Chapter 4

3218 Words
Mabilis lang talaga lumipas ang panahon parang kailan lang highschool ka nangangarap ng gusto mo maging paglaki. Ang lagi nga nila tanong sa mga bata Ano gusto mo maging paglaki? Isa ako doon. Nangarap ako na makapagtapos man lang ng kolehiyo pero hindi ko inasahan na sa isang maganda eskwelahan pa at makukuha ko pa ang pinakagusto kung kurso. “Cham ready ka na ba? Pictorial na natin in 30 minutes sabi ni Sir Mendez” si Joan. Ngayon ang araw ng pictorial namin para sa graduation pic. Hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ako magtatapos na ako with flying color pa. Pag ginusto mo talaga makuha ang pangarap mo lahat gagawin mo para matupad ito. Ganoon nga ang ginawa ko. “Cham congrats in advance ah ako na mauna ang babati sayo. You deserve to be on top napakasipag mo na bata ka” si Mam Flores ang favorite kung professor. Andito ako ngayon sa classroom habang lahat ay abala sa pagaayos ng kanilang sarili. “Thank you po Mam, hindi ko rin po to makakamit kung wala pong katulad niyo na nagbibigay sa akin ng lakas at motivation para ipagpatuloy ang nasimulan ko. Ang dami ko pong natutunan sa inyo” Si Mam Flores ang advisor niya lagi siyang tinutulungan nito lalo na nung sa thesis nila. “Walang anuman alam kong kaya mo to sana sa next chapter ng buhay mo after school makamit mo lahat ng pangarap mo iha, hanga ako sa pursige mo makatapos.” Isa siya sa mga inspirasyon ko katulad ko siya na mahirap lang pero hindi siya natakot na tuparin niya ang pangarap niya kaya siya ngayon ay isa sa pinakamagaling ng guro dito sa school namin. “Cge iha ikaw ay magayos na masaya ako na isang katulad mo ang naging bahagi ng klase ko. Sana madami pa ang katulad mo ang matulungan ko pagdating ng panahon” niyakap ko siya para na rin siyang tumayong pangalawang nanay ko ng andito ako sa Maynila, kahit mapaloob ng school at labas ay andiyan siya na sumusuporta sa akin. Sa mga dumaan na taon kong pamamalagi sa Maynila, madami akong natutunan sa buhay madaming dumating na tao rin sa buhay ko at madami din ang nawala. Isa na doon si Brandon para rin siyang si Sharm pinadala sa Amerika para doon magpatuloy ng pagaaral niya. Hindi ko inakala na hindi kami sabay magmamartsa ngayon, hindi kami sabay na tutupad ng pangarap namin. Miss ko na ang mokong na yun. Si Aldwin naman ay tumigil na din sa panliligaw sa akin, sa kadahilanang hindi na niya ako nahintay nakabuntis siya noong first sem ng fourth year kami. Makakapaghintay naman ang love diba? Alam ko darating din ang tamang panahon at tamang tao para sa akin. Kung hindi ko man naranasan yun ng teenager pa ako, sisiguraduhin ko na sa unang lalaki na magpapatibok ng puso ko sa kanya ko lang ito ilalaan at wala ng iba pa. “Ms Hontiveros maganda siguro kung ilagay natin sa unahan balikat mo ang buhok mo sa bandang kanan mas maganda” utos sa akin ng photographer para sa graduation pic namin. “Friend ang ganda mo sa kinalabasan ng picture mo dito, pahingi ako kopya niyan ah” aniya ni Annie. “Friend were so proud that we have a magna c*m laude na friendship, pati kami ay nadamay pa sa katalinuhan mo.” Si Kristine. Masaya ako na pati ang matalik kong kaibigan ay napasama sa top ten. “Sana paglabas natin ng school ay walang makakalimot sa atin ah, friends pa rin ah” sabi ko at sabay na group hug kami. Maluha luha kaming lahat dahil hindi pa din kami makapaniwala na malapit na kami grumaduate. Susunduin ko sila inay at itay pati na rin sila Ate Myles and Ate Ading paguwi ko galing school, next week na kasi ang graduation ko. Since wala na din masyadong gagawin gusto ko muna kasi sila ipasyal habang andito sila. Excited na ako makita sila ulit bihira lang kasi ako makauwi dahil sa dami kong ginagawa sa school isabay pa ang trabaho ko. “Anak” sabay na tawag nila inay at itay, tinakbo ko sila at sabay na niyakap ng mahigpit. “Miss ko na po kayong lahat buti naman at nakarating kayo ng ligtas” “Kapatid sa tingin mo pag nagstay ako dito ay makakahanap kaya akong trabaho?” si Ate Myles. “Oo naman ate gusto mo na ba dito magtrabaho?” “Oo sana, si Ading gusto din eh para naman malaki ang sweldo lalangawin kami sa probinsya pag doon lang kami” sumangayon din naman si Ate Ading. Hindi muna kami dumeretso sa bahay buti na lang at sinamahan kami ni Manong Roger ang driver nila Sharm ang dami kasing dalang gulay nila. “Anak sobrang laki ng mall na to, hindi ba tayo maliligaw dito? Wag tayo maghiwalay maglakad mga anak baka magkawalaan tayo” sambit ng itay. Natawa naman ako ng lihim para kasi noong unang punta ko dito sa MOA nakahawak ako ng mahigpit kay Sharm baka kasi mawala ako. “Tay wag ka nga maingay marinig tayo ng mga tao sabihin eh taga bundok tayo” naiiritang sabi ni Ading. Hindi ko lang pinapahalata pero nakakatawa lang parang ganito ako ng mga unang araw ko dito sa Maynila. Kumain kami at nanood na din ng sine pinagipunan ko talaga ang pagpunta nila dito para naman magenjoy sila sa pagstay nila dito. Pinaalam ko na din kina Tito Albert na magstay ng ilang araw sila sa bahay na tinutuluyan ko. “Anak grabe pala sa Maynila sobrang liwanag pag gabi ang daming mga Christmas lights pero iisang kulay lang ah.”manghang sabi ni Inay, hindi ko inakala na hindi alam ni inay na mga poste lang yun ng ilaw, sa amin kasi iba ang poste ng ilaw flouresent lamp talaga at napakahina pa ng ilaw, kaya nakakatakot maiwan sa daan ng gabi. Nakauwi na kami sa bahay, nagulat ako sa dami ng balikbayan boxes sa sala sabi ni Manong Roger regalo daw ito sa akin ni Sharm para sa graduation ko. “Ang swerte mo talaga sa bestfriend mo Cham tignan mo ang daming regalo sayo nakakainggit napakagalante pa.” si Ate Ading, tinulungan niya ako magbukas ng mga box. Namilog ang mga mata ko sa bigla sa sobrang daming mga damit pang opisina, mga dress, sapatos, bags, make up at kung ano ano pa. May kasama pa itong card. “Bes this is just a simple gift, I’m so proud of you coz I have a best friend like you. I’m excited to see you wearing those clothes. Enjoy see you soon” Bigla ko namiss si Sharm, kahit nasa malayo siya hindi pa rin talaga siya nakakalimot sa akin kahit sila Tito Albert ang daddy niya ay todo ang suporta pa rin sa akin, kaya hindi ko na sila tinanggihan ng ioffer nila sa akin ang posisyon sa kumpanya nila kahit hindi pa ako pasado sa CPA ipagpatuloy ko na lang daw ang pagrereview habang nagtratrabaho ibinigay na nila sa akin ang pagiging bookkeeper total iisa lang daw ang kanilang accountant sa opisina mas mapapadali ang trabaho kung dalawa na kami at medyo matanda na rin kasi ang senior accountant nila ilang taon na lang daw ay magreretired na ito. Dahil sa isa sa pinakamalaking eskwelahan ako gra-graduate madami na ang offer na dumadating sa akin lalo na pagnakapasa na daw ako sa board exam. Pero sino ba naman ako para tanggihan sila Tito sila ang dahilan bakit ako andito? Buong buhay ko tatanawin ng utang na loob ang pagtulong na ginawa nila sa akin. “Anak” si Itay, akala ko ay nagpahinga na sila lahat tinatapos ko pa kasi ayusin tong mga pinadala ni Sharm. “Tay bakit hindi ka pa nagpapahinga, nagugutom ka ba? Gawan kita ng sandwich or kape ba gusto mo” binigyan lang ako ni Itay ng isang matamis na ngiti lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Anak ang saya saya ng itay mo ngayon, walang paglagyan ang saya na nararamdaman ko sa puso ko alam mo ba pinagmamalaki kita sa baryo natin dahil magkakaron na kami ng anak na makakatapos ng kolehiyo tinupad mo ang pangako mo sa amin anak, maraming salamat sa pagiging masipag mo at matatag, pagpapasensyahan mo na kami kung hindi ka namin masyado natulungan ng inay mo pero lagi ka namin pinagdadasal na ligtas ka dito sa Maynila at hindi kami binigo ng panginoon.” Nagsimula ng maginit ang mga mata ko ibinuhos ko na ang mga luha ko, ngayon ko naramdaman ang pangungulila kina itay at inay, niyakap ko rin siya ng mahigpit. “Itay lahat ng ito ay para po sa inyo, sa pamilya ko. Kasama ko kayo sa tagumpay ko hindi ko po kayo pababayaan ito na po ang umpisa natin sa pagahon sa kahirapan pangako po.” Humiwalay na sa akin si itay sa pagkakayakap niya at pati siya ay puno ng luha ang mga mata, unti unti naman niya akong binigyan ng isang malaking ngiti. “Anak maraming salamat lagi mo tatandaaan andito lang kami sa likod mo susuporta sayo kasama ng mga ate mo.” Pinunasan ni itay ang sunod sunod na luha na bumabagsak sa aking mga mata, tears of joy ang lahat ng ito. Kasiyahan na makita na ang magulang mo ay masaya dahil sa narating mo. Dumating na ang pinakahihintay na araw namin, nang aking pamilya. Ang araw na pinahihintay lalo ng mga magulang natin, ang makita ang araw na aakyat na ng entablado ang anak nila para kuhain ang diploma nila dahil napagtagumpayan nila ang pagaaral nila at ito ang graduation day ko. “Anak ang aga mo naman nagising, matulog ka pa para mamaya ay fresh ka pagpunta mo ng stage magsasalita ka pa naman sa unahan diba?” si inay habang nagluluto ng agahan sila ate naman ay busy sa panood ng mga palabas sa cable. “Okay lang po nay, madami na po ako naitulog baka sumakit naman ang ulo ko po.” Tinulungan ko ang inay sa paghahanda ng pagkain, nagtimpla na din ako ng kape ko. Ang dami ko na palang text at tawag na namiss, puro mga bati galing sa mga kaklase ko, kaibigan pati na din mga kaopisina. Pero may isang number na unlisted nagtaka ako kung sino yun, pati sila Tito Albert ay nagtext nasa Hongkong kasi sila ngayon pero pauwi na din sila para umatend ng graduation ko. “Bes eto kaya sa tingin mo?” kausap ko ngayon si Sharm sa skype naka video call kami pinapakita ko kasi sa kanya ang damit na bagay sa akin para mamaya sa graduation ko nakailang palit na ako pero wala pa din siya nagustuhan. “Bes dapat yung ikaw ang mag shi-shine sa lahat sa kanila remember you’re the magna kaya wag mong piliin yang mga simple. Dali sukat ka pa ng iba.” Maautoridad na utos niya sa akin, mukhang mauubos ang oras ko kakapili. “Perfect! Yan ang sinasabi ko na bonggang dress for you bes nahanap mo din ang babagay sayo. Ikot ka nga” Blue chiffon layered ruffle knee length ang napili ni Sharm para sa akin, pati na ang isang white stiletto. Sinamahan pa ng accessories. “Nasaan na yung make up artist mo? Dali gusto ko ako ang magsasabi anong bagay na make up sayo” napakasupportive niya diba? Nasa America siya pero parang andito lang. Natapos na din kami sa paguusap ni bes, sobrang natagalan ang nagayos sa akin ang dami kasing ayaw at gusto ni Sharm. Pero ng nakita ko ang kinalabasan halos hindi ko makilala ang sarili ko, makailang ulit akong umikot sa salamin, para kasing hindi ako ang ganda ko ngayon. Natawa na lang ako sa sarili ko baka hindi rin ako makilala ng mga kaeskwela ko hindi kasi ako talaga mahilig magmakeup pero sabi ni Sharm kailangan ko ng umpisahan masanay dahil magtratrabaho na ako. Andito na kami sa school, magtatakipsilim na 6pm kasi ang umpisa ng graduation halos lahat ng madaanan ko ay nginingitian ako habang nakatitig sa akin, hawak kamay kami ni inay habang naglalakad proud ako na makita nila ang pamilya ko. “Cham idol congrats” bati sa akin ng isang estudyante hindi ko maalala ang name niya pero alam ko Education ang course niya nakasama ko siya one time sa isang convention na inatenan namin last year. “Cham ang ganda ganda mo ngayon, nasa iyo na ang lahat boyfriend na lang wala” napangisi naman ako sa kaklaseng kong bading ng sinabi niya ito sa akin. “Ikaw talaga Georgie, saka na ang boyfriend makakapaghintay yan.” Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tinignan ko ang inay at talaga namang hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi sila ate naman ay taas noo kung maglakad parang pinapakita nila na proud na proud sila dahil kapatid nila ako ang magna c*m laude ng taon na ito. “Cham congratulations this is the day that you’ve been waiting for” si Mam Flores, nagbeso beso kami at masayang ipinakilala ang mga magulang ko at ang mga ate ko. “Anak muntik na kaming malate buti maaga kami nakarating” sila Tito Albert at Tita Edith niyakap nila ako, iniwasan ko muna ang maging emosyonal baka masira ang make up ko. “Salamat po talaga at nakarating kayo” tinawag na ako ni Mam Flores sa unahan kasi kami uupo tumabi na sila Tito Albert kila inay. “Friendship this is it eto na this is it na talaga hindi ako makapaniwala na andito ako sa unahan friend ikaw ang dahilan bakit kami andito friend” maluha luhang sabi sa akin ni Joan. Nagsimula na ang program, isa-isa ng tinawag ang mga estudyante na nakakuha ng iba’t ibang special awards makailang beses din akong umakyat sa stage. Nagsalita din ang aming butihing dean at nagbigay ng mga mahahalagang bilin. At ito na ang nakakakabang oras ng buhay ko, ang magbigay ng speech sa harap ng madaming tao. Hindi ko alam kung anong pakiramdaman ang meron ako ngayon parang nanlalamig na mainit parang my gumagapang sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Tinawag na ako para pumunta na sa stage, dumagundong ang buong paligid sa lakas ng palakpakan, halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko sa lupa sa sobrang kaba at saya. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Hinawakan ko ang mikropono na nagsisilbing lakas ko sa oras na to dahil ang buong katawan ko ay nanginginig sa kaba. “Good evening ladies and gentlemen, friends and family, teachers and administrators.” huminga ako ulit ng malalim para kasing mauubusan na ako ng oxygen sa sobrang kabog ng dibdib ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid lahat sila ay nakangiti sa akin dahilan para lumakas ang loob ko. “Having survived years of studying, exams, essays, computations, thesis. I think we should be proud to have made it here in one piece. It’s not that easy for a someone like me to reach this point of my life, I won’t be here without the help of Alban family, thank you is not enough for all the help you gave me. Most of you all know that I came from a not so fortunate family, we don’t have our own business like most of you here have, we don’t have enough money but the most important thing is I have the best family that is always there to support me." "To my family. Nanay, Tatay, Ate Mylez at Ate Ading para sa inyo itong tagumpay ko kung ano pa ang pwede kong makuha at makamit lahat ito ay iaalay ko sa inyo. Hindi ako magsasawang tumulong sa pamilya natin at never ko ikakahiya kung ano lang ang meron kami, ang magulang ko ang aking idolo tinitiis nila ang init ng araw ang pagod para lang maitaguyod kami hindi na bale na walang laman ang sikmura nila basta makita lang kaming magkakapatid na busog. Nay Tay eto na po ako, matutupad ko na ang mga pangarap ko para sa inyo. Unting tiis na lang po. Mahal na mahal ko po kayo" nagsimula na naman akong maiyak, nakikita ko din na madami na din ang nakikiiyak sa paligid ko. Halos lahat ng mga magulang na andito ay damang-dama ang mga sinabi ko. Sila ang pinakamasaya pag ang anak nila sa wakas ay nakatapos na ng pag-aaral “To all my treasured friends who did not judge me because of my status thank you, hindi ganoon kadali ang mga unang taon ko dito sa ekswelahan” napangiti ako ng mapait pag naalala ko ang mga taong gusto akong pabagsakin at walang ibang ginawa kundi ang manira. “Maraming salamat din sa mga bully kong classmate, isa kayo sa mga inspirasyon ko at dahilan bakit naging matatag ako at lalong dumami din ang self confidence ko dahil sa inyo” narining ko ang kantiyawan sa paligid sila sila siguro yung ang mga taong panira ng araw ko noon. “Thank you sa lahat ng professor ko special mention to my ever dearest motivator Mrs Flores, from day one you were encouraging me to be my best. I've had teachers who also encouraging me but you went above and beyond to make me feel like there is nothing in the world that can stop me from being the best I can be. I talk to you with comfort and ease you give me advice on everything. You picked me up when I was down. You are like a mom to me. If not for you I don't think I would be as happy, motivated, or head strong. I'm truly blessed to have you in my life” Sa haba ng speech ko hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking mga luha, tears of joy ika nga, dinagdagan pa ng makita ko ang pinakaunang tao na nagbigay sa akin ng lakas ng loob sa mga unang taon ko dito sa school , masaya ako at nagbalik siya para samahan ako sa isa sa pinakaimportanteng araw ng buhay ko. “Lastly, I’m so greatful to see again my long lost friend Brandon, thank you for suprising me, alam ko hindi mo pa din ako pinababayaan, andito na ako friend natupad ko na yung pangarap ko hindi nga lang kita kasabay na magmamartsa ngayon” lalong dumami ang luha na dumadaloy sa mga mata ko ng bigyan niya ako ng malaking ngiti. “Isa ka sa pagaalayan ko nitong diploma ko Nrab, ikaw ang unang tao na naniwala sa akin you gave me hope and strength nakakainis ka lang dahil iniwan mo ako.” Halos lahat ng nakakilala sa kanya ay hinahanap kung asan siya andun lang siya sa isang sulok nakatingin sa akin. Natapos na ang programa, lahat ng mga magulang ay nagsipaglapitan na sa kanilang mga anak. Pagbaba ko ng stage ay agad akong nilapitan ng pamilya ko at nila Tito Albert. “Mach” “Nrab” agad ko siyang tinakbo at niyakap. “Ang galing mo, pasalamat ka umalis ako kung hindi ako dapat ang andiyan sa posisyon mo” sabay kurot sa ilong ko. “Talaga lang ha, salamat nakarating ka miss na miss na kita alam mo ba yun” hindi na niya ako sinagot bagkus ay binigyan niya ako ng mabilis na halik sa pisngi. Namilog ang mga mata ko sa bigla, agad ko naman itong binawi at binigyan siya ng maliit na ngiti. “Halika sama ka sa amin Nrab itreat daw kami nila Tito Albert sa isang restaurant.” Nagpaalam naman ako kina Tito na kay Nrab ako sasabay sa kotse niya papunta sa restaurant kung saan kami magcecelebrate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD