Nrab wala ka ng ibang alam gawin kundi ang lokohin ako” piningot siya nito ng malakas, napaaray naman ang binata sa sakit. “Mach maswerte ka na kung ako ang acting boyfriend mo? Yung iba nga nagkakandarapa na maging boyfriend ako eh” hindi na nakaligtas ang binata sa mga kurot ni Cham sa tagiliran niya, gigil na gigil itong saktan siya. “Ang kapal mo talaga.” Naghabulan sila sa sala, pati si Brandon ay gumanti na, kinikiliti naman niya ang dalaga imbes na si Brandon ang hinahabol niya nagkapalit na ng sitwasyon, si Cham na ang tumatakbo dahil sa pangingiliti ng kaibigan sa kanya. “Ano mangungurot ka pa?” hinahabol pa din niya si Cham paikot silang maghabulan sa sala, “A-aayaw k-oo naa” hinihingal na sigaw ni Cham, patuloy pa din sila sa habulan. “Malapit na ako lagot ka sa akin pag nahuli kita ang sakit ng mga kurot mo ah.” Nginusuan lang siya ng dalaga sabay belat sa kanya, nangaasar pa. Nakailang ikot na sila sa sala pero hindi talaga mahuli ni Brandon ang dalaga naisip niya na imbes na habulin sa likod ay salubungin ito, ambilis ng takbo ni Cham pumihit siya sa lugar na panggagalingan nito, hindi sinasadyang ng malapit na ito ay buong lakas na pinigilan ng dalaga ang takbo sa way ng binata, pumasok ang paa ng dalaga sa uwang ng carpet na ikinatumba niya. Agad naman siyang sinalo ni Brandon, hindi nila namalayan na napahiga na sila sa may sofa, ramdam ng bawat isa ang lakas ng pintig ng kanilang mga puso. Nakapikit ang dalaga na parang ayaw makita kung anong itsura nila ngayon. “Mach” “Uhm” ang awkward ng pwesto nilang dalawa, nasa ibabaw siya ni Brandon, hindi niya alam paano tatayo at aalis sa ganitong pwesto. “Bakit ka nakapikit?” ang sayang pagmasdan ng dalaga dahil halatang kinakabahan ito sa pwesto nila ngayon. Samantalang si Brandon hindi rin maintindihan ang pakiramdam niya sa nangyayari ngayon ilang hibla lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. “Itayo mo ako hindi ako makatayo dalian mo” sigaw nito sa kanya. “Kung ayaw ko?” “Sasapakin kita pag nakatayo ako dito” dahil sa sinabi ng kaibigan ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi nito. “Buksan mo muna ang mga mata mo” umiling ang dalaga. Dinama niya na lang ang init ng katawan ng dalaga, ang lakas ng t***k ng puso niya hindi na niya mapigilan ang bugso ng damdamin niya hindi niya alam kung ilang minuto na sila sa ganitong pwesto, hinawi niya ang buhok nito na lumalaylay sa katawan niya. “Mach you're so beautiful, sorry if I can’t control myself, sorry if i fall for you.” pabulong na sabi niya, sa wakas at nabanggit niya din sa dalaga ang matagal na niyang gustong sabihin dito. Alam ng binata na simula pa lang may gusto na siya dito, pinipilit niya lang pigilan dahil alam niyang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Nang umalis siya sa piling nito akala niya ay mawawala na ang espesyal na pagtingin nito sa dalaga, sinubukan niyang magkagusto sa iba pero kahit anong gawin niya si Cham lang ang may ari ng damdamin niya, ngayon na abot kamay na niya ang kaibigan gusto niyang subukan, gusto niyang umpisahan na ang dapat ay noon pa niya dapat ginawa. Natatakot siya na baka maunahan pa ng iba. Natatakot siya na magmahal ng iba ang kaibigan. “Ano ba pinagsasabi mo Brandon, manahimik ka nga at itayo mo na ako dito.” Mahinahon na pakiusap ng dalaga. Nakikita ni Brandon ang pamumula ng pisngi ng kaibigan, hinaplos niya ang pisngi nito at dinampian ng isang matamis na halik. “Kinakabahan ka ba Mach? Bakit ka namumula” kitang kita ang pagkagulat sa reaksyon ni Cham sa ginawa ni Brandon pero parang wala itong lakas na tumayo. “Naiinis na ako” nakapikit pa din ito, hindi niya alam bakit hindi man lang siya tumanggi or nagalit sa ginawang paghalik sa kanya ng kaibigan. “Open your eyes Mach I want you to see me please” nagdadalawang isip si Cham kung bubuksan ba ito, hindi alam ni Brandon ang mga pinaggagawa niya ay sobrang ikinakabog ng dibdib niya. Hindi niya maintindihan bakit ganito ang kaibigan sa kanya. Nalilito siya sa mga kinikilos nito. Dahan dahan lumapit ang mukha ni Brandon sa mukha ni Cham, ayaw pa din nito buksan ang mga mata niya gusto niya lang naman na makita ng dalaga ang sinseredad niya sa mga sinasabi niya, gusto niya makita ng dalaga na andito lang siya ang taong mahal na siya noon pa. “Mach can’t you hear what my heart saying right now? Hindi mo ba maramdaman na ikaw ang t***k nito?” dahil sa sinabi ng binata ay napaigtad ang dalaga at agad na tumayo. Napahalukipkip na nakataas ang kilay na tinignan si Brandon na nakaupo na ng maayos. “Nrab it’s getting late I need to rest na may pasok pa ako bukas, salamat ah” nanlulumong tumayo ang binata at binigyan niya ng isang mapait na ngiti ang kaibigan. “Make sure na nakasara lahat ng pintuan at gate Mach, I will text you once I get home” hinatid siya ng dalaga hanggang makasakay siya ng kotse niya. Hindi niya maiwasan na ibuntong ang inis sa manibela niya na pinagsusuntok niya. Bakit kasi hindi maramdaman ng dalaga na gusto siya nito. Paguwi niya ay agad niyang tinext ang kaibigan, pero wala na siyang nareceive na reply dito inisip niya na lang na tulog na ito. Hindi niya alam kung bakit naging malungkot ang pakiramdam niya lahat ng saya ng naramdaman niya sa dalawang araw ay parang nabura dahil sa huling pangyayari. Parang wala siyang pagasa sa dalaga, ilang beses na niya pinaparamdam dito pero parang walang effect sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD