Chapter 5

3352 Words
“Mam Cham please be ready for a lunch meeting with one of the writer” tawag ng assistant ng dalaga, Mahigit Isang taon na din siya sa trabaho as bookeeper dito sa Alban Publishing, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit si Mrs Alban dalawang buwan na ang nakakalipas kaya lahat sila ay nasa Amerika. Halos siya na rin ang kanang kamay ng Tito Albert niya multi-tasking siya dito, kaya naghire ito ng assistant niya para pag busy siya sa ibang task niya ay may gagawa pa din ng pinaka main job niya ang pagiging accountant ng kompanya. “Ano ba daw ang issue niyang si Mr.Torralba? Napapadalas na ang paghingi niya sa akin ng lunch meeting wala naman kami pinaguusapan na importante.” Curious na tanong sa assistant, habang nakakunot ang noo at titig pa din sa kanyang computer, may nagping sa kanya sa chat may bisita daw siya sa lobby. “He said that he will discuss some suggestions para mas dumami daw ang readers ng ilalabas na komiks ngayong Mayo” tinignan niya ang assistant at tumayo papunta sa mesa nito. “Ara just tell him that he can send me an email about it bakit kailangan pa ng meeting? I’ll just call him pag may kailangan pa ako. I need to go, I’ll be back after lunch okay.” Sa totoo lang may lakad kasi talaga siya, tumawag kasi si Brandon niyayaya siyang maglunch. Kakauwi lang kasi ulit nito galing Amerika pagkatapos kasi ng graduation niya ay bumalik din ito para ipagpatuloy ang pagaaral. “Mach” tawag ni Brandon na kasalukuyang nakaupo sa lobby. May hawak itong isang bouquet ng rosas. “Kanina ka pa ba andito?” pagkalapit niya sa binata ay binigyan siya ito ng halik sa pisngi at ibinigay ang bulaklak. “Oo excited na kasi ako makita ka” hinila na niya ang kamay ng dalaga at sabay na naglakad palabas papuntang parking lot, hindi nakalagpas sa pandinig nila ang bulong bulungan ng mga empleyado sa paligid. “Hays Nrab pagbalik ko malamang ang dami ng magtatanong sa akin for sure maissue pa tayo bitawan mo nga muna ako” hindi naman sa ayaw niya na hawakan siya ng binata sa kamay kaya lang kakaiba ang naramdaman niya habang hawak nito ang kamay niya lumakas ang t***k ng puso niya. “Hayaan mo sila, you can tell them that I’m your boyfriend” hinablot ulit ni Brandon ang kamay ng dalaga tinignan na lang ito ng masama ni Cham. Kakaiba ang itsura ng kaibigan ngayon ang dating mukang totoy ay nagmatured na ang mukha, lalong nadagdagan ang kagwapuhan nito. Pagkarating sa parking lot nakakunot pa din ang noo nito habang si Brandon naman ay ang laki ng ngiti. Pinagbuksan niya ang dalaga ng pinto at padabog naman itong sumakay, hindi maalis ang ngiti niya sa kanyang mga labi, ang laki ng pinagbago ng dalaga mukha na siya sopistakada ngayon at marunong na rin magtaray. “Saan mo ba ako ililibre Nrab? Siguraduhin mong masarap don ah gutom na gutom na ako hindi pa kasi ako nagaagahan.” mataray na sabi ng dalaga habang nakahalukipkip. “Relax ka lang diyan hindi mo ba ako namiss Mach?” tinignan siya ng saglit ng dalaga at nagkibit balikat lang. “Miss ng slight, paano naman kita mamiss ng todo halos araw-araw tayo magusap parang andito ka rin” “Slight lang talaga grabe ka naman Mach ako miss na miss na kita. Miss ko na ikaw kurutin” tinaas pa niya ang kamay at dinemo paano niya kukurutin si Cham. “Subukan mo ako kurutin sisipain kita” hindi na siya nakaligtas agad kinurot ng binata ang ilong niya, hinampas naman niya ito sa braso. Ang lakas ng tawa ng binata dahil naisahan niya ang dalaga. Hindi tumigil sa kakatawa si Brandon dahil nakita niya paano namula sa galit si Cham, hanggang sa nakarating na sila sa isang Filipino Restaurant. Ang dami nilang pinagkwentuhan about sa mga experience ni Brandon habang nasa Amerika, ang mga naging girlfriend niya na iba’t ibang lahi samantalang siya ay walang maishare dahil wala pa naman siyang naging boyfriend. NBSB pa ang eksena ni Cham malapit na siya mag bente dos pero until now wala siyang panahon sa pagibig. “Mach gusto mo ba ihanap kita ng date? Tumatanda ka na wala ka pa din naging boyfriend baka maging matandang dalaga ka niyan” nakangising sabi niya sa dalaga. “Wala ako panahon sa pakikipagdate ang dami ko pang responsibilidad sa opisina, nakakahiya naman kina Tito alam mo naman ang laki ng utang na loob ko sa kanila” napahalukipkip naman ang binata, hanggang ngayon devoted pa din ang kaibigan sa mga responsibilidad niya pero hindi niya magawang ienjoy ang kabataan. “Paano kung biglang may dumating sayo na lalaki na magpapa-ibig sayo? Kunyari ako paano kung ligawan kita?” nabulunan naman ang dalaga agad naman siyang binigyan ni Brandon ng juice. “Hoy Nrab wag ka nga makulit diyan baka mawalan ako ng ganang kumain, nakakasuka ang mga pinagsasabi mo” sumimangot naman ang binata sa sinabi ng dalaga, pinagpatuloy na lang nito ang pagkain. Habang si Cham ay patuloy lang sa pagkain, sinusulyap sulyapan na lang niya ito at tahimik na kumain. “Nrab sorry I need to go back sa office madami pa kasi ako tatapusin okay lang ba?” binigyan lang siya ng binata ng mukhang pilit na ngiti at agad na tinawag ang waiter para sa bill nila. “Let’s go” tipid na sagot ng binata. Inalalayan naman niya na tumayo si Cham at hinawakan ang kamay nito. “Sorry Nrab wag ka na magtampo please” malambing na sabi niya, napansin niya kasi na tahimik na ang kaibigan habang nagdrive pabalik. “Okay lang Mach, gusto pa kasi kita kasama kaya lang mukhang busy ka madami pa namang ibang araw siguro” diretso lang ang tingin nito sa kalsada, gusto niyang maramdaman ng kaibigan na nagtatampo siya, sa tagal nilang hindi nagkita sa airport pa lang tinawagan na niya ito dahil ito ang kauna-unahang tao na gusto niyang makita. “Kainis naman Nrab eh kinokonsensya mo ako, tambay ka na lang sa office ko. You want?” bigla naman nagliwanag ang mukha ni Brandon sa narinig. “Sabi mo yan ah, tutulungan na kita para mabilis matapos Friday pa naman ngayon bukas wala ka pasok diba?” tinignan siya ni Cham na may pagtataka. “Bakit ano naman kung sabado bukas? Ano meron?” umasim ang mukha ng binata, hindi man lang naalala ng kaibigan kung anong petsa meron bukas. “Wala yayayain sana kita mag out of town. Kung okay lang sayo at kung hindi ako makakasagabal sa trabaho mo” malungkot na sabi nito. “Hmmm saan mo naman ako dadalhin?” “Basta secret muna, payag ka na ba?” sabay kindat sa dalaga, namilog ang mga mata ni Cham sa pagkindat ng binata. Naninibago siya sa kaibigan masyadong pilyo na siya ngayon. “Sige payag na ako basta siguraduhin mo lang mageenjoy ako sa pupuntahan natin kundi kukutusan talaga kita” mahinang sigaw nito sa binata at sabay irap. Nakarating na sila sa Aldan Building, napansin niya na gulat na gulat pa din ang mga empleyadong madaanan nila papunta sa opisina niya. “Mam Cham andiyan po si Mr. Torralba sa office niyo hinihintay kayo kanina pa.” bungad sa kanya ni Ara, pasimangot na binuksan ni Cham ang pintuan ng opisina niya at nakita ngang andun ang lalaki. “Hi Chamile, sorry if I insisted to wait you here” agad na tumayo ito at lumapit sa dalaga may dala din itong bouquet ng bulaklak. Iniabot niya ito sa dalaga. Mukhang bihis na bihis ito naudlot kasi ang lunch meeting nito sa dalaga, si Olsen Torralba ang isa sa pinakasikat na cartoonist sa Pilipinas pati na din sa Asya gumagawa din siya ng mga manga. Isa rin sa binansagan na one of the hottest bachelor of the year. “Yes it’s okay, what can I do for you?” umupo siya na siya at binuksan ang laptop. “Since hindi natuloy ang lunch meeting natin maybe we can go out for a dinner later?” patuloy lang sa pangangalikot ng laptop niya ang dalaga, at matagal bago sumagot. “Sorry Olsen I can’t go out later madami pa ako gagawin, if you need anything you can already tell me while your still here” umupo siya sa tapat ni Cham. “I apologize if makulit na ako, I just want us to be friends I want to know you more. I’m single and as far as I know your single too.” May biglang umubo ng sobrang lakas, si Brandon nga pala nasa loob na ng opisina ni Cham, tiningnan siya ng dalaga saglit natawa na lang siya ng lihim sa ginawa ng kaibigan. “Mr Torralba as far as I know too it’s business hours right now, I know na hawak mo ang oras mo when It comes to your work but please I have no time right now. Sorry” Malumanay na sabi niya. Hindi alam ni Cham ang kaibigan ay kanina pa pinipigilan ang pagtawa dahil sa pakikitungo nito sa lalaki mukha kasing may gusto ito sa kanya. “Yes sorry maybe I will just visit you in your house.” Nakukulitan na talaga ang dalaga sa kaharap, hindi ito ang unang beses na binigyan siya nito ng bulaklak at kulitin about sa gusto nito silang maging friends and about the single status na yan. “Wala siya sa house niya may lakad kami” singit ni Brandon, nakatakip ng magazine na binabasa niya ang mukha niya para hindi makita ang ngisi niya kay Olsen. “Sige Chamile I will call you na lang” tinignan lang siya ng dalaga at binigyan ng isang maliit na ngiti. “Dude” tumayo si Brandon at hinarang si Olsen sa may pintuan. Tinignan lang siya nito. ”Inform lang kita na girlfriend ko si Chamile Hontiveros kaya kung may balak ka pa umaligid tigil tigilan mo na ngayon pa lang” tinapik niya si Olsen sa balikat at tinuro na ang daan palabas. Pagbalik niya ng tingin sa kaibigan ay nakakunot na ang noo nito habang nakahalukipkip. “I hate you, why did you tell him that you are my boyfriend?” nakangisi naman ang kaibigan at halos hindi na makita ang mga mata nito sa pagkasingkit. “A-ah E-Eh hindi siya bagay sayo Mach, sasaktan ka lang nun mukhang babaero” napakamot pa siya sa ulo niya habang palapit sa upuan na katapat ng dalaga. “Ganon? Well hindi naman siya nanliligaw sa akin eh. Gusto lang niya ako maging kaibigan ayaw ko lng pinaguusapan ang personal matters pag oras ng trabaho, napaka unprofessional lang.” “Mach bulag ka ba? Or manhid? Binigyan ka ng flowers ibig sabihin nun gusto ka niya” namilog ang mga mata ng dalaga sa sinabi ng kaibigan. “Bakit ikaw binigyan mo ako bulaklak?” sabi niya pero nakatuon lang ang tingin sa computer niya. Napaurong naman ang binata sa sinabi ni Cham. “Wala kasi friend kita” mahinang tugon nito. “Ayun naman pala eh baka ganon lang din ang ibig sabihin ni Olsen, kaya ikaw wag ka eksaherado” napakagat na lang sa labi si Brandon at hindi na nakasagot sa sinabi ng dalaga. Nagpatuloy si Cham sa ginagawa niya habang si Brandon ay nakatulog na sa sofa, nakatulugan na nito ang pagbabasa ng mga magazine. “Mam pinapabibigay po ni Mr. Torralba” inabot ng assistant niya ang isang box ng malaking pizza. “Pakisabi salamat, nagabala pa siya kamo” “Mach wag ka muna kakain niyan” nagising si Brandon sa amoy ng pizza ng binuksan ito ng dalaga, tinignan lang siya nito ng may pagtataka. “Ako muna kakain baka mamaya may gayuma yan.” Natawa naman ang dalaga sa reaksyon nito, kumuha si Brandon ng isang slice at tinikman. “Paano kung may gayuma nga yan eh di maiinlove ka kay Olsen?” natatawang sabi ni Cham, nagunat-unat siya ng katawan masakit na ang likod niya kakaupo, hindi ito nakaligtas sa paningin ni Brandon hindi niya alam kung ano ba ang iniisip niya pero she find it sexy ng makita niya si Cham na naguunat. Napakuha pa siya ulit tuloy ng pizza at dinaan na lang sa pagnguya ang nararamdaman. Malaki na kasi talaga ang pinagbago ng kaibigan ang dating simple at mahinhin na kaibigan ay nagevolve na, marunong na ito magmakeup na lalong nagpaganda dito, pumuti pa ito ay nagkahubog na talaga ang katawan. Kaya hindi imposible na madami ang lalaking mahuhumaling sa kanya. “Halika na Nrab gusto ko na umuwi ang sakit ng mga katawan ko sa pagod at stress, anong oras ba ang lakad natin?” tumayo na ang dalaga at inayos ang suot na palda, hindi alam ni Brandon bakit ganito ang naiisip niya tinignan niya ng malagkit ang dalaga at hindi maiwasan na mapakagat labi. Bumalik sa ulirat ang binata ng hampasin siya ng kaibagan ng malakas sa braso. “Halika na Mach” dinala nito ang bag at hinawakan sa kamay. “Nrab kanina ka pa ah, nakakairita na” singhal niya sa binata at agad na tinangal ang kamay niya. “Bakit ba Mach kinakahiya mo ba ako?” nakangusong sabi nito. “Maglakad ka na lang okay, nakakainis ka” mahinang singhal nito. Nakarating na sila sa bahay ng dalaga, susunduin daw ito ni Brandon mamayang alas dos ng umaga. Umidlip muna siya dahil medyo malayo daw ang pupuntahan nila. “Cham gising na my bisita ka sa baba” niyugyug siya ni Manang Ynez ang kasambahay nila Sharm, hirap pa siya magising. “Sino po” nagunat unat pa siya bago tumayo. “Brandon daw” naalala ng dalaga may lakad nga pala sila. “Sige manang pakisabi magaayos lang ako” buti na lang at naayos na niya ang mga damit na dadalhin, 2 days daw sila sa pupuntahan. “Nrab sorry hindi ako nagising kaagad, let’s go” nakanganga ang binata ng makita si Cham na nakadress at kita ang dalawang braso nito na napakaputi. “Ang cute mo ngayon ah” hindi niya maiwasan na sabihin. “Matagal na ngayon mo lang ba nalaman?” natatawang sabi ni Cham. Inalalayan ng binata na makasakay ang dalaga sa kotse. “Matulog ka muna if you want Mach gisingin na lang kita pag andon na tayo okay” hindi na kailangan sabihin pa ng binata dahil as soon as nakaupo to sa passenger’s seat ay agad tong pumikit. Mabilis lang ang byahe at andito na sila sa Batangas Port. Hindi muna ginising ni Brandon si Cham, bumaba ito at bumili ng ticket nila isasakay kasi nila ang kotse sa Roro. Hindi naman siya nahirapan makahanap ng slots 10 lang kasi ang pwede na sasakyan. Bumalik siya sa kotse at tulog na tulog pa din ito. Hindi maintindihan ng binata kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing tinititigan ang kaibigan, maganda si Cham. Simple siya dati pero ngayon lalong lumakas ang dating niya. Sa daming babae na nakasama niya kakaiba talaga ang pakiramdam niya ngayon para dito. Ayaw man niya aminin pero parang humahanga na siya sa matalik na kaibigan. Buti na lang at hindi pa ito nagigising, sinamantala niya ito para titigan ng maigi ang dalaga, ang makinis na mukha nito, pinong mga kilay may hugis na ito ngayon dati noong college sila ay hindi niya ito inaayos, ang ilong nito na matangos na bumagay sa hugis diamond na mukha nito at ang ubod na pula ng labi nito. “Kung hindi lang kita kaibigan, siguro matagal ka ng naging akin” mahinang bulong niya. Sapat na siya lang ang makarinig. “Mach” ginising na niya ang dalaga para maghanda sa pagalis nila. “Uhmm” mahinang ungol nito. Mukhang inaantok pa to. “Andito na tayo sa Batangas Mach” mabilis naman na iminulat ng dalaga ang mata. “Don’t tell me pupunta tayong Mindoro?” nginitian siya ng binata. “Ang galing mo ah. Oo treat kita sa Puerto Galera.” Namumungay pa ang mata ng dalaga at agad na bumaba ng kotse. “Malapit lang kami doon pero hindi pa ako nakakarating doon, excited na ako pero hindi ako nakapagdala ng pampaligo” masayang sambit ng dalaga. “Don’t worry madami naman yata pwede mabilhan doon” tumango na lang si Cham. Ilang oras na byahe sa Roro ay narating na nila ang White Beach. Sobrang ganda sa lugar na ito mula sa pangalan palang ang ganda ng white sand pati na ang kapaligiran. “Parang nawala lahat ng stress sa katawan ko Nrab sobrang ganda dito.” Kitang kita niya ang kasiyahan sa itsura ng kaibigan. “Buti nagustuhan mo. Halika na sa Hotel” hinawakan ni Nrab ang kamay ng kaibigan hindi naman ito pumiglas. “Sorry Sir Aleman but we only have 1 room left were not yet sure if may magout later ng 12 noon. Mostly ng nakacheck In will check out not up until tomorrow.” Sabi ng receptionist sa Hotel, tinignan ko niya ang dalaga kung ano ang magiging reaction na iisang kwarto lang sila. “It’s okay Nrab, miss 2 beds naman diba?” tumango ang receptionist. “Sure ka Mach? Okay lang sayo?” mahinang tanong nito. “Yes I trust you naman” nakangiting sabi nito, nagbayad na si Brandon at dumeretso na sa kwarto. Pagkatapos magayos nila ng mga gamit ay agad silang dumeretso sa labas para maghanap ng makakainan. “Nrab ano bang meron at dinala mo ako dito?” andito sila sa isang Italian restaurant. “Wala naman I just want to spend my weekends with you” he smiled at nilagyan ng pagkain ang plato ni Cham. “Ah okay thanks at makakapagrelax ako kahit papaano” ginantihan naman ng isang matamis na ngiti ni Cham. Pagkatapos nila kumain ay naglibot libot muna sila at naghanap ng mabibilhan ng damit na pwede niya gamitin mamaya paglusong nila sa dagat. “Eto Nrab okay ba to?” tinuro niya ang two piece na swimsuit na kulay black. “Kaya mo magsuot niyan?” nagulat ang binata sa gusto ng dalaga. “Yes why not” napakagat na lang ang binata sa kanyang labi sa sinabi ng kaibigan, hindi niya maimagine na magsusuot ang kaibigan ng ganito. “Ayaw ko niyan, magsando ka na lang at shorts” tinuro nito ang sando na itim, si Cham naman ang namili ng short na susuotin niya. Namili na din ang dalaga ng iba’t ibang pwedeng pampasalubong. Pagkatapos ng pamimili nila ay bumalik na sila sa Hotel para magpalit at simulan na ang balak na activities na gawin ni Brandon. “Mach bakit ang ikli ng shorts mo?” gulat na sabi ni Brandon ng paglabas sa c.r ni Cham. “What’s wrong with it? Nasa beach talaga tayo alangan naman na magleggings ako?” mukhang dismayado ang binata dahil sa suot ni Cham, hindi sa dahil sobrang ikli nito, sobrang bagay sa kanya ang sando at ng shorts naman nito sa kanya, first time niyang makita ang mapuputing binti ng dalaga. Nadidismaya siya kasi pati sa pananamit ay nagbago na ang dalaga. “Wala naman, hindi lang ako sanay na makita kang ganyan. Hindi ka ba pwede magpalit? Baka may iba ka pang damit” tinignan siya ng dalaga na medyo naguguluhan. “Sabi mo wag ako magtwo-piece magshort na lang ako at sando. Ngayon naka sando at short ako ano problema? Panget ba ako tignan dito? Ano panget ba ang legs ko? Mukha ba akong ewan sa suot ko at ayaw mo mapahiya na kasama mo ako?” sunod sunod na tanong ni Cham sa binata. “No it’s not like that, it’s just that I’m concern about you baka mabastos ka kasi. Ano kasi alam mo yun” hindi na niya napagpatuloy pa ang sasabihin. “Mababastos ako kasi ano? Dahil naka shorts ako? Hello Nrab para ka namang hindi tumira ng Amerika doon nga kulang na lang naked sila pag asa beach diba? Ako nga nakashorts lang dito. I don’t think na mababastos ako yung iba nga naka swimsuit eh. Ako shorts lang to what’s the big deal with that Nrab?” nakataas na ang kilay ng dalaga hindi niya maintindihan bakit nagkakaganito ang kaibigan. Hindi na nakapagsalita si Brandon tinignan na lang niya ang kaibigan habang nagpapahid ito ng sunblock sa legs niya at mga braso, iniwas niya ang tingin niya hindi kaaya-aya ang nakikita niya. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa simpleng pagpahid nito ay parang may bumubulusok na pakiramdam sa dibdib niya. Parang bawat galaw ng kaibigan sa kanya ngayon he’s finding it so sexy. At ang gusto niya siya lang ang nakakakita nito kaya siguro ayaw niya sa suot nito ngayon. Dahil siguro na madaming mapapatingin sa dalaga. At ayaw niya ng ganoong pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD