Chapter 3

2963 Words
Simula ng umalis ang kaibigan ay siya na lang ang natira sa bahay ng mga Alban dito sa Makati paminsan minsan lang kasi kung umuwi dito ang mga magulang ng kaibigan kadalasan ay doon sa Condo nila na dito rin lang malapit nauwi at pabalik-balik lang din sila sa probinsya. Ang kasama niya lang dito ay isang katulong na nagaalaga ng kalinisan ng bahay. tumutulong din siya sa mga gawaing bahay kasabay pa nito ang pagiging office clerk niya sa publishing company ng mga Alban. Kilala ang publishing company ng mga Alban dito sa Maynila sila ang nangununang kumpanya ng tabloid at mga local komiks. Hinahasa na siya dito para pagkatapos niya sa pagaaral ay dito na din daw siya magtratra,,baho yun ang sabi sa kanya ng daddy ni Sharm. Kaya talaga naman hindi niya binibigo ang magulang ni Sharm at talagang nagaaral siya ng mabuti dahilan para maging nasa top one siya sa klase noong first year at second year. “Cham kanina ka pa namin hinahanap magpapatulong sana kami sayo eh” nilapitan siya ng tatlo niyang kaklase na naging kaibigan na din niya andito siya ngayon sa tambayan nila ng kaibigan na si Brandon, wala kasi ang binata busy sa pageensayo ng basketball malapit na kasi ang sportsfest nila. “Ano maitutulong ko sa inyo?” umupo ang tatlo at ipinakita ang libro ng subject nila na Cost Accounting. “Grabe ang hirap naman kasi nitong subject na to hindi talaga namin magets kinakabahan kami sa exam baka wala kami maisagot.” Malungkot na sabi ni Annie Simula ng napatunayan ni Cham na may ibubuga siya pagdating sa academics nabura lahat ang mababang tingin sa kanya sa eskwelahan, dumami ang mga kaibigan niya hindi na lang sila ni Brandon ang laging magkasama. Minsan pa ay may sideline siya dahil nagtutor siya sa ibang kaklase kaya nakakadagdag naman ito para sa allowance niya, nagiipon din kasi siya pinapadala niya sa magulang sa probinsya. “Sige walang problema kuha kayo ng notebook at gagawa tayo ng reviewer.” Nagsimulang kumuha ng mga notebook ang mga kaibigan niya, nagsimula silang magtake note ng mga information na makakatulong para mas maintindihan nila ito. Naubos ang vacant time ng dalaga sa pagtulong sa mga kaibigan. “Woah ganon lang pala yun friend bakit pag si Mr. Enriquez ang nageexplain hindi namin magets pero sayo wow lang ganon lang pala ang galing mo ah. Gets na gets ko na” masayang untag sa kanya ni Joan. “Ako din ang saya lang nakuha ko na din buti na lang andiyan ka sis walang sawang nagtuturo sa amin” si Kristine sabay yakap kay Cham, pati si Joan at Annie ay napayakap na din. “Oo nga pala friend I almost forgot, pinabibigay pala to ni Aldwin” iniabot ni Joan ang isang box kay Cham, mas excited pa ang tatlong kaibigan kesa sa dalaga na buksan ang laman ng kahon. “Wow isang set ng jewelry ikaw na friend. Dali ayan may kasama pang note basahin na natin” aniya ni Annie. “Hi pretty, please wear it on our Acquaintance party. Hope you like it and may I please invite you to be my date?” Sabay sabay nagsigawan ang tatlo mas kinilig pa sila kaysa sa dalaga. Si Aldwin ang masugid na manliligaw niya ilang buwan na ito nagpaparamdam sa kanya pero hirap ang lalaki na lapitan ang babae dahil sa laging kasama nito si Brandon, kaya kadalasan ay sa tatlong kaibigan ni Cham lahat pinapadala ang mga binibigay nitong regalo. “Hi Cham” lahat sila napalingon sa taong tumawag sa likod. Si Aldwin. “Yiiieeee si Aldwin,” sabay sabay pang panunukso ng tatlo. “SIge alis muna kami salamat ulit friend, kita kits sa next subject natin” tumayo na ang tatlo at iniwanan na ang dalawa. “Hi Aldwin nakakahiya naman tong regalo mo sa akin, mukhang mamahalin.” Tumabi ang binata kay Cham. “Kahit ano para sayo, kumain ka na ba? I want to invite you sana for a snack?” pumayag ang dalaga kinuha naman ni Aldwin ang mga dalang gamit ni Cham. “Buti hindi mo kasama si Brandon mukhang masosolo kita” nakangiting sambit ng binata. “Ah may practice kasi siya ng basketball” naglalakad na sila papuntang parking lot. “Sakto pala ang dating ko, so payag ka na ba ikaw ang partner ko sa acquaintance party natin?” pinagbuksan na ni Aldwin si Cham ng pinto sa passengers seat at nagsimula ng magmaneho papunta sa isang malapit na pizza parlor. “Yes okay lang sa akin wala pa naman ako partner para hindi rin ako ma out of place mostly kasi ng mga friends ko meron na din date.” sorbrang saya ng binata sa narinig kay Cham. Matagal ng humahanga si Aldwin sa dalaga, kablockmate din siya ni Cham since first year pa lang matagal na talaga niya gusto pormahan si Cham kaya lang dahil laging magkadikit sila ni Brandon nagdadalawang isip siya pero nitong tumungtong sila ng third year napagtanto niya na magkaibigan lang talaga ang dalawa. “Thanks Cham ang saya ko kasi pinagbigyan mo ako. Okay lang ba na lagi kita yayain like sa lunch break, snack and if pwede din na mahatid ka paguwi.” Sa sobrang tuwa niya sa pagpayag ng dalaga nilubos lubos na niya ang pagtatanong. “Ok lang din kaya lang hindi ba nakakahiya?” lumingon si Aldwin at tinapunan ng malaking ngiti ang dalaga. “It’s my pleasure to be with you. Sana this time maging close na tayo I really like you and I want to know you more” nahiya naman si Cham sa sinabi ni Aldwin ,ngayon pa lang kasi siya nasabihan ng isang lalaki na gusto siya nito. Dati puro sa notes lang sinasabi ni Aldwin na gusto niya si Cham pero ngayon narinig na ito ng dalawang tenga niya. Dumating na sila sa parking lot ng pizza parlor at agad naman pinagbuksan ng binata ng pinto ng kotse si Cham, Naghanap na sila ng mauupuan at umorder na din, Masayang kumain ang dalawa nageenjoy si Cham kausap si Aldwin kalog pala ito at palabiro ngayon lang kasi sila nakapagusap ng matino, kadalasan kasi andiyan si Brandon pag nagkikita sila. “Alam mo akala ko dati may gusto sayo si Brandon at alam naman natin na halos lahat ay akala kayo, kaya ng nalaman ko na hindi naman nagkalakas na ako ng loob na lumapit sayo” tinignan niya ng diretso si Cham gusto niya makita nito na totoo ang sinasabi niya pero ang dalaga naman ay hindi siya kayang tignan ng matagal yumuko ito na parang nahihiya. “Best of friends lang kami nagkakasundo lang kami sa madaming bagay. Saka siya kasi ang unang tao na nagaccept sa akin kahit na mahirap lang ako” hindi na alam ni Cham kung gaano na kainit ng pisngi niya kanina pa kasi nakatitig sa kanya si Aldwin, halos hindi nito nagagalaw ang kinakain niya. “Aldwin may dumi ba ako sa mukha? Sorry nakoconscious kasi ako kanina mo pa kasi ako tinititigan.” Nagulat siya sa sinabi ni Cham kanina pa pala siya nakatitig dito, kung dati sa malayo niya lang kayang tignan ang dalaga ngayon kasi harap harapan na at walang hadlang. “Machhh” nagulat ang dalawa sa sigaw ni Brandon. Agad na lumapit ito sa dalawa at may kasamang babaeng nakaangkla dito sa likod nila ay ang mga iba pang basketball player. “Pre musta kanina pa ba kayo dito?” tinapik ni Brandon si Aldwin sa balikat at nakipagkamay na din, ang babae naman na kasama ni Brandon ay ang cheerleader ng ComArts department matagal na ito may gusto at nagpapapansin kay Brandon. “Hi Cham my date ka pala sige aalis na kami ni mahlabs” hinila na nito si Brandon at kumaway na lang sa kanila si Brandon habang papalayo. Pagkatapos kumain ay nagyaya na din si Cham bumalik sa school dahil may klase pa sila. Tinotoo nga ni Aldwin ang paghatid sa dalaga paguwi. Mas madalas na magkasama ngayon ang dalawa busy na din kasi si Brandon sa practice sa basketball. Hindi na rin sila nakakapagaral ng sabay kasi lagi kasama nito si Amanda. Medyo nalulungkot ang dalaga kasi namimiss na din niya ang kaibigan, nasanay kasi siyang lagi kasama si Brandon pero this past few days ay bihira na sila magusap sa klase naman kasi si Aldwin na din ang lagi niyang katabi. “Manonood ka ba ng laro ni Brandon mamaya championship na diba?” tanong sa kanya ni Aldwin nasa canteen sila ngayon. “Hindi ko pa alam my trabaho kasi ako after school sobrang late na ng laro nila 6pm na daw.” Mahinang tugon ng dalaga. Hindi maintindihan ni Aldwin bakit mukhang malungkot ang dalaga kasama nga niya ito pero parang wala naman sa sarili lagi. Bukas na ang acquaintance party nila parang ayaw nga pumunta ni Cham dahil wala naman siya maisusuot. Kausap niya ngayon si Sharm sa skype nagkwekwentuhan sila about kay Brandon at ang biglang pagbabago nito. “Bes pumunta ka na ng acquaintance party mo you will miss half of your college life pag hindi ka pumunta” lalong gumanda ang kaibigan niya titig na titig si Cham sa mukha nito sa camera. “Kaya lang bes nakakawala sa mood si Nrab kasi hindi na ako masyado pinapansin lagi ko naman siyang tinatanong if kung may problema siya lagi naman wala lang, na ayos lang daw siya naiinis na ako sa kanya” nagmamaktol na kwento niya. “Diba nga sabi mo may lagi na siya kasamang babae baka gf na niya yun, syempre darating kayo sa time na may kanya kanya na kayong lovelife.” Napabuntong hininga naman siya hindi naman sinasabi ni Brandon na gf na niya yun cheerleader. “Sabi niya dati walang secrets pero siya ngayon nagbago na, ewan ko ba sa kanya.” “Musta na kayo nung Aldwin? Gwapo naman saka mabait diba? Bakit hindi mo pa sagutin?” matagal na siya inuudyukan ng kaibigan na magboyfriend para naman may inspirasyon siya at magkakulay ang college life niya. “Bes hindi pa ako handa baka masira ang pagaaral ko pag nagkaboyfriend ako” “Tseee kailangan sira ang pagaaral pag nagkalovelife? Hindi ba pwedeng inspired muna?” nagtawanan na lang ang dalawa, nawawala ang lungkot talaga ni Cham pagkausap ang bestfriend. Natapos na sila magusap at binilinan siya na pumunta sa party maghalungkat na lang daw siya ng mga damit niya na naiwan sa bahay. Sinundo si Cham ng mga kaibigan niya para dumeretso ng salon. “Friend bakit parang wala ka sa mood? Cheer up masisira ang maganda mong face niyan baka hindi umepek ang make up” bati ni Annie. “Wala naman kulang lang ako siguro sa tulog.” Nginitian niya lang ang mga kaibigan. Pagtapos nilang ayusan sa salon ay isa-isa na silang pinagsusundo ng mga date nila huling dumating si Aldwin. Laglag ang panga ng binata ng makita si Cham. Kulot ang buhok ng dalaga na bumagay sa suot nito na short halter top dress na kulay white with ruffled skirt na color pink na pinartneran ng white chiffon-bow sandal. “Let’s go?” unang nagsalita na ang dalaga dahil kanina pa tulala si Aldwin, hindi pa rin natinag ang binata kaya tinapik ito ni Cham sa balikat. “Ohh sorry Cham hindi lang ako makapaniwala na ikaw ang kaharap ko. You're so pretty tonight, hindi pa kasi kita nakikita magmakeup eversince. Ang ganda ganda super ganda mo ngayon” buti na lang at may blush on ang pisngi niya kundi baka nakita na ni Aldwin ang pamumula ng pisngi niya sa sobrang papuri na narinig niya dito. Pagdating nila ng school ang dami ng tao at malakas na ang tugtugan. Sinama siya ni Aldwin sa mga kateam nito sa football, mga bigatin din tong mga kaibigan ni Aldwin kasama din ang mga kadate nila. “Hey Aldwin ang sexy ng kadate mo ah. Diba ayan ung dean’s lister?” tumango lang ang binata at patuloy sa pagpapakilala kay Cham sa lahat ng kateam niya. “Hi Cham nice to meet you, kaw pala yun lagi kinkwento sa amin ni Aldwin tama nga siya you're pretty lalo na sa personal” inilapit ni Aldwin si Cham sa kanya at hinawi ang bewang nito papalapit sa kanya. Namilog ang mata ng dalaga sa ginawa nito parang nanlamig ang buong katawan niya. “Pare tama na ang kakatingin niyo kay Cham kilala ko yang mga tingin niyo eh” pasigaw na sabi ni Aldwin sa mga tropa niya nagsimula na kasi magbulong bulungan ang mga ito na hindi niya nagustuhan. Napakagat labi lang si Cham dahil sa higpit ng hawak ni Aldwin sa kanya, tinignan niya ito na parang tinatanong kung okay lang siya. Nakita na siya ng mga kaibigan nito na sila Annie at tinawag siya para pumunta doon kung saan ang mesa nila. Naglakad na sila papunta sa mga kaibagan niya ng bigla siyang hinawakan naman ni Aldwin ang kamay niya, parang nagtayuan lahat ng balahibo niya sa kuryenteng hatid nito sa kamay niya, nilingon siya saglit ni Aldwin at biningyan lang siya ng matamis na ngiti. “Pare ano ba hindi ka ba-“sigaw ni Aldwin ng may bumangga sa kanya habang naglalakad sila dahilan para maghiwalay ang mga kamay nila. “Pare sorry hindi ko kayo napansin” si Brandon, pero kay Cham nakapako ang tingin niya. Agad naman siya nginitian ni Cham. “Nrab ang gwapo mo ngayon ah bagay sayo yang suit na suot mo” “Ikaw din ang ganda mo ngayon nagmukha kang tao” agad naman nakatikim ng hampas si Brandon sa braso nito. “Grabe ka ah hindi ba ako mukhang tao dati?” natatawang sabi nito sinabayan na rin ng tawa ni Brandon, parang na out of place naman si Aldwin na nakatanga lang sa dalawa. “Ehem Ehem Ehem” singit ni Aldwin mukha kasing masaya ng naguusap ang dalawa nagsimula na kasi silang magasaran nakaramdam siya ng selos. Masaya na siya na hindi masyado lumalapit si Brandon kay Cham. Kinausap niya kasi ang lalaki na seryoso na siya sa panliligaw dito. “Sige Mach enjoy your night doon muna ako” nagpaalam na si Brandon dumeretso naman sila Aldwin sa upuan ng mga kaibigan ni Cham. Nagsimula na ang magpuntahan ang magpapartner para magsayaw. Ang tatlong kaibigan ni Cham ay niyaya na ng kanilang mga partner. “Cham can we dance?” nahihiyang yaya nito, inilahad nito ang kamay niya at hinihintay na abutin ito ng dalaga binigyan siya ng matamis na ngiti ni Cham at iniabot ang kamay niya. Magkahawak ang kamay nila papunta sa dance floor. “Cham you don’t know how much I’m blessed to know you” nagsimula na sila sumabay sa saliw ng musika, “A-ah thanks” hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata. Lumapit ang mukha ni Aldwin sa dalaga, napakagat labi si Cham sa ginawa ni Aldwin kinakabahan siyang nakatingin ito sa kanya ng diretso hindi niya alam kung paano siya iiwas sa nakakatunaw na tingin nito. “Cham would you give me a chance to show you how much I like you? No No I mean I think I’m inlove with you na. Hindi ka nawawala sa isip ko gusto ko lagi kita kasama, ayaw ko maging friends lang tayo. Would you give me a chance?” seryosong sabi ni Aldwin, pakiramdam niya ang malalaglag na ang panga niya dahil sa panginginig nito. “Ah-ah Eh kasi Ah” hindi niya alam kung ano ang isasagot masyadong mabilis hindi siya prepared sa tanong ni Aldwin. “It’s okay if you can’t answer me right now I will wait” nakahinga si Cham ng maluwag hindi pa niya alam if kaya na niya sumabak sa pakikipagrelasyon saka hindi pa niya nararamdaman kay Aldwin yung tinatawag nila na kakaibang feeling. Pag inlove daw kasi yun daw ang mararamdaman niya dapat. Unexplainable ika nga. Natapos na ang unang kanta niyaya ni Cham ang binata na bumalik na sa mesa nila, bigla kasi nanlumo siya at parang hindi na kaya pang tumayo dahil sa mga sinabi sa kanya ni Aldwin. Ang mga kaibigan niya ay patuloy pa din sa pagsasayaw wala sila kapaguran tahimik lang silang nanood ni Aldwin. “Aldwin hiramin ko lang si Mach ah” napaigtad na lang ang dalaga ng bigla itong hilain ni Brandon, hindi na nakasagot si Aldwin dahil sa bilis ng pangyayari. “Hoy grabe ka naman nrab pabigla bigla ka.” Inilagay ni Brandon ang mga kamay ni Cham sa balikat niya at ang kamay naman niya ay nasa bewang ng dalaga. Ang lakas ng t***k ng puso niya sa ginawa ni Brandon, parang lalakas tapos titigil ang t***k nito. “Miss you Mach” ibinulong niya sa tenga ni Cham, napaurong naman ang dalaga sa pagkabigla. “Ewan ko sayo, pagtapos mo ako hindi pansin pansinin this past few days tapos sabihin mo miss mo ko. Baliw” hinawakan ni Brandon ang baba ng dalaga. “Kasi po Mach my nanliligaw na po sayo ayaw ko naman maging hadlang” inirapan niya ang binata sa sinabi nito hindi siya makapaniwala na dahil lang don parang feeling pa naman niya EOF na sila (End of Friendship) “Kaya iiwasan mo na ako? Ganon ba yun? Or dahil kasi may gf ka na kaya ayaw mo na din sa akin dumikit?” umiling ang binata at pinaliwanag kung ano si Amanda sa buhay niya. Nagulat silang dalawa ng may biglang humila sa braso ni Cham. “Pre naman bastusan na yata ang ginagawa mo kay Cham.” Si Aldwin. “Kung makalapit ka sa mukha niya kulang na lang halikan mo. Respeto naman sa akin pre” galit na sabi niya kay Brandon. “Halika na Aldwin balik na tayo” yaya ni Cham sa binata ayaw niya ng gulo, nakakuha na kasi sila ng atensyon sa ibang mga nagsasayaw. Natapos ang acquaintance party na nakaupo lang si Cham sa mesa kasama si Aldwin, nawalan siya ng gana kasama ang binata hindi niya gusto ang ginawa sa kaibigan. Kahit sa mga sumunod na araw ay malamig na ang pakikitungo niya kay Aldwin. Isa lang ang napatunayan niya sa sarili niya hindi pa siya handa pumasok talaga sa isang relasyon ayaw niya mawalan ng tunay na mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD