Chapter 2

3358 Words
First time niya makarating sa Maynila kaya isang lingo bago ang pasukan ay inilibot siya ng kaibigan sa iba’t ibang pasyalan dito at sobrang gulat niya sa mga malalaking mall at sa sobrang daming sasakyan. Ang pinakamalayo kasing narating niya ay yung sentro ng kanilang probinsya ng minsang sumali siya sa isang quizbee. “Bes kain muna tayo ng lunch saan mo ba gusto kumain? Magkahawak kamay silang naglalakad ngayon sa MOA natatakot kasi ang dalaga na baka mawala daw siya. “Doon na lang sa sikat na kainan yung Jolibee” mabilis na sagot niya. Hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ng dalaga sa buong lugar, ang nakikita niya lang kasi dati ay mga puno, halaman at mga hayop sa bukid. Kung makapunta man siya sa bayan ay pinakamalaking building doon ay hanggang dalawang palapag lang. “Bes after naman nito ay mamimili tayo ng mga gamit natin sa school, excited na talaga ako. Sa first day natin.” Hindi na sumagot si Cham dahil sobrang busy na siya sa pagkain at talagang ninamnam niya ang bawat kagat sa cheeseburger at fried chicken. At dumating na ang araw na hinihintay ni Cham, araw na ng unang klase niya sa pagiging kolehiyo. Natupad niya na makuha ang gustong kurso, si Sharm naman ay communication arts ang kinuha. “Bes ito suotin mo” ibinigay ni Sharm ang isang super fit na maong jeans at shirtwaist na talaga naman ikinalabas ng maliit na bewang niya. Pinartneran pa ng isang wedge shoes. “Bes ang taas ng sapatos na to baka hindi ako makalakad” asusual pareho na naman ng damit ang magkaibigan magkaiba nga lang ng kulay. “Masanay ka na bes dapat lagi maganda suot natin sa school, dahil wala naman tayong uniform kasi. Kaya mo yan.” Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang suotin ang mataas na sapatos. Paika-ika siya maglakad nung una pero nasasanay din after ng ilang hakbang. Andito na sila sa eskwelahan nila magkahiwalay sila ng building. Si Cham naman ay kinakabahan dahil sa sobrang laki ng lugar ay feeling niya ay maliligaw na siya. Nakarating din siya sa unang klase niya medyo kaunti palang ang mga estudyante napili niya maupo sa may bandang hulihan, kung saan isa na lang ang natirang upuan doon. “Hi may nakaupo po ba dito?” tanong niya sa nakayukong lalaki, umangat naman ito ng tingin at tinitigan siya na saglit na ikinahiya ng dalaga. “Wala” maikling sagot ng binata, hindi na niya pinansin ang katabi at nagsimula na lang siyang maglabas ng notebook at ballpen para ready na siya pagdating ng guro. “Good morning class” napaigtad ang dalaga ng magulat sa pagdating ng guro, kinakabahan siya hindi niya alam paano makisama ang mga taga Maynila. “I’m Mr. Aladin Magbanua I will be your professor in your Financial Management subject. For our first day my agenda is just to get to know you. Pag tinawag ko kayo pumunta dito sa harap and tell me on what school you came from, business ng family at something interesting about yourself?” Kumabog ang dibdib ng dalaga pinagpawisan siya ng malagkit, mukhang mapapahiya siya dahil lahat ng kaklase niya ay mga mukhang anak mayaman siya lang yata dito ang dukha. “Let’s start Margaux Morales” hindi mapakali ang dalaga napapakagat pa sa labi niya. Kahit pinagaral siya ng mga Alban sinubukan niyang kumuhan ng scholarship at hindi naman siya nabigo dahil nakakuha din siya kahit medyo huli na siya ng tatlumpong porsiyentong diskwento sa matrikula niya. Sayang nga lang daw at huli na daw siya nagapply noong nakuha niya kasi ang resulta sa exam ay pwede pa daw siya kahit sa singkwentang porsiyento pero hindi na niya naabutan. “Hi I’m Margaux you can call me Marj, I came from Holy Angel Academy we have an apparel business that is located in every mall all over the Philippines, i am a part time ramp model too.” “Hi I’m Romeo I came from La Salle Greenhills, we own the number one accounting firm in the Philippines, my hobby is car racing” Mga bigatin pala ang mga kaklase ng dalaga lalong siyang nanliit sa sarili, halos matawag na lahat ng kaklase niya at lahat talaga masasabing angat sa buhay. “Mr. Brandon Aleman” sunod na tinawag ang katabi niya. Para naman siyang nahiya dahil sumulyap muna ito sa kanya bago pumunta sa unahan. “I came from St John Academy, we do car dealership and car rentals ” napawow si Cham sa isip niya mayaman talaga sila lahat, siya na lang ang hindi tinatawag, napakagat siya sa labi ng tinawag na siya at sinensyasan na pumunta na sa unahan. “Hi I’m Chamile Hontiveros you can call me Cham, I came from Mauban Catholic School” nakita niya na napaismid ang guro niya na mukhang nagtataka at hindi alam kung saan ang ekswelahan niya. “Ms Hontiveros where is that?” “Sa Mindoro po.” Nakangiting sagot niya. “Ohhh okay continue” “Ang business po namin ay bigas” namilog ang mga mata ng professor sa reaction nito. “So dealer kayo ng mga bigas sa Pilipinas right?” “Hindi po magsasaka po kasi ang magulang ko yung naani po nila ang binebenta lang namin.” Biglang umingay at lahat ay nagbubulungan nagtataka kung paano nakapasok ang dalaga sa eskwelahan na ito. “Sorry to ask you but how you were able to enroll here?” nanlulumo na ang dalaga at nanginginig na ang mga tuhod niya pakiramdam niya ay pinaguusapan siya lahat ng kaklase niya. “I applied for scholarship then my bestfriend’s parents po is also helping me financially.” Nakatungong sabi niya. Nagulat siya ng pumalakpak ang kanilang guro. “I’m proud of you so we have a scholar here, aasahan kong mangunguna ka sa klase ko. You can go back to your seat” Nakatungo pa din siyang naglakad pabalik sa upuan, seryoso siyang nakinig nang ang guro na niya ang nagpakilala sa kanyang sarili. Diretso lang ang tingin niya sa guro pero parang pakiramdam niya sa gilid ng mata niya ay my mga matang nakatitig sa kanya. Maaga silang dinismiss sa unang klase at binigyan sila ng una nila takdang aralin. Agad namang hinanap ng dalaga ang susunod na subject niya at agad naman niyang nakita ito wala pang tao naupo ulit siya sa dulo, isa-isa na din nagdatingan ang iba niyang kaklase halos lahat ng kaklase niya sa unang klase ay siya ring kaklase niya. Dumating na din si Brandon yung katabi niya at tinabihan siya, tumingin ito sa dalaga bago umupo at binigyan naman ng dalaga ito ng maliit na ngiti. Katulad ng sa una puro pakilala lang ang nangyari sa klase, natapos ang tatlong subject at lunch time na nila. Agad naman niyang hinanap ang canteen dito sila magkikita ng kaibigan. Binigyan din siya ng kaibigan ng cellphone para naman daw may communication naman daw sila, Pinagaaralan pa niya ito dahil first time niya din magkaron ng mamahalin na cellphone.Tinext niya ang kaibigan at ipinaalam na andito na siya sa canteen. Pagpasok niya ay ang daming mga estudyante agad siyang naghanap ng mauupuan. Buti nalang my natira pang pangdalawahan na mesa agad niya itong pinuntahan. “Besss” sigaw ni Sharm na nasa pintuan pa lang. Napatingin naman ang halos lahat ng estudyante na nasa loob. “Bes ang lakas ng boses mo nakakahiya” “Hayaan mo sila kamusta ka na?” nakapila na sila ngayon sa counter at namili ng kakainin. “Ayos lang naman.” “May mga new friends ka na ba?” “Wala pa eh, nakakahiya kasi lahat sila mayayaman” malungkot na sabi niya. “Hayaan mo magkakaroon ka din ng mga new friends.” Bumalik sila ng mesa nila at hindi inaasahan na may nakabangga si Cham. “Sorry Brandon hindi ko sinasadya, sorry sorry” natapon ang dalang tray ni Cham. “Hindi okay lang ako may kasalanan papalitan ko na lang ang food mo” agad naman hinila ng binata ang dalaga sa counter na ikinagulat niya. “Pili ka na ako bahala.” Nilingon niya ang kaibigan na kasalukuyang nakaupo na at nakangisi sa kanya. “Nakakahiya Brandon ako na lang ang bibili” hindi siya pinakinggan ng binata at inorderan siya ng iba’t ibang pagkain. Inihatid pa siya ng binata sa mesa nilang magkaibigan. Lumipat pala si Sharm ng upuan. “Sabay ka na sa amin kumain. Bes anong name niya? Kaklase mo ba siya?” sunod sunod na tanong ni Sharm, agad namang pinakilala ni Cham si Brandon sa kaibigan. “Siya yung bestfriend ko Brandon si Sharm” nagshakehands ang dalawa, tumabi naman ang lalaki kay Cham. “Salamat ulit sa pagkain Brandon ah nakakahiya talaga buti hindi ka natapunan ng pagkain ko.” “Brandon pakigabayan tong kaibigan ko ah kasi bago lang yan sa Maynila, mabait naman yan” “Oo bah ako bahala sa kanya” sabay sulyap ng binata kay Cham, nagtama ang mata nila dahilan para maginit ang pisngi niya at makaramdam ng hiya agad naman umiwas ng tingin ang dalaga at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagpatuloy sa pagkwekwentuhan si Sharm at Brandon, tahimik lang nakikinig si Cham dahil hindi siya makarelate sa pinaguusapan ng dalawa. Natapos ang lunch break nila agad naman nagpaalam si Sharm sa dalawa. “Cham ako na magdadala ng bag mo” namilog ang mga mata niya sa sinabi ng binata. “Hindi na Brandon okay lang ako” mas nagulat siya ng hablutin na lang nito ang bag niya. “Bakit kasi ang dami mong dala, lahat yata ng libro dinala mo na first day palang kaya dapat notebook lang dala mo” nakangiting sabi ng binata sa dalaga. Naglakad na sila pabalik sa building nila at hinanap ang susunod na subject. Mga naglalakihan naman ang mga mata ng mga kaklase ng makita silang dalawa pagpasok ng room nila. “Nakabingwit na kaagad ang poorita” “Oo nga mahihirap nga naman oh didikit sa mayaman para magmukhang mayaman pero kahit anong tago amoy mahirap pa din” Hindi nakalagpas ang mga narinig niya bulungan ng mga kaklase gayunpaman hindi niya to pinatulan at sumunod na lang sa binata sa dulong bahagi at doon sila naupo. “Cham don’t mind them” hinawakan ng saglit ng binata ang kamay niya na ikinabigla niya. Hindi niya alam kung ano na ang itsura niya dahil sa sobrang init sa pisngi niya. Dito na nagsimula ang pagkakaibigan ni Brandon at Cham since block section silang dalawa ay araw-araw sila magkasama sa klase pati na din sa break. Si Sharm naman ay mga bagong set of friends din kaya madalang na din sila magsama pag break nila. “Mach ano ba ang sagot dito hindi ko kasi magets” simula ng naging close ang dalawa ay my sarili na silang pet name sa isa’t isa. “Nrab diba tinuro ko na sayo yan kahapon ambilis mo naman makalimot eh” nagmamaktol na sagot ng dalaga, andito sila sa isang malaking puno sa may openfield ng campus ito ang favorite na tambayan ng dalawa pag vacant nila at nagaaral silang sabay. “Sige na ituro mo na ulit dali na ibibili kita ice cream mamaya” nakangising lambing ng binata. “Kahit wala ng ice cream basta mapasa mo lang ang exam masaya na ako.” Inilagay ng binata ang ulo nito sa balikat ng dalaga. Ilang buwan na din simula ng magumpisa ang eskwela at talagang naging sobrang close ng dalawa madami napagkakamalan na sila na, pero para sa dalawa magkaibigan lang talaga ang turingan nila. Pareho kasi sila mahilig magaral ayun ang pinakadahilan bakit lalo silang naging malapit sa isa’t isa. “Ang sweet naman ng Mach ko, pataasan na lang tayo ng score manlilibre ang matalo? Game?” napaisip ang dalaga, wala talaga siyang extrang pera. Pinayagan siya ng daddy ni Sharm na magtrabaho sa publishing company nila pandagdag sa allowance niya sinisingit pa niya ito sa schedule niya. “Cge game ako basta pag ako talo ice cream lang ah or burger” sumang-ayon naman ang binata alam naman niya ang katayuan ng kaibigan. Dahil sa kasipagan ng dalawa sila din ang naguunahan sa klase sa pataasan ng grado, sa sobrang tuwa ng magulang ng binata ay ipinakilala niya ito sa mga magulang niya. Lumipas ang panahon na sila pa din ang magkatandem sa school, kung anong salihan na club ng isa ay andun din ang isa. “Happy Valentines Mach” bati ng binata sabay abot ng isang bungkos ng bulaklak. “Hoy nrab nagabala ka pa, baka magselos ang mga fans mo awayin na naman ako” paismid na sabi ng dalaga sabay kuha ng bulaklak at inamoy-amoy pa. Isa kasi sa mga sikat na basketball player ang binata dahil sa gusto ng binata na suportahan siya ng kaibigan ay sumali si Cham sa cheering dance group naman. “Bessssssssss” sabay silang napalingon sa sumigaw, si Sharm. “Bes bakit ka mukhang galing sa iyak?” halos walang klase ngayon sa buong campus dahil my events sila sa school at madaming abala sa iba’t ibang activities at booths. Niyaya niya si Sharm sa tambayan nila at nagsimula na naman na umiyak ito. Hindi na sumama si Brandon at inasikaso na lang ang booth nila. “Bes I’m so sad, bad news talaga” mukha talagang malaki ang problema ni Sharm dahil ang lakas talaga ng iyak niya. “Bes don’t tell me heartbroken ka?” “Hindi bes sa bakasyon dadalhin na ako sa America nila daddy gusto daw nila Lola na doon ako magpatuloy ng pagaaral” nagulat si Cham sa binalita ng kaibigan, hindi niya yata kakayanin mahiwalay sa kaibigan pati siya ay nagsimula ng malungkot at sinabayan na din itong umiyak. “Bes iiwan mo na ako dito?” matagal bago nakapagsalita si Sharm mahirap din sa kanya iwan ang Pilipinas lalo na ang kaibigan na umaasa din sa kanya. “Bes don’t worry sabi ni Daddy tuloy pa din ang pagtulong niya sayo, ako lang naman ang pupunta doon pati si Kuya mas makakabuti daw kasi kung doon kami magaaral mas maganda daw edukasyon don” napabuntong hininga si Cham ang dami tumatakbo sa isip niya hindi niya alam paano uumpisahan ang buhay dito sa Maynila pagalis ng kaibigan. Siya naman dating ni Brandon ng mapansi na mukhang umiiyak si Cham. “Mach bakit pati ikaw umiiyak na?” lumapit ang binata at inalo ang kaibigan pinunasan din nito ang mga luha ni Cham. “Brandon alagaan mo ang bestfriend ko ah wag na wag mo siya papabayaan, sa America na ako magaaral pagtapos ng school year dito” aniya ni Sharm sa binata. “Nakakalungkot naman pero tama na ang iyak, magsaya tayo hanggat andito ka pa si Sharm. Mach ayaw ko nakikita ka umiyak hindi pababayaan okay? Don't worry.” kitang kita sa binata ang pagaalala kay Cham dahil saglit lang nito iniwan ang magkaibigan ay namaga agad ang mata nito. “Nrab wag mo ako papabayaan ah ikaw na lang ang natitira kung totoong kaibigan dito.” Nginitian siya ng binata at binigyan siya ng isang ngiti ng assurance.Ngiti na nagsasabi na andyan lang siya para sa dalaga. Mabilis tumakbo ang mga araw, isang lingong puro exam para sa finals. Matindi ang pagaaral na ginawa nila Cham at Brandon. Halos buong araw sila magkasama at sabay ngaaral sa bahay ng binata. “Nakagawa na ako ng reviewer natin ipaprint mo na ah para my kopya ako paguwi ko babasahin ko ulit to” andito sila ngayon sa study room ng binata. “Cge pahinga muna tayo ang sakit na ng ulo ko” niyaya ni Brandon ang dalaga sa kusina para magmeryenda. “Iho my hinanda akong meryenda para sa inyo ni Cham, kumain muna kayo” alok ng mama ni Brandon. “Thanks po tita” “Kamusta naman ang pagrereview niyo? Sino ba ang nangunguna sa inyo sa klase iha?” “Mommy hindi ko matalo tong babae na to, sobrang sipag kasi magaral parang kahit sa pagtulog ay nagaaral siya” sabay nagtawanan sila, masaya ang Mommy ni Brandon dahil sa naging masipag magaral ang binata dahil kay Cham. “Maganda yan buti iha wala pang nanliligaw sayo sa school?” nagkatinginan ang dalawa sa tanong ng mommy ni Brandon. “Wala po tita takot po yata kay Brandon kasi lagi ko siya kasama akala nga po sa school ay kami, natatawa na lang ako sa kanila.” “Sabihin mo wala talaga nanliligaw sayo” pangaasar ng binata, napanguso na lang ang dalaga at pinagpatuloy ang pagkain. “Sa ganda ni Cham at kasimplehan imposibleng walang magkagusto sayo iha” naginit ang pisngi ng dalaga sa papuri na narinig. “Uy namumula siya nasabihan ng maganda” natatawang sabi ng binata. “Ewan ko sayo, wala pa sa bokabularyo ko magboyfriend saka na pag nakatapos na ako.” Sabi niya at Inirapan niya ang binata Palapit na ng palapit ang bakasyon halos araw araw na malungkot si Cham dahil paalis na ang kanyang kaibigan. Kakatapos lang ng finals nila sa school at nakaraos naman siya sa lahat ng exam hinihintay na lang nila ang resulta. “Mach” tawag ni Brandon andito sila sa canteen. “Oh” maikling sagot niya. “Kanina ka pa walang kibo at laging tulala okay ka lang ba. Ito binilhan na kita ng pagkain” nagkibit balikat lang ang dalaga at inumpisahan ang pagkain. “Malungkot lang ako kasi dalawang lingo na lang aalis na si Sharm” tama ang hinala ng binata na ito ang dahilan bakit tahimik ang dalaga. “I’m still here Mach I won’t leave you okay?” binigyan siya ng maliit na ngiti ng dalaga. Maaga nagising si Cham, ngayon na ang flight ni Sharm paglabas niya ng kwarto ay nakita na niya na nasa sala si Brandon sasamahan kasi siya nito sa paghatid sa magkapatid sa airport. Nagbreakfast lang silang apat at dumeretso na sa airport. “Cham pagbalik ko dapat wala ka pa din boyfriend ah” nagulat si Cham sa sinabi ni Rico andito na sila ngayon sa kotse ni Brandon papuntang airport, napatingin naman sa rearview mirror si Brandon para tignan si Rico, andun kasi ang magkapatid sa likod at si Cham ang nasa harap. “Siguro pagbalik mo wala pa nga ako boyfriend kasi saka na yang boyfriend pag successful na ako” “Naku bes wag ka magpalate bloomer hindi mo maeenjoy ang buhay teenager kaya go lang ng go basta babalitaan mo ako wag na wag mong kakalimutan dapat ako una makakaalam okay” napaubo si Brandon sa sinabi ni Sharm. “Bes sa tingin mo dapat ba magkaboyfriend ako bago ako magwork? Kailangan ba talaga yun?” curious na tanong niya sa kaibigan. “Hindi, hintayin mo ako Cham pinapahinog ko lang ikaw mukha ka pa kasing nene eh” bumaling ang tingin ni Cham sa likod at tinignan ng masama si Rico. “Hoy hindi kita type noh, never as in never.” Lihim namang natuwa si Brandon sa sinabi ni Cham sa kapatid ni Sharm. “OMG Kuya sabi ko na eh crush mo si Cham kahit noong mga bata pa tayo noh?” panunukso ni Sharm sa kuya niy. “Hindi ah, niloloko ko lang si Cham sineryoso niyo naman” sabi ni Rico sabay tawa ng malakas. “Wala ka talagang magawa kang matsing ka. Pagdating mong America monkey na ang tawag ko sayo. Baliw” inis na sabi ng dalaga kay Rico, natawa naman ng malakas si Brandon at Sharm. Buong byahe ay walang namutawi sa loob ng kotse kundi ang asaran ng dalawa. Nakarating na sila sa airport, pagbaba ng kotse ay nagiba ang ihip ng hangin ang kaninang masayang Cham ay biglang tumamlay. “Bes don’t be sad okay? Iniwan ko na sayo ang laptop ko para makapagchat naman tayo magvideo call pa tayo para hindi naman natin mamiss ang isa’t isa” niyakap ni Cham ang kaibigan ng sobrang higpit. “Pangako ko sayo bes pagbalik mo tapos na ako sa pagaaral at sabay natin tutuparin ang pangarap natin ah. Hihintayin kita.” Matagal nagyakapan ang magkaibigan, madami silang hinabilin sa isa’t isa. Tinawag na ang flight nila, naghiwalay na sila sa pagkakayap na may mga magang mata. “Bes magiingat ka dito ah, iingatan mo sarili mo Brandon wag na wag mong pababayaan ang bes ko ah. “ umalis na ang magkapatid at naiwan na ang dalawang kumakaway sa dalawa. Tuloy pa din ang pagiyak ni Cham habang si Brandon naman ay sige lang ang hagod sa likod niya. Eto na ang umpisa ng pagiging independent ni Cham, mamumuhay siya magisa dito sa Maynila habang nagaaral at nagtratrabaho. Ano kaya ang magyayari sa kanya sa panahon na wala ang matalik na kaibigan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD