Chapter 6

2436 Words
Naiinis si Brandon sa kaibigan, dahil pagbaba pa lang nila sa Hotel ay ang dami ng napapalingon dito. Hindi lang mga lalaki pati na din mga babae, mapamatanda man, teenager pati na mga bata. Hindi inaasahan ng binata na ganito kaganda si Cham pag ganito ang suot nito, napakasimple lang naman ng suot niya pinartneran pa niya ng isang puting sunvisor. Habang nakatali ng napakataas ang buhok nito. “Nrab ano ba problema mo kanina ka pa nakasimangot diyan?” umayos naman ang binata at tinangal ang kunot ng noo. “Wala medyo naiinitan lang ako” dumeretso na sila sa nagpapaarkila ng jetski. “Oh my first time ko to, exciting to ayusin mo ah baka mahulog ako” nakasakay na sila sa jetski, kapit na kapit naman ang dalaga sa kanya. “Bilisan ko pa gusto mo?” pangaasar ng binata nahahalata niya kasi na todo na ito makayakap sa kanya. “Hoy umayos ka, gusto mo lang yata na yakap yakap kita ano?” sigaw niya sa binata sabay kurot sa tagiliran nito. “Oo sarap ng mga yakap mo eh” binilisan nga ni Brandon at nabingi naman siya sa tili ni Cham. “Waaahh bagalan mo ang takbo or sasapakin kita. Hindi na ako natutuwa” hindi nakinig sa kanya ang binata bagkus ay tinawanan lang siya nito. “Ang saya saya kaya enjoy ka na lang diyan habang yakap yakap moko” pang aasar pa niya. “Lagot ka sa akin pagbaba natin, magtago ka na bubugbugin kita” ninerbyos na sabi ni Cham. “Yan ang gusto ko sayo pag naasar ka ang sarap sa pakiramdam” nakatikim na naman siya ng kurot hindi lang sa isang parte kundi sa magkabilaang tagiliran. Napaigtad naman ito sa sakit pero balewala pa din patuloy lang ito sa mabilis na takbo. Tumagal ng 30 minutes ang pagjejetski nila, halos manghina ang dalaga sa kabang naramdaman habang andito, halatang namutla ito sa kaba nawalan ng kulay ang mukha nito. Hindi niya pinapansin ang binata pagkababa sa pangpang. “Mach wag ka na magalit part yun ng activity natin for today, halika na doon banda sa banana boat ride naman tayo” hinila na niya ang kaibigan papunta sa pwesto ng arkilahan ng banana boat ride. “Buti na lang hindi ikaw ang magmamaniobra nitong ride na to kung hindi, hindi na talaga ako sasama” masungit na sabi niya. Naghintay lang sila ng ibang sasama sa ride, kailangan kasi ay mga anim sila. Mabilis naman napuno ang slots at agad na silang sumakay dito. “Woooh kakaloka feeling ko matutumba tayo” sigaw ni Cham, habang si Brandon ay nakataas lang ang mga kamay at akala mo ay nakasakay sa isang roller coaster. Sa una ay mabagal lang ang takbo pero habang tumatagal ay pabilis na ito ng pabilis. Hindi magkamayaw sa pagtili si Cham. Kawawa naman ang nasa unahan nito malamang bingi na ito pagbaba. “Ang sarap gusto ko ulitin yun Mach” nakababa na sila at nagtawanan sila ng mapansin na nakasimangot ang babae na kasabay nila sa banana boat ride na nasa unahan ni Cham. Sumakit siguro ang tenga nito sa lakas ng tili niya kanina. “Halika na sa next destination na tayo” yaya ni Brandon. “Hindi ko yata kaya yan Brandon, hindi ako ganoon kagaling lumangoy” pumunta sila sa isang Bangka, magsnorkeling sila. “Kaya mo yan hindi naman masyado malalim saka may mga kasama tayong expert okay” napakibit balikat na lang si Cham, naisip na niya lang na kailangan niya din subukan ang mga bagay bagay at isang tabi muna ang takot. Mukhang masaya ang next na gagawin nila makakakita sila ng mga isda. Umandar na ang Bangka papunta sa lugar kung saan sila mag snorkeling. “Nrab ikaw na lang kaya parang ayaw ko na” kinakabahan na sabi ng dalaga. “Ngayon ka pa talaga aayaw? Naka full gear ka na Mach” pangaasar nito. Inirapan naman siya nito. Nakarating na sila sa destinasyon nila, isa-isa ng nagbababaan ang mga pasahero ng Bangka para lumusong sa ilalim ng dagat. Nauna bumaba si Brandon si Cham naman ay parang nagdadalawang isip pa kung bababa. “Mach halika na aalalayan naman kita” nakangiting sabi nito, natutuwa siya sa itsura ng kaibigan hindi maipinta ang mukha sa kaba. “Siguraduhin mo lang na hindi ako malulunod diyan ah.” Nilagay na ng dalaga ang mga paa sa tubig at dahan dahan bumaba, napayakap naman siya kay Brandon. “Ano natatakot ka pa ba? Hindi tayo makakalusong nito kung yakap yakap mo ako” nakangising pangaasar nito sa dalaga. “Eh paano nakaharang ka diyan syempre tendency eh mapakapit ako sayo” umalis siya sa pagkakayakap sa binata, sinundan na nila ang mga kasama hinawakan ni Brandon ang kamay niya habang palusong na sila sa ilalim. “Don’t be scared Mach, andito lang ako” sabay na sila pumailalim sa dagat. Mukhang nawala na ang takot ng dalaga, kitang kita ang mga ngiti sa labi nito habang nakikita ang kapaligiran sa ilalim. Kahanga-hanga ang ilalim ng dagat mga makukulay na coral pa lang ay masarap na sa paningin, dagdagan pa ng iba’t ibang klaseng uri ng isda na iba’t ibang kulay din. Magkahawak kamay lang ang dalawa habang patuloy sila sa paglilibot, ang binata ay hindi makapagconcentrate sa mga tanawin na nadadaanan nila dinadama lang nito ang bawat minuto na kasama si Cham, hanggang ngayon hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa kaibigan basta ang alam niya mahawakan lang ang kamay ng dalaga ay sapat na para mapasaya siya nito ng sobra sobra. Simula pa lang ng una niyang makita ang dalaga, alam niya na makakasundo na niya ito, hindi niya lang inasahan na ngayon ay iba na ang paningin niya dito akala niya ng nasa America ay kaibigan pa din ang turing nito sa dalaga, pero simula ng makita niya ulit ito kahapon ay parang may kakaiba na talaga siyang naramdaman. Gusto man niya aminin sa sarili pero natatakot siya sa mga pwedeng mangyari. “Nrab grabe kala ko mauubusan ako ng hininga doon pero super sarap pala sa ilalim ng tubig” sabi ng dalaga pagkatapos tanggalin ang snorkels nito, nakaangat na ang mga ulo nila sa dagat. “Sabi ko sayo diba masaya ang ganitong adventure. Ayaw mo kasi maniwala” hindi talaga napanisin ng binata na nakaangat na pala dahil sa sobrang pagiisip. Tinulungan niya si Cham makaangat at makabalik sa Bangka. “Salamat talaga Nrab ah the best ka talaga kaya mahal na mahal kita friend” nagulat ang binata ng kapitan siya ng dalaga sa braso niya at inihilig ang ulo sa balikat niya. Hindi naman niya maitago ang sayang nararamdaman sa ginawa ng dalaga. “Para sayo Mach it’s my pleasure to see you happy.” Inihilig na din niya ang ulo niya sa ulo ng dalaga na nakalapat sa balikat niya. Ganito lang ang pwesto nila hanggat makarating sa pampang. Dumeretso sila sa hotel para magpalit ng damit. Pagkatapos ay pumunta na sila sa isang malapit na seafood restaurant para mananghalian. “Nrab oh pinaghimay na kita nitong crabs alam kong hindi ka marunong, saka itong halaan soup masarap to” nilagyan niya ang plato ng binata hindi kasi ito masyadong maalam sa mga lamang dagat kaya siya ang mga umorder ng pagkain nila ngayon. “Hmm sarap pala nito, ito Mach oh pinagbalatan na kita nitong shrimp” tinusok niya ito ng tinidor at isinubo sa dalaga, nginitian muna siya nito sabay sinubo ang binigay niya na hipon. Dahil sa ginawa niya ay ginaya naman siya nito at sinubuan din ng sweet and sour lapu-lapu. Lumapit si Brandon sa tabi niya para hindi sila mahirapan sa mga pinaggagawa nila na pagsusubuan ng mga kinakain nila. Buong pagkain nila ay ganoon lang ang ginawa nila, kung titignan mo sila ay akala mo ay magkasintahan sa sobrang sweet nila sa hapag kainan. “Ano ang next na gagawin natin?” tanong ng dalaga habang humihigop ng mango juice. “Pahinga muna siguro tayo inaantok ako, mayang gabi naman tayo lumabas” “Okay sige ako din inaantok saka nakakapagod ang mga ginawa natin ngayon” inubos lang nila ang mga inorder at bumalik na sa Hotel. “Nrab gisingin mo ako ah, baka mapahimbing tulog ko” nakaupo ito sa kama at nagpreprepare na matulog. Isang dipa lang ang layo nila dalawang kama ang meron sa kwarto at walang alinlangan naman na pumayag ito dahil sa may tiwala naman daw ito sa binata. Tumango lang siya at nahiga na. Agad naman na nakatulog na ang dalaga, pero kung kanina ay inaantok siya nawala ito dahil sa kakatitig kay Cham habang natutulog ito, nakaharap pa ito sa kanya kaya kitang kita niya ang maamong mukha nito. Gusto niya ngayon yakapin ang kaibigan, hindi alam ni Cham na lalong tumitindi ang nararamdaman niya sa mga ginawa nito sa kanya, lalo na ng kaninang kumakain sila, alam niya na kay Cham ay wala lang ito pero sa kanya ay ang laki ng impact nito. Ang lakas ng buntong hininga niya, sumasakit na ang ulo niya kakaisip. Paano niya ba malalaman kung ano ba tong nararamdaman niya? Nagkaroon na siya ng mga girlfriend dati pero kakaiba itong nararamdaman niya sa kaibigan niya. Umayos siya ng higa at tumitig na lang sa kisame, inisip kung paano niya kaya mapapatunayan sa sarili kung ano ang meron sa nararamdaman niya. Kanina pa siya hindi mapakali at paikot ikot ng kama, sinulyapan niya ulit ang kaibigan mahimbing pa din ito na natutulog, gusto niyang lapitan ito yakapin at ihiga sa mga braso niya. Pero hindi pwede, mag kaibigan sila at ayaw niyang masira ito. Hindi na niya namalayan na pati siya ay nakatulog na, madilim na sa labas pati sa loob ng kwarto. Agad tumayo si Brandon at ginising si Cham. “Uhmm antok pa ako” “9pm na Mach dali may pupuntahan tayo” napaigtad to at mabilis na tumayo. “Seriously? Ang tagal ko pala nakatulog” agad tong pumunta sa banyo at naligo. Pagbaba nila sa Hotel ay agad nila pinuntahan ang sinasabi ni Brandon na surprise nito. “Wow ang galing sayang hindi natin naumpisahan Nrab” namangha ang dalaga sa nakita, andito sila sa lugar ngayon sa beach kung saan may mga firedancer at banda. Pumwesto sila sa isang malapit na bar at pinanood ang mga nagpeperform na firedancer. Kitang kita sa mga mata ng dalaga ang saya sa pinapanood nito. Umorder ang binata ng makakain nila at maiinom. “Waah grabe kakatakot ang ginagawa nila pero ang galing nila noh?” sabi ni Cham habang vinivideo ang palabas ng mga firedancer. Kung ano anong hugis ng apoy ang nagagawa nila. “Oo dati nakapanood na din ako nito pero mas magaling ngayon ang mga nagpeperform madami na silang alam na tricks” sabi ni Brandon habang nainom ng inorder niya na alak. “Bakit ikaw lang ang nainom? Ang daya ah order mo din ako kahit yung mild lang.” nagtataka naman si Brandon sa sinabi ng dalaga. “Umiinom ka na ngayon? Diba ayaw mo ng alak?” “A-ah E-eh oo marunong na ako uminom pero occasionally lang, hindi naman sa point na naglalasing. Madalas kasi sa office napapasama ako sa mga gimik ng mga ka officemates ko.” Wala ng nagawa ang binata kundi umorder na lang. Natapos na ang performance ng mga firedancer natira na lang ang mga banda na tumutugtog sa saliw ng reggae music bagay na bagay sa ambience ng paligid. “Mach” tawag niya sa dalaga medyo busy ito sa panonood ng banda, napapaindak pa ito sa musikang naririnig. “Yes Nrab?” “Wala ka bang naalala sa araw na to?” tinignan siya ng saglit ng dalaga at bumalik ang tingin sa mga banda. “Hmm wala naman, ano meron?” nalungkot ang binata, dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nito maalala ang okasyon for today. Nagtawag ang banda ng mga gustong sumayaw, agad namang nagpuntahan ang mga tao. “Nrab let’s go dance tayo.” Nagulat ang binata ng hilahin siya ni Cham sa mga kumpol na nagsasayaw. Napaindak na din sila sa saliw ng kanta, ang sarap pakinggan. Ang gandang tingnan ni Cham habang umiindak kasabay pag nagswasway ang mga buhok niya sa bawat galaw nito. Napakagat labi si Brandon sa pinapakitang ngiti ni Cham, patuloy lang sila sa pag indak hinawakan niya ang dalawang kamay nito. “I love you” bulong niya sapat na siya lang ang makaintindi. “Ano yun Nrab?” tinignan niya si Cham ng nakakalokong tingin sabay kinindatan. “Wala sabi ko ang ganda mo talaga” tinapik siya nito sa braso. “Alam ko matagal na” ang sarap tignan ng bawat kilos ng dalaga sumasabay pa ang mahabang buhok nito sa pagindak niya. “Baby I love you” bulong niya ulit. “Ohh baby I love your way everyday ohh ohh” napasabay na din sa kanta si Cham. Akala ng binata ay narinig siya nito. Hindi na napigilan ng binata at hinapit niya ang bewang ng dalaga at inilapit ito sa kanya, na hindi man lang nagreact ang dalaga bagkus ay binigyan siya nito ng malaking ngiti. ”Tatampo ako sayo Mach” napanguso ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. “Bakit naman Nrab? What did I do to you?” ang binata pa ang nagulat ng ipatong ni Cham ang dalawang kamay nito sa magkabilang balikat nito. “Hindi mo naalala ang date today, special kaya ang day na to. Parang hindi mo ako friend niyan eh” nagtatampo na sabi ni Brandon. “Ano ba kasi hindi ko talaga maalala” mahinang tugon nito. “It’s my birthday today and you don’t even remember it” namilog ang mga mata ng dalaga sa narinig. “Oh sorry Nrab nawala talaga sa isip ko.Omg! Sorry” nawala ang pagtatampo ng binata ng dampian siya ng dalaga ng halik sa pisngi niya. Naginit ang pisngi niya sa ginawa nito. Pwede rin palang kiligin ang mga lalaki at ito ang nararamdaman niya ngayon. “Bawi na lang ako sayo Nrab hindi ko talaga naalala.” Hindi siya makapagsalita, umurong na yata ang dila niya, lalong umurong ito ng dampian siya ulit ng halik ni Cham sa kabilang pisngi naman. “Happy Birthday my dearest Nrab, hindi pa ako huli 11pm pa lang. Huli man nakakaabot din.” Natutuwang sabi nito. Natapos na ang kanta pero tulala pa din si Brandon, hinila na siya ni Cham pabalik sa mesa nila. Hindi makapaniwala ang binata sa nakuhang regalo, para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang regalong nakuha niya kahit hindi alam ng dalaga na ito ay sapat na para mapasaya niya ang kaarawan nito. “Nrab may isang oras pa tayo magcelebrate. Cheers” inabot nito ang iniinom ng binata kanina pa kasi niya napansin na parang wala ito sa sarili. “Cheers” maikling tugon niya. “Para sa birthday ng pinakamamahal kong boy friend you know lalaking kaibigan” tinaas niya ang baso niya at sabay ininom ng deretso ang laman nito. “Masaya ako at ikaw ang kasama ko” nakarecover na din siya, kanina pa siya hindi makapagsalita. “Ako din Nrab” sinalinan ulit ni Cham ang baso ni Brandon at nagkampai ulit sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD